FAZER LOGIN“Má, itigil na natin ito. Ayokong pag-usapan ang tungkol diyan,” pairap na wika ni Ralph kasabay nang paglakad nito. Mabilis na tumago si Gabriella nang akma nang lalabas ang kaniyang pinsan. Ayaw niyang mahuli siya na nakikinig sa usapan ng dalawa. Alam niyang sa mga oras na iyon, galit sa kaniya ang kaniyang tiyahin dahil sa nangyaring usapan sa baba. Hindi na kumibo ang ginang. Hanggang sa napasunod na lamang si Gabriella ng tingin sa papalayong si Ralph. Halata sa mukha ng binata ang pagkadismaya. Napasulyap na lamang siya sa ginang na nanonood sa dalawang nag-uusap, ang daddy at tiyuhin niya. Hindi maipinta ang mukha nito habang tila nakikinig rin sa usapan ng dalawa kahit na may kalayuan naman ang mga ito sa kanilang kinaroroonan. “Maghanda kang Gabby ka, hindi ako papayag na muli kang makapasok sa buhay namin,” mariin nitong wika na abot hanggang doon sa kaniyang kinaroroonan ang boses nito. “I'll find a way.” Maya-maya pa'y muli siyang nagtago sa malaking aparador ng mg
“Pero kuya, totoo ang mga sinasabi ko. Bakit hindi mo itanong diyan sa magaling mong anak?” “Mary..” saway rito ng kaniyang tiyuhin nang unti-unti nang tumaas ang boses ng kaniyang tiyahin, ngunit sinamaan lamang nito ng tingin ang asawa. Hindi maipinta ang mukha ng babae nang muling sulyapan ng kaniyang ama. “Anong kalokohan ang pinagsasabi nitong tiyahin mo, hija, anak?” kunot-noong tanong ni Valliente sa kaniya. “Totoo ba?” Lihim siyang napangiti nang sarkastiko at kaagad na hinawakan ang braso ng kaniyang ama. “I’m sorry, dad pero hindi po iyan totoo,” pagtanggi niya. “Maybe nagkamali lamang sina tita at inakalang ako ang gf ng anak nila. And maybe because kamukha ko lang ang babaeng iyon at kapangalan. I guess–” Naputol ang mga sasabihin ni Gabriella nang palihim siyang bulungan ng kaniyang ama. “Ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong samahan rito sa Manor?” Hindi siya nakaimik at kabadong napatitig na lamang dito. “Ah..” nag-aalangan niyang sagot. “Okay,” wika nit
“Kailangan kong pumunta ng Manor, samahan mo ako, hija,” wika ng kaniyang ama. “Sa Manor?” ulit niya. “Ano pong gagawin natin do’n?” taka niyang tanong. “Isa pa, hindi po ba't ngayon natin sisimulan ang paghahanap kay mom?” “Oo, nangako nga ako na hahanapin natin ang iyong ina pero bago tayo umalis, dadalhin muna kita sa tiyuhin mo upang makita ka niyang muli at para na rin makilala ang tiyahin at pinsan mo roon,” tugon ng kaniyang ama na ikinabahala naman ni Gabriella. Babalik siya sa lugar na iyon kung saan tinakbuhan niya. ‘Tiyuhin..’ Pilit na inalala ni Gabriella ang tiyuhin niya na sinasabi ng kaniyang ama. “Tiyuhin, tiyahin at pinsan?” ulit niyang bulong nang iabot sa ama ang flashlight na hinihingi nito. “H-Hindi ba pwedeng sila na lang ang papuntahin natin dito?” may halong pakiusap na tanong niya rito. “Hindi pwede, anak,” seryoso ang mukhang sagot nito nang ipasok sa backpack ang mga gamit. “Siyempre tayo ang pupunta ro’n. Gusto ko silang kumustahin lalo na itong
Lumabas si Francis ng silid at nagtungo sa veranda. Maganda ang umaga, kakasikat lamang ng araw. Nagbinat siya ng kaniyang mga braso nang mapapitlag siya dahil sa mga brasong yumapos sa kaniya mula sa likuran. “Good morning, babe, surprise!” walang gatol na bati sa kaniya ni Mildred. Napapunas siya ng mukha at napasinghap kasabay nang pagdistansya mula rito matapos tanggalin ang nakayakap nitong braso. “Ano’ng ginagawa mo rito? Who told you na welcome ka rito sa pamamahay ko?” salubong ang kilay na saad niya. Napasimangot ito. “Mommy mo,” tipid nitong sagot nang sumandal sa rails. “I don't care, basta ayaw kita rito kaya't lumayas ka,” mahinahon ngunit mariin niyang wika. She crossed her arms. “Ganyan mo ba dapat kausapin ang bride-to-be mo?” Napailing siya. “That’s not gonna happen. Hindi ka bagay maging asawa ko, kaya't huwag ka nang mangarap kung ayaw mong magkaroon ng runaway groom.” Kaagad itong napairap. “Iyan ang hindi mangyayari. Wala ‘yan sa kapalaran ko.” Na
Nagsimulang mamula ang mata ng kaniyang ama at narinig niya ang pagsinghot nito. “Mula nang makulong ako hindi ko na siya nakita pang muli. Ni hindi siya nagpakita sa akin o bumisita sa kulungan. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta bigla na lamang siyang naglaho. Nang makalabas ako matapos ng sampung taon. Kaagad ko kayong hinanap ngunit nabigo ako. Walang araw na ako'y huminto. Dala-dala ang alaala ninyo ng iyong ina, puno ng pag-asang hinanap ko kayo. At ngayon, sa wakas natagpuan na rin kita.. kaya lang, ang iyong ina..” Nanikip ang dibdib ni Gabriella nang marinig ang mga katagang iyon. Tagos sa puso ang pinagdaanan nitong hirap makita lamang sila ng kaniyang ina. Ngunit, siya lang ang nahanap nito. Kung gayon, nasaan ang kaniyang ina? Mahigpit siya nitong niyakap habang walang tigil sa pagluha. Pilit na pinipigilan ang sariling mapahagulhol at mapahikbi sa kaniyang harapan. Ramdam ni Gabriella ang pagdadalamhati ng kaniyang ama. Wala siyang ideya noon kung ano ang nangyar
Napaatras si Gabriella matapos manigas sa kaniyang kinatatayuan. Nag-aagaw ang isipan kung sisigaw ng tulong o kakaripas ng takbo. Ngunit, bago pa man muling makahakbang sa inaapakang lupa, natumba ang estranghero sa kaniyang harapan. Nagulat na lamang siya nang manginig ito. Mukhang hindi ito nagbibiro sa kalagayang iyon. Tunay na nanghihina ang lalaki. Mabilis siyang napalingon sa kaniyang likuran kung saan siya nanggaling. Sinigurado niya kung may nakasunod sa kaniya na mga tauhan ni Ralph. “Hija, t-tulungan mo ako, pakiusap..” anas nito. Hindi alam ni Gabriella kung saan ito dadalhin dahil maging siya ay hindi rin alam ang daan pauwi. Ngunit, nang makitang namimilipit ito sa sakit. Hindi siya nakatiis at inalalayan na makatayo at makalakad ang lalaki. Hindi na niya inisip pa ang panganib na maaaring hatid nito. Mas pinili niya ang makatulong sa kapwa kaysa ang malunod sa takot. Hindi alam ni Gabriella kung bakit unti-unting naglaho ang kaba at takot na kaniyang nararamdaman







