Partager

CHAPTER 2

last update Date de publication: 2026-05-27 10:55:23

Mula sa mga pinag-aaralang dokumento ay umangat ang paningin ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Hindi man lang kumatok at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cloud.

Chase heaved out a deep sigh and stopped what he was doing. Naisandal niya rin ang kanyang likod sa swivel chair na kanyang kinauupuan habang hinihintay na sabihin ng kanyang kapatid kung ano ang pakay nito.

Cloud was the eldest among them. Tatlo silang magkakapatid. Siya ang pangalawa at ang bunso naman sa kanila ay si Austin. Bilang panganay, si Cloud ang tumatayong CEO ng kompanyang ang kanilang ama pa ang nagsimula--- ang Serravalle Real Estate Company. Ang kuya niya na nga ang may hawak ng pinakamataas na posisyon habang siya naman ay ginagampanan ang pagiging presidente ng naturang kompanya.

Posisyon nga iyon na kung siya lang ang masusunod ay hindi niya sana nais hawakan. Wala siyang planong magtrabaho sa kompanya ng kanilang ama. What he wanted was to start a life of his own. Malayo sa anino ng kanilang ama... malayo sa impluwensiya ng pagiging isang Serravalle.

But he didn’t have a choice. Limang taon na ang nakararaan nang mapilitan siyang akuin ang posisyong pinahahawakan ng kanyang ama. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa Manila at harapin ang malaking responsibilidad bilang isang Serravalle.

Disimuladong napabuga ng hangin si Chase nang hindi maiwasang sumagi sa isipan niya ang mga nangyari noon... mga nangyari na alam niyang naging rason ng malaking pagbabago sa buhay niya.

“Chase, can I ask you a favor?” narinig niyang wika ng kanyang Kuya Cloud dahilan para mabalik na rito ang kanyang atensiyon. Tuluyan na rin itong nakalapit sa kanyang mesa na sadyang itinukod pa ang dalawang kamay doon kasabay ng matamang pagtitig sa kanyang mukha.

“What is it?” tanong niya sa seryosong tinig. Ni hindi man lang kinaringgan ng interes ang tinig niya nang magtanong dito.

“Bukas na ang construction bidding para sa bago nating proyekto sa Makati. Supposedly, ako dapat ang dadalo pero may school activity si Cyrus. I need to go with him,” saad nito na ang tinutukoy ay ang panganay nitong anak.

Chase heaved out a deep sigh again. Nababagot na tinitigan niya ang kanyang kapatid kasabay ng pagwika rito. “So, are you telling me to attend the construction bidding? Kuya, I have---”

“I checked your schedule for tomorrow from your secretary before I went here,” singit nito sa ano mang protesta niya. “Alam kong wala kang appointment bukas, Chase.”

“Fvck him. He’s losing his job today,” pabulong niya pang sabi na patukoy sa kanyang sekretarya.

“Again?” balik naman sa kanya ni Cloud. “Sa loob ng isang taon, ilang beses ka ba magpalit ng sekretarya? Loosen up, Chase.”

“I am doing my job here in this company, Kuya. Isn’t that enough? Kailangan pa bang kuwestiyunin pati pagpapasya kong palitan ang mga nagiging sekretarya ko? They were incompetent, anyway.”

“Incompetent? Just because he gave me your schedule?”

Hindi na siya sumagot at tiim ang mukhang inabot na lamang ang mga dokumentong hawak niya kanina. It was his way of dismissing his brother. Pero sa halip na lumabas na ito ng kanyang opisina ay nanatiling nakatayo sa harapan niya ang kanyang kapatid. Mataman siya nitong tinitigan na wari bang sinusuri siya.

“I really don’t know what happened to you five years ago, Chase. Mula nang tanggapin mo ang posisyon mong iyan, parang naging ibang tao ka.”

“I’ll attend the construction bidding tomorrow, Kuya Cloud. You can go now,” aniya sa mababang tinig habang sa mga dokumento pa rin nakatuon ang mga mata.

Hindi na niya gusto pang pag-usapan ang tungkol sa mga nangyari noon. Isa man sa mga kapatid niya ay wala siyang pinagsabihan tungkol sa bagay na iyon. Dama niya pa nga na kahit noon pa man ay nagtataka na talaga si Cloud sa mga ikinikilos niya. Minsan na rin itong nang-usisa kung bakit ganoon na lamang kalaki ang naging pagbabago niya mula nang akuin na niya ang pagiging presidente ng kanilang kompanya.

Pero isa man sa mga pagtatanong nito noon ay wala siyang sinagot. Lagi na lang ay iniiba na niya ang usapan nila sa tuwing magsisimula na itong mang-usisa.

Katulad na lamang sa mga oras na iyon. Nasisiguro niyang napuna na nito ang pag-iwas niya sa mga tanong nito. Dahilan pa nga iyon para mapabuntonghininga na lamang ang kanyang kapatid kasabay ng pagtayo na nang tuwid.

“I will ask my secretary to give you the schedule tomorrow. Limang construction company ang pupunta para mag-present ng project proposal. I trust you in choosing for this one. Ikaw na ang bahala.”

Hindi na siya sumagot pa. Nanatiling sa mga dokumento nakatutok ang kanyang mga mata nang mayamaya ay naglakad na patungo sa may pintuan ang kuya niya. Tuluyan na itong lumabas ng kanyang opisina at nang maisara na ngang muli ang pinto ay saka lamang siya nag-angat ng kanyang ulo.

Halos pabagsak niyang inilapag ulit sa ibabaw ng mesa ang mga dokumentong hawak niya. Wala na nga siyang magagawa kundi ang daluhan ang construction bidding na dapat ay ang kapatid niya ang pupunta. As always, he didn’t have a choice...

*****

SUNOD-SUNOD ang paglunok na ginawa ni Yelena nang makababa na siya sa taxi na kanyang sinakyan. Nasa tapat na nga siya ng kompanyang kailangan niyang puntahan para sa araw na iyon. Abot-abot pa ang kabang nasa kanyang dibdib na kung sa ibang pagkakataon ay baka piliin niyang pumara na lamang ulit ng masasakyan pauwi.

Pero hindi na siya dapat pang umatras. Kailangan niya na iyong ituloy para sa kompanyang pag-aari nina Grant. Sa laki ng naitulong sa kanya ng kaibigan niya, wala siyang ibang hangad kundi ang makabawi rito.

At magagawa niya lamang iyon kung matutulungan niya ang kompanya ng mga Destajo na makakuha ulit ng bagong kliyente. Sa ganoong paraan ay makababawi ang FD Construction Company sa mga nawala rito.

She had to do it... even it meant stepping in the company owned by the family of the man who left her when she needed him the most five years ago--- si Chase Serravalle.

Hinamig na ni Yelena ang kanyang sarili at nagsimula nang maglakad papasok ng Serravalle Real Estate Company. Sa araw na ngang iyon magaganap ang construction bidding para sa bagong proyekto ng SREC. Kailangan niyang makuha ang matamis na oo ng mga ito upang sa kompanya nina Grant maibigay ang pagpapagawa ng naturang proyekto.

Inihanda na niya ang kanyang sarili pero ngayong nasa loob na siya ng kompanyang pag-aari ng mga Serravalle ay parang pinanghihinaan siya ng loob. Kung hindi lang para kay Grant ay nunca siyang aapak sa loob ng kompanyang iyon.

“Hi, I’m from FD Construction Company. I am here for the bidding,” nakangiti niyang sabi sa receptionist ng naturang gusali kasabay ng pagpapakita niya rito ng kanyang company ID pati na rin ang imbitasyon ng SREC sa mga Destajo para sa araw na iyon.

The woman smiled instantly as she mentioned about the bidding. “Yes, Ma’am. SREC is expecting you today.”

Binanggit na nga sa kanya ng receptionist kung saan siya dapat dumiretso. May isang empleyado pang agad na lumapit sa kanya upang samahan na siya sa kanyang pupuntahan. Agad na siya nitong inakay patungo sa palapag kung saan naroon ang kanyang sadya.

Hindi pa nga mapigilan ang muling pag-ahon ng kaba sa dibdib ni Yelena. Hindi niya maunawaan kung bakit pero kakaiba ang pakiramdam niya para sa araw na iyon.

It must be the pressure that was on her shoulders for that day. Sa kanya nga naman nakasalalay kung maibibigay ba ng SREC ang proyektong iyon sa kompanya nina Grant. Sa kanya nga nakasalalay kung makababawi ba ang pamilya ng kaibigan niya sa malaking nawala sa mga ito.

Yelena swallowed an imaginary lump in her throat as she was walking. May isang rason pa siyang nakikita kung bakit ganoon na lamang ang kabang nasa dibdib niya. Dahil ba iyon sa posibilidad na baka makita niya ang lalaking nang-iwan sa kanya noon? Ang lalaking pinaglaruan lamang siya?

Well, it’s impossible. Ayon naman sa imbitasyong ibinigay sa kanya ni Grant ay ang CEO ng kompanyang iyon ang haharap sa kanya. And it wasn’t Chase. She’s meeting Cloud Serravalle, ang nakatatandang kapatid ni Chase.

“This way, Miss,” narinig na niyang sabi ng babaeng sumama sa kanya. Itinuro na nito sa kanya ang isang pintuan saka siya inudyukan na pumasok na roon.

Nagpasalamat na nga si Yelena sa babae saka pumasok na sa silid na pinagdalhan nito sa kanya. It was a conference room. May ibang tao nang naroon na nasisiguro niyang nagmula sa ibang construction company na ‘manliligaw’ sa kompanya ng mga Serravalle.

Nakangiti pang bumati sa mga ito si Yelena. Naghanap na siya ng kanyang mauupuan saka inihanda ang dala niyang laptop pati na rin ang bidding proposal na ginawa nila para sa araw na iyon.

Saktong naayos na niya ang lahat nang siya namang pagbukas ulit ng pinto ng conference room. Napaupo na nga nang tuwid si Yelena dahil nasisiguro niyang ang CEO na iyon na kanilang katatagpuin. Naghanda na rin siya ng isang ngiti sa kanyang mga labi kasabay ng pag-angat niya ng kanyang ulo upang batiin na si Cloud Serravalle.

But she instantly stopped in her tracks as she saw the man who entered the room. Para siyang naestatwa at hindi agad nakagalaw sa kanyang kinauupuan.

It wasn’t Cloud Serravalle! Sa halip, ang dating kasintahan niya ang pumasok ng silid--- si Chase!

Dire-diretso na itong lumapit sa swivel chair na nasa kabisera ng mahabang mesang pinalilibutan nila. Prente na itong naupo roon saka nagwika habang iginagala pa ang paningin sa kanilang lahat.

“Okay, shall we start and---”

Chase suddenly stopped talking as his eyes darted on her. Sa paggala ng paningin nito ay hindi sinasadyang mapabaling ito sa kanyang direksyon dahilan para agad itong mahinto sa pagsasalita.

Yelena froze on her seat as their eyes met. After five long years, they met again...

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 71

    Agad na napatayo nang tuwid si Yelena nang makita niya ang mga magulang ni Chase. Kasalukuyan nang naglalakad ang mga ito palapit sa kanila. Chase’s mother, Carlita, had a smile on her lips. Ang ama naman nitong si Benjamin ay seryoso ang mukha at sa kanya lamang nakatuon ang mga mata.Yelena swallowed an imaginary lump in her throat. Napalingon siya kay Chase na ngayon ay seryoso rin ang ekspresyon sa mukha. Halos hindi ito nakakibo hanggang sa nasa harapan na nila ang ama’t ina nito.“Sorry we are late. Medyo natagalan kami sa pag-aayos ng regalo para sa aming apo,” wika ni Carlita habang nanatiling may ngiti sa mga labi.Pagkawika nito ay napasulyap si Yelena sa dala nitong malaking paper bag na may tatak pa ng isang sikat na toy store. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Alam niyang para kay Jaxon ang dala ng mga ito.And that made her puzzled. Ang alam niya kasi ay hindi maayos ang relasyon ni Chase sa ama nito dahil sa ginawa noon ng matandang lalaki. Though, she was hoping

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 70

    Kanina pa napapakunot ng kanyang noo si Yelena habang nakamasid lamang siya sa labas ng bintana ng sasakyan ni Chase. Magkasama nga sila ng binata. Sakay sila ng kotse nito na kung saan man ang punta nila ay hindi niya alam. Tahimik lang itong nagmamaneho at ni hindi sabihin sa kanya kung saan sila pupunta.Matapos ngang maihatid ni Chase si Jaxon sa eskuwelahan ay bumalik ito sa condo unit nito at agad siyang inabisuhan na may kailangan silang puntahan. Nagtanong pa siya kung saan pero hindi siya sinagot ng binata.Sa kabila ng kuryosidad ay gumayak na lamang siya sa pag-alis. Siniguro niya pa munang nailigpit na niya ang mga ginamit nila sa pag-almusal bago naligo’t nagbihis. Nang makita nitong nakaayos na siya ay walang sinayang na oras si Chase. Agad na siya nitong inayang umalis.Ngayon nga ay nasa daan na silang dalawa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala itong sinasabi kung saan ang punta nila. Halos tahimik lamang nga ito. Maliban sa pagtanong sa kanya kanina kung komportab

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 69

    “So, everything is settled now?” tanong ni Cloud kay Chase, isang hapon habang nasa loob ito ng opisina niya. Nakaupo ito sa isa sa mga visitor’s chair na nasa tapat ng kanyang executive desk habang siya naman ay nasa swivel chair niya.Marahan siyang tumango sa kanyang kapatid saka napabuga ng isang malalim na buntonghininga. Prenteng isinandal niya rin ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair bago nagwika rito.“I think so, Kuya Cloud,” saad niya. “Sa Linggo ko dadalhin ang mag-ina ko roon. I am planning to do my proposal there as well.”Isang malapad na ngiti ang iginawad sa kanya ni Cloud. “Well, ngayon pa lang, congrats na. I hope, wala nang problema sa relasyon ninyo ngayon. I can almost hear wedding bells now.”Sukat sa mga sinabi nito ay agad na natigilan si Chase. Iyon din ang isang bagay na labis niyang ipinagdadasal--- ang maging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Yelena. Hindi lang ang relasyon nilang dalawa, kundi maging ang relasyon na rin nila

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 68

    Hindi na alam ni Yelena kung ilang minuto na siyang nakatitig sa labas ng salaming bintana sa condo unit ni Chase. She was just standing there, hugging herself with her two arms. Nakatanaw siya sa labas ngunit halos wala naman doon ang atensyon niya. She was thinking of something else. She was still thinking of what happened that day.Matapos ngang masigurong maayos naman ang kalagayan niya at ng kanyang dinadala ay pinayagan na rin sila ng doktor na makauwi na. Ilang habilin pa ang ibinigay nito sa kanya para masigurong walang mangyayaring masama sa ipinagbubuntis niya.Mula sa ospital ay hindi pumayag si Chase na sa apartment na tinitirhan nila ni Jaxon siya dumiretso. Kahit mangatuwiran siyang kaya niya na ay hindi ito nagpahinuhod. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag na sa condo unit na nito magpalipas ng gabi.At naroon na nga siya sa tinitirhan ng binata. Doon na sila dumiretso at ilang sandali pagkarating doon ay inihatid na rin ng isa sa mga empleyado ng mga Serravalle ang an

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 67

    Halos magtagis ang mga ngipin ni Chase nang malakas niyang suntukin sa mukha si Grant. Bulandra ito sa sahig dahil sa hindi naiwasan ang kanyang kamao. At hindi pa man din nakababawi si Grant ay agad na niya itong nilapitan ulit. Halos sumampa na siya sa ibabaw ng binata at sunod-sunod pa ring pinagsusuntok ang mukha nito.He was consumed with so much anger. Ang makita ang kalagayan ni Yelena ay labis na nagpatindi sa galit na nararamdaman niya. Grant was about to rape her. Kahit wala sa akto nang pumasok siya sa silid na iyon ay sapat nang ebidensiya ang nakita niya--- sira ang kasuotan ng kasintahan niya at wala nang saplot pang-itaas si Grant. Ang mga iyon pa lang ay nagpapatunay na sa kung ano ang binabalak gawin ng binata kay Yelena.At ang galit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay siyang dahilan kung bakit waring hindi niya nais tigilan ang panununtok sa mukha ni Grant. Dama niya na rin ang hapdi sa kanyang kamao dahil sa paulit-ulit na pagpapatama rito ngunit hindi

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 66

    Agad na nanlaki ang mga mata ni Yelena nang halikan siya ni Grant sa kanyang mga labi. Mariin iyon na halos masaktan pa siya dahil sa ginagawa nito. Dama niya pa ang pagpupumilit nitong ibuka niya ang kanyang bibig ngunit mariin ang pagkakatikom niya niyon.Naikuyom ang kanyang mga kamay saka sunod-sunod na isinuntok iyon sa dibdib ng binata. Pilit din niyang iniiwas ang kanyang mukha rito. But the more she did it, the tightened Grant held her nape. Pigil siya nito sa kanyang batok sanhi para hindi niya magawang makalayo rito.Until moments later, Yelena groaned in pain. She felt him bit her lower lip in a not so gentle way that made her gasped. Naging dahilan pa iyon para maiawang niya ang kanyang bibig na agad namang sinamantala ng binata. Mas naging marahas ang paghalik nito, mas naging agresibo. Nagawa rin nitong maipasok na ang dila sa kanyang bibig na agad nagpausbong ng sindak sa kanyang dibdib.Nagsiunahan ang mga luha niya sa pagpatak. Hindi niya na rin maiwasang makadama ng

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 4

    Isang pag-ismid ang ginawa ni Yelena matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Chase. Hindi niya rin mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha dahil sa galit na umusbong mula sa kanyang dibdib. And she knew very well that Chase noticed it. Bagay iyon na wala siyang pakialam. Talagang nagdulot ng galit

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 3

    Hindi na alam ni Yelena kung makailang ulit siyang napalunok habang magkahinang pa rin ang mga paningin nila ni Chase. Katulad niya rin itong waring natigilan nang makita siya. That alone made her realized that he wasn’t also expecting to see her there.Agad na nga siyang napaiwas ng kanyang mukha

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 1

    Masusing pinagmasdan ni Yelena ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Gusto niya pang siguraduhing maayos na ang kanyang hitsura bago lumabas ng silid. Nang waring hindi pa nga nakontento sa nakitang pagkakalagay niya ng lipstick sa kanyang mga labi ay agad niya iyong inayos. She got her red

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   PROLOGUE

    Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yelena habang hawak-hawak niya ang pregnancy test result na nagpapakitang buntis siya. Kita nga roon ang dalawang kulay pulang guhit na nagpapatunay na may munting buhay na sa kanyang sinapupunan... na nagbunga ang relasyon nilang dalawa ni Chase.S

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status