分享

Chapter 43 [Mga Armado]

作者: Dwendina
last update publish date: 2026-06-26 21:42:24

'Kapag nagkita kayo, anak, dalhin mo siya rito't iharap mo sa 'kin, at nang mapasalamatan ko ang kabutihang-loob na ipinamalas ng magulang niya sa iyo–sa panahong wala ako sa tabi mo.'

Walang nagawa si Gabriella kung hindi ang tumango sa isinaad ng kaniyang ama kanina.

Ayaw man niyang makaharap si Francis, ngunit wala siyang magagawa. Ayaw niyang mapahamak ang lalaki sa kamay ng mga taong tulisan na tinakasan nila ni Leslie, kung sakali mang makaharap nito ang mga iyon. Minsan na siyang nakar
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節

最新章節

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 43 [Mga Armado]

    'Kapag nagkita kayo, anak, dalhin mo siya rito't iharap mo sa 'kin, at nang mapasalamatan ko ang kabutihang-loob na ipinamalas ng magulang niya sa iyo–sa panahong wala ako sa tabi mo.' Walang nagawa si Gabriella kung hindi ang tumango sa isinaad ng kaniyang ama kanina. Ayaw man niyang makaharap si Francis, ngunit wala siyang magagawa. Ayaw niyang mapahamak ang lalaki sa kamay ng mga taong tulisan na tinakasan nila ni Leslie, kung sakali mang makaharap nito ang mga iyon. Minsan na siyang nakaranas ng takot at ayaw niyang maulit iyon, hindi para sa kaniya kundi kay Francis.Oo, hindi panatag ang loob niya nang malaman buhat sa kaibigan na mag-isa lang na nagtungo roon ang binata upang hanapin siya. Although matapang itong lalaki, malakas at may taglay na matipunong pangangatawan na kayang magpatumba ng kalaban, ngunit hindi iyon sapat para ipagtanggol nito ang sarili lalo pa't hindi lamang mag-isa ang mga nagtangka sa kanila ni Leslie.Hindi pa rin nawawala kay Gabriella ang mangamba.

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 42 [Pagkabahala]

    "Ano ba 'to, nawawala na ba ako? Ilang oras na akong bumabyahe pero hindi ko pa rin mahanap si Gabriella," aniya sa sarili na nababahala na. "Gaano ba kalaki itong lupaing 'to at hindi ako makarating-rating sa sinasabi nilang... Monasterio de Manor ba 'yon?" Malawak na lupain lamang ng maninipis na damo at ilang mga puno sa tabi ang natatanaw ni Francis. Hanggang sa maya-maya'y natuwa siya nang may mamataan.Natanaw niya ang isang pigura ng babaeng nangangabayo sa may kalayuan. Kunot-noo niyang nilinaw ito. "Gabriella?"Nakasuot ito ng cowgirl attire na nakaagaw ng kaniyang atensyon.'Ngunit, paanong magiging si Gabriella iyon?' sigaw ng kaniyang isipan. 'Ni hindi nga ito marunong sa ganoong bagay.'Ano bang alam ni Francis sa buhay ngayon ng dating kapatid? Ilang araw na nga niya itong hindi nakikita. Gayunpaman, unti-unting lumakas ang kabog sa kaniyang dibdib. Umaasa na si Gabriella ang kaniyang natatanaw. Ang katawan nito ay kasing balingkinitan nang sa babaeng inampon nila. Na

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 41 [Quality Time]

    "Balak namin?" ulit niya sa tanong nito. "Balak namin ni Dad na dumito na muna, tutal amin naman itong Manor." Napataas ang kilay ng kaniyang kausap. Hindi niya iyon pinansin at nagpatuloy, "Depende sa inyo kung babalik na kayo ng Cagayan or what, pwede rin naman na dumito rin muna kayo. Welcome naman kayo lagi sa pamamahay namin dahil magkamag-anak naman tayo, hindi ba tita?"Nahuli niya ang pagngitngit ng kalooban nito sa sinabi niya, halatang-halata iyon sa pamumukha ng ginang. Lihim siyang napangiti sa naging reaksyon nito."If you'll excuse me, I have an urgent matter to take care of," aniya nang talikuran ito.'Alam ko kung anong klase ka ng tao, tingnan natin ang kaya mong gawin.' Ngumiti siya nang mapanuya bago tuluyang lumabas.Mas lalong nanggalaiti si Mary sa galit nang maiwan ito sa loob.Napunta siya sa backyard. Nahagip ng kaniyang paningin si Ralph na nakaupo na naman sa paborito nitong pwesto sa hardin. Sa pagkakataong iyon ay wala itong hawak na libro na nakasanayan

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 40 [Ibigay ang Nararapat]

    Dahan-dahang hinipo ni Gabriella ang mga antique na gamit sa ibabaw ng cabinet habang mabagal siyang naglalakad papasok ng malaking kwarto. Natagpuan niya ang malapad na kama–may kabaguhan, malinis at maganda ang pagkakaayos na parang hinanda talaga para sa mga hindi inaasahang bisitang tulad niya. Pumasok ang banayad na ihip ng hangin sa nakabukas na bintana. Nilipad nito ang plain na kurtina. Mabango sa loob, maaliwalas, bakas ang amoy ng mamahaling air freshener na ginamit. 'Not bad..' aniya sa isipan. Nilingon niya ang malawak na banyo mula sa dressing room. Covered ito ng makapal na glass. Malaginto ang kulay ng mga organisadong kagamitan na nasa ibabaw ng makintab at malapad na lababong gawa sa mamahaling granite. Para kay Gabriella, hindi ito nalalayo sa kalakihan ng buong kwarto niya sa mansion sa Antipolo. Muli na namang nagbalik-tanaw si Gabriella sa mga nakaraan niya sa piling ng kinalakhang pamilya. Ngunit sa huli ay iwinaksi niya sa isipan ang lahat ng masasaya at

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 39 [Tiyuhin]

    “Má, itigil na natin ito. Ayokong pag-usapan ang tungkol diyan,” pag-iwas na wika ni Ralph kasabay nang paglakad nito palayo sa ina. Mabilis na tumago si Gabriella nang akma nang lalabas ang kaniyang pinsan. Ayaw niyang mahuli siya na nakikinig sa usapan ng dalawa. Alam niyang sa mga oras na iyon, galit sa kaniya ang kaniyang tiyahin dahil sa nangyaring usapan sa baba. Hindi na kumibo ang ginang. Hanggang sa napasunod na lamang si Gabriella ng tingin sa papalayong si Ralph. Halata sa mukha ng binata ang pagkadismaya. Napasulyap na lamang siya sa ginang na nanonood sa dalawang nag-uusap, ang daddy at tiyuhin niya. Hindi maipinta ang mukha nito habang tila nakikinig rin sa usapan ng dalawa kahit na may kalayuan naman ang mga ito sa kanilang kinaroroonan. “Maghanda kang Gabby ka, hindi ako papayag na muli kang makapasok sa buhay namin,” mariin nitong wika na abot hanggang doon sa kaniyang kinaroroonan ang boses habang naka-evil eye. “I'll find a way.” Maya-maya pa'y muli siyang

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 38 [Palusot]

    “Pero kuya, totoo ang mga sinasabi ko. Bakit hindi mo itanong diyan sa magaling mong anak?” “Mary..” saway rito ng kaniyang tiyuhin nang unti-unti nang tumaas ang boses ng kaniyang tiyahin, ngunit sinamaan lamang nito ng tingin ang asawa. Hindi maipinta ang mukha ng ginang nang muling sulyapan ng ama ni Gabriella. “Anong kalokohan ang pinagsasabi nitong tiyahin mo, hija, anak?” kunot-noong tanong ni Valliente sa kaniya. “Totoo ba?” Lihim siyang napangiti nang sarkastiko at kaagad na hinawakan ang braso ng kaniyang ama. “I’m sorry, dad pero hindi po iyan totoo,” pagtanggi niya. “Maybe nagkamali lamang sina tita at inakalang ako ang gf ng anak nila. And maybe because kamukha ko lang ang babaeng iyon at kapangalan. I guess–” Naputol ang mga sasabihin ni Gabriella nang palihim siyang bulungan ng kaniyang ama. “Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong samahan rito sa Manor?” Hindi siya nakaimik at kabadong napatitig na lamang dito. “Ah..” nag-aalangan niyang sagot. “Okay,”

  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 37 [Pagkagulat]

    “Kailangan kong pumunta ng Manor, samahan mo ako, hija,” wika ng kaniyang ama. “Sa Manor?” ulit niya. “Ano pong gagawin natin do’n?” taka niyang tanong. “Isa pa, hindi po ba't ngayon natin sisimulan ang paghahanap kay mom?” “Oo, nangako nga ako na hahanapin natin ang iyong ina pero bago tayo uma

    last update最後更新 : 2026-04-03
  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 36 [Monasterio Property]

    Lumabas si Francis ng silid at nagtungo sa veranda. Maganda ang umaga, kakasikat lamang ng araw. Nagbinat siya ng kaniyang mga braso nang mapapitlag siya dahil sa mga brasong yumapos sa kaniya mula sa likuran. “Good morning, babe, surprise!” walang gatol na bati sa kaniya ni Mildred. Napapunas s

    last update最後更新 : 2026-04-02
  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 35 [Paggaling]

    Nagsimulang mamula ang mata ng kaniyang ama at narinig niya ang pagsinghot nito. “Mula nang makulong ako hindi ko na siya nakita pang muli. Ni hindi siya nagpakita sa akin o bumisita sa kulungan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta bigla na lamang siyang naglaho. Nang makalabas ako matapos ng s

    last update最後更新 : 2026-04-01
  • Seducing My Hot Tycoon Stepbrother    Chapter 18 [Kababata]

    Umihip ang banayad na hangin. Umindayog ang mga dahon sa puno ng mangga. Habang si Francis ay nakatayo sa bar, tanaw niya ang malinaw na tubig sa nag-aasul na pool sa gitna ng malawak na hardin. ‘Bakit ko ba nasabi iyon sa kaniya? Sinaktan ko siya. Hindi ko dapat ginawa iyon. Masyado akong nadala.

    last update最後更新 : 2026-03-22
更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status