“Hay naku, Gabriella Castillo, hanggang love letter ka na lang ba? Kailan mo ba balak dumiskarte sa Kuya Francis mo?” anang kaibigan kong si Leslie na nakapamewang pa habang sinisilip ang sinusulat ko. Sinimangutan ko siya.“Kung bibilangin siguro iyang letters mo, aabutin na iyan ng libo,” dagdag niya pa nang may pang-aasar.“Tumigil ka nga, suportahan mo na lang kasi ako. Akin na nga iyang white envelope ko,” naaalibadbaran kong utos sa kaniya. Naiiling na lamang niyang inabot iyon sa akin. Apat na taong gulang pa lamang ako nang ampunin ako ng pamilya Castillo. Ang pinakamayamang angkan sa Isabela noong panahong iyon. Walang anak na babae si Señora Marianna, tanging dalawang lalaki lamang ang naging anak niya sa kaniyang namayapang asawa. Kaya't nang masilayan niya ako noong musmos pa lamang ako. Hindi siya nagdalawang-isip na ako'y ampunin kaagad. Naging masaya naman ang childhood life ko sa poder nila. Mabubuti silang tao lalung-lalo na si Kuya Francis. Siya ang mas iniidolo
Last Updated : 2025-11-03 Read more