LOGIN
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yelena habang hawak-hawak niya ang pregnancy test result na nagpapakitang buntis siya. Kita nga roon ang dalawang kulay pulang guhit na nagpapatunay na may munting buhay na sa kanyang sinapupunan... na nagbunga ang relasyon nilang dalawa ni Chase.
She filled her lungs with air and stared at her reflection at the mirror. Hindi pa natatagalan ang relasyon niya kay Chase. Sa totoo lang ay isang whirlwind romance ang namagitan sa kanila pero sa kabila niyon ay hindi niya maitatanggi ang labis na kasiyahan sa piling nito.
Nakilala niya si Chase sa resort na pinagtatrabahuan niya. Turista ito roon na sa una ay kinaiinisan niya dahil sa labis na pagkaantipatiko. Sa tuwina ay wala yata itong ginawa kundi ang inisin siya. Hanggang sa isang pangyayari ang naging dahilan para magkalapit silang dalawa. It led them to something else. At ang sunod na lang na namalayan ni Yelena ay nagtapat na ito ng nararamdaman sa kanya.
She couldn’t deny that she fell in love with him. Tinanggap niya agad ang pag-ibig nito at sa hindi nga maipaliwanag na dahilan, kahit hindi pa natatagalan ang relasyon nilang dalawa ay naipagkaloob na niya rito ang kanyang sarili, bagay na hindi niya naman pinagsisisihan.
And now, she’s holding the pregnancy test kit saying that they were having a child. Buntis siya sa anak nila ni Chase!
Inayos na nga niya ang kanyang sarili saka nagmamadali nang lumabas ng banyo. Nakakuyom pa ang kanyang kanang kamay upang itago muna ang resulta ng isinagawa niyang pregnancy test. Ang balak niya ay sorpresahin si Chase tungkol sa pagbubuntis niya.
Day off niya nang araw na iyon at napagpasyahan nilang magkita. They stayed in his room and just like the other days, they spent some hours making love a while ago. Matapos niyon ay pumasok nga muna siya sa banyo upang ihanda ang kanyang sarili sa sorpresang gagawin. Tatlong araw na mula nang makumpirma niyang buntis nga siya at ngayon niya lamang napagplanuhang sabihin iyon sa binata.
Pagkalabas ng banyo ay naabutan niyang nakabihis na si Chase. Nakatayo ito sa tapat ng glass window ng silid nito at nakatanaw sa labas. May hawak pa itong isang kopita ng alak at kasalukuyang sumisimsim doon. Natigilan lang ito nang mapansin ang kanyang presensiya dahilan para mapalingon ito sa kanyang direksiyon.
Dahil sa katatapos pa lamang nilang magniig kanina ay isang puting roba lamang ang kanyang suot. Agad pa nga ang paggala ng paningin nito sa kanyang kabuuan at hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang emosyong nakiraan sa mga mata nito na hindi niya maaaring ipagkamali sa iba--- pagnanasa.
“Chase,” wika niya nang nakangiti. “I have a surprise for you.”
Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang naging seryoso ang ekspresyong nasa mukha ni Chase. Gone was the desire that she saw in his eyes and was replaced by seriousness.
“I am leaving this island this weekend, Yelena. I am going back to Manila so we need to part ways now,” saad nito, ni hindi man lang pinagtuunan ng pansin ang tungkol sa sorpresang sinasabi niya.
Agad nabura ang ngiti sa mga labi ni Yelena. Ang kamay niyang akmang ilalahad na rito upang ipakita ang resulta ng pregnancy test na kanyang isinagawa ay muli niya pang naikuyom. Disimulado niya pang naikinubli iyon sa kanyang likuran para hindi makita ng binata.
“I-I don’t understand. W-What... what do you mean?” halos magkandautal-utal niyang sabi.
Inisang lagok pa muna ni Chase ang natitirang alak sa kopita nito. Humakbang din ito palapit sa mesang naroon para ilapag ang pinag-inuman. Pagkaraan ay muli itong humarap sa kanya at nagwika.
“You know I am not staying here for good. Kailangan ko nang bumalik sa Manila.”
“K-Kailan ka babalik rito? Kung maaari---”
“I am not coming back, Yelena,” putol na nito sa iba niya pang sasabihin. “Tinatapos ko na ang kung ano mang mayroon tayong dalawa.”
Daig niya pa ang tinarakan ng punyal sa dibdib dahil sa mga sinabi nito. Hindi niya pa nga naitago ang sakit na lumarawan sa kanyang mga mata na alam niyang nakita ni Chase. Pero sa halip na bawiin nito ang mga sinabi ay nanatiling seryoso ang mukha nito, patunay na hindi ito nagbibiro sa pakikipaghiwalay sa kanya.
“You... you are breaking up with me? A-Ang sabi mo ay... mahal mo ako.”
Chase was silent for a moment. Kita niya pa ang mariin nitong paglunok bago sumagot sa kanya. “I always love those women who make my days worthwhile, Yelena. And you are one of them.”
Her eyes widened. Her chest tightened. Gusto niya pang isiping kinaringgan niya lang ang mga sinabi nito. Para kasing ibang tao ang kaharap niya nang mga sandaling iyon. Napakalayo kasi nito ngayon kaysa sa Chase na naging nobyo niya. Lahat ba ng mga ipinakita nito sa kanya ay pawang pagkukunwari lamang?
“H-Hindi ko maintindihan, Chase. What are you saying---”
Hindi na niya natapos ang pagsasalita nang may kinuha ang binata mula sa bulsa ng suot nitong pantalon at agad iyong iniabot sa kanya. “Take this cheque. It has fifty grand in it. Take it as a compensation for the days that you spent with me while I was staying in this island. I really had fun, Yelena. You were a good companion.”
Awtomatikong umangat ang kamay niyang hindi hawak ang pregnancy test result. Malakas na dumapo ang kanyang palad sa pisngi nito na dahilan pa nga para bahagya itong mapakiling ng ulo.
“Binibigyan mo ako ng pera kapalit ng mga araw na magkasama tayo? A-Ano ang tingin mo sa akin? An escort?”
Alam niyang rinig sa kanyang tinig ang labis na sakit dahil sa nais nitong ipamukha at hindi niya iyon alintana. Totoong nasasaktan siya dahil sa mga sinasabi nito.
He was paying her fifty thousand for the days that they spent together. Isang bayarang babae ba ang tingin nito sa kanya? At ganoong halaga lamang ba ang katumbas niya para rito? Ang katumbas ng pagmamahal niya at pati na... ng katawan niya?
Pagkaraan ay muli siyang hinarap ni Chase. Nakatiim-bagang na ito na kung para saan ang galit na nasa mukha nito ay hindi niya maunawaan. Kung dahil sa sampal na ginawa niya ay nararapat lamang dito iyon. He was insulting her... humiliating her, to be exact.
“A-Alam mong hindi ako ganyang babae, Chase,” patuloy niya pa sa pagsasalita. Ni wala na siyang pakialam kung makita man nito ang panunubig ng kanyang mga mata. Ano mang sandali, alam niyang tutulo na ang kanyang mga luha dahil sa itinatakbo ng kanilang usapan.
“Y-You... you courted me. Ang sabi mo ay... ay mahal mo ako,” dagdag niya pa bago pa man nito maibuka ang bibig para magsalita. Halos humigpit pa ang pagkakakuyom ng kamay niyang may hawak ng pregnancy test na kanina lang ay kinasasabikan niyang ipakita rito.
“I’ve been to many places, Yelena,” anito, ni hindi nagbabago ang kaseryosohan kahit pa nakikita nitong naluluha na siya. “I’ve met several women at every place I went to. I always make sure that someone would make my stay worthwhile in each place I go. It just so happened that you’re the one who got my attention here in Alta Vista,” tukoy pa nito sa resort na kinaroroonan nila.
Ang Alta Vista ay ang resort na pinagtatrabahuan niya at pinagbabakasyunan ni Chase. Doon nga sila nagkakilala hanggang sa magkaroon ng relasyon.
“So, pinaglaruan mo lang ako?” puno ng hinanakit na sabi niya. Tuluyan na ring pumatak ang mga luha niyang agad niya na rin namang pinahid ng kamay niyang walang hawak.
Hindi niya sana gustong umiyak sa harapan nito. Ang mga salita pa lang ni Chase ay sapat na para manliit siya sa kanyang sarili. Kung makikita pa siya nitong umiiyak ay parang mas kahamak-hamak na siyang tingnan.
Pero hindi niya mapigilan. She loved him so much and hearing those words from him really broke her heart. Sa buong durasyon ng relasyon nilang dalawa, kahit pa hindi pa iyon natatagalan, ay sobrang minahal niya na ito. While him, he only treated her like an escort... someone who would make his days at the resort worthwhile.
She saw him swallowed hard. Then, he spoke again. “Take this cheque, Yelena. You---”
“Hindi ko kailangan ng pera mo,” mariin niyang sabi dahilan para matigil ito sa pagsasalita. “Hindi ako bayarang babae, Chase.”
“You need this for your family,” giit pa nito.
Hindi niya maiwasan ang pagtiim ng kanyang mukha. Alam ni Chase ang tungkol sa problemang pinansiyal ng kanyang pamilya. Dahil sa naging komportable siyang kasama ito, nabanggit niya nga sa binata ang mga pinagdadaanan niya.
“I-Iyan ang dahilan kaya nagawa mo akong paglaruan,” aniya. It was more of a statement than a question. “Dahil alam mong kailangan ko ng pera para sa pamilya ko, iniisip mong---”
“Yelena, with the kind of life than you have, this is already a huge amount,” singit nito sa pagsasalita niya. “Take this.”
“M-Minahal mo ba ako, Chase?” tanong niya sa halip na pansinin ang mga sinabi nito.
And her question made Chase stopped in his tracks. Mataman itong napatitig sa kanyang mukha at hindi niya alam kung guni-guni niya lamang pero waring bahagyang lumambot ang ekspresyon nito dahil sa tanong niya.
O baka nagkamali lang siya ng nakita. Agad na rin kasing bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nito at ang mga sunod na sinabi ng binata ay tuluyang nagpadurog ng puso niya.
“You are just a fling, Yelena. Nothing more,” wika nito sa malamig na tinig bago inilapag na lamang sa ibabaw ng mesang naroon ang hawak nitong tseke. “Now, take this cheque. Pareho nating alam na malaking tulong na ito para sa pamilya mo.”
Hindi siya sumagot dito. Pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan dahil sa mga narinig.
“I’ll give you time to get dress. Pagbalik ko, sana ay wala ka na rito sa silid ko.”
Nilampasan na siya nito at naglakad na palapit sa pintuan. Kasabay nga ng paglabas nito sa silid na iyon ay ang tuluyang pag-unahan ng mga luha niya sa pagpatak. Halos manikip pa ang dibdib niya dahil sa labis na sakit na kanyang nararamdaman. Kung ilang saglit siyang umiyak sa loob ng silid nito ay hindi na niya alam. Paglipas ng ilang sandali ay hinamig na niya ang kanyang sarili saka nagbihis.
Napatitig pa si Yelena sa pregnancy test result na balak niya sanang ipakita kay Chase kanina. Isang mapait na ngiti na lamang ang nagawa niya bago pabulong na nagwika.
“Don’t worry, Chase. Hindi lang sa silid na ito ako mawawala... pati sa buhay mo.”
Her jaws tightened. Humakbang na siya palabas ng silid na iyon na walang ibang dala kundi ang pregnancy test result na wala na siyang balak pang ipakita kay Chase. Ni hindi niya man lang pinagkaabalahang hawakan ang cheque na ibinibigay nito.
“Who are you and what the hell are you doing here?!” mariing saad ng lalaking lumabas mula sa banyo ng silid na lilinisan sana ni Yelena. Dali-dali pa itong humakbang palapit sa pang-isahang sofa na nasa tabi lamang ng kama saka kinuha mula sa ibabaw niyon ang puting tuwalya. Itinapis iyon ng lalaki sa ibabang parte ng katawan nito upang takpan ang maselan nitong bahagi.Pero bagay iyon na huli na. Nakita na ni Yelena ang lahat dito na magdulot sa kanya ng pagkailang. Halos gusto pang maiskandalo ni Yelena. Sa tanang buhay niya ay hindi pa siya kailanman nakakita ng hubad na lalaki. Of course, hindi kasama roon ang mga nakita niya na sa larawan. O hindi kaya’y nang maliit pa ang kapatid niyang si Johan na madalas ay siya ang nag-aasikaso sa pagbihis.Ngunit ang sabihing katawan ng lalaki sa ganoong sitwasyon? Ngayon lamang siya nakakita. Parang gusto niya pang itaktak ang kanyang ulo para maalis sa kanyang isipan ang bagay na nakita niya. For goodness’ sake, the man was huge! And to t
FIVE YEARS AGO:ALTA VISTA RESORT, PALAWAN…Halos lakad-takbo ang ginawa ni Yelena nang makababa siya ng pampasaherong jeep. Dali-daling tinahak na niya ang daan patungo sa resort na kanyang pinagtatrabahuan--- ang Alta Vista Resort. Pasado alas-nueve na kasi ng umaga at kanina pa dapat nagsimula ang pasok niya. Sadyang nahuli lang siya ng dating dahil sa nagkaroon ng problema sa kanilang pamilya.Nang magising si Yelena kanina upang gumayak na patungo sa kanyang trabaho ay nadatnan niya ang kanyang ina na si Mercedes sa kusina. Sa tuwina kasi ay ito ang nauunang bumangon sa kanila dahil ipinaghahanda siya nito ng babaunin.Ngunit nang magtungo sa kusina si Yelena ay naabutan niya pa itong inaatake ng labis na pag-ubo. Ilang araw nang ganoon ang nararamdaman ng kanyang ina at inuudyukan niya na rin itong pumunta na ng ospital para magpatingin sa mga doktor. Bagay nga iyon na tinatanggihan nito. Ayon pa sa kanyang ina ay dagdag gastusin lang daw nila.Pero sa pagkakataong iyon ay hindi
Matapang na sinalubong ni Yelena ang mga titig ni Chase. Mataman itong nakatingin sa kanya na sa totoo lang ay nagdudulot na sa kanya ng labis na pagkailang. Nakita niya pa nga ang pagtaas ng isang sulok ng mga labi nito habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang kanyang mukha.“Why the sudden change of mind, Yelena?” tanong nito na muli siyang tinawag sa kanyang pangalan.Hindi pa nga mapigilan ni Yelena ang mariing mapalunok bago sumagot dito. “Alam kong alam mo ang ginawa ng mga Go, Mr. Serravalle. Ikaw na rin ang nagsabing kilala sila ng pamilya mo.”Chase shrugged his shoulders. He was still sitting at the edge of his executive desk and was staring at her like she was one of his employees. Gusto niya pa tuloy manliit ngayong kaharap niya ito.“Kung ang tinutukoy mo ay ang pagsampa ng reklamo ng mga Go sa FD Construction, don’t you think they have the right to do that? Sila ang naloko, Yelena.”“It wasn’t Grant’s fault. Ang empleyadong pinagkatiwalaan ni Grant sa proyektong iyon ang
Isang napakalalim na buntonghininga muna ang pinakawalan ni Yelena bago siya lakas-loob nang humakbang papasok ng Serravalle Real Estate Company. Mula nga sa kompanyang pag-aari ng pamilya ni Grant ay doon na siya dumiretso at iyon ay dahil sa iisang rason--- gusto niyang makausap si Chase.Yelena didn’t have any other choice. Wala na siyang nakikitang ibang paraan para masolusyunan ang problemang mayroon si Grant. Sa loob ng limang taon ay ang kaibigan niya ang naging kasa-kasama niya. Matapos siya nitong tulungan noon, hindi niya naman gustong hayaan lang itong harapin ang problemang mayroon ang kompanya ng mga ito ngayon.She had to do something. She had to think of any solution.At iisa nga lang ang alam niyang makatutulong sa kanya. It was Chase. It was his offer.Yelena knew very well that accepting Chase’s offer was dangerous. Delikado, hindi dahil sa literal na may na panganib na dala iyon. Sa halip, nasabi niyang delikado dahil alam niyang maaaring magulo ang tahimik na niyan
Dire-diretso ang paglalakad na ginagawa ni Chase at halos hindi man lang pinagtutuunan ng pansin ang mga taong nadaraanan niya. Maging ang ilang empleyado nila sa Serravalle Real Estate Company na magalang na bumabati sa kanya ay hindi niya man lang sinasagot. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang palapag kung saan naroon ang kanyang opisina.He was always like that. Alam niya rin na karamihan sa mga empleyado nila ay naaalangan na kausapin at lapitan siya. He was unapproachable. Ang iba pa nga, ang tingin sa kanya ay istrikto. Some even thought that he was a snob.At wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng iba. Naroon lamang siya sa kompanya ng kanilang pamilya upang magtrabaho, bagay na sa loob ng limang taon ay pilit niya namang ginagampanan nang maayos. That was what their father wanted. That was something he wasn’t able to refuse.He heaved out a deep sigh as he continued walking towards his office. He hated the idea that his father was able to manipu
“N-Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?” halos nagigimbal pa ring sabi ni Yelena kay Chase. Hindi niya mapaniwalaang maririnig niya ang mga bagay na iyon mula rito matapos ng limang taon na hindi nila pagkikita.At hindi pa nga maiwasan ang paglitaw ng ilang gatla sa kanyang noo nang mapagmasdan niya ang ekspresyong nasa mukha ng binata. Seryoso pa rin ito. Para bang balewala lamang para rito ang mga nangyari sa kanila noon at ngayon nga ay nais ipagpilitang masunod ang gusto nito.And what Chase wanted? He wanted her back!Sa tingin ba nito ay ganoon lang iyon kadali? Matapos ng masasakit nitong sinabi sa kanya noon? Matapos ng pang-iiwan nito sa mga panahong higit niya itong kailangan dahil nagdadalang-tao na siya kay Jaxon? Matapos ng harap-harapan nitong pag-amin sa kanya na isang ‘fling’ lamang ang turing nito sa naging relasyon nilang dalawa? Did he really think she would instantly agree to what he wanted?“Definitely, yes, Yelena,” sagot ni Chase sa naging tanong niya kanina. “







