Mag-log in
Kaela Reign’s POV
"Kaela! Tama na nga 'yang kakakain mo! Mataba ka na nga pinapataba mo pa! Mamaya n'yan iwanan ka ni Jereck!" Saway ng kaibigan ko. Eh sa sarap kayang kumain ng cake! With donuts! With ice cream, ugh!! "Manahimik ka nalang, Rose. S'ya nga nagbigay nito kaya bakit ko sasayangin?? Wag mong sabihin na gusto mong ikaw lang kumain nito??” Tanong ko sa kanya. "Kaloka ka talaga! Hindi ko kayang ubusin yan! Ang dami kaya!" "Kaya manahimik ka na lang okay?? Gusto niya akong busugin ng pagmamahal, eh, kaya sa pagkain niya pinapadaan." sabay subo ko nang isang donut. "Basta wag kang iiyak kapag iniwan ka n'ya ah! Ayokong magastusan." Masama ko naman siyang tinignan. "Kaibigan ba talaga kita, ha?!" "Oo naman! Kaya nga concern ako sayo, 'di ba?? Bilisan mona at mag sisimula na tayong magturo." Kumain nalang ako ng marami. Confident ako na hindi ako iiwan ni Jereck dahil lang sa mataba ako. Duh! Mahal niya ako kaya binubusog niya ako ng pagkain. At mahal ko din sya dahil ang sweet nya. Kung pagkain lang yon siguro ay pati siya kinain kona. Biro lang. Nang matapos na ay niligpit nalang namin ang gamit namin at agad na bumalik sa faculty room. Kinuha ko ang lesson na ituturo ko ngayong araw. "Kaela, mukhang lumaki kapa lalo, ah?" Napatingin ako sa head teacher na may katandaan na. Ngumiti nalang ako sa kanya. "Busog po ng pagmamahal." sabi ko. "Baka palagi kang binubusog dahil pagkain na lang ang kaligayahan mo at hindi na s'ya?" biglang sabat ng isang teacher. Nag pigil nalang ako at kinuha nalang ang ilan kopang gamit. "Bawas-bawas din kasi ng timbang, Kaela. Mamaya niyan wala nang numero ang makakapag kilo ng katabaan mo." tukso naman ng isa pa. Para namang hindi mga professional 'tong mga 'toh! "Bakit ba ako nalang ang nakikita n'yo palagi??" Inis na baling ko sa kanila. "Paano ba naman, eh, ang laki-laki mo. Sinong hindi makakakita sayo?? Bulag na lang ang magsisinungaling." at tumawa pa 'to. Rinig ko namang tumawa din ang ilan na nandito sa loob. Agad na kinuha ni Rose ang kamay ko at kinaladkad palabas. Napaiwas ako nang tingin at nagpipigil ng mga luha. "Wag mo na silang isipin." "Bakit ko naman sila iisipin?? Eh, hindi naman sila si Jereck" sabi ko pa. Pinapalakas ko lang ang loob ko. Normal na araw lang 'to sa akin. Sanay na ako na kapag pumasok ako sa faculty ay ako na agad ang pina-paringgan nila. "Tama 'yan! Sige na pumunta kana sa klase mo at pupunta na din ako sa klase ko." ngiti n'ya. Tumango nalang ako sa kanya. Habang tinatanaw siya ay agad akong nakaramdam ng insecurities. I don't know but seeing how the other praise her parang gusto ko din maging katulad n'ya. Rose, has this unique beauty. Bilugang mukha, mapupulang mga pisngi at labi. Matangos ang ilong at maganda ang mata. Malabong walang makakapansin sa ganda nya. Kaya minsan nakakailang na s'ya ang kasama ko dahil sa magkabaliktad kaming dalawa. Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy na sa klase ko. Pero nang pagbukas ko sa p***o ay agad na eraser ang tumama sa mukha ko. Shit! Rinig ko ang tawanan ng mga estudyante ko kaya inis akong pumagitna at kinalampag ang mesa. "Sit down!!!" Inis na sigaw ko sa kanila. Agad naman silang nagsi-upo sa kanilang mga selya, pero nagpipigil parin ng mga tawa. "Ma'am, maganda pala kayo kapag yung pulbora nang chalk ang gawin niyong pulbo." sabi ng isa kong estudyante. Kinuha ko nalang ang panyo sa bag ko at pinunasan ang mukha ko. Pagkatapos ay inis ko silang tinignan isa-isa. "Hala! Ngayon lang ako nakakita ng baboy na nagagalit HAHAHAH” Sabay-sabay pa silang nagtawanan. "Shut up!!! Mga wala talaga kayong galang!! Hindi niyo ba nakikita na may guro nang nasa harapan niyo!!???" "Ay teacher pala natin, guys! Akala ko isang baboy na nagkatawang tao." sabay ulit silang nag tawanan. Kung hindi ko magawang pigilan ang inis ko sa faculty, mas lalo din dito sa classroom. Sarili kong estudyante ay pinag kaisahan ako dahil sa pagiging mataba ko. At ang ganitong senaryo ay talagang normal na sa'kin. Pero hindi ko mapigilang magalit. "Open your books on page 65!!" Inis na sigaw ko. "Saan libro??" "Pre libro daw.” "Nasa basurahan 'ata satin." "Luh? Mukhang nasunog ko kagabe." Mga ilang bulongan ng mga estudyante ko. Ang hirap. Ang hirap nilang paamuhin. Ilang taon na akong nagtuturo sa paaralang ito pero kahit ni minsan wala akong narinig na mga good compliments, puro mga issue lang about sa akin. Actually, I was supposed to get the elementary levels, dahil masaya ako kapag nakapagturo ako sa mga bata. But, I ended up taking high schools dahil sa kulang ang staffs nila. And they offered some good benefits kapag I take the HS. Pero mukhang mali ako. Sana ay sinunod ko nalang ang kung anong gusto ko talaga. "Open your books now!!" Sigaw ko ulit pero walang ni isa na nagbuklat ng libro. "I said-" "Good morning grade 10 students." Pare-pareho kaming napalingon sa pintuan. Napatingin ako sa mga estudyante ko nang magsi-ayos sila ng upo sabay ngiti kay Rose. "Saan na ang mga libro n'yo?? Diba sinabi ng adviser n'yo na mag buklat kayo nang libro??" Mahinahon niyang tanong. "Here, ma'am!" "Ito po sa'kin!" "Nandito po sa bag ko!" Napabuntong hininga nalang ako dahil sa mga sinabi nila. "Good. Listen to your teacher, don't stress her." sabay ngiti niya pa at bumaling sa'kin. Napangiti nalang ako nang pilit at agad na hinarap ang mga estudyante ko. Nang makaalis na si Rose ay nagsimula na ako. "Okay. For today's lesson we will take up about physical health. Exercise is very important in a person-" "Important daw, guys!" Sigaw ng isa kung estudyante. "Kung importante naman pala, eh, bakit hindi ikaw mag isa ang mag exercise?? Mukhang kailangan mo pa 'yon kesa sa'min-" "Shut up, Will!!" Saway ko. "Tama naman si Will, Ma'am. At ang boring kaya ng P.E" reklamo naman ng isa pa. Talagang nag pipigil na ako. Araw-araw na lang ganito palagi. Hindi sila nakikinig sakin. Palagi pa nila akong pinag kakaisahan dahil sa malaki ako. Parang hindi isang teacher ang tingin nila sa'kin. Wala silang galang, pero sa iba hindi naman nila ginagawa ito, ah?? Dahil sa hindi ko makayanan ang bigat na nararamdaman ko ay nag walk out ako. Palagi lang naman. Walang araw na nagkakapagturo ako ng maayos. Pero habang naglalakad ako ay may napansin akong pamilyar na tao. Anong ginagawa n'ya dito??? Pupuntahan n'ya ba ako?? Ang kaninang inis at galit ay agad na nawala ng makita ko si Jereck na may dalang bulaklak. Woy! Hanep din! Hindi na pagkain ibibigay niya! May pa bulaklak na siya! Napangiti ako na parang kinikilig sabay hawi ng buhok ko at lagaw sa tenga ko. Tatawagin ko na sana s'ya at ng sa ganon ay hindi na n'ya ako hanapin. Pero agad kong naitikom ang bibig ko ng makitang masayang tumakbo papalapit sa kaniya si Rose. Akala ko ba may klase siya?? Agad niyang tinanggap ang bulaklak at ngumiti na yumakap sa boyfriend ko!! Napatikom ang mga palad ko sabay singhap. Pero hindi ko dapat iniisipan silang dalawa nang masama, dahil sa pareho silang mahalaga sakin. Hindi nila magagawa ang bagay na 'to. Hindi ko maintindihan at naguguluhan ako!! Pero kahit na gusto kong ilayo ang tingin ko at wag ng umisip ng kong ano-ano ay hindi ko magawa, dahil sa hindi naman ako manhid at lalong-lalo na hindi ako bulag!! Susugurin ko na sana sila nang mapatigil na naman ako sa paghakbang ng inabot niya ang labi ni Jereck para halikan!! Hindi na ako nakapag pigil at nanginginig na sa galit. Ang dalawang tao na pinig katiwalaan ko nang husto, ay niloko ako. "Ang bababoy niyoooo!!!!" Sigaw ko dahil sa hindi na ako makapag pigil. Agad naman silang nagulat at agad na humiwalay. Masama akong nakatingin sa kanila. Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa sila natusta dahil sa nagbabaga kong tingin. "K-kaela.." "B-Bes-" Agad ko siyang sinampal ng malakas. Nanginginig pa ang mga kamay ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa nila sa akin 'to!! Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit kailangan na ang boyfriend ko pa?!! "Wag mo akong matawag-tawag na bes!! Wala akong kaibigan na ahas!!" Napatingin ako kay Jereck. "We're over," At napabalik ang tingin kay Rose. "Simula ngayon hindi na tayo magkaibagan!! I can't believe you Rose!! I really can't...!!!” To Be Continue.....Kaela Reign’s POV"Turn left.""Yeah, like that.""Another one, chin up."Sinunod kolang ang mga sinabi nang photographer. Photoshoot ko ngayon kaya panay na naman ang ikot-ikot ko.Kanina pa pero hindi parin natatapos.Pakiramdam ko nahihilo na naman ako, pero mabuti na 'to para di ako lamunin ng pag-iisip."Next, seat on that chair. Paki assess."Napabuntong hininga naman ako at pagod na umupo. Minsan nakakatamad din pala. Panay lang ang ikot ko tapos haharap sa camera. Pero ginusto ko 'to, eh, kaya dapat kong panindigan 'to.'Yong kuya ko nasa gilid lang at pinapanood ako. Nakaramdam na naman ako ng gutom. Dapat lang na ipaghain n'ya ako ng masasarap na pagkain mamaya at ng sa ganon ay magka-energy naman ako."What's the problem, Miss Laine?? Mukhang wala ka sa mood ngayon." halata nga siguro sa mukha ko.Agad naman na kumilos ang kuya ko at kinausap ang mga staffs. "Maybe she needs a break."Pareho nalang silang nag sang-ayon. Napatingin naman ako sa kuya ko na madiin ang mga ting
Kaela Reign’s POV"What??" He asked huskily.Shemayy!! Boses palang kakatindig balahibo na! Umayos ka Kaela! Umayos ka!Agad n'ya akong binitawan kaya muntik na talaga akong matumba mabuti nalang nakahawak ako sa side mirror ng kotse at umayos ng tayo. Dapat tinulak ko s'ya, eh! Tsk! At parang ang tigas ng dibdib n'ya base din naman sa katawan n'ya."Are you done examining me??" Parang normal lang na tao kausap n'ya. Hindi niya ba ako kilala, ha?!Tumikhim naman ako at napaiwas ng tingin. "S-Saan mo ba kasi dadalhin 'yang mga 'yan??" Turo ko sa ilang kahon sabay tingin sa kanya nang may nag niningkit na mga mga mata. "Hindi kaya… magnanakaw ka-""Will you please shut up and then leave??" May bahid ng pagkainis sa boses n'ya."Abah! Abah! Porke't ang gwapo mo hindi ka na pwedeng napagkamalang magnanakaw?? Kung-""President! Kami na po ang bahala dito," biglang pag pakita ng isa sa mga staffs namin. "Oh, good evening, Ma'am Laine." pagkapasin niyang nandito ako. "Magkakilala ba kayo ni
Kaela Reign’s POV"Grabe!! Ang ganda niya talagaa..!""Shit!! Maganda na nga sa pictures, mas maganda pa pala sa personal!!""Owoo!! I love you, Miss Laine!!""Pwede na akong mamatay kyahhh!!!""Miss Laineee pa hug ako!!”Ilan lang yan sa mga sigawan at tilian ng mga taong nandito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na parang nasa itaas parin ako ng stage habang rumarapa.Hinubad ko ang sunglasses na nakatakip sa mata ko. Nakasunod lang ang ilang staffs sa likuran ko. Nang makapasok sa kotse ay nakahinga ako ng maluwag. Though sanay na ako, pero hindi ko parin ikakaila na naninibago ako."Kuya. I didn't expect na may mga tao pala sa labas. Mabuti nalang at nakasakay na ako bago makigulo ang mga press" sabi ko kay kuya."It's normal, Kaela. Your a model at kilala sa buong mundo. Kaya pagkakaguluhan ka talaga nila," ngisi naman ng kapatid ko. "Don't worry, masasanay ka din.""Pero alam mo naman na hindi parin ako sanay." umiwas ako ng tingin."Masasanay ka din kalaunan. Your still new to
Kaela Reign’s POV"Kaela..."Hindi ko pinansin si Jereck ng makita ko 'to sa parking lot. Kahit na wala akong masiyadong ginawa ngayong araw ay pakiramdam ko napagod ako, mentally at physically. Hindi ko maintindihan pero para akong lutang dahil sa mga nangyari."Kaela.. talk to me please.." may pag susumamo sa boses n'ya.Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at nag-abang ng masasakyan. Wala akong panahon para makipag kwentuhan pa sa lalaking 'to, matapos ng mga nagawa n'ya??"Ihahatid na kita-"Inis ko siyang binalingan. "Ano pa ba ang kailangan mo, ha!? Ano pabang kailangan mo sa'kin!?? Kaya ko ang sarili ko! Si Rose ang ihatid mo at wag ka nang mag-alala pa sa'kin!Tandaan mo, tapos na tayo! Wala kanang pakialam! Hindi ko nga alam kong talaga bang minahal mo ako, o ginagawa mo lang akong gago??"Napabuntong-hininga ako para mapigilan ang mga luha ko. "Balikan mo na si Rose, s'ya ang e-comfort mo do'n dahil baka mabaliw na 'yon sa mga natuklasan ko. Hindi ba't s'ya naman talaga ang gu
Kaela Reign’s POV"Kaela! Tama na nga 'yang kakakain mo! Mataba ka na nga pinapataba mo pa! Mamaya n'yan iwanan ka ni Jereck!" Saway ng kaibigan ko.Eh sa sarap kayang kumain ng cake! With donuts! With ice cream, ugh!!"Manahimik ka nalang, Rose. S'ya nga nagbigay nito kaya bakit ko sasayangin?? Wag mong sabihin na gusto mong ikaw lang kumain nito??”Tanong ko sa kanya."Kaloka ka talaga! Hindi ko kayang ubusin yan! Ang dami kaya!""Kaya manahimik ka na lang okay?? Gusto niya akong busugin ng pagmamahal, eh, kaya sa pagkain niya pinapadaan." sabay subo ko nang isang donut."Basta wag kang iiyak kapag iniwan ka n'ya ah! Ayokong magastusan."Masama ko naman siyang tinignan. "Kaibigan ba talaga kita, ha?!""Oo naman! Kaya nga concern ako sayo, 'di ba?? Bilisan mona at mag sisimula na tayong magturo."Kumain nalang ako ng marami. Confident ako na hindi ako iiwan ni Jereck dahil lang sa mataba ako. Duh! Mahal niya ako kaya binubusog niya ako ng pagkain. At mahal ko din sya dahil ang sweet







