แชร์

CHAPTER 3

ผู้เขียน: Yvette Stephanie
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-01 18:27:49

Hindi na alam ni Yelena kung makailang ulit siyang napalunok habang magkahinang pa rin ang mga paningin nila ni Chase. Katulad niya rin itong waring natigilan nang makita siya. That alone made her realized that he wasn’t also expecting to see her there.

Agad na nga siyang napaiwas ng kanyang mukha saka napaupo nang tuwid. Hindi niya pa mapigilan ang waring panginginig ng kanyang mga kamay dahil sa pagkikita nilang muli. Ang inaasahan niyang makahaharap sa araw na iyon ay ang kapatid nito, ang mismong CEO ng Serravalle Real Estate Company na si Cloud Serravalle. Pero kung bakit si Chase ngayon ang naroon at prenteng nakaupo sa may kabisera ng mesa ay hindi niya alam. Anyway, he was also one of the company’s owner. Bakit nga ba hindi niya man lang iyon naisip? Hindi nga naman maiaalis ang posibilidad na baka magkita pa rin sila roon.

Mayamaya pa ay narinig niya na ang malakas nitong pag-alis ng bara sa lalamunan nito. Mistula bang paraan din iyon ng binata para hamigin nito ang sarili.

Binata... Yelena stopped in her tracks. Binata pa nga ba ito? It has been five years since they broke up... since he left her without proper explanation. Ilan taon na nga ba ito ngayon? Thirty-five? Sa edad nitong iyon, baka nga kasal na ito. Baka may sarili na itong pamilya.

Dahil sa kaisipang iyon ay para bang may kung anong pumiga sa kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng sakit na kung bakit nararamdaman niya pa rin kahit limang taon na ang lumipas ay hindi niya alam. Marami na ang nangyari pero bakit sa tuwing naaalala niya pa rin ang pang-iiwan na ginawa nito sa kanya noon ay nasasaktan pa rin siya?

“Shall we start the bidding?” tanong na ni Chase sa baritonong tinig kasabay ng muling paggala ng paningin nito sa kanilang lahat. At katulad kanina, bahagyang tumagal ang paninitig nito sa kanya na halos gusto na niyang ikailang. Ni hindi niya pa alam kung napapansin ba iyon ng ibang kasama nila sa conference room na iyon, bagay na hindi niya rin naman gustong mangyari dahilan para pilit siyang kumilos nang kaswal kahit pa ramdam niya na ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ng binata.

“So, all of you received an invitation to bid for our new project. Nauna na naming napadala ang mga detalye tungkol sa bagong proyekto ng aming kompanya sa inyo. I guess all of you have studied it to prepare proposals... proposals that we are going to discuss now. Our company wants to ensure transparency in every project that we have that’s why we are going to discuss it face to face now,” mahabang pahayag ni Chase.

Kita niya ang pagtango ng ibang katulad niyang galing din sa piling construction company. Lahat ay matamang nakikinig kay Chase. While Yelena wasn’t able to respond. Kahit pagtango ay hindi niya magawa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wari pa rin siyang naipako sa kanyang kinauupuan.

Seeing Chase again, a realization hit her really hard--- talagang napakalayo ng mga agwat nila sa buhay. Pag-aari ng pamilya nito ang kompanyang kailangan niyang ‘ligawan’ para lang magkaroon ng bagong proyekto ang kompanya nina Grant.

Samantalang siya, hindi niya alam kung nasaan siya ngayon kung hindi siya tinulungan ni Grant noon. Baka hanggang sa mga sandaling iyon ay tagalinis pa rin siya sa resort kung saan sila unang nagkita ni Chase. Hindi niya pa nga makalimutan ang araw kung kailan niya unang nalamang nagmula pala ito sa mayamang angkan. Halos manliit siya sa kanyang sarili lalo na nang harap-harapan pa iyong iparamdam sa kanya ng binata.

“Shit!” she hissed to herself as memories flashed in her mind. Hindi lang siya nito basta iniwan, pinamukha pa nito sa kanya kung saan ang lugar niya sa mundong ginagalawan nito. For him, she was just a fling... pinagandang salita lang para sa pagiging ‘parausan’ nito habang naroon ito sa resort.

“Excuse me? What did you say?”

Yelena instantly raised her head as she heard Chase’s voice. Nang igala niya ang kanyang paningin sa mga kasama niya sa loob ng conference room ay saka niya lang napagtantong sa kanya na pala nakatuon ang mga mata nito. At nagtatanong na ngayon si Chase sa kanya dahil hindi sinasadyang napalakas pala ang tinig niya nang magmura kanina.

At bagay iyon na nagpaahon ng hiya sa dibdib ni Yelena. Dama niya pa ang pamumula ng kanyang pisngi dahil doon.

“N-Nothing... Mr. Serravalle,” wika niya sa mababang tinig.

Chase stared at her momentarily. Ang uri ng tinging iginagawad nito sa kanya ay parang nanunuri. Nasisiguro niya pang narinig talaga nito ang pagmumura niya.

Hanggang sa mayamaya ay nagsimula na ang pagpipresenta nila ng proposal sa Serravalle Real Estate Company. Other companies presented first. Lahat ay pinakinggan ni Yelena. Sa pagkakataong iyon ay saglit niya munang isinantabi ang isipin tungkol sa pagkikita nilang muli ni Chase. Gusto niya munang ilaan ang kanyang atensyon sa totoong rason kung bakit siya naroon--- ang makuha ang naturang proyekto para sa kompanya nina Grant.

“FD Construction Company...” narinig niyang sambit ni Chase sa kompanya ng mga Destajo. Hudyat iyon na siya na ang sunod na magpapakita rito ng proposal na inihanda nila.

Tumayo na si Yelena saka marahang humakbang bitbit ang kanyang laptop patungo sa unahang bahagi ng conference room, sa mismong harapan ni Chase. Nakaharap na nga ang kinauupuan nitong swivel chair sa kanya at naghihintay na lamang na magsimula na siyang magsalita.

Her heart was pounding fast and she knew very well it wasn’t because of the presentation she was about to do. Iyon ay dahil sa katotohanang si Chase ang kaharap niya at kailangan niyang kumbinsihin na sa kompanya nina Grant ibigay ang bagong proyekto ng mga ito.

Disimulado niya nang hinamig ang kanyang sarili upang maghanda sa gagawin. Bago pa nga simulan ang kanyang presentation ay lumapit pa siya kay Chase at inilapag sa harapan nito ang isang puting folder na naglalaman ng kanilang proposal.

“That is our construction bidding proposal, Mr. Serravalle,” panimula niya. “Those are the details on how we would execute your company’s new project once you chose us.”

Chase didn’t bother to move. Ni ang buklatin ang folder na ibinigay niya upang pasadahan ng basa ang proposal na kanilang inihanda ay hindi man lang nito pinagkaabalahang gawin. Parang gusto niya pa tuloy panghinaan ng loob. Mukha kasing wala itong interes sa kung ano man ang sasabihin niya.

Was it because of their past? Ang nakaraan pa ba nila ang magiging dahilan kung bakit hindi niya makukuha ang proyektong iyon?

Nevertheless, Yelena managed to smile. Pilit siyang kumilos nang kaswal upang walang makahalatang nababalot na siya ng pag-aalinlangan ngayong kaharap niya ang dati niyang kasintahan. Mas gusto niyang mag-isip ng positibo, hindi para sa kanyang sarili, kundi para sa kompanya nina Grant.

“Included on our bidding proposal are the total estimated project price, cost breakdown and payment terms that FD Construction Company offers. We can assure---”

“Why should I give this project to the company you are representing, Miss... Gallego?” singit ni Chase sa kanyang pagsasalita dahilan para maitikom niya ang kanyang bibig.

Mariin pa siyang napalunok dahil sa pagtatanong nito, bagay na hindi naman nito ginawa sa mga naunang nagpresinta kanina. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang paraan ng pagkakabigkas nito sa kanyang apelyido. Mistula bang nag-isip pa ito kung tama ba ang pangalang binanggit. Alin na lang sa dalawa? Hindi nito nais ipaalam sa ibang naroon na magkakilala sila? O sadyang nakalimutan na talaga nito ang pangalan niya?

“W-Well, Mr. Serravalle, our company can assure you transparency in every transaction in this project. We will also make sure that all materials to be used are not substandard. We also have the best engineers and architects. If you, by chance, know Grant Destajo. He’s one of the best engineers that we can offer.”

“Grant Destajo,” ulit nito sa pangalan ng kaibigan niya. Hindi niya pa alam kung bakit pero mistula bang may nasilip siyang isang emosyon sa mga mata nito na hindi niya kayang bigyan ng pangalan.

Was it animosity? Para saan naman?

Mayamaya pa ay naupo na nang tuwid si Chase. Muli na nitong iniharap sa mga taong naroon ang inuupuan nitong swivel chair saka nagwika.

“I’ve heard all your proposals. I will still review all of it and SREC will just contact whoever we have chosen to handle our new project.”

Agad na napatayo nang tuwid si Yelena dahil sa mga narinig. Gusto niya pang magprotesta. Ni hindi pa siya tapos sa pagpipresenta ng kanilang proposal. Sa katunayan, ni hindi pa naman siya nakapagsisimula talaga.

Pero hayun at waring tinatapos na ni Chase ang pakikipag-usap sa kanila. Hindi man lang siya nito hinayaang ipaliwanag ang inihanda ng FD Construction Company.

Was it because of their past? Dahil ba sa dati silang magkarelasyon ay wala na itong interes na pakinggan pa siya?

How unprofessional! Kailangan ba talagang ihalo ang personal na namagitan sa kanilang dalawa sa trabaho?

Isa-isa na ngang tumayo ang mga kasamahan niya sa construction bidding na iyon. Ang iba ay napapasulyap pa sa kanya na para bang napansin din ang pagbabalewala sa kanya ni Chase.

Hinamig na ni Yelena ang kanyang sarili. Agad na niyang kinuha ang kanyang laptop saka iyon dinala sa puwesto niya kanina. Kasalukuyan niya nang nililigpit ang mga dala niyang gamit habang nakadarama pa ng ngitngit.

She failed. Mukhang hindi niya makukuha ang proyektong iyon para sa kompanya nina Grant. Kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan para matulungan ang kaibigan niya, lalo na ngayong nahaharap sa problema ang kompanya ng mga ito. If she has to look for new clients, she would really do it.

“Miss Gallego,” narinig niyang sabi ni Chase sanhi para mahinto pa siya sa kanyang ginagawa.

Again, their eyes met. Hindi niya pa mabasa ang emosyong nakasalamin sa mga mata nito habang titig na titig sa kanya. Sa mga kamay naman nito ay ang folder na naglalaman ng kanilang bidding proposal.

“You stay,” dagdag pa nito sa pagsasalita. It wasn’t even a request. It was an order.

Bagay iyon na agad nagpatayo sa kanya nang tuwid. Nang igala niya pa ang kanyang paningin sa loob ng conference room ay noon niya lang napunang nakalabas na ang mga kasama nila roon kanina. Ang tanging nasa loob na lamang ay siya, si Chase at isang lalaki na sa hinuha niya ay ang sekretarya nito. Dahil nga sa magliligpit pa siya ng kanyang mga gamit ay nahuli na siya sa paglabas.

“W-What did you say?” tanong niya sa naguguluhang tinig.

Chase didn’t say a word for a moment. Inayos pa muna nito ang suot na business suit saka marahang tumayo mula sa swivel chair na kinauupuan nito. Muli din nitong inilapag sa ibabaw ng mesa ang folder na hawak-hawak.

Then, he looked at the man beside him. Isang senyas ang ginawa nito na wari bang nagpapahiwatig ng kung ano, bagay na agad namang naunawaan ng lalaki. Tumango na ito saka humakbang palabas ng conference room.

Uneasiness crept into her as the door closed again. Ngayong sila na lamang dalawa ni Chase ang naroon sa loob ay abot-abot na ang kabang nasa dibdib niya.

“W-What is this? What do you need?”

“Wrong question, Miss Gallego. Hindi ba’t ikaw ang may kailangan sa akin? Sa kompanya namin?”

Yelena’s jaws tightened. Still the same arrogant man she had met five years ago!

“Really, Mr. Serravalle?” aniya. Hindi na nga niya mapigilang lakipan ng sarkasmo ang kanyang tinig. “You didn’t even allow me to finish my presentation. What is there to ask now---”

“Do you want me to give the project to FD Construction?” putol na nito sa iba niya pang sinasabi. His voice was laced with so much firmness. His eyes were intently looking at her while speaking.

At akmang magbubuka ng bibig niya si Yelena para sana ay magwika. Pero bago pa man may lumabas na kahit isang kataga mula sa kanya ay agad na siyang inunahan ni Chase. Ang mga sunod nitong sinabi ay waring nagpainit ng kanyang mga tainga.

“I have a proposition for you. Accept it and I will give this project to FD Construction...”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 71

    Agad na napatayo nang tuwid si Yelena nang makita niya ang mga magulang ni Chase. Kasalukuyan nang naglalakad ang mga ito palapit sa kanila. Chase’s mother, Carlita, had a smile on her lips. Ang ama naman nitong si Benjamin ay seryoso ang mukha at sa kanya lamang nakatuon ang mga mata.Yelena swallowed an imaginary lump in her throat. Napalingon siya kay Chase na ngayon ay seryoso rin ang ekspresyon sa mukha. Halos hindi ito nakakibo hanggang sa nasa harapan na nila ang ama’t ina nito.“Sorry we are late. Medyo natagalan kami sa pag-aayos ng regalo para sa aming apo,” wika ni Carlita habang nanatiling may ngiti sa mga labi.Pagkawika nito ay napasulyap si Yelena sa dala nitong malaking paper bag na may tatak pa ng isang sikat na toy store. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Alam niyang para kay Jaxon ang dala ng mga ito.And that made her puzzled. Ang alam niya kasi ay hindi maayos ang relasyon ni Chase sa ama nito dahil sa ginawa noon ng matandang lalaki. Though, she was hoping

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 70

    Kanina pa napapakunot ng kanyang noo si Yelena habang nakamasid lamang siya sa labas ng bintana ng sasakyan ni Chase. Magkasama nga sila ng binata. Sakay sila ng kotse nito na kung saan man ang punta nila ay hindi niya alam. Tahimik lang itong nagmamaneho at ni hindi sabihin sa kanya kung saan sila pupunta.Matapos ngang maihatid ni Chase si Jaxon sa eskuwelahan ay bumalik ito sa condo unit nito at agad siyang inabisuhan na may kailangan silang puntahan. Nagtanong pa siya kung saan pero hindi siya sinagot ng binata.Sa kabila ng kuryosidad ay gumayak na lamang siya sa pag-alis. Siniguro niya pa munang nailigpit na niya ang mga ginamit nila sa pag-almusal bago naligo’t nagbihis. Nang makita nitong nakaayos na siya ay walang sinayang na oras si Chase. Agad na siya nitong inayang umalis.Ngayon nga ay nasa daan na silang dalawa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala itong sinasabi kung saan ang punta nila. Halos tahimik lamang nga ito. Maliban sa pagtanong sa kanya kanina kung komportab

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 69

    “So, everything is settled now?” tanong ni Cloud kay Chase, isang hapon habang nasa loob ito ng opisina niya. Nakaupo ito sa isa sa mga visitor’s chair na nasa tapat ng kanyang executive desk habang siya naman ay nasa swivel chair niya.Marahan siyang tumango sa kanyang kapatid saka napabuga ng isang malalim na buntonghininga. Prenteng isinandal niya rin ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair bago nagwika rito.“I think so, Kuya Cloud,” saad niya. “Sa Linggo ko dadalhin ang mag-ina ko roon. I am planning to do my proposal there as well.”Isang malapad na ngiti ang iginawad sa kanya ni Cloud. “Well, ngayon pa lang, congrats na. I hope, wala nang problema sa relasyon ninyo ngayon. I can almost hear wedding bells now.”Sukat sa mga sinabi nito ay agad na natigilan si Chase. Iyon din ang isang bagay na labis niyang ipinagdadasal--- ang maging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Yelena. Hindi lang ang relasyon nilang dalawa, kundi maging ang relasyon na rin nila

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 68

    Hindi na alam ni Yelena kung ilang minuto na siyang nakatitig sa labas ng salaming bintana sa condo unit ni Chase. She was just standing there, hugging herself with her two arms. Nakatanaw siya sa labas ngunit halos wala naman doon ang atensyon niya. She was thinking of something else. She was still thinking of what happened that day.Matapos ngang masigurong maayos naman ang kalagayan niya at ng kanyang dinadala ay pinayagan na rin sila ng doktor na makauwi na. Ilang habilin pa ang ibinigay nito sa kanya para masigurong walang mangyayaring masama sa ipinagbubuntis niya.Mula sa ospital ay hindi pumayag si Chase na sa apartment na tinitirhan nila ni Jaxon siya dumiretso. Kahit mangatuwiran siyang kaya niya na ay hindi ito nagpahinuhod. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag na sa condo unit na nito magpalipas ng gabi.At naroon na nga siya sa tinitirhan ng binata. Doon na sila dumiretso at ilang sandali pagkarating doon ay inihatid na rin ng isa sa mga empleyado ng mga Serravalle ang an

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 67

    Halos magtagis ang mga ngipin ni Chase nang malakas niyang suntukin sa mukha si Grant. Bulandra ito sa sahig dahil sa hindi naiwasan ang kanyang kamao. At hindi pa man din nakababawi si Grant ay agad na niya itong nilapitan ulit. Halos sumampa na siya sa ibabaw ng binata at sunod-sunod pa ring pinagsusuntok ang mukha nito.He was consumed with so much anger. Ang makita ang kalagayan ni Yelena ay labis na nagpatindi sa galit na nararamdaman niya. Grant was about to rape her. Kahit wala sa akto nang pumasok siya sa silid na iyon ay sapat nang ebidensiya ang nakita niya--- sira ang kasuotan ng kasintahan niya at wala nang saplot pang-itaas si Grant. Ang mga iyon pa lang ay nagpapatunay na sa kung ano ang binabalak gawin ng binata kay Yelena.At ang galit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay siyang dahilan kung bakit waring hindi niya nais tigilan ang panununtok sa mukha ni Grant. Dama niya na rin ang hapdi sa kanyang kamao dahil sa paulit-ulit na pagpapatama rito ngunit hindi

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 66

    Agad na nanlaki ang mga mata ni Yelena nang halikan siya ni Grant sa kanyang mga labi. Mariin iyon na halos masaktan pa siya dahil sa ginagawa nito. Dama niya pa ang pagpupumilit nitong ibuka niya ang kanyang bibig ngunit mariin ang pagkakatikom niya niyon.Naikuyom ang kanyang mga kamay saka sunod-sunod na isinuntok iyon sa dibdib ng binata. Pilit din niyang iniiwas ang kanyang mukha rito. But the more she did it, the tightened Grant held her nape. Pigil siya nito sa kanyang batok sanhi para hindi niya magawang makalayo rito.Until moments later, Yelena groaned in pain. She felt him bit her lower lip in a not so gentle way that made her gasped. Naging dahilan pa iyon para maiawang niya ang kanyang bibig na agad namang sinamantala ng binata. Mas naging marahas ang paghalik nito, mas naging agresibo. Nagawa rin nitong maipasok na ang dila sa kanyang bibig na agad nagpausbong ng sindak sa kanyang dibdib.Nagsiunahan ang mga luha niya sa pagpatak. Hindi niya na rin maiwasang makadama ng

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 4

    Isang pag-ismid ang ginawa ni Yelena matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Chase. Hindi niya rin mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha dahil sa galit na umusbong mula sa kanyang dibdib. And she knew very well that Chase noticed it. Bagay iyon na wala siyang pakialam. Talagang nagdulot ng galit

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 2

    Mula sa mga pinag-aaralang dokumento ay umangat ang paningin ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Hindi man lang kumatok at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cloud.Chase heaved out a deep sigh and stopped what he was doing. Naisandal niya

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 1

    Masusing pinagmasdan ni Yelena ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Gusto niya pang siguraduhing maayos na ang kanyang hitsura bago lumabas ng silid. Nang waring hindi pa nga nakontento sa nakitang pagkakalagay niya ng lipstick sa kanyang mga labi ay agad niya iyong inayos. She got her red

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   PROLOGUE

    Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yelena habang hawak-hawak niya ang pregnancy test result na nagpapakitang buntis siya. Kita nga roon ang dalawang kulay pulang guhit na nagpapatunay na may munting buhay na sa kanyang sinapupunan... na nagbunga ang relasyon nilang dalawa ni Chase.S

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status