
Seducing The Billionaire's Secretary
Rowan Villaraza is rich, good-looking, and used to being chased by women. Para sa kanya ay laro lang ang lahat. Pa-cute dito, pa-charming doon. Wala pang tumanggi sa kanya. Walang hindi bumigay.
Pero nabaligtad ang mundo niya nang dumating si Paige Acosta—ang bago niyang secretary na parang laging galit sa mundo. Luma kung manamit, laging seryoso, and the way she looked at him... it was as if she saw something disgusting on the floor.
Hindi siya ‘yung tipo ni Rowan. At lalong hindi siya ‘yung babaeng mapapatingin ka ulit sa kanya. Pero ewan ba niya kung bakit ito pa ang hindi niya matigilan pagmasdan. Lalo pa nang hindi man lang ito natinag sa mga pa-charming niyang siguradong epektibo sa iba.
Kaya nang biruin siya ng mga barkada na paibigin si Paige ay tinanggap niya ang hamon. Easy lang naman yun kay Rowan. One look, one smile, and game over.
Pero habang tumatagal, iba ang nangyari. Imbes na ang secretary niya ang paibigan, mukhang siya pa ang mahuhulog. Imbes na siya ang nilalapitan, siya ang gustong lumapit.
And by the time he realized everything was real, he was already the one chasing after her.
Read
Chapter: Chapter 3Pagkapasok pa lang ni Rowan sa bahay ay sumalubong na agad sa kanya ang nakangiting ama na nakaupo sa couch. Halatang inaasahan na nito ang pagdating niya.“Welcome home, son.”“You know why I am here, dad,” walang ganang sabi niya habang naupo sa couch.Ayaw pa sana niyang umuwi, pero wala siyang choice dahil pinapatawag siya ng ama niya. Gusto rin naman niyang makipagkita rito at ayusin ang lahat dahil sawang-sawa na siya sa ginagawa nitong paghahanap ng mapapangasawa niya.“So, who’s this girl?” diretsong tanong niya. "I want things to be over as soon as possible. I want my freedom, dad. And I hope you can give it to me this time.”Tiningnan siya ng ama niya na may halong lungkot at pagkadismaya sa mga mata. “Rowan, you’re old enough to settle down. Tama na ang kalokohan. It’s time for you to get married,” sambit nito. “Look at your friends. Kung hindi engaged, may mga asawa at anak na.”Naikuyom niya ang kamay bago tinitigan ito sa mga mata. “I am not like them, dad. I don’t have
Last Updated: 2025-05-25
Chapter: Chapter 2Pagod na pagod ang katawan at utak ni Paige pagpatak ng alas sais ng gabi. Sa wakas, makakauwi na rin siya. Hindi na niya kayang magtagal pa sa opisina—lalo pa’t naroon si Rowan.Mula kaninang tanghali ay kung anu-ano na ang sinasabi nito. Paulit-ulit nitong iginigiit na may gusto raw siya rito, na itinatago lang niya at hindi masabi. Hindi niya alam kung saan nito kinuha ang ideyang iyon. Wala at hindi magkakaroon ng pagkakataong mahulog siya sa lalaking iyon. Kahit magka-crush ay imposibleng mangyari. Hindi niya ito tipo—at kailanman ay hindi magiging tipo. Galit siya rito bilang tao. Galit siya sa paraan ng pagtrato nito sa mga babae.“Are you going home, Secretary Paige?" tanong ni Rowan sa kanya.“Yes, sir,” sagot niya habang mabilis na inililigpit ang mga gamit.“Ihahatid na kita. Saan ka ba nakatira?” alok nito.Umiling siya agad. “I appreciate the offer, sir, but I’m good. May dadaanan din kasi akong personal na lakad ngayon,” pagsisinungaling niya habang isinusuot ang bag. “U
Last Updated: 2025-05-25
Chapter: Chapter 1Paige could feel the vein in her head ready to burst from sheer frustration. Tambak ang trabaho, pero wala rito ang boss niya.Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na itong ginawa ng boss niya, ang takasan ang trabaho nito.Nag-vibrate ang cellphone niya at nakitang may text ang boss niyang si Rowan. Napataas ng kilay niya nang makitang isa iyong photo... Topless photo ng boss niya.Mas lalo lamang siyang nainis at dinelete ang photo. Hindi niya alam kung anong trip nito at nagsend ito ng ganong klase ng photo.Maya-maya pa, may tumawag na naman sa kanya at tinanong kung bakit na-move ang scheduled meeting nila with Mr. Yan. “I apologize for the sudden changes, ma’am. We weren’t able to inform you because we had to reschedule it due to unforeseen circumstances.” Nang matapos ang tawag, napabuga na lang siya ng hangin bago mariing pumikit.Kung hindi lang malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa kay Mr. Ramon Villaraza, ang dating boss ng kanyang ama, at siya namang ama ng b
Last Updated: 2025-05-25
Chapter: Prologue “Bakit ba kasi ayaw mo sa idea na mag-settle down, Rowan?" tanong ni Thirdy.Natatawa namang napailing si Rowan sa tanong ng kaibigan niya.“Because love makes you stupid, bro. Nakakatanga. It makes you do crazy things,” mabilis niyang sagot, at muling umiling. Itinuro pa niya ang dalawang kaibigan. “Look at these two, nagmukhang tanga nang ma-in love. Nawala ang angas,” dagdag pa niya at napabuga ng hangin. “And I will never let myself be like them. Hindi ko kayang matali lang sa isang babae."“Well, love makes us all crazy. And it’s the kind of crazy you’ll never regret,” paliwanag ni Thirdy.Napatingin si Rowan sa kaibigan, hindi makapaniwala. “Damn, ang corny! That’s why I’ll never fall in love. Ayokong maging corny gaya n’yo.”“So, do you just plan to toy with women ‘til you grow old?” tanong naman ni Pietro. “Paano kung dumating sa point na wala nang lakas ang tuhod mo and your díck won’t get hard anymore? Sa tingin mo ba lalapitan ka pa ng mga babae?"Binigyan lang ni Rowan ng
Last Updated: 2025-05-25