Share

Chapter 1

Author: HAVANA
last update Last Updated: 2025-05-25 14:52:14

Paige could feel the vein in her head ready to burst from sheer frustration. Tambak ang trabaho, pero wala rito ang boss niya.

Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na itong ginawa ng boss niya, ang takasan ang trabaho nito.

Nag-vibrate ang cellphone niya at nakitang may text ang boss niyang si Rowan. Napataas ng kilay niya nang makitang isa iyong photo... Topless photo ng boss niya.

Mas lalo lamang siyang nainis at dinelete ang photo. Hindi niya alam kung anong trip nito at nagsend ito ng ganong klase ng photo.

Maya-maya pa, may tumawag na naman sa kanya at tinanong kung bakit na-move ang scheduled meeting nila with Mr. Yan. “I apologize for the sudden changes, ma’am. We weren’t able to inform you because we had to reschedule it due to unforeseen circumstances.” Nang matapos ang tawag, napabuga na lang siya ng hangin bago mariing pumikit.

Kung hindi lang malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa kay Mr. Ramon Villaraza, ang dating boss ng kanyang ama, at siya namang ama ng boss niya ngayon ay baka nasa ibang kumpanya siya nagtatrabaho ngayon

Sa totoo lang, wala naman siyang problema sa kumpanya. Kay Rowan Villaraza lang talaga. Kung bakit ba kasi maagang ibinigay ni Mr. Ramon sa anak ng pagpapatakbo ng kumpanya.

Maya-maya pa, natigil ang pagmumuni-muni niya nang tumunog ang cellphone niya.

Tumatawag na ang boss niya.

“Secretary Paige, good afternoon,” malambing na bungad nito, dahilan para manayo ang balahibo niya. Pakiramdam niya’y ibang tao ang kausap niya.

“Sino ka?” walang emosyon niyang tanong kahit sa kaloob-looban ay nangingilabot siya rito. “Bakit hawak mo ang cellphone ng boss ko?”

“Secretary Paige, hindi mo na ba nakikilala ang gwapong boses ng super gwapo mong boss?”

Pinatay na lang niya ang tawag bago pa siya masuka sa mga naririnig.

Ilang beses pa itong tumawag pero hindi na niya ito pinansin. Nag-text na lang siya na kung maaari at parang awa na nito ay bumalik na ito dahil nauubusan na siya ng mga posibleng dahilan na sasabihin sa mga kliyente nila.

And gladly, after almost an hour, nagpakita rin ito sa opisina.

“Mabuti naman po at pumasok ka na,” bungad niya habang kinukuha ang envelope kung saan inilagay niya ang lahat ng mga trabahong kailangan nitong gawin. “Tambak na ang paperworks, and marami na rin documents na kailangang i-review,” dire-diretso niyang sabi at ipinakita kung paano niya ibinagsak ang hawak sa mesa nito.

Napangiwi ito at ngumuso. “That much already?” anito na para bang gulat na gulat pa.

Ang sarap sapakin.

“Nabawasan na nga po ‘yan dahil ginawa ko na ang iba,” pagtatapat niya.

“Sana tinapos mo na lang lahat para wala na akong iisipin," nakangusong tugon nito bago lumapit sa kanya.

Mauubos talaga ang buhok niya sa stress sa lalaking ito!

“Kung pwede lang po, sir, ginawa ko na,” sagot niya habang nagpipigil ng inis. “Kaso hindi. Hindi kasi ako ang CEO. Ikaw yun."

“Nobody’s gonna know na ikaw ang gumawa ng trabaho ko. How about I pay you extra para tapusin ang lahat nang ‘yan?” anito sabay ngisi at kindat sa kanya, dahilan para manayo lahat ng buhok sa katawan niya.

“Sir...” Pasimple niyang ikinuyom ang kamay. “Hindi ko na po trabaho yan. Kasalanan n’yo rin naman po kung bakit kayo natambakan ng trabaho.”

“I attended an engagement party, Secretary Paige," pagdepensa nito.

“Sir, apat na raw na ang lumipas simula nong engagement party."

“Well, there’s an after party.”

Tumaas ang kilay niya. “Apat na araw?"

Ngumisi ito sa kanya. “Nagpahinga ako siyempre.”

Nakagat ni Paige ang labi niya at huminga na lang nang malalim. Baka masakal na talaga niya ang lalaking ito.

“We all deserve a break."

Siya nga itong inaalila! Siya nga itong walang leave at vacation!

“Okay, back to the main topic,” anito sabay ngiting pagkalapad-lapad sa kanya. “Please finish those tasks. Alam kong alam mo na kung paano gawin yang mga ‘yan,” dagdag pa nito.

“Sir, I am sorry, pero hindi ko po talaga pwedeng gawin ang gusto n’yo,” pinal na sambit ni Paige.

“Well, you can choose not to do it. Pero mas dadami lang po ang gagawin n’yo bukas.”

Mas lumapit ito sa kanya. Tiningnan siya nito at gumawa pa ng puppy-eyes look. “Please?”

“Hindi po ako madadala sa ganyan, sir. Mukha kayong timang,” malamig niyang tugon bago niya ito nilayuan.

“A-Ano...?” hindi makapaniwalang tugon ng lalaki bago ito mabilis na lumapit sa kanya. “I dare you to look at me one more time and say that to my face!” anito sabay harang sa kanya.

Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tumingin nang diretso sa mga mata niya. Tumitig ito sa kanya gamit ang itim na itim nitong mga mata. Kumukurap-kurap pa ito, dahilan para makita ni Paige kung gaano kahaba at kaalon ang mga pilikmata nito.

“Sige po, binabawi ko na. Hindi ka na mukhang timang.”

Napangiti ito sa narinig. “I told you."

"Baliw. Mukha ka pong baliw,” malamig na sabi niya at hinawi ito sa harapan niya.

“B-Baliw? That’s... That’s an insult!” anito at lumapit pa. “Sa gwapo kong ’to sasabihan mo akong mukha akong... baliw? Coming from you?”

“I am just telling you what I see, sir. At bakit, anong coming from me?” diretsong tanong niya. “Anong meron sa akin?”

Kita niya kung paano siya tiningnan ng lalaki mula ulo hanggang paa bago ito bumuga ng hangin. “Never mind,” anito at umupo na lang sa mesa nito.

Kung ang ibig sabihin nito ay ang pananamit niya, well, mas komportable siya sa suot niya kahit pa ilang beses siyang sabihang manang.

“Hindi mo ba talaga ako tutulungan, Secretary Paige?” mahinang tanong nito bago ngumuso. “I’ll do whatever you want. Kahit pa makipag-one night stand sa ’yo?” dagdag pa nito at kumindat pa.

Para siyang tinamaan ng kidlat sa narinig. Kung puwede lang siyang sumuka sa harapan nito, ginawa na niya. “Sir Rowan, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ang bastos," prangka niyang sabi. “That’s not how a CEO should act.”

“Ayan na naman siya sa pangangaral niya,” tugon nito sabay iling.

Hindi na lang niya ito pinansin at itinuon ang atensyon sa ginagawa niya. Pero ang loko, hindi pa talaga tapos. Lumapit pa ito at biglang hinaplos ang pisngi niya saka siya tiningnan nang diretso sa mga mata—dahilan para manginig siya sa pandidiri.

Hindi na niya napigilan ang sarili at malakas niya itong naitulak. “Sir, nagda-drugs ka ba?” naibulalas na lang niya. Hindi niya maintindihan ang ikinikilos nito. Hindi naman ito ganito dati, eh. "Kapag naubos ang pasensya ko ay talagang magsusumbong na ako sa daddy mo!"

“Bakit ba ang arte mo?” anito sabay kunot-noong tumingin sa kanya. “Ako na nga ang nagpapahiwatig. Ako na ang lumalapit sayo, Secretary Paige."

Napaawang ang bibig niya sa labis na kayabangan nito. “A-Ano?”

“I know you like me, Secretary Paige. Sino ba namang hindi magkakagusto sa isang Rowan Villaraza, ’di ba? I’m hot, freaking hot, handsome, rich, and most especially, really good in bed.”

“Ako,” diretsong sabi niya. “Ako ang hindi magkakagusto sayo, sir. Kaya kung type n’yo ako, p’wes, tumigil na kayo dahil hindi ako kagaya ng mga babaeng nakilala n’yo.”

“Ikaw, type ko?” Mahina itong natawa. “Look… Secretary Paige…”

“I am not and will never be interested in you, sir. Nandito lang ako para magtrabaho,” diretsong sabi niya. “Find another woman to toy with.”

“Are you really not attracted to me?” pagpupumilit nito.

Diretso niya itong tiningnan sa mga mata. “Hindi ikaw ang type ko,” prangka niyang sagot. Dapat lang maitatak na iyon sa malaking ulo nito. “Umayos ka na at magtrabaho. Napipikon na ako sayo."

“Are you really sure, Secretary Paige? Hindi mo talaga ako gusto?”

“Bakit, hindi mo ba matanggap, sir? At isa pa, hindi mo pa ba napagtanto sa loob ng mahigit anim na buwan na nagtatrabaho ako sayo?” kunot-noong tanong niya.

“Well… Hindi ka ba tumagal because you like me?” anito. Bakas sa mga mata nito ang pagkalito at pagtataka.

Napatampal na lang siya sa noo sa pagka-assuming ng lalaking ’to. Ito na ba ang epektong pagiging babaero nito—na kung ano-ano na lang ang naiisip?

“I have bills to pay, sir. Nagtatrabaho ako rito dahil malaki ang naitulong ng daddy mo sa pamilya ko, hindi dahil para sayo,” mariin niyang sabi.

Natutop nito ang bibig nito at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa kanya. “Shit… Mukhang matatalo pa ata ako," naibulalas nito bago ito tahimik na bumalik sa upuan at napatitig na lang sa kawalan.

Ano bang problema ng boss niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Seducing The Billionaire's Secretary    Chapter 3

    Pagkapasok pa lang ni Rowan sa bahay ay sumalubong na agad sa kanya ang nakangiting ama na nakaupo sa couch. Halatang inaasahan na nito ang pagdating niya.“Welcome home, son.”“You know why I am here, dad,” walang ganang sabi niya habang naupo sa couch.Ayaw pa sana niyang umuwi, pero wala siyang choice dahil pinapatawag siya ng ama niya. Gusto rin naman niyang makipagkita rito at ayusin ang lahat dahil sawang-sawa na siya sa ginagawa nitong paghahanap ng mapapangasawa niya.“So, who’s this girl?” diretsong tanong niya. "I want things to be over as soon as possible. I want my freedom, dad. And I hope you can give it to me this time.”Tiningnan siya ng ama niya na may halong lungkot at pagkadismaya sa mga mata. “Rowan, you’re old enough to settle down. Tama na ang kalokohan. It’s time for you to get married,” sambit nito. “Look at your friends. Kung hindi engaged, may mga asawa at anak na.”Naikuyom niya ang kamay bago tinitigan ito sa mga mata. “I am not like them, dad. I don’t have

  • Seducing The Billionaire's Secretary    Chapter 2

    Pagod na pagod ang katawan at utak ni Paige pagpatak ng alas sais ng gabi. Sa wakas, makakauwi na rin siya. Hindi na niya kayang magtagal pa sa opisina—lalo pa’t naroon si Rowan.Mula kaninang tanghali ay kung anu-ano na ang sinasabi nito. Paulit-ulit nitong iginigiit na may gusto raw siya rito, na itinatago lang niya at hindi masabi. Hindi niya alam kung saan nito kinuha ang ideyang iyon. Wala at hindi magkakaroon ng pagkakataong mahulog siya sa lalaking iyon. Kahit magka-crush ay imposibleng mangyari. Hindi niya ito tipo—at kailanman ay hindi magiging tipo. Galit siya rito bilang tao. Galit siya sa paraan ng pagtrato nito sa mga babae.“Are you going home, Secretary Paige?" tanong ni Rowan sa kanya.“Yes, sir,” sagot niya habang mabilis na inililigpit ang mga gamit.“Ihahatid na kita. Saan ka ba nakatira?” alok nito.Umiling siya agad. “I appreciate the offer, sir, but I’m good. May dadaanan din kasi akong personal na lakad ngayon,” pagsisinungaling niya habang isinusuot ang bag. “U

  • Seducing The Billionaire's Secretary    Chapter 1

    Paige could feel the vein in her head ready to burst from sheer frustration. Tambak ang trabaho, pero wala rito ang boss niya.Hindi na niya mabilang kung pang-ilang beses na itong ginawa ng boss niya, ang takasan ang trabaho nito.Nag-vibrate ang cellphone niya at nakitang may text ang boss niyang si Rowan. Napataas ng kilay niya nang makitang isa iyong photo... Topless photo ng boss niya.Mas lalo lamang siyang nainis at dinelete ang photo. Hindi niya alam kung anong trip nito at nagsend ito ng ganong klase ng photo.Maya-maya pa, may tumawag na naman sa kanya at tinanong kung bakit na-move ang scheduled meeting nila with Mr. Yan. “I apologize for the sudden changes, ma’am. We weren’t able to inform you because we had to reschedule it due to unforeseen circumstances.” Nang matapos ang tawag, napabuga na lang siya ng hangin bago mariing pumikit.Kung hindi lang malaki ang utang na loob ng pamilya nila sa kay Mr. Ramon Villaraza, ang dating boss ng kanyang ama, at siya namang ama ng b

  • Seducing The Billionaire's Secretary    Prologue

    “Bakit ba kasi ayaw mo sa idea na mag-settle down, Rowan?" tanong ni Thirdy.Natatawa namang napailing si Rowan sa tanong ng kaibigan niya.“Because love makes you stupid, bro. Nakakatanga. It makes you do crazy things,” mabilis niyang sagot, at muling umiling. Itinuro pa niya ang dalawang kaibigan. “Look at these two, nagmukhang tanga nang ma-in love. Nawala ang angas,” dagdag pa niya at napabuga ng hangin. “And I will never let myself be like them. Hindi ko kayang matali lang sa isang babae."“Well, love makes us all crazy. And it’s the kind of crazy you’ll never regret,” paliwanag ni Thirdy.Napatingin si Rowan sa kaibigan, hindi makapaniwala. “Damn, ang corny! That’s why I’ll never fall in love. Ayokong maging corny gaya n’yo.”“So, do you just plan to toy with women ‘til you grow old?” tanong naman ni Pietro. “Paano kung dumating sa point na wala nang lakas ang tuhod mo and your díck won’t get hard anymore? Sa tingin mo ba lalapitan ka pa ng mga babae?"Binigyan lang ni Rowan ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status