Share

Kabanata 7

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-10-23 14:14:31

Marga’s POV

Lumipas ang mga araw na parang normal lang, pero sa isip ko, isa-isa ko nang tinatayo ang plano ko. Hindi ako nagmamadali. Alam kong hindi basta-basta si Dr. Oliver Mendoza—matino siya, disiplinado, at halatang sanay na kontrolado ang bawat galaw ng buhay niya. Kung gusto kong mahulog siya sa akin, kailangan kong maglaro nang maingat.

Kaya nagsimula akong magpaka-mahinahon. Maaga akong gumigising para magluto ng almusal, naglilinis ng bahay kahit hindi niya inuutos, at palaging nag-aalok ng tulong kahit ayaw niyang tanggapin. Noong una, tinatanggihan niya ako. Pero habang tumatagal, hindi na siya nagrereklamo. Parang nasanay na rin siya sa presensya ko.

Isang umaga, nadatnan ko siyang nag-aayos ng mga dokumento sa dining table. Nakasuot siya ng reading glasses at seryosong nagbabasa. Nilapitan ko siya at mahinang nagsalita.

“Good morning,” bati ko. “Nagkape ka na ba?”

“Hindi pa,” sagot niya nang hindi tumitingin. “Huwag ka nang mag-abala. May gagawin akong report.”

“Hindi naman abala. Saglit lang,” sabi ko at dumiretso sa kitchen.

Habang nagtitimpla ako ng kape, naririnig ko ang paglapit ng mga yapak niya. “Marga, hindi mo kailangang gawin ‘yan. Bisita ka rito,” sabi niya.

Ngumiti ako at nilapag ang mug sa harap niya. Paulit-ulit niya na lang sinasabibsa akin ang linyang 'yon. Na para bang sira siyang plaka.

“Hindi naman ako bisita. Matagal na akong nakikitira. At isa pa, gusto ko ring magpasalamat sa pagtulong mo,” sagot ko.

Umupo siya sa harap ng mesa at tiningnan ako. “Pasalamat? Sa pagtira mo rito?”

Tumango ako. “Oo. Kung hindi mo ako pinatira, baka kung saan na ako napunta. Wala akong masyadong ipon, Oliver. Lahat ng pera ko, binigay ko kay Mama noon. Wala akong ibang matutuluyan.”

Tahimik siyang tumingin sa akin. Kita ko sa mukha niya na parang naawa siya. “Bakit mo ibinigay lahat? Hindi mo man lang inisip ang sarili mo?”

“Eh kasi siya lang ang pamilya ko,” sagot ko. “At kahit… kahit niloko niya ako, hindi ko pa rin kayang pabayaan siya.”

Sandaling katahimikan. “Wala ka na bang ibang kamag-anak?” tanong niya.

“Wala,” sagot ko, halos pabulong. “Kaya siguro mas gusto ko nang magtrabaho at mag-isa. Mas madali.”

Nagbuntong-hininga siya. “Kung gano’n, dito ka muna. Hindi mo kailangang magmadali sa pag-alis. Wala naman akong ibang kasama. Mag-behave ka lang para wala tayong problema o issue.”

Ngumiti ako, kunwari nahihiya. “Sigurado ka? Baka nakakahiya na. Ang dami mo nang ginagawa para sa akin.”

Umiling siya. “Hindi nakakahiya. Basta huwag kang magpupuyat, at kung gusto mo, puwede kitang gawing temporary assistant. Tutulungan mo ako sa mga household tasks, sa kapalit, libre ka sa tirahan at pagkain. Para hindi ka naman nakakaramdam ng utang na loob. Ayaw ko nang ganoon.”

Kunwari nagulat ako. “Talaga? Gagawin mo ‘yon para sa akin?”

“Hindi mo kailangang magulat. Nakikita ko naman na masipag ka,” sabi niya. “At saka, kailangan ko rin ng kasama minsan. Hindi ko na kayang gawin lahat sa bahay mag-isa. Busy ako sa ospital sa daming reports at pasiyente ko araw-araw.”

Napangiti ako nang bahagya. “Sige, Oliver. Kung ‘yan ang gusto mo, tatanggapin ko.”

“Good,” sagot niya. “Pero may kondisyon.”

“Anong kondisyon?”

“Tigilin mo na ‘yong pagsusuot ng masyadong revealing sa loob ng bahay,” sagot niya diretso. “Hindi ako komportable. Naiilang ako.”

Napatawa ako. “Eh hindi naman ako sinasadyang magpa-sexy. Comfortable lang talaga ako sa gano'n, Dr. Mendoza.”

Napailing siya. “Detective Castro, hindi mo kailangang ipakita lahat para mapansin.”

Ngumiti ako, may halong biro. “Eh napapansin mo naman ako kahit hindi ko gustuhin, ‘di ba?”

Natahimik siya saglit bago nagsalita. “Marga, kung gusto mong manatili rito, sundin mo ‘yong patakaran ko. Walang malisya, walang kung anu-ano. Respetohin mo ang sarili mo.”

“Ay, oo naman,” sagot ko agad, nakangiti pa rin kahit nakakahiya ang sinabi niya. Para bang wala na akong respeto sa sarili ko. “Promise.”

Pero sa loob-loob ko, alam kong parte iyon ng plano. Kung gusto kong mahulog siya sa akin, dapat ipakita kong mabait ako, masunurin, at walang balak manira. Dapat maramdaman niyang ligtas siya sa presensya ko hanggang siya na mismo ang lalapit.

Makalipas ang ilang araw, tuluyan na akong naging assistant ni Oliver. Ako ang nag-aayos ng mga papeles niya, nagluluto, at minsan, sa tuwing wala akong trabaho sinasamahan ko pa siya sa mga ospital kung may kailangan siyang asikasuhin. Habang tumatagal, mas nagiging close kami.

Isang gabi, habang nasa kitchen ako at naghuhugas ng pinggan, lumapit siya. “Marga, sigurado ka bang ayos lang sa’yo ‘to?”

“Ano ‘yong ayos lang?” tanong ko habang pinupunasan ang plato.

“'Yung pagtatrabaho rito. Hindi ba mabigat? Hindi mo naman kailangang gawin lahat. May trabaho ka pa. Huwag mong pabayaan ang trabaho mo para makaipon ka ulit at makahanap ng bagong malilipatan.”

“Okay lang,” sagot ko. “Mas gusto ko ngang may ginagawa kaysa magmukmok.”

“Pero hindi mo kailangang magpakapagod,” sabi niya, may halong pag-aalala. “Baka naman ginagawa mo lang ‘to kasi naaawa ka sa akin.”

Ngumiti ako at lumingon sa kaniya. “Hindi ako naaawa. Mas gusto ko lang na may pakinabang ako rito. Gusto kong maramdaman na may silbi ako.”

Tahimik siyang tumango. “Kung gano’n, salamat.”

Napangiti ako. “Ang formal mo talaga minsan, Dr. Mendoza.”

“Doctor ako, sanay akong formal,” sagot niya.

“Eh puwede bang minsan mag-relax ka rin?” tanong ko, nakatingin pa rin sa kaniya. “Hindi ka naman lagi nasa ospital.”

“Sanay akong busy,” sabi niya. “Hindi ako marunong magpahinga.”

“Baka kailangan mo lang ng kasama para turuan ka,” sabi ko.

Napatingin siya sa akin, halatang nag-iisip. “At sa tingin mo, ikaw ‘yong kasama na ‘yon?”

Ngumiti ako. “Baka naman.” Kinindatan ko pa siya sabay ayos ng takas kong buhok.

Tumaas ang kilay niya. “Delikado ‘yang sinasabi mo, Marga.”

“Bakit delikado?” tanong ko, kunwari inosente. “Sinasabi ko lang naman ang totoo.”

Umiling siya, pero nakangiti na. “Alam mo, hindi ko alam kung sadyang prangka ka o sadyang gusto mo akong asarin.”

“Pwede bang both?” sagot ko, sabay tawa. Sinadya ko talagang tumawa na parang malandi.

Patawarin sana ako ng Diyos sa maling desisyon ko sa buhay. Gusto ko lang naman makaganti sa anak ni Oliver.

Natawa rin si Oliver nang mahina. “Sige na, magpahinga ka na pagkatapos mo riyan. Maaga akong aalis bukas.”

“Anong oras?” tanong ko.

“Mga alas-sais ng umaga. May rounds ako sa ospital.”

“Gusto mo gising na ako para may almusal ka?”

“Hindi na kailangan. Nakakahiya na,” sabi niya.

“Hindi nakakahiya. Assistant mo ako, ‘di ba?”

“Assistant lang, hindi alagang asawa,” sagot niya.

“Hindi pa,” sabi ko sabay kindat.

Napailing siya at umalis, pero kita ko ang bahagyang ngiti sa labi niya. Sa loob-loob ko, alam kong unti-unti nang nagkakaroon ng epekto ang mga ginagawa ko.

Kinabukasan, sinamahan ko siyang magdala ng ilang medical supplies sa ospital. Habang naglalakad kami sa parking area, may lumapit na nurse.

“Doctor Mendoza, ang ganda naman ng assistant ninyo,” biro ng babae. “Ngayon ko lang nakita.”

Tumingin si Oliver sa akin, parang nahihiya. “Ah, si Detective Marga. She’s helping me for a while.”

Ngumiti ako at nag-abot ng kamay sa nurse. “Hi, I’m Marga. Detective ako, pero day off ko kaya tumutulong muna ako rito.”

“Oh, detective pala!” gulat na sabi ng nurse. “Ang swerte mo naman, Doc. Maganda na, matalino pa ‘yong kasama mo.”

Ngumiti ako nang may bahagyang kayabangan. “Mas swerte ako kay Doc, kasi napakabait niya.”

Nagkatinginan kami ni Oliver. “Hindi mo kailangang magpuri nang ganiyan,” sabi niya nang nakangiti pero halatang nahiya.

“Eh totoo naman,” sagot ko. “Kung lahat ng lalaki kasing bait mo, baka mas marami nang babaeng masaya.”

“Baka naman ‘yan ang linya mo sa mga interrogation mo,” biro niya.

“Depende kung kanino ko gustong iparamdam,” sabi ko.

Natahimik siya sandali bago sumagot. “Marga, baka hindi mo alam, madaling ma-misinterpret ‘yang mga sinasabi mo.”

“Eh kung tama naman ‘yong interpretation?” tanong ko ulit, diretsong nakatingin sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya at mabilis na umiwas. “Balik na tayo sa loob. Marami pa akong gagawin.”

Habang naglalakad kami pabalik, hindi ko mapigilang mapangiti. Hindi pa siya bumibigay, pero nararamdaman kong hindi na siya komportable. Eksaktong ganoon ang gusto ko—gusto kong mawala siya sa balanse.

Pag-uwi namin, pinuri niya ulit ang pagluluto ko ng hapunan.

“Masarap ‘to,” sabi niya habang kumakain. “Hindi ko na kailangang umorder sa labas.”

“Good,” sabi ko. “Mas maganda kung ako na lang palagi magluluto. Para mas tipid.”

Ngumiti siya. “Sige, pero huwag mong kalilimutan, hindi ka alila rito. Tulungan lang, hindi mo talaga trabaho ang magluto.”

“Tulungan lang?” tanong ko. “Eh parang araw-araw na akong nagtatrabaho para sa’yo.”

“Hindi ko ‘yan hinihingi,” sagot niya.

“Hindi mo kailangang humingi,” sabi ko, nakatingin sa kaniya. “Gusto ko lang pagsilbihan ka.”

Napatigil siya at tumingin sa akin. “Marga…”

“Oliver,” sabat ko. “Relax. Hindi naman ako gagawa ng masama.”

Tumahimik ulit siya, pero halatang nag-iisip.

Habang inaayos ko ang mesa pagkatapos kumain, narinig kong bumuntong-hininga siya. “Hindi ko maintindihan kung anong gusto mo, Marga,” sabi niya.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. “Kung sasabihin kong ikaw ang gusto ko, anong gagawin mo?”

***

Author's Note:

Good day po!

New Forbidden Story na naman po. Magiging active po ako sa pag-update dito lalo na't kasali ito sa bagong contest: FORBIDDEN VOWS OF LOVE.

Sana po ay magustohan ninyo.

Daily Update pa rin po.

Two Chapters to Five Chapters araw-araw. Minsan naman ay more than five chapters. Depende pa rin po sa health at oras ko.

Sa isang Chapter, umaabot siya hanggang 1,800 words po minsan. Depende pa rin. Basta hindi po bumababa sa 1,000 words below ang update ko every chapter kaya hindi siguro kayo malulugi sa panunuod ng ads or sa pag-top up. Mas makakatipid kasi kayo sa may mahabang chapters kesa sa maikling chapters.

Kadalasan, madaling araw po ang update ko. Mas ganado utak ko sa ganiyang oras kasi.

Sana po ay suportahan n'yo pa rin ako sa new contest at sana ma-enjoy ninyo ang pagbabasa sa librong ito.

Forbidden Love po ito. Iyon kasi ang theme ng contest.

Huwag po kayong makalimot sa pag-iwan ng comments, review para sa ratings ng libro, or magbigay ng gems kung meron man. Mas nakakagana po kasing magsulat kung may nababaa ang writer na comments :))

Open po ako for criticism or theory sa story. Mas maganda kung makakausap ko rin kayo kahit sa comment section lang po every chapter.

You can add me sa F a c e b o o k or please like my official F******k Page lalo na't malapit na ang Christmas.

F B: Deigratiamimi's Tales

F B Page: Deigratiamimi

Salamaaaat po!

Deigratiamimi

Author's Note: Good day po! New Forbidden Story na naman po. Magiging active po ako sa pag-update dito lalo na't kasali ito sa bagong contest: FORBIDDEN VOWS OF LOVE. Sana po ay magustohan ninyo. Daily Update pa rin po. Two Chapters to Five Chapters araw-araw. Minsan naman ay more than five chapters. Depende pa rin po sa health at oras ko. Kadalasan, madaling araw po ang update ko. Mas ganado utak ko sa ganiyang oras kasi. Sana po ay suportahan n'yo pa rin ako sa new contest at sana ma-enjoy ninyo ang pagbabasa sa librong ito. Forbidden Love po ito. Iyon kasi ang theme ng contest. Huwag po kayong makalimot sa pag-iwan ng comments, review para sa ratings ng libro, or magbigay ng gems kung meron man. Mas nakakagana po kasing magsulat kung may nababaa ang writer na comments :)) Open po ako for criticism or theory sa story.

| 20
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
owens
dear writer ano ang mga names sa FORBIDDEN VOWS OF LOVE marmi kc title ang lumalabas
goodnovel comment avatar
Maria Clara
Super gandaaa
goodnovel comment avatar
Josie Ong Ong
ang ganda po ng kwento sana po tuloy-tuloy ang kwento ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 50

    Marga's POV Hindi ako maka-focus sa trabaho buong araw. Pakiramdam ko bawat tingin ng mga kasamahan ko ay may kasamang panghuhusga. Habang naglalakad ako sa hallway ng presinto, rinig ko pa ang bulungan. “Ayan siya… ‘yung pumatol sa tatay ng ex niya.” “Sayang ang mukha pero hindi pala maayos ang ugali.” “Grabe, babae pala ng tatay ni Dominic? Ang gulo ng buhay.” Hindi ko man sila tingnan nang diretso, ramdam ko ang bigat ng mga salita nila. Parang araw-araw akong tinutusok sa likod ng mga maling paratang. Wala pa ring tigil si Dominic sa paninira. Halos isang buwan na mula nang huli kong makita si Oliver pero wala siyang kahit isang text o tawag. Wala ring paliwanag kung bakit bigla siyang naglaho. Hindi ko alam kung galit ba siya o tinalikuran na niya talaga ako. Ang tanging kaginhawaan ko ay hindi siya nagsalita tungkol sa aming relasyon niya. Dahil kung naglabas siya ng kahit anong salita, baka mas lumala ang sitwasyon at lalo akong mapag-initan. Naupo ako sa lamesa ko at bi

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 49

    Marga's POV Maaga akong pumasok sa trabaho kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Dominic kagabi. Pagpasok ko sa opisina, pakiramdam ko lahat ng mata nakaabang sa bawat hakbang ko. 'Yung iba, hindi nagsasalita pero halatang may iniisip. 'Yung iba naman, hindi na tinatago ang pagtingin mula ulo hanggang paa. “Yan ba yung nabalita sa group chat?” narinig kong bulong ng isa. “Oo. Siya yung sinasabing pumatol sa tatay ng ex niya. Grabe, no?” sagot ng isa pa na parang wala ako sa harap nila. Humigpit ang hawak ko sa bag ko pero hindi ako nagsalita. Diretso lang ako sa desk ko, pinipilit maging normal. Pero maya-maya, tumunog ang internal phone. Tumatawag ang boss namin. Napapikit ako saglit bago sumagot. “Yes po, Sir?” “Marga, my office. Now.” Napalunok ako bago tumayo. Pagpasok ko sa opisina niya, seryoso ang mukha niya. Nakaupo siya sa swivel chair, nakalagay ang dalawang kamay sa mesa. “Sit,” utos niya. Umupo ako, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Marga…” bumuntong-h

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 48

    Marga's POV Pagkatapos ng trabaho ko bilang detective, agad akong nagpunta sa ospital para kausapin si Oliver. Hindi na ako nagdalawang-isip; dala ko ang buong katotohanan kung bakit ko nagawang gamitin siya noong una. Lahat. Ang planong paggamit ko sa kanya para gantihan ang anak niya, ang mga lihim na itinago ko, pati na ang mga pangambang baka hindi niya ako mapatawad. Pagdating ko, nakita ko siya sa corridor, nakatayo sa tabi ng operating room, nakatingin sa monitor habang may kausap na nurse. Nang mapansin niya ako, hininto niya ang ginagawa niya at lumapit. Tahimik lang siyang tumingin sa akin. Sobrang lamig din ng awra niya. Parang hindi na siya ang lalaking minahal ko at iniyakan gabi-gabi. Para bang hinahamon niya ang bawat salita ko bago niya pakinggan. Napaupo ako sa bench sa harap niya, iniwan ang bag ko sa tabi. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Lumingon siya sa akin, tinitigan ako, pero tahimik pa rin. “Oliver…” mahina kong wika, halos bumulong. “I… I need to tell y

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 47

    Marga’s POV Umagang-umaga na nang muling subukan kong tawagan si Oliver. Paulit-ulit ko na siyang tinatawagan, pinipilit makipag-usap, kahit alam kong galit siya. Pero walang tugon. Huminga ako nang malalim at pinindot ang call button. “Oli… please… sagutin mo naman ako. Please…” halos umiiyak na ang boses ko. Walang sumagot. Napailing ako at hinanap ang messaging app. Nag-type ako ng mahabang text, nag-send ng voice message, halos umaagos ang emosyon ko. “Oliver… I know I hurt you. I know I lied and I used you at first… I never meant for this to happen. Pero… I can’t lie anymore. I’m in love with you. I forgot all about my plan to get back at Dominic… I just… I love you. And I’m sorry for everything. Please… please just hear me out. I can’t bear not talking to you.” Hinintay ko ang kahit isang reply, kahit simpleng “ok,” pero wala. Ibinaba ko ang phone at umiyak nang tuloy-tuloy. Halos lahat ng emosyon ko—pagsisisi, lungkot, takot—ay sabay-sabay lumabas. Napaupo ako sa kama ni

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 46

    Marga’s POV Nagising ako nang bahagyang maingay ang pintuan ng silid. Ang huling alaala ko ay nakahiga sa kama ni Oliver, nakangiti habang hawak niya ang kamay ko. Pero nang tumingin ako sa pintuan, napatigil ako. Namilog ang mga mata ko nang makita si Dominic, kasama ang aking ina, si Liza. “Mama? Dominic?” halatang nagulat ako, halos hindi makapaniwala. “Anak, kailangan nating mag-usap. Anong ibig sabihin nito? Boyfriend mo ang tatay ni Dom?” sabi ni Mama nang seryoso, at si Dominic ay nakatingin sa akin na parang galit na galit. “Ano’ng ginagawa niyo rito?” tanong ko imbes sagutin si Mama, nanginginig ang boses. “Paano kayo nakapasok?” “Relax, Marga,” sabi ni Dominic, pero halata ang init ng galit sa tono niya. “Alam mo ba kung gaano ako nasaktan numoong nalaman ko na rito ka na pala nakatira, sa bahay ng tatay ko, na parang wala kang pakialam sa akin?” “Dom, please, hindi naman gano’n!” pinilit kong ipaliwanag, pero hindi siya nakinig. “Hindi mo lang basta ginagamit si Dadd

  • Seducing My Scumbag Ex's Hot Father (SPG)   Kabanata 45

    Oliver’s POV Pagkatapos ng isang mahabang operation at ilang oras na halos walang pahinga, nagpasya akong maligo muna bago kumain. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa puyat, pero gumaan nang kaunti dahil naririnig ko si Marga sa kusina. Maingat siyang nag-iinit ng mantika at may naririnig akong hinihiwang gulay. Mabango ang bawang at sibuyas sa hangin. Nagbukas ako ng gripo at nagsimula nang maligo. Habang nagsasabon, biglang nag-ring ang phone ko sa ibabaw ng sink. Hindi ko agad kinuha kasi basa ang kamay ko, pero nagpatuloy ang ringtone. Kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ang kamay bago sinagot. “Hello?” sabi ko, medyo pagod ang boses. “Oliver.” Si Olivia. Napapikit ako at huminga nang mabagal. Ganito na naman. Wala pang isang linggo mula nang huli siyang tumawag. “Bakit ka tumatawag?” kaswal kong tanong. “May emergency ba? Dahil kung wala, I don’t think this is necessary.” “Can we meet?” sagot niya agad. “Please, Oliver. I want to talk to you properly. Hindi puwede sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status