Home / Romance / Seducing My Hot Ninong Everett / 0742: Season 5 (Chapter 45)

Share

0742: Season 5 (Chapter 45)

last update Last Updated: 2025-07-09 23:26:30

Ahva POV

Masarap sa pakiramdam na sa bawat utos ko, unti-unting lumuluwag ang tikas ni Cael Umbra. Hindi naman ako sadista. Minsan lang talaga, may saya sa paniningil ng utang na pagkatalo sa isang hamon na galing mismo sa kanila.

Pero today, hindi typical na utos lang ang magaganap. Pagkagising ko kasi kaninang madaling araw ay naalala kong wala nga palang morning class, so bakit hindi ako pumunta sa gun training?

Hindi lang para sa skills. Gusto ko ring makita kung paano bumaril si Cael. Gusto kong maikumpara kung gaano kalaki ang agwat namin. Kung talaga bang malayo pa ako sa mga tulad niya.

At siyempre, naisip ko rin na baka makuha ko ang loob niya at makipagtulungan siya sa akin para matalo ko si Kara. Sa tingin ko kasi ay takot lang sila dahil kilala si Kara na mayaman at magaling. Pero kung ikukumpara siya sa akin, lalaban ako sa payamanan. Sa skills, titignan ko pa, marami pa kasi akong hindi nakikita sa bruha na ‘yon.

“SAAN TAYO PUPUNTA?” tanong ni Cael, habang hawak ang bag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
hwaaaaaa, lagot na
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0868: Season 5 (Chapter 151)

    Ahva POVKung dati, si Eryx lang ang inaasikaso ko dito sa bahay niya, ngayon may nadagdag na. Oo, pati si Kara, kailangan ko ring intindihin dahil kailangan niya. Ayoko namang si Eryx pa ang mag-alaga sa kaniya, kaya mainam pang ako na lang.Pagbaba ko sa hallway papunta sa guest room, narinig ko agad ang boses ni Amon.“Huy! Ahva! Ang aga mo ah!” sigaw niya mula sa loob, na para bang pag-aari niya na ang buong bahay.Pumasok ako at bumulaga sa akin ang eksenang hindi ko inaasahan. Si Kara, nakaupo sa kama, nakasandal sa malambot na headboard, naka-braid pa ang buhok, si Amon ang nagbraid. Pinag-trip-an daw niya ang buhok nito.Si Amon naman, nakasalampak sa carpet, may hawak na maliit na lalagyan ng moisturizer.“Ahva, tingnan mo!” sabi ni Kara, proud na proud. “Si Amon nakaka-braid pala! Akala ko puro suntukan lang alam nito.”Si Amon, kunwari pa-cool. “Madali lang naman. Nanood lang ako dati sa video at hindi ko inaakalang kaya ko palang magaya.”Napangiti na lang ako, natutuwa ka

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0867: Season 5 (Chapter 150)

    Eryx POVNgayong araw, hawak ko na ang sampung alam kong malalakas, walang sugatat pinili kong mga estudyante mula sa mga nasagip namin. Matatangkad, mabilis kumilos at matatalas ang mata. Kung tutuusin, maraming nagpaiwan, pero itong sampung ‘to, ibang klase ang presensya na nakikita ko sa kanila.“Simula ngayon,” sabi ko habang nakasandal ang kamay ko sa likod, “buburahin ko ang kahinaan ninyo. Hindi kayo trainee. Hindi rin kayo basta-bastang apprentice. Sa loob ng ilang araw magiging anino ko kayo.”Tahimik lang silang lahat at walang kumikibo. Minsan, mas gusto ko ‘yung ganoon ‘yung tingin pa lang nila, alam mong desperado talaga silang lumaban.“Handa na po kami, Boss Eryx,” sigaw ng isa.Tumango naman agad ako. “Simulan na natin.”Dinala ko sila sa lumang underground training grounds sa ilalim ng mansiyon ko. Parang maze iyon, puro pader, poste, scaffolding, mga beam at elevated platforms. Madilim, para masanay sila sa natural na kondisyon ng mga assassin.“Rule number one,” sab

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0866: Season 5 (Chapter 149)

    Eryx POVMagulo ang umaga ko, pero mas magulo ang isip ko habang nakaupo sa mahabang lamesa sa hall ng mansiyon. Nasa kanan ko si Amon na mas maayos na ang itsura niya ngayon kumpara noong araw na sinagip siya ni Ahva. Sa kaliwa ko naman ay nadoon ang mga kapatid kong sina Sorin, Zuko, pati na rin Ramil, lahat sila ay seryoso, parang mga sundalong naghahanda para sa isang malalang labanan.Habang nasa itaas si Ahva, abala kakalakad sa hallway papunta sa guest room para alagaan si Kara, kami naman ang busy sa pakikipag-usap sa mga estudyanteng nasagip namin. Isang daan sila kahapon, pero ngayon… kalahati na lang ang nakaupo sa harap namin. ‘Yung iba, umuwi na. Hindi ko sila masisisi. Hindi biro ang pinagdaanan nila at hindi lahat ng tao pinanganak para lumaban.Pero itong mga naiwan? Iba ang apoy sa mga mata nila.Huminga ako nang malalim bago nagsimula. “Okay,” sabi ko habang nakasandal sa upuan. “Isa-isa namin kayong kakausapin. Hindi namin kayo pipilitin. Pero kung magpapaiwan kayo,

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0865: Season 5 (Chapter 148)

    Ahva POVMag-a-alas nuebe na ng umaga nang tuluyan akong magising, pero pakiramdam ko parang hindi ako natulog. Siguro dahil puyat na puyat at umaga na rin nakatulog kanina.Nasa guest room na si Kara, ayon Kay Eryx. Hindi pa siya malakas tulad ng dati pero at least, may kulay na ‘yung pisngi niya, at medyo nakakatayo na siya nang hindi nanginginig nang sobra. At dahil ayaw niyang magpaalaga kahit kaninong kasambahay namin dito, ako na mismo ang sumalo ng role na iyon dahil nagawa ko na ito sa kaniya noong nasa school pa kami.Pagbukas ko ng pinto ng guest room, una kong naamoy ang malinis na linen at ang mabangong candle na nakabukas ngayon. Malinis, malamig at tahimik ang buong kuwarto, malayo sa takot at ingay ng kulungang pinagdaanan niya ng ilang araw.Nasa kama si Kara, naka-upo, nakabalot sa kumot na kulay beige. Suot niya ‘yung pajama na pinili ko mismo na malambot, warm at pink.“Aba, gising ka na pala,” bati ko, sabay lapit sa kanya.Ngumuso siya. “Kanina pa, nagising na ako

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0864: Season 5 (Chapter 147)

    Ahva POV“Hindi ka na babalik sa impyernong ‘yun, Kara,” sabi ko sa kaniya, hindi na ako umalis sa tabi niya para tumigil na siya sa kakaiyak.Maya maya, biglang pumito si Eryx mula sa kabilang side ng parking lot. Nakataas ang kamay nito, nangingitim ang suot na tactical gear, pero bakas pa rin sa mukha niya ang pagiging alerto.“Ahva! Halika rito sandali!” malakas niyang sigaw.Lumapit ako agad. Pagdating ko, hawak niya ang isang maliit na walkie-talkie na galing pa yata sa isa sa mga nasawimpalad na bantay. Nakakunot ang noo niya at kapag ganito si Eryx, ibig sabihin may masama siyang nalamang bago pa namin malaman ang buong problema.“May problema ba?” tanong ko.Tumango siya. “May hinahanap tayong apat pa, ’di ba? Sina Cael, Nyra, Penumbra.”Napalunok ako. “Oo. Bakit?”Pinindot niya ang play button ng radio, at narinig namin ang boses ng isang bantay… humihingal, parang takot na takot.“—ilipat niyo na sila sa Main Facility! Baka ma-trace nila ang underground cell. Ulitin ko, ili

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0863: Season 5 (Chapter 146)

    Ahva POVToday is the day. Sa wakas, may pag-asa na kaming makita ulit ang mga kaibigan namin.Narito kami ngayon sa loob ng isang lumang warehouse na ginawa naming temporary base. Lahat kami nakasuot ng dark outfits, tactical gears, at naka-communicator. Si Amon ang pinagmamasdan ko mula sa gilid, nag-i-stretch ng braso, halatang kinakabahan pero mas matatag na siya kumpara noong una naming makita.“Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.Ngumiti siya, payat pa rin pero malakas na ang aura. “Okay na okay kaysa nung unang araw na makita mo akong duguan at mahina.”Napangiti ako. Mabilis ang progreso niya nitong nakaraang linggo. Pinilit namin siyang lumakas—healthy food, supplements, tulog, disiplina at siyempre, training ni Eryx. Kung hindi dahil sa boyfriend kong mafia boss, siguro hindi ganito kabilis ang pagbangon ni Amon. Lahat ng alam ni Eryx, disarming, shadow strikes, silent takedowns—itinuro niya. At ngayon, confident na si Amon sa bawat galaw niya.Narinig ko ang mababang bose

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status