Beranda / Romance / Seductress Unforgotten / Seductress Unforgotten Chapter 276

Share

Seductress Unforgotten Chapter 276

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-20 23:19:51

“Kumusta ang outing?” tanong niya habang binubuksan ang pinto.

“Nakakapagod pero sulit,” sagot ni Apple.

“Sulit na sulit,” dagdag ni Lance habang pinapatulog si Lucien sa crib.

Pagkatapos magligpit ng gamit, naupo silang lahat sa sala. Si Amara ay nakahilig kay Apple habang si Lance ay yumakap mula sa gilid. Walang masyadong salita. Pero puno ang silid ng damdaming mahirap ilarawan.

“Gusto ko araw-araw ganito,” bulong ni Apple.

“Simula na ito,” sagot ni Lance. “Wala nang atrasan.”

Lumapit si Mia kay Apple habang si Lance ay abala sa pag-aayos ng mga laruan ni Amara sa sala. Bitbit ni Mia ang tasa ng tsaa, at may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

"Hmm… parang naririnig akong wedding bells," pabirong bulong niya, sabay irap ng mata na tila may alam.

Halos mabulunan si Apple sa iniinom niyang juice. Napatingin siya kay Mia at napailing na may ngiting hindi maipinta. Namula ang kanyang pisngi, para bang nahuling may itinatago.

"Mia naman," sabay kalabit niya sa braso ng kaibigan, "wa
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 280

    Tumango si Lance, hindi mapigilan ang ngiti sa labi. “Oo. Matagal ko nang alam, Mia. Gusto kong makasama siya habang-buhay. Gusto kong mapanatag si Apple na hindi na siya iiwan. Hindi ito dahil may anak kami. Ito dahil mahal ko siya. Buong-buo.”“OH MY GOSH, ang dami kong gustong isigaw pero kailangan ko talagang kumalma,” ani Mia, habang lumalakad paikot-ikot sa damuhan. “So ano ang plano mo? Kailan mo balak?”“Next weekend. Gusto ko sana sa beach. Doon sa pinuntahan namin dati ni Apple nung anniversary namin years ago. Babalikan namin. Pero... ngayon bilang pamilya. At sana... bilang simula ng bagong yugto.”Nagulat si Mia, pero lutang sa tuwa ang mukha. “Lance, that’s perfect. Romantic, meaningful, tapos may history kayo roon. Ugh, Apple’s gonna die sa kilig!”Tumawa si Lance. “Kaya ikaw ang gusto kong makasama sa plano. Ikaw ang makakatulong para hindi siya maghinala. Kailangan natin ng pakulo. Tipong... kunwari family bonding lang. Ikaw bahala sa alibi, ha?”“Teka... ibig mong sa

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 279

    “Masakit, pero masaya. Parang ang tagal naming nangulila sa isa’t isa, pero kahit saglit lang ‘yung pagkikita… parang sapat na.”“Hindi pa huli ang lahat,” sabat ni Mia, seryoso na ang tono. “Alam mo ‘yan.”“Alam ko,” sagot ni Apple, sabay yakap sa sarili niyang mga braso. “At gusto kong bumawi, hindi lang para sa kanya, kundi para sa sarili ko rin.”Tahimik na sandali. Saka biglang sumigaw si Amara.“Mommy, Daddy, picture tayo! Kasama si baby Lucien!”Nagkatinginan sina Apple at Lance. Pareho silang napangiti.“Sige,” ani Lance, habang kinukuha ang cellphone sa bulsa. “Family photo tayo.”Lumapit silang lahat sa sofa. Si Amara ay sa gitna, hawak si Lucien, habang nasa magkabilang gilid niya sina Apple at Lance. Si Mia naman ang kumuha ng litrato.“One, two, three—say cheese!” sigaw ni Mia.“Cheeeeese!” sabay-sabay na sagot ng lahat—puno ng tawanan, ng aliw, at ng pag-asang ito na nga ang simula ng isang masayang tahanan."Ninang, may pasalubong kami, yung paborito mo na marang, nadaa

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 278

    Paglabas nila ng nursing home, dama pa rin ni Apple ang bigat ng emosyon. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa lalim ng kapatawaran at pagmamahal na ibinigay ng kanyang ama—na kahit sa mga panahong hindi siya naging perpektong anak, nanatiling bukas ang puso para sa kanya.Tahimik silang naglakad papunta sa sasakyan. Si Amara ay hawak ni Lance, sumasabay sa bawat hakbang, habang si Apple ay tulala pa rin sa mga huling salitang sinabi ni Rodrigo.“Sa bawat pagbabalik mo, anak, ay parang panibagong umaga.”Paulit-ulit iyon sa isip niya, parang musika sa kanyang puso. Sa tagal ng panahon, ngayon lang niya muling naramdaman ang ganitong katahimikan—hindi lang sa paligid, kundi sa sarili.Pagdating sa kotse, sumakay na si Amara sa likod. Si Lance naman ay lumapit kay Apple at banayad na tinapik ang kanyang balikat."Okay ka lang?" tanong nito.Ngumiti si Apple. Hindi iyong ngiting pilit, kundi iyong ngiting puno ng pag-unawa at pasasalamat."Ngayon lang ulit ako nakahinga ng ganito, Lanc

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 277

    Kumatok siya. Isang mahinang tok tok, at ilang segundo lang, isang tinig mula sa loob ang sumagot.“Tuloy kayo.”Pagpasok nila, agad nilang nakita si Rodrigo, nakaupo sa isang wheelchair, nakatanaw sa bintana. Payat na, may puting buhok at bahagyang kuba na ang likod. Pero malinaw ang mga mata—mata ng isang amang minsan ay naging estranghero, pero kailanma’y hindi nawala sa puso ni Apple.Napalingon si Rodrigo.Sa isang iglap, tila tumigil ang mundo. Napapikit si Apple, nilabanan ang luha.“Papa…” mahinang tawag niya.Namilog ang mata ni Rodrigo. Mabagal siyang napalingon nang buo, at dahan-dahang lumapit ang tingin kay Apple, bago napako sa batang babae sa tabi nito.“Apple? Ikaw ba ‘yan?” bahagyang nanginginig ang boses niya.Tumango si Apple, ngayon ay may luhang umaagos sa kanyang pisngi. “Ako po, Pa… at kasama ko po si Amara… ang apo n’yo.”“Lolo!” sabay takbo ni Amara papunta sa matandang lalaki. Walang alinlangan, walang takot—tanging kagalakan ang nadarama ng bata sa kanyang u

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 276

    “Kumusta ang outing?” tanong niya habang binubuksan ang pinto.“Nakakapagod pero sulit,” sagot ni Apple.“Sulit na sulit,” dagdag ni Lance habang pinapatulog si Lucien sa crib.Pagkatapos magligpit ng gamit, naupo silang lahat sa sala. Si Amara ay nakahilig kay Apple habang si Lance ay yumakap mula sa gilid. Walang masyadong salita. Pero puno ang silid ng damdaming mahirap ilarawan.“Gusto ko araw-araw ganito,” bulong ni Apple.“Simula na ito,” sagot ni Lance. “Wala nang atrasan.”Lumapit si Mia kay Apple habang si Lance ay abala sa pag-aayos ng mga laruan ni Amara sa sala. Bitbit ni Mia ang tasa ng tsaa, at may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi."Hmm… parang naririnig akong wedding bells," pabirong bulong niya, sabay irap ng mata na tila may alam.Halos mabulunan si Apple sa iniinom niyang juice. Napatingin siya kay Mia at napailing na may ngiting hindi maipinta. Namula ang kanyang pisngi, para bang nahuling may itinatago."Mia naman," sabay kalabit niya sa braso ng kaibigan, "wa

  • Seductress Unforgotten   Seductress Unforgotten Chapter 275

    Sa paglipas ng mga araw, dumating na rin ang pinakahihintay na unang family outing nina Apple, Lance, Amara, at baby Lucien. Maagang gumising ang buong pamilya. Habang abala si Lance sa pag-aayos ng mga gamit sa sasakyan, si Apple naman ay naghahanda ng baon—prutas, sandwich, at paboritong cookies ni Amara. Si baby Lucien ay mahimbing pa rin ang tulog sa kanyang crib, habang si Amara ay palundag-lundag sa sofa, hawak ang sun hat at maliit na backpack.“Mommy, ito na ba 'yung araw na sinasabi mong pupunta tayo sa bundok?” tanong ni Amara na punung-puno ng sigla.“Oo, baby. Magpi-picnic tayo sa bukid. May mga bulaklak, damo, at hangin na malinis,” sagot ni Apple habang hinahalo ang juice sa malaking bote.Lumingon si Lance mula sa may pintuan ng kusina.“Lahat ready na. Picnic mats, speaker, prutas, damit, at lampin ni baby. Let’s go?” ngumiti siya habang inaabot ang kamay ni Apple.Magkahawak-kamay silang lumabas ng bahay, bitbit ang pag-asa at panibagong simula. Ang araw ay sumikat na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status