Share

CHAPTER 17

Walang nangahas na magsalita sa aming dalawa. Kahit papaano ay nakumbinsi ko naman siyang hintayin si Corbi. Ilang minuto na ba ang lumipas mula nang maupo siya sa dulo ng sofa na kinauupuan ko? Nasaan na ba si Corbi? Naisama ba niya ang sarili sa pag-flush?

Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagba-browse sa hawak na brochure habang si Vhan naman ay may kung anong binabasa sa cellphone niya.

“Ilang oras pa ba ako maghihintay sa kaniya?” mababa ang tinig niyang tanong. Bumuntong-hinga siya saka ibinaba ang hawak niyang cellphone. Mabilis akong umiwas ng tingin nang magtagpo ang aming mga mata.

“T-teka, s-sandali, t-tawagin ko na lang.” Tumayo ako at humakbang papunta sa office niya. Pero maliban sa table nila ni Craig, mga cabinet at printer ay wala akong CR na natagpuan. May pinto roon pero papunta iyon sa labas. Kinakabahan man, sinubukan ko pa ring pihitin ang nasabing pinto. Sa kasamaang palad, naka-locked iyon sa labas.

Something’s fishy here.

“Bayaran mo raw muna sabi ni Corbi,” bungad sa akin ni Vhan nang makalabas ako sa opisina. Itinaas niya ang hawak na cellphone na para bang sinasabi niyang nag-message sa kaniya si Corbi.

Wala namang problema kung nagpapasuyo si Corbi na bayaran ko muna ang dress at sandals. Ang problema ay ang presyo ng mga iyon. Kulang ang perang dala ko ngayong araw. Nakatitig lang sa akin si Vhan at wala man lang akong makita na pagkailang sa kaniyang mga mata.

“A-ano… Wala kasi akong dalang pera.” Kung pwede lang maging hangin, kanina pa ako nagtransform. Nanatiling nakapako sa akin ang kaniyang mga mata na parang bumubulong ng ‘ang yaman mo pero wala kang dalang pera.’ Muli siyang bumuntong-hinga bago umiwas ng tingin.

Ipinatong ni Vhan sa center table ang paper bag na hawak. Sa pagkakataong ito, ako naman ang nagkaroon ng pagkakataong titigan siya. Nagiging visible na ang bigote niya at medyo nagkaka-eyebags na rin siya.

“Aalis ka na?” tanong ko nang magsimula na siyang humakbang at nilagpasan ako. Hinabol ko siya ng tingin na huminto naman sa paglalakad pero hindi na nag-abala pang ngumilon sa gawi ko. Nanatili lang siyang nakatalikod sa akin.

“I don’t have any more business here. Wala rin naman dito ‘yong sadya ko.” Doon na nga niya muling tinuloy ang paglalakad papunta sa pinto. Napalunok na lang ako.

Mabigat sa pakiramdam na panoorin siyang naglalakad palayo sa akin. Parang kailan lang ay sinasalubong niya ako ng masayang ngiti at mainit na yakap. Oo nga pala, wala na nga palang kami. Wala na akong karapatan sa kung ano mang ginagawa o gagawin niya sa buhay. Makailang-ulit na sinubukang pihitin ni Vhan ang knob ng pinto pero parang hindi niya yata iyon mabuksan.

“Did you locked it?” Iritado niyang tanong sabay lingon sa gawi ko. Obviously, ako ang pinaparatangan niya.

Umiling ako. “Hindi, ah.”

“Ano na naman ba ito, Jehan?”

“I didn’t locked that. Seryoso!” pasigaw kong depensa sa sarili.

Ang kaninang tahimik na silid ay napalitan ng nanggagalaiting boses ni Vhan habang pilit na binubuksan ang pinto. Sinipa pa nga niya iyon nang makailang ulit. Nang sa hula ko ay napagod na siya, may hinanakit sa mga mata niya akong nilingon. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

“Cut this bullshit, Jehan! May report ako ngayon. Buksan mo na ang pinto!” aniya habang niyuyugyog ang aking balikat.

“Sinabi na ngang hindi ako ang nag-locked, Vhan! Bakit ba ayaw mong maniwala?” pagmamatigas ko pa rin. Pinipilit kong tanggalin ang mahigpit niyang pagkakahawak sa balikat ko.

“Kung gusto mo akong kausapin in private, pwedeng-pwede naman. Isang tawag mo lang, umuusok na ang pwet ko papunta sa ‘yo! Alam mo ‘yan, Jehan! Ikaw lang naman itong mapaghinala at walang tiwala sa akin!”

Parang may inilagay na packaging tape sa bunganga ko at hindi ako kaagad nakapagsalita. Kani-kanina lang ay pinto pa ang pinagtatalunan namin pero tila bigla yatang lumayo. Naunang nagbawi ng tingin si Vhan at binitiwan ang balikat ko. Muli siyang tumalikod at sinubukang buksan ang pinto. Nanatili itong naka-locked.

Gustuhin ko mang ma-trap dito kasama si Vhan ay ayoko namang maging dahilan ng pangalawang incomplete grade sa evaluation form niya. Hindi pa namin kayang mag-usap nang mahinahon. I shouldn’t had let Corbi fooled me. Paniguradong tuwang-tuwa ang isang iyon sa resulta ng plano niya.

Kinuha ko sa bulsa ang aking cellphone saka tinawagan si Corbi. Sinagot niya ito pero inunahan ko na siyang bumati nang wala ng pasakalye pa. “Bubuksan mo ito o isusumbong kita kay Lolo Martin?”

“Jey, look… I’m just helping you—” Wala akong plano na pakinggan pa ang mga rason niya. Pinatayan ko na siya ng tawag. A minute or less after that, bumukas ang pinto sa harapan namin at bumungad doon si Corbi. Naunahan ko pa si Vhan na lumabas sa pinto nang bumukas iyon.

Seryoso ako nang sabihin kong isusumbong ko siya kay Lolo. Hindi niya lang kami inilagay ni Vhan sa awkward na sitwasyon kung ‘di mas lalo niya lang pinalala ‘yong sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya. Ngayong nakaharap ko na naman siya, heto na naman angg pakiramdam na nag-uudyok sa aking hilahin siya pabalik sa akin.

“May… May nangyari ba? Badtrip ka yata?” tanong ni Thunder nang isara ko ang pinto matapos maupo sa front seat ng kotse.

“Kanina pa kita hinihintay. Anong oras na, oh!” Ikinabit ko ang seatbelt nang hindi nakikipag-eye contact sa kaniya. May naaamoy akong yosi kaya binuksan ko ang bintana sa gilid.

“Pasensya na. Galing kasi ako sa camp. Gusto mo?” Doon ko lang siya nilingon. May iniaabot siya sa aking mentos candy roll na tinitigan ko sandali bago bumaling sa kaniya na may nginunguya na.

Natatawa siya na inilapag sa nakabukas na glove compartment ang candy nang hindi ko iyon tanggapin. Napansin ko ang nakabukas na box ng sigarilyo roon na mistulang wala ng laman. Nagyosi nga siguro siya.

“Iyong bag ko nga pala?”

“Naroon kay Li. Nandoon na siya sa bar,” tugon niya kasabay ng pagbuhay sa makina ng sasakyan. Itinuon niya ang atensyon sa uhanan nang magsimula na siyang magmaneho. How convinient it is to have a driver’s license.

Mahigit apat na oras na rin ang lumipas magmula nang layasan ko sina Corbi at Vhan sa SC office. Inulan ako ni Corbi ng text messages at phone calls pero wala ni isa akong pinansin sa mga iyon. Kung maaalala ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko kanina nang makita kami ni Vhan, pareho iyon sa tibok ng puso ko noong una ko siyang makilala. Kung pwede ko lang sanang bawiin ang mga sinabi ko sa kaniya sa kotse nang hapon na ‘yon.

Pero time freeze muna tayo sa sakit. I’ll definitely gonna enjoy this night with my new friends.

“What the!” usal ko nang matauhan sa kung anong bigla na lamang dumampi sa labi ko. Nakatingin silang lahat sa akin. Mas lalong pinaingay ng mga kaibigan ni Thunder ang malakas na musikang pumapailanlang sa paligid. Hinanap ng mga mata ko si Liane na kanina lang ay siyang katabi rito sa table namin.

Nahagip siya ng mga mata ko na nasa kabilang table kasama ang isa pang kaibigan ni Thunder—na sa pagkakatanda ko ay Yves ang pangalan. Malawak ang mga ngiti ni Yves kay Liane na para bang walang paki-alam sa kung ano mang ikinukwento niya. Kumaway sa akin si Yves nang magtama ang aming mga mata.

“Si Yves yata ‘yong tipo, pare. Hindi ikaw!” panunukso ng lalaking katabi ni Thunder at nakaakbay sa kaniya.

Sa pitong lalaking kasama niya, itong ang sa tingin ko ang siyang pinakagwapo. Naparami na rin yata ang nainom nitong alak. Maliban sa masyado na itong madaldal, halos gaguhit na rin ang mga mata niya sa walang tigil na pagngiti at pagtawa.

“Skrttt!” pasigaw na bungad ng isa pa na galing naman sa dance floor. “Si Chase niyo, lasing na. Iuwi niyo na iyan at baka mapalo ng mama niya!” Wala na siya sa dance floor pero panay pa rin ang dabbing niya.

“Thun, mauna na siguro ako. Text na nang text si Sab.” Mula sa maingay na vibe na dala ni Bam ay napalitan ito ng awkward vibe nang magsalita si Earl. Iniharap niya ang hawak na cellphone sa katabi ko. Ysabelle ang pangalang nakalagay doon na siguro ay pangalan ng girlfriend niya. May ‘babe’ kasi sa bawat palitan nila ng mensahe.

Sabi ko time freeze muna sa sakit , ‘di ba? Bakit ba sumisingit siya bigla sa isipan ko nang walang pasabi?

“Kung si Yves takot sa mama, itong si Earl takot sa jowa!” Imbes na payagang umuwi nang matiwasay ay nang-asar pa nga itong si Jeffrey.

“Hindi naman sa takot siya kay Sab,” pagtatanggol ni Daril. “He cheated not just once. Ano sa tingin niyo? Mauupo na lang sa gilid ‘yung tao?” Malayo sa inaakala kong pagtatanggol ang idinugtong ni Daril sa sinabi niya. Earl is a cheater? Now I get it. That Sab might be over thinking things right now. Kung ako nga nasaktan, siya pa kaya?

“Alam niyo, ito talaga ang ayaw ko kapag nagkikita tayo. Umuwi na lang kaya kayo pareho?” pag-aagaw ni Eight sa atensyon ng lahat. Nag-iwas siya ng tingin kina Earl and at Daril saka isinalin ang natitirang laman ng bote ng alak sa baso niya. Hindi na nangahas pang bumitaw ng salita si Daril at si Earl naman ay tumayo na. Nilapitan nito si Chase na tila ba nakatulog na.

“Uuwi na kayo?” Umangat ako ng tingin kung saan ay nakita ko si Yves sa gilid ko. Si Liane naman ay naroon pa rin sa kabilang table.

Tumango si Earl bilang tugon. “Pinauuwi na ako. Idadaan ko na rin si Chase sa kanila.”

“Pasabay na ako.” Maging ako ay natigilan sa sinabi ni Yves. Bumaling sa akin si Yves saka ngumiti. Nang umiwas siya ng tingin sa akin ay bumaling naman siya sa direksyon ni Liane. Ganoon din ang ginawa ni Thunder. Ano ba kasing meron kay Liane at Yves?

“Sasabay na rin ako.” Si Daril ang nagsalita. Ngumiti ako sa kaniya nang magtama ang aming mga mata. Palagay ko, siya ‘yong tipo ng kaibigan na pagsasabihan ka kapag alam niyang mali na ang ginagawa mo.

Ako, si Liane, Thunder, Eight, Bam at si Jeffrey ang naiwan nang umalis ang apat. Nanatili at nagsosolo sa kabilang table si Liane. Gusto ko siyang lapitan pero hindi naman ako makaalis sa pagkakaupo ko sa tabi ni Thunder. Sinubukan kong tumayo pero hinila ni Thunder ang kamay ko upang bumalik sa pagkakaupo. Nagkayayaan naman ang tatlong lalaki na tumungo sa dance floor. Naiwan kami ni Thunder sa table.

“May problema ka ba? Kanina ka pa tulala.” Inabot sa akin ni Thunder ang baso ng alak sa harapan ko na kanina ko pa hindi nagagalaw. Tinanggap ko iyon at inubos sa isang lagukan lamang.

“Pinuproblema mo pa rin si Llorico? Ano ba kasing nagustuhan mo sa kaniya?”

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status