Share

CHAPTER 4

last update publish date: 2026-06-02 21:26:26

Isang pag-ismid ang ginawa ni Yelena matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Chase. Hindi niya rin mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha dahil sa galit na umusbong mula sa kanyang dibdib. And she knew very well that Chase noticed it. Bagay iyon na wala siyang pakialam. Talagang nagdulot ng galit sa kanya ang mga sinabi nito.

Mataman niyang tinitigan sa mukha ang binatang kaharap saka nagwika sa mariing tinig. “Limang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon ba ay isang escort pa rin ang tingin mo sa akin, Mr. Serravalle?” she asked. May diin pa sa pagkakabigkas niya sa apelyido nito na wari bang gustong ipagdiinan kung bakit siya naroon--- for business.

At sa hindi niya malamang dahilan ay nagdikit ang mga kilay ni Chase dahil sa naging tanong niya. Gusto niya pang isiping magaling itong magmaang-maangan. Para kasing hindi nito nakuha ang ibig niyang sabihin base sa ekspresyong lumarawan sa mukha nito.

But Yelena wasn’t a dumb. Anong proposition pa ba ang ibig nitong tukuyin? Wasn’t he suggesting a dirty and offensive offer just so she could get the project for FD Construction Company? Hanggang sa mga sandaling iyon ba ay ganoon pa rin kababa ang tingin nito sa kanya? Na isa lamang siyang babaeng nagbibigay aliw kapalit ng pera?

“What are you talking about?” narinig niyang tanong ni Chase sa naguguluhang tinig. Nagsimula rin itong humakbang palapit sa kanya na agad nagpaligalig sa kanyang buong sistema.

“W-What are you---”

“Ni hindi mo pa naririnig ang gusto kong ialok sa iyo, Yelena,” mabilis nitong patuloy sa pagsasalita dahilan para matahimik siya. “What escort are you talking about?”

Hindi niya itinago ang pagtalim ng kanyang mga mata dahil sa galit na nadarama para rito. “Drop the act, Mr. Serravalle. You know what I meant.”

“Drop the ‘Mr. Serravalle’ too, Yelena. As far as I remember, you used to call me just by my first name. Or should I remind you how you called me ‘babe’ back then?”

Isang mariing paglunok ang ginawa niya matapos marinig ang mga sinabi nito. Damn this man for still acting so arrogant after what he did five years ago. Ito na ang ang nang-iwan, ito na ang halos insultuhin siya noon, pero ito pa rin ang waring nagmamataas sa kanilang dalawa ngayon?

“Hindi mo na kailangang ipaalala, Mr. Serravalle. May mga bagay na binaon ko na sa limot,” wika niya sa malamig na tinig sabay kuha na ng kanyang mga gamit. “If you will excuse me, I---”

Ano mang sasabihin niya, pati ang akma niyang pagtalikod para umalis na ay agad nang naawat nang maagap na hawakan ni Chase ang kanyang kanang braso. Dahilan pa iyon para marahas siyang mapalingon dito kasabay ng kanyang pagpitlag.

She couldn’t help but flinched. Pagkatapos ng limang taon simula nang maghiwalay silang dalawa ay ngayon lamang nadaiti ulit ang kamay nito sa kanyang balat. At halos gusto pang kastiguhin ni Yelena ang kanyang sarili. This man hurt her deliberately before. He humiliated her that she felt so belittle. Tapos hayun at isang hawak lang nito ay nagugulo na ang buong sistema niya?

Marahas na niyang binawi ang braso niyang hawak nito saka disimuladong hinamig ang kanyang sarili. Nang muli niyang sulyapan sa mukha ang binata ay nahuli niya pa itong titig na titig din sa kanya. Just like her, it was as if he also felt something after touching her.

“Let me finish talking, Yelena,” seryosong saad nito. Sa muli, nasa tinig na naman ng binata ang waring nang-uutos. “I am willing to give our new project to FD Construction---”

“Listen, Mr. Serravalle,” putol niya sa pagsasalita nito. “We want to have a new client, pero hindi sa paraang nais mo. I am not selling myself just to get a project.”

Puno ng iritasyon ang tinig niya. Alam niyang pati sa kanyang mukha ay hindi na maitago ang inis na nararamdaman niya para rito. Iniisip ba talaga nitong papayag siya sa nais nitong mangyari para lang makuha ng kompanya nina Grant ang bagong proyekto ng mga ito?

She was now irritated. At bagay iyon na alam niyang nakita ni Chase. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan, isang nakalolokong ngiti pa ang namutawi sa mga labi nito na para bang may nakakatawa sa mga sinabi niya.

“What’s funny?” she snapped at him.

Chase was still smiling mischievously as he leaned his lower back at the table. Prente pa nitong pinagkrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib nito habang mataman pa rin siyang pinagmamasdan.

“Kung ang bagay na iniisip mo ang hihingin ko ngang kapalit para ibigay ko sa FD Construction ng bago naming proyekto, don’t you think I don’t need to bargain anything? We had an affair before, Yelena. I got you without giving anything in return.”

“You...!”

“You didn’t accept the money that I was giving you five years ago, Yelena,” patuloy pa nito sa pagsasalita. Sa pagkakataong iyon ay tumiim na ang mukha nito sa galit, na kung para saan partikular ay hindi niya alam. “What made you think that I am willing to pay you now in exchange of... yourself?”

Yelena swallowed hard as she heard what he said. Halos dumoble pa ang galit na nadarama niya para sa binata. “So, what are you initiating? That you don’t need to pay me? Na nakuha mo naman ako noon kahit hindi ko tinanggap ang pera mo, hindi ba?”

“Ikaw lang ang nag-iisip ng ganyan, Yelena,” saad nito sabay tayo na nang tuwid. “And actually, ikaw lang ang nag-iisip na ikaw ang hihingin kong kapalit para maibigay sa FD Construction ng bago naming proyekto.”

Agad siyang napasinghap nang marahan dahil sa mga sinabi ng binata. Nagdikit pa nga ang mga kilay niya nang magtanong dito. “Then, what are you proposing?”

Chase heaved out a deep sigh. “Finally, you are on your senses now.”

“Mr. Serravalle, I---”

“Work for our company, Yelena. Work for me as my secretary,” maagap nitong sabi bago pa man niya matapos ang nais sabihin.

At ang mga sinabi ni Chase ay agad nagpatigil kay Yelena. Hindi niya inaasahan na iyon ang iaalok nito. Mas inakala niya pa nga na ang hihingin nitong kapalit ay ang sarili niya mismo. Sa uri ng paghihiwalay na nangyari sa kanila limang taon na ang nakararaan ay mas kapani-paniwala kung iyon man nga ang hinging kapalit ng binata.

“Y-You want me to wrok for this company?”

“Yes,” mabilis nitong sagot.

Sunod-sunod ang naging pag-iling ni Yelena kasabay ng pag-angat niya sa ID na nakasukbit sa kanyang leeg. “Do you see this, Mr. Serravalle? I am employed. May trabaho na ako.”

“What if I offer you a much bigger salary?”

Sa muli ay natigilan si Yelena. Hindi niya alam kung ano ang nais nito at ginagawa iyon. Para bang handa itong ialok kahit ano basta pumayag lang siyang magtrabaho sa kompanya ng mga ito.

Then what? Kapag tinanggap niya ang alok nito at doon na nga siya nagtatrabaho sa pag-aaring kompanya ng pamilya nito, araw-araw na nitong ipararamdam sa kanya kung gaano kalayo ang agwat ng kanilang mga mundo? Just like what he did five years ago?

“No, Mr. Serravalle,” aniya sa mariing tinig. “I won’t accept your offer. I won’t leave FD Construction.”

Pagkawika niyon ay mabilis nang tumalikod si Yelena bitbit ang kanyang mga gamit. Balak niyang umalis na at tuluyan na itong iwan doon. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakalalapit sa pinto ng conference room ay agad na rin siyang natigilan nang muling magsalita si Chase.

“I heard what happened to FD Construction’s latest project. The building they built collapsed. I wonder how many millions did the company lose?”

Awtomatikong napalingon ulit si Yelena sa binata. Chase’s face was void with any emotions. Hindi niya tuloy alam kung ano ang iniisip nito habang sa kanyang mukha matamang nakatitig.

“W-What are you trying to say?” sambit niya sa mahinang tinig.

“We are doing business, Yelena. Bago pa man ang araw na ito, inalam ko na ang background ng lahat ng construction company na inimbita namin para sa bidding na ito. I know about what happened to one of FD Construction’s projects. Kung tatanggapin mo ang alok ko, ibibigay ko sa kanila ang bago naming proyekto. Malaking tulong para sa kompanyang pinagtatrabahuan mo ngayon ang proyektong ito, hindi ba?”

Sa haba ng mga sinabi ni Chase ay isang katanungan lamang ang gumugulo sa isipan ni Yelena at hindi niya na nga napigilang isatinig iyon dito. “K-Kung alam mo na ang nangyari sa isa sa mga gawa ng FD Construction, bakit gusto mo bang ibigay sa amin ang bago niyong proyekto? Hindi ka ba nangangamba na ganoon din ang mangyari sa ipatatayo niyo?”

Chase shrugged his shoulders. “Let just say, I am more interested with the idea that we crossed paths again, Yelena, than FD Construction’s reputation.”

Muli siyang napalunok nang mariin dahil sa nais nitong ipahiwatig. “A-And what made you think that I would be willing to work for you, Mr. Serravalle? After what you did five years ago?”

Sa pagkakataong iyon ay si Chase naman ang natigilan. Hindi niya alam kung bakit pero nagbago pa ang ekspresyong nasa mukha nito. His face slightly softened. Pakiramdam niya pa ay may gusto itong sabihin na hindi lang nito maisatinig.

“Yelena---”

“No,” she said firmly that made him stopped talking. “Tama ka. Malaking tulong nga para sa kompanyang pinagtatrabahuan ko ang proyekto ninyo. But I don’t want to accept your offer. I repeat, I won’t leave FD Construction.”

“Then, might as well help the Go Corporation to file cases against your company. What do you think?”

Yelena’s eyes widened because of what he said. Ang Go Corporation ay ang malaking kompanyang nagmamay-ari ng malaking gusaling ginagawa sana ng FD Construction... ang gusaling sa kasamaang-palad ay gumuho nga dahil sa pagdidispalko ng mga tauhang tinalaga ni Grant doon.

At hindi man tuwirang sabihin ni Chase ay nauunawaan na ni Yelena kung ano ang ibig ipahiwatig nito. She wasn’t that stupid not to understand what he was trying to do.

“A-Are you threatening me?”

“I am just giving you choices,” tugon nito. “Kilala ng mga Serravalle ang mga Go. I can help FD Construction, you know.”

“Kapalit ng pagtanggap ko sa alok mo?”

“Yes,” walang kagatol-gatol na sagot nito.

“W-Why are you doing this? Malaki ang kompanyang mayroon kayo, Mr. Serravalle. Paniguradong hindi kayo nawawalan ng magagaling na empleyado.”

Chase stared at her momentarily. Mistula bang iniisip pa nito ang tamang salitang isasagot sa kanya. Nang mayamaya ay makabawi na ay muli itong nagsalita na agad pang nagpagimbal kay Yelena.

“Seeing you again a while ago for the first time after five long years, I just realize that... I want you back.”

Daig pa ni Yelena ang naipako sa kanyang kinatatayuan nang marinig niya ang mga sinabi ni Chase. Napakakaswal ng pagkakawika nito na para bang naging maayos ang paghihiwalay nila noon.

At hindi pa nga napigilan ni Yelena ang pagak na matawa dahil sa mga binitiwan nitong salita. “Hindi ka pa rin nagbabago, Chase,” wika niya na muling tinawag ang binata sa pangalan nito. “You think you can get anything you want with just a snap of your fingers.”

“Yelena---”

“Limang taon na ang lumipas. You are still arrogant.”

Tumikwas pa nga pataas ang isang sulok ng mga labi ng binata dahil sa mga sinabi niya. “Maybe I am,” anito. “And this arrogant man wants you again, Yelena Gallego.”

Doon na waring napigtas ang natitirang pasensiyang mayroon pa sa kanyang sarili si Yelena. Para bang sumabog na ang galit niya dahil sa pinagsasabi nito.

Damn this man for saying he wanted her back after leaving her before! Para bang isang laruan lang ang turing nito sa kanya na matapos itapon ay muli nitong kukunin dahil napagtantong gusto pa siya nitong paglaruan.

“Iniwan mo ako, Chase,” saad niya sa tinig na hindi na naitago ang hinanakit. “Walang paliwanag. Walang dahilan. Now, you are telling me you want me back? What else do you want?”

“You,” walang pagdadalawang-isip na sagot nito. “Just you, Yelena.”

“You can’t just say that after leaving me five years ago, Chase,” sansala niya sa mga sinabi nito.

“I just did,” wika nito sa mariing tinig. “And I will say it again--- I want you back and nothing can stop me from taking back what’s mine, Yelena.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 71

    Agad na napatayo nang tuwid si Yelena nang makita niya ang mga magulang ni Chase. Kasalukuyan nang naglalakad ang mga ito palapit sa kanila. Chase’s mother, Carlita, had a smile on her lips. Ang ama naman nitong si Benjamin ay seryoso ang mukha at sa kanya lamang nakatuon ang mga mata.Yelena swallowed an imaginary lump in her throat. Napalingon siya kay Chase na ngayon ay seryoso rin ang ekspresyon sa mukha. Halos hindi ito nakakibo hanggang sa nasa harapan na nila ang ama’t ina nito.“Sorry we are late. Medyo natagalan kami sa pag-aayos ng regalo para sa aming apo,” wika ni Carlita habang nanatiling may ngiti sa mga labi.Pagkawika nito ay napasulyap si Yelena sa dala nitong malaking paper bag na may tatak pa ng isang sikat na toy store. Hindi na niya kailangan pang magtanong. Alam niyang para kay Jaxon ang dala ng mga ito.And that made her puzzled. Ang alam niya kasi ay hindi maayos ang relasyon ni Chase sa ama nito dahil sa ginawa noon ng matandang lalaki. Though, she was hoping

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 70

    Kanina pa napapakunot ng kanyang noo si Yelena habang nakamasid lamang siya sa labas ng bintana ng sasakyan ni Chase. Magkasama nga sila ng binata. Sakay sila ng kotse nito na kung saan man ang punta nila ay hindi niya alam. Tahimik lang itong nagmamaneho at ni hindi sabihin sa kanya kung saan sila pupunta.Matapos ngang maihatid ni Chase si Jaxon sa eskuwelahan ay bumalik ito sa condo unit nito at agad siyang inabisuhan na may kailangan silang puntahan. Nagtanong pa siya kung saan pero hindi siya sinagot ng binata.Sa kabila ng kuryosidad ay gumayak na lamang siya sa pag-alis. Siniguro niya pa munang nailigpit na niya ang mga ginamit nila sa pag-almusal bago naligo’t nagbihis. Nang makita nitong nakaayos na siya ay walang sinayang na oras si Chase. Agad na siya nitong inayang umalis.Ngayon nga ay nasa daan na silang dalawa. Hanggang sa mga sandaling iyon ay wala itong sinasabi kung saan ang punta nila. Halos tahimik lamang nga ito. Maliban sa pagtanong sa kanya kanina kung komportab

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 69

    “So, everything is settled now?” tanong ni Cloud kay Chase, isang hapon habang nasa loob ito ng opisina niya. Nakaupo ito sa isa sa mga visitor’s chair na nasa tapat ng kanyang executive desk habang siya naman ay nasa swivel chair niya.Marahan siyang tumango sa kanyang kapatid saka napabuga ng isang malalim na buntonghininga. Prenteng isinandal niya rin ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair bago nagwika rito.“I think so, Kuya Cloud,” saad niya. “Sa Linggo ko dadalhin ang mag-ina ko roon. I am planning to do my proposal there as well.”Isang malapad na ngiti ang iginawad sa kanya ni Cloud. “Well, ngayon pa lang, congrats na. I hope, wala nang problema sa relasyon ninyo ngayon. I can almost hear wedding bells now.”Sukat sa mga sinabi nito ay agad na natigilan si Chase. Iyon din ang isang bagay na labis niyang ipinagdadasal--- ang maging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Yelena. Hindi lang ang relasyon nilang dalawa, kundi maging ang relasyon na rin nila

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 68

    Hindi na alam ni Yelena kung ilang minuto na siyang nakatitig sa labas ng salaming bintana sa condo unit ni Chase. She was just standing there, hugging herself with her two arms. Nakatanaw siya sa labas ngunit halos wala naman doon ang atensyon niya. She was thinking of something else. She was still thinking of what happened that day.Matapos ngang masigurong maayos naman ang kalagayan niya at ng kanyang dinadala ay pinayagan na rin sila ng doktor na makauwi na. Ilang habilin pa ang ibinigay nito sa kanya para masigurong walang mangyayaring masama sa ipinagbubuntis niya.Mula sa ospital ay hindi pumayag si Chase na sa apartment na tinitirhan nila ni Jaxon siya dumiretso. Kahit mangatuwiran siyang kaya niya na ay hindi ito nagpahinuhod. Wala siyang nagawa kundi ang pumayag na sa condo unit na nito magpalipas ng gabi.At naroon na nga siya sa tinitirhan ng binata. Doon na sila dumiretso at ilang sandali pagkarating doon ay inihatid na rin ng isa sa mga empleyado ng mga Serravalle ang an

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 67

    Halos magtagis ang mga ngipin ni Chase nang malakas niyang suntukin sa mukha si Grant. Bulandra ito sa sahig dahil sa hindi naiwasan ang kanyang kamao. At hindi pa man din nakababawi si Grant ay agad na niya itong nilapitan ulit. Halos sumampa na siya sa ibabaw ng binata at sunod-sunod pa ring pinagsusuntok ang mukha nito.He was consumed with so much anger. Ang makita ang kalagayan ni Yelena ay labis na nagpatindi sa galit na nararamdaman niya. Grant was about to rape her. Kahit wala sa akto nang pumasok siya sa silid na iyon ay sapat nang ebidensiya ang nakita niya--- sira ang kasuotan ng kasintahan niya at wala nang saplot pang-itaas si Grant. Ang mga iyon pa lang ay nagpapatunay na sa kung ano ang binabalak gawin ng binata kay Yelena.At ang galit na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon ay siyang dahilan kung bakit waring hindi niya nais tigilan ang panununtok sa mukha ni Grant. Dama niya na rin ang hapdi sa kanyang kamao dahil sa paulit-ulit na pagpapatama rito ngunit hindi

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 66

    Agad na nanlaki ang mga mata ni Yelena nang halikan siya ni Grant sa kanyang mga labi. Mariin iyon na halos masaktan pa siya dahil sa ginagawa nito. Dama niya pa ang pagpupumilit nitong ibuka niya ang kanyang bibig ngunit mariin ang pagkakatikom niya niyon.Naikuyom ang kanyang mga kamay saka sunod-sunod na isinuntok iyon sa dibdib ng binata. Pilit din niyang iniiwas ang kanyang mukha rito. But the more she did it, the tightened Grant held her nape. Pigil siya nito sa kanyang batok sanhi para hindi niya magawang makalayo rito.Until moments later, Yelena groaned in pain. She felt him bit her lower lip in a not so gentle way that made her gasped. Naging dahilan pa iyon para maiawang niya ang kanyang bibig na agad namang sinamantala ng binata. Mas naging marahas ang paghalik nito, mas naging agresibo. Nagawa rin nitong maipasok na ang dila sa kanyang bibig na agad nagpausbong ng sindak sa kanyang dibdib.Nagsiunahan ang mga luha niya sa pagpatak. Hindi niya na rin maiwasang makadama ng

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 3

    Hindi na alam ni Yelena kung makailang ulit siyang napalunok habang magkahinang pa rin ang mga paningin nila ni Chase. Katulad niya rin itong waring natigilan nang makita siya. That alone made her realized that he wasn’t also expecting to see her there.Agad na nga siyang napaiwas ng kanyang mukha

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 2

    Mula sa mga pinag-aaralang dokumento ay umangat ang paningin ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Hindi man lang kumatok at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cloud.Chase heaved out a deep sigh and stopped what he was doing. Naisandal niya

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   CHAPTER 1

    Masusing pinagmasdan ni Yelena ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Gusto niya pang siguraduhing maayos na ang kanyang hitsura bago lumabas ng silid. Nang waring hindi pa nga nakontento sa nakitang pagkakalagay niya ng lipstick sa kanyang mga labi ay agad niya iyong inayos. She got her red

  • Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2)   PROLOGUE

    Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yelena habang hawak-hawak niya ang pregnancy test result na nagpapakitang buntis siya. Kita nga roon ang dalawang kulay pulang guhit na nagpapatunay na may munting buhay na sa kanyang sinapupunan... na nagbunga ang relasyon nilang dalawa ni Chase.S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status