MasukMarga’s POV
Day off ko ngayon. Sa wakas, isang araw na walang kaso, walang trabaho, at walang stress mula sa presinto. Pero habang nakahiga ako sa kama, napaisip ako kung ano ang gagawin ko buong araw. May message agad sa group chat namin ng mga kaibigan ko. “G ka ba mamaya, Margz? Gala tayo. Hanap tayo ng foreigner para magkajowa ka na!” Napailing ako at natawa. Hindi ko feel. “Pass ako,” bulong ko sa sarili. Hindi ko sinabi sa kanila na mas gusto kong manatili sa bahay ni Oliver. Mas gusto kong gamitin ang araw na ‘to para ipagpatuloy ang plano ko. Kung gusto kong bumagsak siya sa akin, kailangan kong maging matiyaga. Kailangan kong akitin siya hanggang sa siya na mismo ang hindi makapagpigil. Bumangon ako at naghanap sa closet ng isusuot. Binuksan ko ang paper bags ng mga binili ko kahapon—mga dress na panghakot ng tingin. Kinuha ko ang kulay itim na bodycon dress na eksaktong yumayakap sa kurba ng katawan ko. Fit na fit. Perfect para mapansin ako ni Oliver. Habang nag-aayos ako sa salamin, tumingin ako sa sarili ko. “Okay, Detective Castro,” sabi ko sa sarili. “Game ka na ba sa mission mo?” Pagbaba ko sa sala, agad kong nakita si Oliver. Nakaupo siya sa sofa, nakapambahay lang na gray pants at plain white shirt. May hawak siyang libro habang nanunuod ng documentary tungkol sa surgeries sa TV. Ang ayos niya, parang walang pakialam sa paligid. Pero grabe, ang hot pa rin. Hindi ko talaga maintindihan kung saan nagmana si Dom—hindi man lang siya kalahati ng tatay niya sa karisma. “Oliver,” tawag ko, sabay lakad papunta sa sofa. Napatingin siya at agad kumunot ang noo. “Marga, ano ‘yan? Bakit ganiyan ang suot mo? Saan ang punta mo?” Ngumiti ako at umikot nang marahan. “Bagay ba? Wala naman akong pasok, gusto ko lang mag-ayos. Sayang ang day off kung hindi maganda ang pakiramdam ko.” Umiling siya at tumayo. “Marga, baka mabastos ka niyan. Parang lalabas na ang buong kaluluwa mo.” Napalunok si Oliver. Hindi pa rin inaalis ang paningin niya sa akin. Natawa ako nang mahina. “Eh nasa loob lang naman tayo ng bahay. Wala namang ibang makakakita. Ikaw lang naman.” “Precisely,” sabi niya, napapakamot sa batok. “Ako lang, at ayokong ma-misinterpret ko ‘yang ayos mo.” Lumapit ako sa kaniya, hanggang sa halos magdikit na kami. “Hindi ko naman kayo pinapa-misinterpret,” sabi ko sa mahinang boses. “Gusto ko lang maging komportable.” Nag-iwas siya ng tingin at lumakad papunta sa kitchen. Binuksan niya ang ref, kumuha ng tubig, at uminom. Napansin kong medyo mabilis ang galaw niya, parang naiilang. Pero kahit malakas ang aircon, halatang pinagpapawisan siya. Habang nagbubuhos siya ng tubig, bumaba ang tingin ko. Hindi ko mapigilang mapansin ang umbok sa gray pants niya. Napalunok ako, sabay napakagat-labi. Biglang bumalik sa isip ko ang gabing may nangyari sa amin—kung gaano siya kahinahon noong una, tapos kung gaano siya naging mapusok nang tuluyan siyang bumigay. Hindi ko malilimutan ‘yon. Ang sarap niyang kasama. I can't wait to touch him again. “Uhm, gusto mo bang kumain?” tanong niya, halatang gusto lang putulin ang katahimikan. “Magluluto ako.” Ngumiti ako at lumapit pa. “Ako na lang magluluto. I insist. You already look tired, Oliver.” “Marga,” sabi niya, sabay buntong-hininga. “Bakit ba ang hirap mong utusan? Ilang araw ka na rito, pero parang ikaw pa ang may-ari ng bahay.” “Baka kasi gusto kong maging parte ng bahay,” sagot ko sabay ngiti. “Don’t,” mabilis niyang sagot. “Huwag mong gawin ‘yan. Hindi mo kailangang pilitin ‘yong sarili mong mapalapit sa akin.” “Bakit naman?” tanong ko. “Hindi naman masama ‘yon. Hindi ba’t mas maganda kung may nakakausap ka rito? Matagal mo nang sinabing mag-isa ka.” Tumahimik siya saglit bago nagsalita. “Hindi ko sinabing gusto ko nang may kasama ulit.” “Hindi mo rin naman sinabing ayaw mo,” sabat ko, medyo nagbibiro pero may halong seryosong tono. Tumingin siya sa akin. “Marga, you’re young. You shouldn’t waste your time here with an old man like me.” “Stop calling yourself old,” sagot ko. “You’re still attractive. Alam mo naman ‘yan, ‘di ba?” Pinilit niyang magpakatatag, pero alam kong tinamaan siya. Kita ko sa paraan ng paghinga niya—mabigat, parang pinipigil ang sarili. “Marga,” sabi niya ulit, mababa ang tono. “Don’t test me. Ayokong may mangyari ulit.” “Hindi ko naman sinasabing may mangyayari,” sagot ko, halos pabulong. “Gusto ko lang makita kung hanggang saan mo kayang magpigil.” “Marga…” “Oliver,” putol ko sa kaniya, diretsong tingin sa mga mata niya. “Bakit ka ba laging nagpipigil? You want me, I can feel it.” Tumalikod siya. “Hindi ko gustong pag-usapan ‘yan.” “Fine,” sabi ko, sabay lingon. “Pero tandaan mo, hindi lahat ng babae sa paligid mo ay kagaya ng ex-wife mo. Baka ako ‘yong kaya mong pagkatiwalaan.” Hindi siya sumagot. Dumiretso siya sa sala at muling umupo. Binuksan niya ulit ang TV, pero halatang wala siyang naiintindihan sa pinapanood. Umakyat ako ulit sa taas at nagkunwaring nagbihis, pero hindi ko binago ang suot ko. Pagbaba ko, dala ko ang laptop ko at nagkunwaring may ginagawa sa dining table. Habang nagta-type ako, pasimple kong tinitingnan si Oliver. Tahimik lang siya pero alam kong iniisip pa rin niya ‘yong mga sinabi ko. Makalipas ang ilang minuto, nagsalita siya. “Marga, hindi ka ba lalabas kasama ‘yong mga kaibigan mo? Sayang ang day off mo.” Umiling ako. “Ayoko. Mas gusto ko rito. Mas peaceful lalo na't may kasama akong hot daddy.” “Mas peaceful?” napataas ang kilay niya. “Eh ilang beses mo na akong ginugulo ngayong araw.” Natawa ako. “Hindi naman po ako nanggugulo. Gusto ko lang kayong kilalanin. Malay mo ako na pala ang kukumpleto ng buhay mo.” Ngumisi ako sabay kindat. “Hindi mo kailangang gawin ‘yan. Walang dapat kang patunayan. Matanda na ako. Pinatira kita rito kasi parang anak na kita. Kaedad mo nga yata ang anak ko. Maraming binata sa paligid na pwede mong kilalanin.” “Maybe I want to,” sabi ko. “Maybe I like spending time with you.” Napatigil siya, hindi agad nakasagot. Naramdaman kong nagbago ang tono ng paligid. Parang mas mabigat at mas tahimik. Lumapit ako sa sofa at umupo sa tabi niya. “Oliver, sabihin mo nga sa akin,” tanong ko, “anong mali kung gusto ko ‘yong kasama kita?” “Dahil hindi mo alam kung saan ‘yan pupunta,” sagot niya, seryoso. “Ayokong masaktan ka. May edad na ako, may anak akong kasing-edad mo.” Tiningnan ko siya nang diretso. “Hindi ko kailangan ng tatay, Oliver. Gusto ko ng lalaking totoo.” Tumahimik siya, pero halatang apektado. Pinikit niya ang mga mata niya, huminga nang malalim. “Please, Marga, huwag mo akong pilitin. Hindi ko na kaya pang ulitin ang mga pagkakamali ko.” “Hindi mo kailangan magkamali para maramdaman kung buhay ka pa,” sagot ko. Bigla siyang tumayo. “I need some air.” Lumabas siya sa terrace, halatang nagpipigil ng emosyon. Naiwan akong nakaupo, pero nakangiti. Alam kong tama ang ginagawa ko. Hindi pa man siya bumibigay, pero alam kong naguguluhan na siya. At iyon ang gusto kong mangyari—ang mawalan siya ng kontrol. Pagbalik niya sa loob, normal na ang ekspresyon niya, pero kita sa mata ang tensyon. “Magluluto ako ng lunch,” sabi niya. Tumayo ako at lumapit. “Sige, tulungan kita.” “No need,” sagot niya agad. “Pahinga ka na lang.” “Pero gusto kong tumulong,” sabi ko. “Kahit maghiwa lang ako ng gulay.” Napabuntong-hininga siya pero pumayag din. “Okay. Pero makinig ka sa akin, ha?” “Depende,” sagot ko, sabay kuha ng chopping board. “Depende?” “Depende kung maganda ang tono ng boses mo,” biro ko sabay ngiti. Napailing siya pero hindi na nagsalita. Habang magkasama kaming nagluluto, pasimple kong hinahawakan ang kamay niya tuwing nag-aabot ng kutsilyo o plato. Ramdam kong umiinit ang paligid. Nang matapos kami, sabay kaming kumain. Tahimik lang kami sa una, pero maya-maya nagsalita siya. “Marga, kung ano man ‘yang ginagawa mo, huminto ka na.” Tumingin ako sa kaniya. “Anong ginagawa ko?” “Alam mo kung ano. Alam mong mali ito.” Ngumiti ako nang marahan. “Minsan kasi, Oliver, hindi mo alam kung ano talaga ang mali hangga’t hindi mo sinusubukan.” Tumayo siya at umalis ng mesa, halatang umiwas. Pero sa loob-loob ko, alam kong natataranta na siya. Pag-akyat ko sa gabi, binuksan ko ang laptop ko at sinimulang mag-research. Bilang isang detective, madali sa akin ang humanap ng impormasyon. I typed: Dr. Oliver Mendoza, background, controversies. Doon ko nalaman ang lahat. Kilala pala siya bilang ruthless surgeon—mahigpit, perfectionist, walang pakialam sa emosyon ng mga kasamahan niya. At higit sa lahat, may isyu siya sa anak niyang si Dominic. Iniwan daw niya ang pamilya noon para unahin ang karera niya. Napangiti ako. “Perfect,” bulong ko. “Hindi lang kita aakitin, Oliver. Gagawin ko ang lahat para mahulog ka sa akin hanggang sa mawala ka sa sarili mo. At kapag nangyari ‘yon, malalasap ni Dom kung gaano kasakit mawalan ng ama.” Nakatitig ako sa monitor, hawak ang cellphone ko. Isang mensahe ang sinend ko kay Dom. “You’ll regret everything soon.”Marga's POV Hindi ako maka-focus sa trabaho buong araw. Pakiramdam ko bawat tingin ng mga kasamahan ko ay may kasamang panghuhusga. Habang naglalakad ako sa hallway ng presinto, rinig ko pa ang bulungan. “Ayan siya… ‘yung pumatol sa tatay ng ex niya.” “Sayang ang mukha pero hindi pala maayos ang ugali.” “Grabe, babae pala ng tatay ni Dominic? Ang gulo ng buhay.” Hindi ko man sila tingnan nang diretso, ramdam ko ang bigat ng mga salita nila. Parang araw-araw akong tinutusok sa likod ng mga maling paratang. Wala pa ring tigil si Dominic sa paninira. Halos isang buwan na mula nang huli kong makita si Oliver pero wala siyang kahit isang text o tawag. Wala ring paliwanag kung bakit bigla siyang naglaho. Hindi ko alam kung galit ba siya o tinalikuran na niya talaga ako. Ang tanging kaginhawaan ko ay hindi siya nagsalita tungkol sa aming relasyon niya. Dahil kung naglabas siya ng kahit anong salita, baka mas lumala ang sitwasyon at lalo akong mapag-initan. Naupo ako sa lamesa ko at bi
Marga's POV Maaga akong pumasok sa trabaho kahit ramdam ko pa rin ang bigat ng mga sinabi ni Dominic kagabi. Pagpasok ko sa opisina, pakiramdam ko lahat ng mata nakaabang sa bawat hakbang ko. 'Yung iba, hindi nagsasalita pero halatang may iniisip. 'Yung iba naman, hindi na tinatago ang pagtingin mula ulo hanggang paa. “Yan ba yung nabalita sa group chat?” narinig kong bulong ng isa. “Oo. Siya yung sinasabing pumatol sa tatay ng ex niya. Grabe, no?” sagot ng isa pa na parang wala ako sa harap nila. Humigpit ang hawak ko sa bag ko pero hindi ako nagsalita. Diretso lang ako sa desk ko, pinipilit maging normal. Pero maya-maya, tumunog ang internal phone. Tumatawag ang boss namin. Napapikit ako saglit bago sumagot. “Yes po, Sir?” “Marga, my office. Now.” Napalunok ako bago tumayo. Pagpasok ko sa opisina niya, seryoso ang mukha niya. Nakaupo siya sa swivel chair, nakalagay ang dalawang kamay sa mesa. “Sit,” utos niya. Umupo ako, pilit pinapakalma ang sarili ko. “Marga…” bumuntong-h
Marga's POV Pagkatapos ng trabaho ko bilang detective, agad akong nagpunta sa ospital para kausapin si Oliver. Hindi na ako nagdalawang-isip; dala ko ang buong katotohanan kung bakit ko nagawang gamitin siya noong una. Lahat. Ang planong paggamit ko sa kanya para gantihan ang anak niya, ang mga lihim na itinago ko, pati na ang mga pangambang baka hindi niya ako mapatawad. Pagdating ko, nakita ko siya sa corridor, nakatayo sa tabi ng operating room, nakatingin sa monitor habang may kausap na nurse. Nang mapansin niya ako, hininto niya ang ginagawa niya at lumapit. Tahimik lang siyang tumingin sa akin. Sobrang lamig din ng awra niya. Parang hindi na siya ang lalaking minahal ko at iniyakan gabi-gabi. Para bang hinahamon niya ang bawat salita ko bago niya pakinggan. Napaupo ako sa bench sa harap niya, iniwan ang bag ko sa tabi. Hindi ko alam kung paano sisimulan. Lumingon siya sa akin, tinitigan ako, pero tahimik pa rin. “Oliver…” mahina kong wika, halos bumulong. “I… I need to tell y
Marga’s POV Umagang-umaga na nang muling subukan kong tawagan si Oliver. Paulit-ulit ko na siyang tinatawagan, pinipilit makipag-usap, kahit alam kong galit siya. Pero walang tugon. Huminga ako nang malalim at pinindot ang call button. “Oli… please… sagutin mo naman ako. Please…” halos umiiyak na ang boses ko. Walang sumagot. Napailing ako at hinanap ang messaging app. Nag-type ako ng mahabang text, nag-send ng voice message, halos umaagos ang emosyon ko. “Oliver… I know I hurt you. I know I lied and I used you at first… I never meant for this to happen. Pero… I can’t lie anymore. I’m in love with you. I forgot all about my plan to get back at Dominic… I just… I love you. And I’m sorry for everything. Please… please just hear me out. I can’t bear not talking to you.” Hinintay ko ang kahit isang reply, kahit simpleng “ok,” pero wala. Ibinaba ko ang phone at umiyak nang tuloy-tuloy. Halos lahat ng emosyon ko—pagsisisi, lungkot, takot—ay sabay-sabay lumabas. Napaupo ako sa kama ni
Marga’s POV Nagising ako nang bahagyang maingay ang pintuan ng silid. Ang huling alaala ko ay nakahiga sa kama ni Oliver, nakangiti habang hawak niya ang kamay ko. Pero nang tumingin ako sa pintuan, napatigil ako. Namilog ang mga mata ko nang makita si Dominic, kasama ang aking ina, si Liza. “Mama? Dominic?” halatang nagulat ako, halos hindi makapaniwala. “Anak, kailangan nating mag-usap. Anong ibig sabihin nito? Boyfriend mo ang tatay ni Dom?” sabi ni Mama nang seryoso, at si Dominic ay nakatingin sa akin na parang galit na galit. “Ano’ng ginagawa niyo rito?” tanong ko imbes sagutin si Mama, nanginginig ang boses. “Paano kayo nakapasok?” “Relax, Marga,” sabi ni Dominic, pero halata ang init ng galit sa tono niya. “Alam mo ba kung gaano ako nasaktan numoong nalaman ko na rito ka na pala nakatira, sa bahay ng tatay ko, na parang wala kang pakialam sa akin?” “Dom, please, hindi naman gano’n!” pinilit kong ipaliwanag, pero hindi siya nakinig. “Hindi mo lang basta ginagamit si Dadd
Oliver’s POV Pagkatapos ng isang mahabang operation at ilang oras na halos walang pahinga, nagpasya akong maligo muna bago kumain. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa puyat, pero gumaan nang kaunti dahil naririnig ko si Marga sa kusina. Maingat siyang nag-iinit ng mantika at may naririnig akong hinihiwang gulay. Mabango ang bawang at sibuyas sa hangin. Nagbukas ako ng gripo at nagsimula nang maligo. Habang nagsasabon, biglang nag-ring ang phone ko sa ibabaw ng sink. Hindi ko agad kinuha kasi basa ang kamay ko, pero nagpatuloy ang ringtone. Kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ang kamay bago sinagot. “Hello?” sabi ko, medyo pagod ang boses. “Oliver.” Si Olivia. Napapikit ako at huminga nang mabagal. Ganito na naman. Wala pang isang linggo mula nang huli siyang tumawag. “Bakit ka tumatawag?” kaswal kong tanong. “May emergency ba? Dahil kung wala, I don’t think this is necessary.” “Can we meet?” sagot niya agad. “Please, Oliver. I want to talk to you properly. Hindi puwede sa







