LOGIN“Gusto mo makita nila tayo sa ganitong posisyon, Mielle? ‘Yon ba?” napapaos na tanong ni Aeron. Napilitang magpakasal si Elysia Mireille Severino kay Aeron Sylvain Vieri para bayaran ang utang ng kaniyang mga magulang. Ang kasunduan nila, hindi dapat sila puwedeng magkagusto sa isa’t isa. Iikot lang ang kanilang pagsasama sa kondisyon, at mga patakaran na pinag-usapan nila. Ngunit paano kung ang napagkasunduan nila ay hindi nila nagawang sundin, at nauwi sa lihim na pagnanasa? “Tumingin ka sa akin. Alam kong may nararamdaman ka. Hindi ba?” tanong ni Aeron. Akala nilang pareho, kaya nilang sundin ang kontratang napag-usapan nila. Kaya lang ay habang tumatagal, mas lalo silang nahihirapang pareho. Dumating sa puntong kinailangang umalis ni Elysia sa bahay nila para lang piliin muna saglit ang sarili niya, at hindi nagawang ipaalam ang kaniyang desisyon kay Aeron nang dahil sa isang maling akala. “Tingin mo makaaalis ka pa? Hindi! Dito ka lang. Hindi ka puwedeng umalis. Hindi mo ako puwedeng iwan.” Ang kontratang hindi nila kailanman inaakala na hindi nila masusunod. Na simula’t sapul naman, sila ang itinadhana. Pero ang pagnanasa nila para sa isa’t isa ay nanatiling lihim, dahil wala ni isang gustong umamin.
View MoreElysia Mireille Severino’s Point of View
“Umutang kayo, tapos gusto niyo akong ipakasal sa kaniya para makapagbayad kayo?!” hindi makapaniwala kong tanong sa aking mga magulang. “Bakit ako ang magbabayad niyan?” “Ely, look. Sinubukan naming palaguin ‘yon, pero nalulong ang Daddy mo sa sugal.” Mariin akong napapikit. Nanginginig ang aking kalamnan sa kanilang mga paliwanag. Parang hindi ko kayang pakinggan ang rason nila. “We did our best. Hindi naman namin alam—” “Kasi nagpasilaw kayo sa pera!” singhal ko sa kanilang dalawa, at iminulat ang aking mga mata. “Tingin niyo ba ay mapapalago niyo ang perang hiniram niyo sa pamamagitan ng pagsusugal?!” Ano bang klaseng pag-iisip ‘yon? Inilihis ko ang aking mga mata. Humugot ako nang malalim na hininga. Napahawak ako sa aking noo, dahil parang sasabog na ‘yon. Wala ni isa ang nagsalita. Tanging mabibigat na paghinga lamang ang maririnig sa loob ng study room. “Kaya ba bumagsak ang mga business natin kasi pareho kayong nalulong sa sugal?” tanong ko sa kanilang dalawa. Maayos naman ang mga business namin, eh. Pero nitong mga nakaraang buwan, parang may mali. Hindi ko lang pinansin ‘yon masiyado, dahil mas pinagtutuunan ko ng pansin ang pag-aaral ko. Ngunit ngayong graduate na ako, at handa na sanang i-manage ang mga business namin, saka naman ‘to nangyari. Ganito ba talaga kasuwerte ang buhay ko? Suwerteng-suwerte sa problema. “Ely….” “Sagutin niyo ‘ko, Mom!” Marahas akong napalingon sa kanila. Tiningnan ko sila nang mariin, habang pilit pa ring pinakakalma ang aking sarili. Hindi na sila makatingin sa aking mga mata ngayon. Si Daddy, hinilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha. Si Mommy naman, pinaglaruan na lamang ang kaniyang kamay. “Oo—” “What the fuck?” Natawa ako nang pagak, at napailing. This is bullshit. Tumalikod ako sa kanila, at nagsimulang maglakad paalis. “Anak, magpakasal ka sa kaniya. Kailangan lang talaga niya ng asawa. Bukod doon wala ka rin namang ibang gagawin. Wala kang magiging problema kasi siya ang asawa mo.” Natigilan ako. Parang may kung anong matalim na bagay ang bumaon sa aking dibdib na siyang nagpasinghap sa akin. Napaawang ang aking labi, at dahan-dahang lumingon muli sa kanila. Ngunit hindi ko inaasahan ang pag-yakap sa akin ni Mommy. Nagsimulang yumugyog ang kaniyang mga balikat, habang ang kaniyang mukha ay sumubsob sa aking balikat. Si Daddy naman ay nakatingin lang sa amin. Kitang-kita ang pagsisisi sa kaniyang mga mata. “Ely, magiging maganda ang buhay mo roon. Maniwala ka sa akin—” “Naririnig niyo ba ang sinasabi niyo, Mom?!” sigaw ko sa kaniya, at pilit siyang inilalayo sa akin. Umatras siya nang dalawang hakbang nang tuluyan kong tanggalin ang kaniyang bisig na nakapulupot sa akin. “Ipangbabayad niyo ako sa utang niyo mismo? Ako na anak niyo?” Nanginig ang aking labi, habang nakatitig sa kanilang dalawa Napahagulgol si Mommy, at sinapo ang kaniyang mukha. Ang kaniyang hagulgol ang nagsilbing ingay sa loob ng study room. Ngunit hindi ako naawa, dahil bakit? Ako ang kawawa rito. Gagawin akong bayad sa utang nila. “Ely—” “Shut up!” singhal ko sa kaniya, at pinadasahan na lamang ang aking mga daliri sa aking buhok. Bigla naman kaming nakarinig ng katok mula sa p***o, pero wala ni isa ang nagsalita. Lahat kami ay tahimik—tanging ang hagulgol lang talaga ni Mommy ang maririnig. Kaya nang bumukas ang p***o, napagawi ang aking mga mata roon. Pumasok ang mayordoma, at yumuko nang kaunti. “Pasensiya na po sa biglaang pagpasok ko, pero may bisita po kayo.” “Sino?” tanong ni Daddy. Nang mag-angat ng tingin ang mayordoma, kaagad siyang napasulyap sa akin, pero ibinalik rin naman nito ang kaniyang atensyon kay Daddy. “Si Sir Vieri po.” Vieri? Bakit pamilyar sa akin ‘yon? Sumulyap ako kay Daddy na ngayon ay nalaglag ang kaniyang panga, habang si Mommy naman ay mas lalo lamang napahagulgol. Kung ibabase ko ang kanilang mga reaksiyon, isa lang ang ibig sabihin. Sa kaniya sila nagkaroon ng utang. “Nandito na siya. Ano ang gagawin natin?” Dumako ang mga mata sa akin ni Daddy, at umigting ang kaniyang panga, habang ako naman ay hindi nagsasalita. Sinusuri lamang sila kung paano nila lulutasin ang bagay na ‘to. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib. Hinayaan ko silang mag-usap, habang ang mayordoma naman ay nakatingin lamang sa aking mga magulang. “Papasukin natin siya—” “Hindi nga gusto ng anak natin ‘yang naging kasunduan niyo! Pakiusapan na lang natin. Magbabayad tayo!” “Ano ang ipangbabayad natin? Naisugal na natin lahat!” Napahawak si Daddy sa kaniyang ulo. Bumibigat na ang kaniyang paghinga—para siyang kinakapos sa hangin. Si Mommy naman, mas lalo lamang napaiyak. Inabot niya ang facial tissue na nasa harapan niya Ito ang napapala ng sugal. Wala naman akong kaalam-alam na nagsusugal sina Mommy, at Daddy. Pero mukhang dahil ‘to sa pagkalugi ng mga business namin kaya sumubok sila—na akala nila ay kapag nangutang sila, at ipinangsugal, dodoble. Pero unti-unting naubos. Ngayon na kailangan na nilang magbayad, hindi nila magawa. “Ibenta na lang natin ang mga property natin—” “Kulang ‘yon! Halos five hundred million pesos ang nautang natin sa kaniya. Magkano lang naman ang mga property natin!” Shit! Kaya ba ako ang gusto nilang ipangbayad, dahil umabot na ‘yon sa ganoong halaga? Pero hindi naman ganoon ang worth ko, ha? Hindi lang five hundred million pesos. “Papasukin mo siya rito. Kailangan natin siyang kausapin. Baka magbago ang isip ni Ely.” Nanginig ang aking mga labi, at hindi na napigilan pang matawa. Napalingon silang lahat sa akin, habang si Mommy naman ay mas lumakas lamang ang kaniyang iyak. “Ako pa rin talaga ang naiisip niyong paraan?” tanong ko sa kanilang dalawa nang ako ay kumalma. “Para rin naman sa ‘yo ‘to, anak! Para hindi ka malugmok—” “Kasi kayo ang may kagagawan!” sumbat ko sa kaniya, at itinuro sila. “Nakapagtapos na ako. Ako na dapat ang hahawak, pero ano ang ginawa niyo?! Nilulong niyo ang sarili niyo sa pagsusugal! Wala naman kayong mapapala riyan kung hindi ay problema!” Hindi sila nakasagot. Nakatingin lang sila sa akin, at nahihirapan. Napailing na lamang ako, at nagsimulang maglakad palabas ng study room. Hindi naman nila ako sinundan, ngunit natigil na lamang ako sa paglalakad nang may lumitaw na lalaki sa aking harapan. Nagtama ang aming mga mata, at nakita ko kung paano dumilim ‘yon—kung paano mawalan ng emosyon. “Sir Vieri, puwede na po kayong pumasok sa study room ni sir,” pahayag ng mayordoma. “Ma’am Elysia, sasama raw po kayo sa kaniya sabi ni sir.”Elysia Mireille Severino’s Point of ViewNagising na lamang ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan niya, at nang lingunin ko siya, nagtama ang aming mga mata. Mula sa ilaw na nagmumula sa labas, bahagya kong naaaninag ang mukha ni Aeron.“Did I wake you up?” tanong niya, gamit ang mababang boses.Umiling naman ako nang bahagya, at kinusot ang aking mga mata nang kaunti.“Hindi naman. Mababaw lang talaga ang tulog ko,” napapaos kong paliwanag.Sinabihan niya akong umidlip muna, habang nasa biyahe kami pabalik ng Manila. Noong una ay tinanggihan ko pa, ngunit dahil medyo marami rin akong nakain kanina, nakaramdam ako ng antok.Dahan-dahan ko naman inabot ang seat belt, at tinanggal ‘yon. Pinatay naman ni Aeron ang makina ng kaniyang sasakyan, ngunit ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin.“Gutom ka?”Ibinalik ko naman ang aking atensyon sa kaniya, at ngumiti. “Busog pa ako. Ang dami nating kinain kanina.”“Bumili ako ng chocolate chip cookies,” wika niya na siyang ikinakurap k
Elysia Mireille Severino’s Point of View “Ano ba dapat?” tanong ko sa kaniya, may nakalolokong ngisi sa labi niya.Sinubukan kong maging kalmado kahit papaano, ngunit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pasimple kong kinurot ang aking daliri, at tinitigan siya, kahit na gusto ko na talagang ilihis ang aking mga mata.Biglang tumahimik ang buong paligid, habang nakikipagtitigan ako kay Aeron. Hindi ko alam kung dahil ba sa tensyon sa pagitan namin, o kung ano.“Alangan na sabihin kong pangit ka, kahit hindi naman?”“So, guwapo nga ako sa paningin mo?”Napakurap ako, at medyo natawa nang mahina nang tuluyan kong maintindihan ang gusto niyang iparating.Sa totoo lang, hindi ko na alam kung nagpapanggap pa ba kami ngayon, dahil kumikislap ang mga mata niya.Hindi ko rin maramdaman na pagpapanggap lang ang lahat ngayon lalo pa’t ang lakas ng kabog ng puso ko.“Kahit naman sino, magaguwapuhan sa ‘yo.”Dinilaan niya ang kaniyang ibabang labi, at ipinilig nang kaunti ang kaniyang ulo. Lumapit
Elysia Mireille Severino’s Point of View Sobrang init mukha ko nang lumabas ako sa sasakyan ni Aeron. Nang magtama ang aming mga mata, umangat ang sulok ng labi niya. Inalalayan pa niya akong makatayo nang maayos, ngunit hinampas ko lamang ang kaniyang dibdib.“Si Aeron ba ‘yon?”Napakurap ako nang maisara niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. Hindi pa man kami nakalalayo, pero may nakakikilala na kaagad sa kaniya.“Hala! Oo! Siya nga!”Hinuli naman ni Aeron ang kamay kong humampas sa kaniyang dibdib, at hinawakan ‘to nang mahigpit.Hinigit naman niya ako palapit sa kaniya, at mabilis na hinalikan ang labi ko, kahit may nakatingin sa amin ngayon.“Fiancée niya yata ‘yon.”“May fiancée ba siya? Wala akong nabalitaan. Ang alam ko, single siya.”“Seryoso ka ba? Kalat ‘yon sa social media!”Nagsimulang gumalaw ang labi ni Aeron na siyang ikinasinghap ko. Kinuha naman niya ‘yong pagkatataon para ipasok ang kaniyang dila sa bibig ko na siyang nagpapikit sa akin nang mariin.Sinubukan kong t
Elysia Mireille Severino’s Point of View “Matulog ka muna,” saad niya, ngunit nakatitig lang ako sa kaniya, habang nagmamaneho siya.“Bakit ako matutulog? Unfair ‘yon sa side mo,” saad ko, dahil ‘yon naman talaga ang totoo.Sumulyap naman siya sa akin saglit, ngunit ibinalik kaagad ang kaniyang atensyon sa harapan. Nakapatong ang isang kamay niya sa gearshift, habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela.Medyo mabilis din ang kaniyang pagmamaneho, ngunit halata naman na nag-iingat siya. Isa rin siguro sa dahilan ay sports car ang gamit niya. Eh, magkaiba pa man din ang performance ng mga normal na sasakyan kung ikukumpara sa sports car.“Paanong naging unfair? It’s fine. Pagod ka sa trabaho,” paliwanag niya, pero umiling lang ako.Kinuha ko ang cellphone ko, at kinuhanan siya ng video. Ipo-post ko mamaya sa social media account ko kapag nakarating na kami sa Tagaytay. For safety reasons na rin kasi. Maraming nakakikilala sa kaniya kung ikukumpara sa akin.“Pagod ka rin naman,” kome


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews