Share

Chapter 2

Author: HAVANA
last update Last Updated: 2025-05-25 15:37:46

Pagod na pagod ang katawan at utak ni Paige pagpatak ng alas sais ng gabi. Sa wakas, makakauwi na rin siya. Hindi na niya kayang magtagal pa sa opisina—lalo pa’t naroon si Rowan.

Mula kaninang tanghali ay kung anu-ano na ang sinasabi nito. Paulit-ulit nitong iginigiit na may gusto raw siya rito, na itinatago lang niya at hindi masabi. Hindi niya alam kung saan nito kinuha ang ideyang iyon. Wala at hindi magkakaroon ng pagkakataong mahulog siya sa lalaking iyon. Kahit magka-crush ay imposibleng mangyari. Hindi niya ito tipo—at kailanman ay hindi magiging tipo. Galit siya rito bilang tao. Galit siya sa paraan ng pagtrato nito sa mga babae.

“Are you going home, Secretary Paige?" tanong ni Rowan sa kanya.

“Yes, sir,” sagot niya habang mabilis na inililigpit ang mga gamit.

“Ihahatid na kita. Saan ka ba nakatira?” alok nito.

Umiling siya agad. “I appreciate the offer, sir, but I’m good. May dadaanan din kasi akong personal na lakad ngayon,” pagsisinungaling niya habang isinusuot ang bag. “Uwi na po ako,” paalam niya bago mabilis na lumabas.

Tinawag pa siya nito, pero hindi na niya iyon pinansin.

Pagkalabas ng opisina ay agad siyang sumakay sa elevator. Siya lang ang sakay dahil sila lang ni Rowan ang naroon sa ika-40 palapag. Pagdating sa ika-35 palapag, bumukas ang pinto at tumambad sa kanya si Sage—isa ring Villaraza at pinsan ni Rowan.

“G-Good afternoon, sir,” bati niya rito sabay yuko, hindi lang para magpakita ng paggalang, kundi para itago rin ang namumulang pisngi niya.

“Secretary Paige, Good evening,” tugon nito sa kanya.

Malalim at lalaking-lalaki ang boses. At nang tumabi ito sa kanya, lalong uminit ang pisngi niya dahil sa amoy nitong napakabango... parang bagong ligo, parang papunta pa lang sa trabaho.

Tall, dark, and handsome. Sa tuwing naririnig niya ang mga salitang iyon, si Sage ang unang pumapasok sa isipan niya. Napakagwapo nito. Napakakisig. Napakabait. Taliwas sa ugali ni Rowan. Kung ito lang ang naging boss niya, baka nagpapa-overtime pa siya kahit walang bayad, mapagsilbihan lang ito.

Pero sa kamalasan ng tadhana, napunta siya kay Rowan, ang taong walang ibang idinudulot kundi sakit ng ulo at pighati.

“Pauwi ka na?” tanong ni Sage sa kanya, kaswal ang tono.

“Opo, sir. Kayo po?” sagot niya, saka ito tiningnan at bahagyang ngumiti. Inayos pa niya ang kanyang salamin para mas maaninag ang gwapo nitong mukha.

“I have somewhere else to go,” sagot nito at tipid na ngumiti.

Hindi niya mapigilang kiligin sa ngiting iyon. Sa mahigit isang taon niya sa kompanya, marami na rin silang naging pag-uusap ni Sage dahil sa posisyon niya. Bilang secretary ng CEO, siya ang kadalasang kinakausap ng ibang boss, lalo na’t madalas wala si Rowan.

At sa mga pagkakataong nagkakausap sila ay pakiramdam niya’y mas napapalapit ang loob niya sa kanya. Masasabi niyang isa siya sa pinakamabait na bosses sa kompanya. Kaya hindi na nakakapagtakang marami ring nahuhumaling sa kanya, at kasama na siya roon.

Pauwi na sana siya sa bahay nang tumawag sa kanya si Sofia, ang matalik niyang kaibigan.

“Sof?” bungad niya.

“Where are you?” diretsong tanong nito.

“Wala man lang kumusta?” sarkastikong tugon niya dahilan para matawa ito. Hindi niya naman mapigilang mapamura dahil maging ang pagtawa nito ay kay gandang pakinggan.

Ito ang palaging kasama niya noong nag-aaral pa lang siya sa college. Naging magkaibigan sila nang magkasama sila sa isang school project noong first year college sila. Bigla lang silang nag-click dalawa. Ang dami ngang nagtaka kung bakit sila naging magkaibigan lalo na’t complete opposite silang dalawa. Maganda at sexy si Sofia, habang siya ay ‘wag na lang pag-usapan pa. Basta kung ano ang opposite ng maganda at sexy ay ‘yon siya. Isama mo pa ang makapal niyang salamin dahil sa malabo niyang mata at manang niyang pananamit, siya talaga ang complete opposite nito.

Isa pa sa dahilan kung bakit nagtataka ang mga tao sa kanilang dalawa ay ang estado nila sa buhay. Galing sa mayamang pamilya si Sofia, Unica hija ng mag-asawang negosyante.

“Pwede ba tayong magkita, Paige? Miss na kita,” paglalambing nito.

Pero dahil matagal na silang magkakilala ay alam na niya agad ang pakay nito.

“Is that it again?” tugon niya.

Hindi pa ito agad sumagot kaya inunahan na niya. “Sige, magkita na lang tayo sa cafe malapit dito sa opisina namin. Text ko sa ‘yo ang address.”

**

“So, sino na naman ang lalaking ipapa-meet mo sa akin?” diretsong tanong niya kay Sofia nang makaupo silang dalawa.

Ngumuso ito at napasandal na lang sa glass wall ng cafe. “Hindi ko alam. My parents won’t tell me kung sino ito. They said he’s someone na makakatulong sa negosyo namin. A new CEO,” anito bago tumingin sa kanya. “Pero ayoko siyang i-meet, Paige. I don’t want to.”

Marahan siyang tumango. “I understand. Kaya nga ako nandito, ‘di ba?”

Ever since nakapagtapos ito ng pag-aaral ay walang ibang ginawa ang mga magulang nito kundi ang i-set up ito sa iba’t ibang mga lalaki, hoping na may makilala itong magugustuhan.

Gustong-gusto na kasi ng mga magulang nito na maikasal siya. Pero ayaw nito. Marami pa siyang pangarap sa sarili niya. Hindi niya raw sasayangin ang lahat ng taong iginugol niya sa pag-aaral para lang maging housewife. She wants to become more. And that’s when siya ang nakaisip ng ideya na siya na lang ang makipag-meet sa mga lalaking sini-set up ng mga magulang nito sa kanya. And in exchange ay binabayaran siya nito.

Siya ang nag-offer nito dahil ‘yon ang way niya para tulungan ito. Ang laki rin kasi ng naitulong nito sa kanya financially and somehow gusto niyang ibalik sa kanya ang pabor at kabutihan nito. At sobrang saya niya kasi nagamit niya ang kapangitan niya para matulungan ito.

“Same strategy ba?” tanong niya rito. “I just have to discourage him, right?”

Mabilis itong tumango. “Yes, discourage him. Make sure na hindi na niya ako gugustuhing makita pang muli. Make sure na siya na hindi na muling masusundan ang blind date namin.”

“Okay, got it.”

Ngumiti ito sa kanya. “Thank you, Paige. I’ll wire you the money now,” anito sabay bukas ng cellphone nito. At ilang saglit lang ay natanggap na niya ang bayad nito.

Ngumiti lang din siya rito at pinag-usapan na nila ang gagawin nila. It’s been a while since she last did it, kaya kahit papaano ay na-miss din niya ang ginagawa nila. Nag-iibang tao kasi siya sa tuwing nagpapanggap siya bilang si Sofia Ho.

Hindi na siya makapaghintay na makita kung sino ang lalaking itataboy niya.

"Oh, by the way. Ang dinig ko mula sa kasambahay namin ay babaero raw ang lalaking kikitain mo. Mag-iingat ka."

Napangiwi si Paige sa narinig. Araw-araw niyang hinaharap ang babaerong boss na si Rowan, kaya sisiw na lang sa kanya ang mga style ng ibang lalaking babaero.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing The Billionaire's Secretary    Chapter 3

    Pagkapasok pa lang ni Rowan sa bahay ay sumalubong na agad sa kanya ang nakangiting ama na nakaupo sa couch. Halatang inaasahan na nito ang pagdating niya.“Welcome home, son.”“You know why I am here, dad,” walang ganang sabi niya habang naupo sa couch.Ayaw pa sana niyang umuwi, pero wala siyang choice dahil pinapatawag siya ng ama niya. Gusto rin naman niyang makipagkita rito at ayusin ang lahat dahil sawang-sawa na siya sa ginagawa nitong paghahanap ng mapapangasawa niya.“So, who’s this girl?” diretsong tanong niya. "I want things to be over as soon as possible. I want my freedom, dad. And I hope you can give it to me this time.”Tiningnan siya ng ama niya na may halong lungkot at pagkadismaya sa mga mata. “Rowan, you’re old enough to settle down. Tama na ang kalokohan. It’s time for you to get married,” sambit nito. “Look at your friends. Kung hindi engaged, may mga asawa at anak na.”Naikuyom niya ang kamay bago tinitigan ito sa mga mata. “I am not like them, dad. I don’t have

  • Seducing The Billionaire's Secretary    Chapter 2

    Pagod na pagod ang katawan at utak ni Paige pagpatak ng alas sais ng gabi. Sa wakas, makakauwi na rin siya. Hindi na niya kayang magtagal pa sa opisina—lalo pa’t naroon si Rowan.Mula kaninang tanghali ay kung anu-ano na ang sinasabi nito. Paulit-ulit nitong iginigiit na may gusto raw siya rito, na itinatago lang niya at hindi masabi. Hindi niya alam kung saan nito kinuha ang ideyang iyon. Wala at hindi magkakaroon ng pagkakataong mahulog siya sa lalaking iyon. Kahit magka-crush ay imposibleng mangyari. Hindi niya ito tipo—at kailanman ay hindi magiging tipo. Galit siya rito bilang tao. Galit siya sa paraan ng pagtrato nito sa mga babae.“Are you going home, Secretary Paige?" tanong ni Rowan sa kanya.“Yes, sir,” sagot niya habang mabilis na inililigpit ang mga gamit.“Ihahatid na kita. Saan ka ba nakatira?” alok nito.Umiling siya agad. “I appreciate the offer, sir, but I’m good. May dadaanan din kasi akong personal na lakad ngayon,” pagsisinungaling niya habang isinusuot ang bag. “U

  • Seducing The Billionaire's Secretary    Chapter 1

    Paige could feel the vein in her head ready to burst from sheer frustration. Tambak ang trabaho, pero wala rito ang boss niya.Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na itong ginawa ng boss niya, ang takasan ang trabaho nito.Nag-vibrate ang cellphone niya at nakitang may text ang boss niyang si Rowan. Napataas ng kilay niya nang makitang isa iyong photo... Topless photo ng boss niya.Mas lalo lamang siyang nainis at dinelete ang photo. Hindi niya alam kung anong trip nito at nagsend ito ng ganong klase ng photo.Maya-maya pa, may tumawag na naman sa kanya at tinanong kung bakit na-move ang scheduled meeting nila with Mr. Yan. “I apologize for the sudden changes, ma’am. We weren’t able to inform you because we had to reschedule it due to unforeseen circumstances.” Nang matapos ang tawag, napabuga na lang siya ng hangin bago mariing pumikit.Kung hindi lang malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa kay Mr. Ramon Villaraza, ang dating boss ng kanyang ama, at siya namang ama ng b

  • Seducing The Billionaire's Secretary    Prologue

    “Bakit ba kasi ayaw mo sa idea na mag-settle down, Rowan?" tanong ni Thirdy.Natatawa namang napailing si Rowan sa tanong ng kaibigan niya.“Because love makes you stupid, bro. Nakakatanga. It makes you do crazy things,” mabilis niyang sagot, at muling umiling. Itinuro pa niya ang dalawang kaibigan. “Look at these two, nagmukhang tanga nang ma-in love. Nawala ang angas,” dagdag pa niya at napabuga ng hangin. “And I will never let myself be like them. Hindi ko kayang matali lang sa isang babae."“Well, love makes us all crazy. And it’s the kind of crazy you’ll never regret,” paliwanag ni Thirdy.Napatingin si Rowan sa kaibigan, hindi makapaniwala. “Damn, ang corny! That’s why I’ll never fall in love. Ayokong maging corny gaya n’yo.”“So, do you just plan to toy with women ‘til you grow old?” tanong naman ni Pietro. “Paano kung dumating sa point na wala nang lakas ang tuhod mo and your díck won’t get hard anymore? Sa tingin mo ba lalapitan ka pa ng mga babae?"Binigyan lang ni Rowan ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status