Compartilhar

Chapter 25 [Lungkot]

Autor: Dwendina
last update Última atualização: 2026-02-11 22:36:39

“Good luck,” pahabol na wika ni Leslie nang silipin siya nito sa bintana ng kaniyang kotse matapos niyang maibaba ang kaibigan sa bahay nito.

Makalipas ang ilang oras sa pagsa-shopping kasama si Leslie, magdidilim na rin nang makauwi si Gabriella sa mansion ni Francis.

“Guard, si Sir Francis ba nakauwi na?” tanong niya rito nang huminto at sumilip matapos siya nitong pagbuksan ng gate.

Umiling ang binatang security guard at marahang sumagot, “Wala pa ho, ma'am pero si madam po ang dumating k
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 26 [Plano]

    Malalim na ang gabi, ngunit hanggang ngayon tulala pa rin si Gabriella habang nakatitig sa kisame. Hindi siya makatulog sapagkat naglalaro pa rin sa utak niya ang katanungan na nais niyang masagot. Kasalukuyan siyang nasa guest room, gising ang diwa. Kanina pang tulog si Leslie. Nais niya sana itong makausap, kaso gabing-gabi na. Naisip niyang bukas na lamang. Humugot siya ng malalim na hininga. Masyadong tahimik ang paligid. Tanging tiktak lamang ng orasan na nakasabit sa dingding ang maririnig. Bumangon siya, naupo at sumandal habang yakap ang unan.‘Mildred, Norma.. sino nga ba sila?’ Nilingon niya ang cellphone. Wala ni isang tawag o text ang natanggap niya mula kay Francis. Sinubukan niyang tawagan ang binata ngunit hindi nito sinasagot. Muli niya iyong inilapag sa mesa. Bakit kaya hindi ito sumasagot? Nakalimutan na nga ba siya ng binata? Nag-enjoy nga ba ito nang sobra, rason para hindi na siya nito maalala? Sunud-sunod na katanungan ang namuo sa isipan ni Gabriella. Walang

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 25 [Lungkot]

    “Good luck,” pahabol na wika ni Leslie nang silipin siya nito sa bintana ng kaniyang kotse matapos niyang maibaba ang kaibigan sa bahay nito. Makalipas ang ilang oras sa pagsa-shopping kasama si Leslie, magdidilim na rin nang makauwi si Gabriella sa mansion ni Francis.“Guard, si Sir Francis ba nakauwi na?” tanong niya rito nang huminto at sumilip matapos siya nitong pagbuksan ng gate. Umiling ang binatang security guard at marahang sumagot, “Wala pa ho, ma'am pero si madam po ang dumating kanina.”“Ano?” Natigilan siya at tila nabinging bigla sa narinig. “Madam ba kamo?” ulit niya nang may paninigurado.“Yes ma'am,” muli nitong sagot. Hindi na niya naiabante pa ang sasakyan nang mabilis siyang napalingon sa second floor ng bahay. Distansya mula sa kinaroroonan niya. Mukhang napansin niya ang tila imahe ni Marianna, ang ina ni Francis na minsan na niyang tinawag na mommy noon, ngunit hindi na ngayon. Napalunok siya nang wala sa oras at dahan-dahang lumakas ang pintig ng kaniyang

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 24 [Katapangan at Katatagan]

    “Masyado kang marupok,” natatawa ngunit naiiling na wika ni Leslie. Kasalukuyan silang nasa mall–gumagala. Niyaya niya ito para makapag-shopping na rin at magpa-spa. Sagot ni Francis ang lahat ng gastusin niya dahil binigyan siya nito ng card.“Wala akong choice, mahal ko siya, e..” walang kiming tugon niya sa komento nito matapos ikwento ang kasalukuyang estado nila ni Francis.“Hmm, ang sabihin mo yummy siya..” panunudyo ni Leslie nang pasimpleng kurutin siya sa tagiliran.“Tumigil ka nga, nasa public tayo..” saway niya rito sabay irap sa kaibigan habang pilit na pinipigil ang ngiti.“Sus, aminin mo na kasi..” nakangising wika nito. “Na-na yummy siya..”“Ewan ko sa ‘yo,” turan niya nang itutulak na sana ang glass door ng Thai Massage and Spa ngunit napahinto sila nang marinig niyang may tila tumawag sa pangalan niya.“Gabriella!” Sabay silang napalingon ni Leslie. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ito. Napatingin siya sa kaibigan.“Buti nakita kita, nag-alala ako sa ‘yo, a,

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 23 [Paggising]

    Napakunot ng noo si Gabriella matapos niyang imulat ang kaniyang mga mata. Isinandal niya ang kaniyang likod sa headboard at napahawak sa ulo dahil sa bigat nito. “Ganyan na ba ang gawain mo ngayon?” Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. ‘Francis?’ Kaagad siyang umiwas ng tingin nang makilala ito. Tumayo ito mula sa sofa at lumapit sa kaniya. “Ganyan ka na ba kadesperada at hinahayaan mo na lang na bastusin ka ng mga kalalakihan sa bar?” Muling nanumbalik sa alaala niya ang nangyari kagabi. Lasing na siya pero alam niya ang kaniyang ginagawa. Dahil sa hilo ay hindi na niya namukhaan ang lalaking humapit sa kaniyang bewang at nagbuhat sa kaniya palabas, pero malakas ang pakiramdam niyang pamilyar ang amoy nito at anyo. Ngayon niya napagtanto na si Francis ang lalaking iyon. Nagbaba siya ng tingin ngunit agad rin namang inangat ang mukha at matapang na nagwika, “Hindi ko kailangan ng komento mo. Bakit mo ako dinala rito, hindi ba’t–” “Hindi ko gusto ang ginagawa mo,”

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 22 [Kapahamakan]

    “I like your body shape, your beautiful innocent face and that angelic eyes.. perfect na perfect ka para sa ‘kin,” wika nito nang mapanlarong ngumiti. “Ho?” “Ah, mamayang 3pm sisimulan na natin ang training,” sabat ng bakla. “Para mas makapaghanda ka pa dahil hindi madali ang modelling.” Marahan siyang napangiti. “Ah, tama. S-Sige, salamat..” Sinulyapan niya ang matandang lalaki bago siya tumalikod. May naramdaman siyang hindi maganda nang mga oras na iyon–instinct na tila nasa panganib siya. Napalunok siya nang bumugso ang kaba sa kaniyang dibdib at nang makalayo sa kanila ay nagmadali siya sa paglakad. Sa garahe, nilingon niya muna ang studio bago sumakay ng sasakyan. Inatras niya ang kotse at nang umabante ay may babaeng muntik na niyang masagasaan. “Jusko!” Kaagad siyang bumaba. “I’m sorry hindi kita nakita. Ayos ka lang?” nag-aalala niyang tanong ngunit nang aalalayan na niya ang babae, napangiwi ito. Doon niya nakita na mayroon pala itong sugat. “Naku, dadalhin na k

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 21 [Trabaho]

    Sakay ng kotse, huminto si Gabriella sa tabi ng daan. Binilang niya ang natitira niyang pera na nakasiksik sa kaniyang wallet. Ilang libo na lang ang dala niya. Lahat ng credit cards niya ay naka-block na simula pa nung nakaraang linggo, kaya't ang natatanging naiwang cash na lang niya ang pinagkakasya niyang gastusin sa loob ng ilang araw. Napabuntong-hininga siya. Iniisip niya kung ano ang magandang solusyon sa kasalukuyan niyang problema. Hindi naman pwede na umasa na lang siya lagi kay Leslie. Ang kaibigan ang naging takbuhan niya nung mangailangan siya ng matutuluyan matapos niyang umalis sa bahay sa real estates. Muli niyang izinipper ang wallet. Inisip niya na kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang maghanap ng trabaho. Tama na ang tatlong araw na ini-spend niya sa bahay ng kaibigan. Nakakahiya nang masyado sa parents ni Leslie kung doon pa rin siya matutulog mamayang gabi. Huminto siya sa isang apartment. May kamurahan ito kumpara sa condominium building. Sinilip niya

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status