ANMELDENMasusing pinagmasdan ni Yelena ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Gusto niya pang siguraduhing maayos na ang kanyang hitsura bago lumabas ng silid. Nang waring hindi pa nga nakontento sa nakitang pagkakalagay niya ng lipstick sa kanyang mga labi ay agad niya iyong inayos. She got her red lipstick again and applied some on her lips.
“You are leaving, Mama?” wika ng isang munting tinig sa kanyang likuran.
Yelena instantly smiled and turned around. Nakita niya ngang nakaupo na sa kama ang kanyang apat na taong gulang na anak--- si Jaxon Elias. Sa kanya pa nakatuon ang mga mata nito na muling nagpangiti sa kanya.
“Alam mo namang papasok sa trabaho si Mama, hindi ba?” aniya sabay lapag na sa mesa ng hawak niyang lipstick saka humakbang palapit dito.
She sat beside her son. Nakasunod ito ng tingin sa kanya sa halos pupungas-pungas pang paraan. Kagigising pa lang kasi nito habang siya ay halos alas-singko pa lang ng umaga ay nakabangon na. Alas-siyete pasado pa lang kasi ay dapat nasa pinagtatrabahuan na siyang kompanya
It had been five years since Yelena decided to live a new life. Limang taon na rin ang nakalilipas nang ibaon na niya sa limot ang mga masasalimuot na nangyari sa buhay niya noon. Kailangan niyang ibangon ang kanyang sarili. Kailangan niyang gawin iyon higit para sa kanyang anak.
She was four months pregnant with Jaxon when she met Grant Destajo again. Matalik niya itong kaibigan noong sekondarya pa lamang sila. Nang magkita sila ulit ay isa na itong ganap na inhinyero. Ito na rin ang namamahala sa construction firm na pag-aari ng ama nito at nang malaman ang kalagayan niya ay agad nag-alok ng trabaho sa kanya sa Manila.
Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ni Yelena ang alok nito. Maliban sa makatutulong iyon para sa pamilya niya at sa kanyang pinagbubuntis ay nais niya ring umalis ng Palawan. Kahit pa kasi roon siya lumaki at naroon ang pamilya niya ay napakaraming alaala ang lugar na iyon na nagdudulot lang sa kanya ng lungkot.
Naroon sa Palawan ang resort na pinagtatrabahuan niya kung saan nakilala niya nga ang ama ng kanyang anak--- si Chase. And that alone was giving her pain every time she thought about it.
Yelena swallowed hard as memories flashed back in her mind. Maliban sa nais niya ng mas malaking kita para sa kanyang pamilya ay gusto niya ring iwan ang lugar kung saan ay lagi na lang nagpapaalala sa kanya kay Chase. Sobra niyang dinamdam ang pang-iiwan na ginawa nito... ang pagpapaniwala sa kanya na mahal siya nito gayong ang totoo ay ginawa lang siya nitong pampalipas-oras habang nananatili sa Palawan.
Iyon nga ang dahilan kung bakit kahit ikinalungkot ng kanyang ina’t mga kapatid ay sumama siya kay Grant sa Manila. Agad siya nitong ipinasok sa kompanya ng ama nito at dahil sa buntis siya ay magagaan na trabaho muna ang ibinigay nito sa kanya nang una. Halos gusto pa ngang mahiya noon ni Yelena dahil pakiramdam niya ay pinagbibigyan lamang siya ng kanyang kaibigan kaya siya nito ipinasok sa kompanya ng mga ito.
Kaya naman nang makabawi na matapos manganak kay Jaxon ay siniguro niyang makapagtatrabaho na siya nang maayos sa construction firm ng mga Destajo. Maging sa paghahanap ng mga kliyente para sa kompanya ng mga ito ay tumutulong na rin siya. Minsan pa nga ay sumasama na siya kay Grant sa mga bidding na dinadaluhan nito at sa loob nga ng limang taon mula nang mamasukan siya sa naturang kompanya ay gamay na niya ang mga kailangang gawin.
“Iwan ulit ako kay Ate Chona?” inosenteng tanong pa ng kanyang anak. Ang tinutukoy nito ay ang pinag-iiwanan niya rito sa tuwing nasa trabaho siya. Stay-in sa kanya si Chona at mula nga nang maipanganak niya si Jaxon ay naroon na ito kasama nila.
It was Grant who hired Chona, actually. Ayon dito ay kailangan niya ng mag-aalaga sa kanyang anak habang nagtatrabaho siya. Gusto pa nga sanang akuin ng binata ang pagbabayad sa buwanang pasahod kay Chona pero tinanggihan niya na. Siya ang ina ni Jaxon. Siya dapat ang may responsibilidad doon.
Katunayan, pati ang maliit na apartment na tinirhan nilang mag-ina ay si Grant din ang naghanap. Mula sa Palawan ay halos ibigay na ng binata ang lahat ng kailangan niya. Bagay iyon na labis niyang ipinagpapasalamat dito.
Pero may mga pagkakataong talagang kinakausap na niya ang binata. Hangga’t maaari ay hindi gusto ni Yelena na iasa lahat sa kanyang kaibigan. Hindi naman sila nito responsibilidad para abalahin niya pa ito sa lahat ng bagay. Malaking tulong na para sa kanyang binigyan siya nito ng trabaho.
“Kailangan, baby,” sagot niya sa tanong ni Jaxon kanina. “Hindi ka pupuwedeng isama ni Mama sa trabaho. Alam mo naman iyon, hindi ba? Besides, mamayang hapon lang ay narito na ulit ako.”
Akmang may sasabihin pa sana ito sa kanya nang makarinig na sila ng ilang busina ng sasakyan. Lumarawan agad sa mukha ng kanyang anak ang labis na tuwa saka nasasabik na nagsalita.
“Nariyan na si Papa Grant!” bulalas nito kasabay ng pagmamadaling pagbaba sa kama. Ni wala nang paalam na lumabas na ito ng silid nilang mag-ina. Wala na ngang nagawa si Yelena kundi ang kunin na lamang ang kanyang shoulder bag saka sumunod dito.
Sa may sala ay naabutan niya pang binubuksan na ni Chona ang kanilang pinto. Naroon na rin si Jaxon na sadyang nag-aabang na sa pagpasok ng bagong dating. Nang makita nga ang kaibigan niya ay agad na itong lumapit at nagpakarga.
“Papa Grant!”
“Hello, little buddy,” nakangiti namang sabi ni Grant na sadyang ginulo pa ang buhok ng anak niyang karga-karga na nito.
“Kagigising mo lang, Jaxon. Ano ang sabi ko kapag bagong gising? Brush your teeth first.”
“Okay, Mama,” inosenteng sagot nito bago nagpababa na kay Grant.
Si Yelena naman ay marahan nang sinenyasan si Chona na samahan na ang kanyang anak na maghilamos at magsipilyo. Nang maglakad na nga ang dalawa patungo sa kanilang banyo ay agad na niyang hinarap si Grant.
“Sorry about that,” wika niya rito.
“I don’t mind, Yelena. Okay lang naman sa aking lumapit si Jaxon kahit hindi pa siya nagto-toothbrush.” Bahagyang natawa pa ito dahil sa huling pangungusap na binitiwan.
“That’s not what I meant,” sansala niya rito. “Ang ibig kong sabihin, ang tawag sa iyo ni Jaxon. Kahit pinagsabihan ko nang huwag kang tawaging papa ay ganoon pa rin ang tawag niya sa iyo.”
“Mas lalong walang problema sa akin iyon, Yelena. I enjoy hearing him calling me papa. Parang anak na rin naman ang turing ko kay Jaxon.”
Saglit na natigilan si Yelena dahil sa mga sinabi nito. Sa loob ng limang taon mula nang ipasok siya nito ng trabaho ay hindi lang iilang beses na nagpalipad-hangin sa kanya si Grant. Katunayan, nagtapat na talaga ito ng damdamin para sa kanya, bagay na magalang niyang tinanggihan.
It’s not because there was something off with him. Ang totoo nga niyan ay halos perpekto na ang binata. Magandang lalaki rin naman ito kung pisikal na katangian ang pag-uusapan. May maayos itong trabaho at nakapagtapos pa ng pag-aaral. Kung sa pag-uugali naman ay maasikaso ang kaibigan niya. He’s gentleman and thoughtful. Maalaga rin ito sa kanila, lalo na sa kanyang anak.
Pero hindi niya magawang tanggapin ang pagmamahal na inaalay nito. Maliban sa hindi pa siya handang pumasok sa isang seryosong relasyon ay wala siyang nararamdaman para rito kundi pagtinging pangkaibigan lamang.
Alanganing napangiti na lamang si Yelena kay Grant saka iniba na ang kanilang usapan. “Alis na ba tayo?”
Grant just shrugged his shoulders. “Kung handa ka na...”
Nagpaalam pa nga muna siya kay Jaxon na saktong tapos nang maghilamos at mag-toothbrush. Maging si Grant ay ganoon din ang ginawa. Nag-iwan din muna siya ng ilang habilin kay Chona bago sila tuluyang umalis ng binata.
Isang bagay pa nga iyon na sa totoo lang ay pinahihinto na niyang gawin ng kanyang kaibigan. Kinausap niya na ito noon pa na hindi naman na nito kailangang ihatid-sundo pa siya sa trabaho. Nahihiya na rin naman siya at sa totoo lang ay hindi niya rin naman gustong bigyan ng ibang kahulugan ang lahat sa kanilang dalawa. Kung mas lalong magkakalapit pa kasi sila ng binata ay baka isipin nitong binibigyan niya ito ng pag-asa.
She was grateful for all his help. Habang-buhay niya rin namang ipagpapasalamat ang tulong na ginawa nito lalo na nang mga panahong lugmok pa siya sa pang-iiwan na ginawa ng kaisa-isang lalaking sobra niyang minahal. Pero hanggang doon lang. Hindi niya magagawang tanggapin ang pag-ibig nito para lang masabing nagtatanaw siya ng utang na loob.
But Grant was persistent. Sa kabila ng magalang niyang pagtanggi rito ay hindi ito tumigil sa panliligaw sa kanya. Hanggang nga sa mga sandaling iyon ay maya’t maya pa ang pagpapalipad-hangin nito.
“Alam mong hindi mo ako kailangang ihatid-sundo araw-araw, Grant. Naaabala ka lang,” saad niya rito habang nasa daan na silang dalawa.
Grant just smiled. Nasa harap ng sasakyan ang paningin nito nang sumagot sa kanya. “Hindi ka isang abala, Yelena. Besides, daraanan ko naman talaga ang tinitirhan ninyong mag-ina sa tuwing papasok ako ng kompanya. And since pareho lang naman ang pinagtatrabahuan natin, isasabay na kita.”
Hindi na siya nakasagot pa. Napangiti na lang siya habang marahan pang napapailing. Ilang beses na nilang napag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon at sa tuwina ay ganoon nga ang laging sagot ng binata. Kahit pa sabihin niyang huwag na siya nitong isabay sa pagpasok at sa pag-uwi ay hindi ito pumapayag. Humahaba lang diskusyon nila tungkol doon kaya sa huli ay hinahayaan niya na lamang ito.
Ganoon na nga ang naging routine nila maliban na lamang kung may mga importanteng lakad ang kaibigan niya o ‘di kaya ay may mga out of town business seminar itong kailangang daluhan.
Ilang minuto nga lang ay narating na nila ang FD Construction Company, ang kompanyang itinayo pa ng ama nito. Mula rin sa pangalan ng ama ni Grant kinuha ang pangalan ng naturang kompanya. FD stands for Fernando Destajo, Grant’s father.
Pagkarating na nga sa kompanya ay naging abala na si Yelena. May ilang dokumento siyang kailangang ayusin na konektado sa ibang proyekto ng FD Construction Company. And she was already engrossed on what she was doing when an employee approached her table.
“Yelena, pinatatawag ka ni Mr. Destajo sa opisina niya,” wika nito saka lumapit na sa sarili nitong mesa. Ni hindi man lang nito hinintay ang sagot niya at muli nang bumalik sa pagtatrabaho.
Inihinto na muna ni Yelena ang ginagawa niya saka tumayo na upang puntahan ang opisina ni Grant. Pagkarating kasi nila ay dumiretso na ito roon habang siya ay nagsimula na ring magtrabaho. Kung may isang bagay man siyang ikinahahanga sa binata, ito ay ang katotohanang hindi nito inihahalo ang personal nitong buhay sa trabaho. Pagdating sa kompanya, he’s her boss. Once they’re done working, he’s her friend... a suitor.
Ilang mahihinang warning knock muna ang ginawa niya sa pinto ng opisina nito bago binuksan iyon.
“Gusto mo akong makausap?” tanong niya habang naglalakad na palapit sa mesa ng binata.
Grant didn’t answer. Inilapag nito sa mesa ang isang folder na naglalaman ng ilang dokumento. Agad pa nga ang pagdikit ng mga kilay niya nang mapansin ang problemado nitong mukha.
“Bakit ganyan ang hitsura mo? May problema ba?”
“May problema sa site sa Bulacan. The building collapsed.”
“What?!” nabibigla niyang bulalas. “B-Bakit?”
“I don’t know how it happened, Yelena. Alam mo kung paano magpatrabaho ang kompanya. Sinisiguro natin na hindi mga substandard ang mga ginagamit nating materyales. But it turned out na ganoon ang nangyari sa project natin sa Bulacan. The engineer who handled it embezzled the fund.”
“Oh my God,” sambit niya. “K-Kumusta ang mga tao roon? May nasaktan ba?”
“Thankfully, wala. Nangyari ang pagguho kaninang madaling-araw. Wala pa sa site ang mga tao. But you know, this will cost us millions. Malaki ang mawawala sa kompanya.”
Hindi siya nakapagsalita at nakikisimpatyang napatitig na lamang kay Grant. Alam niya kung gaano kaimportante para rito ang kompanyang iyon.
“Kung hindi mababawi ng FD ang nawalang budget, baka malugi tayo, Yelena.”
“Hindi iyan mangyayari,” mariin niyang saad. “Makakakuha pa tayo ng ibang kliyente. Mababawi natin ang nawalang pera sa kompanya, Grant. We have a construction bidding this Friday, right? Kung makukuha natin ang proyektong iyon, baka makabawi tayo.”“Sino pa ang magtitiwala sa kompanyang ito, Yelena? Ang nangyari kanina ay maaaring makasira sa reputasyon natin.”
“I’ll be the one to attend that bidding,” maagap niyang sabi. “I’ll do my best to get the project.”
“Are you sure?” banayad na tanong pa ni Grant na tanging tango lamang ang isinagot niya.
Nang hindi nga siya nagsalita ay kinuha na nito ang isa pang folder na nasa ibabaw lang din ng mesa nito. Iniabot nito iyon sa kanya saka nagwika ulit.
“Nariyan ang detalye ng proyekto, Yelena,” saad nito habang pinapasadahan na niya ng basa ang nilalaman ng naturang folder. “That’s the project outline from Serravalle Real Estate Company. Sila ang kailangan mong ligawan para maibigay sa atin ang proyektong iyan.”
Yelena instantly stopped in her tracks. Serravalle Real Estate Company! Serravalle! Ang kompanya ng pamilya nina Chase! Ang kompanyang pag-aari ng ama ng kanyang anak!
“Who are you and what the hell are you doing here?!” mariing saad ng lalaking lumabas mula sa banyo ng silid na lilinisan sana ni Yelena. Dali-dali pa itong humakbang palapit sa pang-isahang sofa na nasa tabi lamang ng kama saka kinuha mula sa ibabaw niyon ang puting tuwalya. Itinapis iyon ng lalaki sa ibabang parte ng katawan nito upang takpan ang maselan nitong bahagi.Pero bagay iyon na huli na. Nakita na ni Yelena ang lahat dito na magdulot sa kanya ng pagkailang. Halos gusto pang maiskandalo ni Yelena. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya kailanman nakakita ng hubad na lalaki. Of course, hindi kasama roon ang mga nakita niya na sa larawan. O hindi kaya’y nang maliit pa ang kapatid niyang si Johan na madalas ay siya ang nag-aasikaso sa pagbihis.Ngunit ang sabihing katawan ng lalaki sa ganoong sitwasyon? Ngayon lamang siya nakakita. Parang gusto niya pang itaktak ang kanyang ulo para maalis sa kanyang isipan ang bagay na nakita niya. For goodness’ sake, the man was huge! And to t
FIVE YEARS AGO:ALTA VISTA RESORT, PALAWAN…Halos lakad-takbo ang ginawa ni Yelena nang makababa siya ng pampasaherong jeep. Dali-daling tinahak na niya ang daan patungo sa resort na kanyang pinagtatrabahuan--- ang Alta Vista Resort. Pasado alas-nueve na kasi ng umaga at kanina pa dapat nagsimula ang pasok niya. Sadyang nahuli lang siya ng dating dahil sa nagkaroon ng problema sa kanilang pamilya.Nang magising si Yelena kanina upang gumayak na patungo sa kanyang trabaho ay nadatnan niya ang kanyang ina na si Mercedes sa kusina. Sa tuwina kasi ay ito ang nauunang bumangon sa kanila dahil ipinaghahanda siya nito ng babaunin.Ngunit nang magtungo sa kusina si Yelena ay naabutan niya pa itong inaatake ng labis na pag-ubo. Ilang araw nang ganoon ang nararamdaman ng kanyang ina at inuudyukan niya na rin itong pumunta na ng ospital para magpatingin sa mga doktor. Bagay nga iyon na tinatanggihan nito. Ayon pa sa kanyang ina ay dagdag gastusin lang daw nila.Pero sa pagkakataong iyon ay hindi
Matapang na sinalubong ni Yelena ang mga titig ni Chase. Mataman itong nakatingin sa kanya na sa totoo lang ay nagdudulot na sa kanya ng labis na pagkailang. Nakita niya pa nga ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi nito habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang kanyang mukha.“Why the sudden change of mind, Yelena?” tanong nito na muli siyang tinawag sa kanyang pangalan.Hindi pa nga mapigilan ni Yelena ang mariing mapalunok bago sumagot dito. “Alam kong alam mo ang ginawa ng mga Go, Mr. Serravalle. Ikaw na rin ang nagsabing kilala sila ng pamilya mo.”Chase shrugged his shoulders. He was still sitting at the edge of his executive desk and was staring at her like she was one of his employees. Gusto niya pa tuloy manliit ngayong kaharap niya ito.“Kung ang tinutukoy mo ay ang pagsampa ng reklamo ng mga Go sa FD Construction, don’t you think they have the right to do that? Sila ang naloko, Yelena.”“It wasn’t Grant’s fault. Ang empleyadong pinagkatiwalaan ni Grant sa proyektong iyon ang
Isang napakalalim na buntonghininga muna ang pinakawalan ni Yelena bago siya lakas-loob nang humakbang papasok ng Serravalle Real Estate Company. Mula nga sa kompanyang pag-aari ng pamilya ni Grant ay doon na siya dumiretso at iyon ay dahil sa iisang rason--- gusto niyang makausap si Chase.Yelena didn’t have any other choice. Wala na siyang nakikitang ibang paraan para masolusyunan ang problemang mayroon si Grant. Sa loob ng limang taon ay ang kaibigan niya ang naging kasa-kasama niya. Matapos siya nitong tulungan noon, hindi niya naman gustong hayaan lang itong harapin ang problemang mayroon ang kompanya ng mga ito ngayon.She had to do something. She had to think of any solution.At iisa nga lang ang alam niyang makatutulong sa kanya. It was Chase. It was his offer.Yelena knew very well that accepting Chase’s offer was dangerous. Delikado, hindi dahil sa literal na may na panganib na dala iyon. Sa halip, nasabi niyang delikado dahil alam niyang maaaring magulo ang tahimik na niyan
Dire-diretso ang paglalakad na ginagawa ni Chase at halos hindi man lang pinagtutuunan ng pansin ang mga taong nadaraanan niya. Maging ang ilang empleyado nila sa Serravalle Real Estate Company na magalang na bumabati sa kanya ay hindi niya man lang sinasagot. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang palapag kung saan naroon ang kanyang opisina.He was always like that. Alam niya rin na karamihan sa mga empleyado nila ay naaalangan na kausapin at lapitan siya. He was unapproachable. Ang iba pa nga, ang tingin sa kanya ay istrikto. Some even thought that he was a snob.At wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng iba. Naroon lamang siya sa kompanya ng kanilang pamilya upang magtrabaho, bagay na sa loob ng limang taon ay pilit niya namang ginagampanan nang maayos. That was what their father wanted. That was something he wasn’t able to refuse.He heaved out a deep sigh as he continued walking towards his office. He hated the idea that his father was able to manipu
“N-Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?” halos nagigimbal pa ring sabi ni Yelena kay Chase. Hindi niya mapaniwalaang maririnig niya ang mga bagay na iyon mula rito matapos ng limang taon na hindi nila pagkikita.At hindi pa nga maiwasan ang paglitaw ng ilang gatla sa kanyang noo nang mapagmasdan niya ang ekspresyong nasa mukha ng binata. Seryoso pa rin ito. Para bang balewala lamang para rito ang mga nangyari sa kanila noon at ngayon nga ay nais ipagpilitang masunod ang gusto nito.And what Chase wanted? He wanted her back!Sa tingin ba nito ay ganoon lang iyon kadali? Matapos ng masasakit nitong sinabi sa kanya noon? Matapos ng pang-iiwan nito sa mga panahong higit niya itong kailangan dahil nagdadalang-tao na siya kay Jaxon? Matapos ng harap-harapan nitong pag-amin sa kanya na isang ‘fling’ lamang ang turing nito sa naging relasyon nilang dalawa? Did he really think she would instantly agree to what he wanted?“Definitely, yes, Yelena,” sagot ni Chase sa naging tanong niya kanina. “







