“I’ll try,” tanging sagot ko na lamang. Binitiwan naman na ni Aquinah ang mga kamay ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Naglakad siya papunta sa pwesto nina Cham at Liane tsaka sinabing magpapakulot din siya ng buhok.
“Siya nga pala! Birthday ng friend ko na taga-kabilang school bukas. Kilala yata ‘yon ni Quin,” pag-iiba ni Liane ng topiko.
Sa wakas! Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumapit sa gawi ko. Si Aquinah naman ang umukupa sa upuan sa harap ng vanity mirror.
“Si Rizel ba?” tumango si Liane. “Ah, oo. Pinapapunta nga niya ako. Sa bar daw nina Corbi gaganapin. Everything is free, aside from boys.”
“Pupunta ako, kayo?” Nilingon ako ni Cham.
Kanina ko pa gustong palitan ang topic pero ngayong iba na ang pinag-uusapan namin, sumisingit naman si Thunder sa isipan ko. We did met that night on Corbi’s bar and had a drink together. Ayon kay Corbi, siya ang sumagot ng tawag ni Vhan habang naroon ako. Pero paanong na kay Thunder ang stilettos ko? Kaninong bahay ‘yong nakagisingan ko?
“I already said yes to her,” ani naman ni Quin tsaka pinahiran ng matte lipstick ang kaniyang labi. Patuloy lang sa paglalagay ng curlers sa buhok niya si Cham.
“Gusto ko ring sumama. Ikaw, Jey?” Nagkunwari akong nag-iisip kahit pa ayaw ng utak ko.
“Sumama ka na rin, Jey. Isama mo si Vhan,” suggestion ni Liane.
Wala akong ideya sa kung bakit sila nag-aayos. Umupo ako mula sa pagkakadapa sa kama at napaisip sa sinabi ni Liane. I suddenly remember what happened at the cafeteria yesterday. Masyado siyang clingy kay Vhan kay iba ang dating sa akin ng pagbanggit niya sa pangalan nito.
“Should I?”
“Huwag na nating isama si Vhan. Hindi mag-eenjoy si Jehan kapag nagkataon.” Tila ba nase-sense ni Cham na hindi ako komportable. Napako sa akin ang atensiyon ng lahat na noong tiningnan ko isa-isa ay kusa ring umiwas.
“Bakit niyo ba kasi bino-boyfriend ang mga kaibigan ko? Naman, oh!” himig sarkastikong saad ni Aquinah. “Kapag niyaya niyo si Vhan, ayain niyo na rin si Thunder.”
“Oo nga pala, si kuya!”
“Call!”
“No! Hindi na lang ako sasama,” hindi ko pagsang-ayon sa plano nila.
“Ang kill-joy mo, Jey. Sobra! Baka nakalilimutan mong ginamit mo ang pangalan ko nang magpakilala ka kay Thunder. It’s your time para ipakilala sa kaniya ang totoong may-ari ng pangalang ginamit mo.”
“I’ll convince Thunder for you, Quin!” presenta ni Liane.
Maliban sa akin, naging abala sina Liane at Cham para ayusan si Aquinah. Nagplano na rin sila ng mga hairstyle na gagawin nila bukas maging ang mga susuutin nilang damit. It’s a semi-formal night party kaya napagdesisyunan nila na dress ang susuotin. Wala naman akong magawa kung ‘di sumang-ayon sa mga plano nila kahit hindi ako sigurado kung makakapunta ako.
“Mauna na akong umuwi,” paalam ko sa kanila. “Magpapaalam pa ako kay Nanay Dolor. Kung papayagan ako, eh ‘di go!”
Gabing-gabi na subalit mulat pa rin ang aking mga mata. Ilang oras na ang naigugol ko para makinig ng lullaby at tumitig sa kisame. Bumangon ako’t kinuha ang gamot ko sa drawer. Bitbit ang gamot ay bumaba ako sa kusina para kumuha ng tubig.
Nakapagpaalam na ako kay Nanay Dolor na aalis bukas ng gabi. Tinawanan pa nga niya ako at sinabing hindi ko na raw kailangang ipaalam sa kaniya ang mga ginagawa ko. Nang makainom ako ng gamot ay bumalik din ako kaagad sa kwarto ko. Habang nakatitig sa kisame at hinihintay na dalawin ako ng antok ay naalala ko si Thunder at kung paano siya magreklamo kanina kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag niya.
Napangiti na lamang ako.
“Ten P.M.? Jey, magsisimula pa lamang ang totoong party sa oras na ‘yan. Uuwi ka na kaagad?” sarkastikong natawa si Cham matapos sabihin iyon.
Today’s the Orientation Day for Freshmen and transferee’s. Narito kami ngayon sa covered gym at nakaupo sa bleachers sa ikatlong palapag. Nakadukwang si Cham na nakaupo sa bleachers at nakapagitan sa amin si Liane na abala sa hawak niyang cellphone.
“Utos ni Vhan.” Bumuntong-hinga si Cham at saka umupo nang maayos. “Pero sino bang may sabing susundin ko ang utos niya?” Napa-thumbs-up sa akin si Cham. Bad influence.
“Girls, reserve raw natin ng mauupuan si Quin tsaka ‘yung kasama niya,” anunsyo ni Liane. Iginala niya ng tingin ang paligid, waring may hinahanap.
“Sino naman ang kasama niya? Classmate niya?” si Cham ang nagtanong. Napahilig ako ng ulo matapos sipatin ang cellphone ko. Ilang araw ng nagsimula ang klase pero wala pa kaming matinong conversation ni Aquinah. Mukhang nagiging close na sila ni Liane.
“They’re here!” Tumayo si Liane mula sa pagkakaupo at saka kumaway. Sinundan ko ng tingin ang direksyon kung saan siya nakatingin. Nakita ko si Aquinah na kumakaway din pabalik sa kaniya. Kasama niya si Thunder.
He’s wearing a white shirt topped with denim jacket; denim din ang jeans niya at brown Timberland shoes. Hindi na gaanong visible ang pasa at sugat niya. Bumaba ang mga tingin ko sa magkahawak nilang mga kamay. Nakaalalay din si Thunder kay Aquinah sa pag-akyat nila sa bleachers. Natauhan ako nang umusog si Liane para magbigay ng espasyo sa pagitan nila ni Cham.
“Tatagal daw ng apat na oras ‘tong seminar. Bibili lang ako ng tubig. Sinong gustong sumama?” tanong ni Quin na nakatayo sa harapan namin katabi ni Thunder. Magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay.
“S-samahan na kita. Dadaan lang ako sa restroom sandali,” ani Liane at tumayo. Nilingon ni Aquinah si Thunder. Ngumiti ang huli sa kaniya at saka lang binitiwan ang kamay ng isa’t isa. Nakahinga ako nang maluwag.
Nakasunod ako ng tingin kina Aquinah at Liane na pababa sa bleachers. Nang mawala sila sa paningin ko ay saka lamang ako umiwas ng tingin para bumaling sa stage. Umalingawngaw ang malakas na musikang nagmumula sa mga nagkalat na speakers. Tinapatan din ito ng hiyawan ng mga schoolmates namin nang lumabas mula sa backstage ang dance troupe ng university.
Napalunok ako. Hindi ko magawang ibuka ang aking bibig para sana sumabay sa pag-cheer. May kung anong awkward na pakiramdam ang bumabalot sa amin ni Thunder. Si Cham naman ay tila may ibang mundo at halos maputol na ang kaniyang ugat leeg kasisigaw. Ilang minuto rin ang lumipas bago nakabalik sina Liane at Aquinah. Umupo si Liane sa tabi ko at pumagitna naman si Quin sa kanila ni Cham.
“So, anong plano mamaya? Sasama ka ba, Jey?” tanong ni Quin na talagang dumukwang para humarap sa akin.
Nakikipagsabayan siya sa boses ng guest speaker na nasa ibabaw ng stage. Maging sina Liane at Cham ay lumingon sa gawi ko. Nararamdaman ko ring nakapako sa akin ang mga mata ni Thunder. Tumango na lamang ako bilang sagot. Paniguradong magsasayang lang ako ng laway kung isasaboses ko pa at hindi lang din nila maririnig.
“Ikaw, Thun?” Sa pagkakataong ito, nalipat naman kay Thunder ang atensyon ng tatlo. Nagdadalawang-isip akong lingunin siya pero noong huli ay sinulyapan ko rin naman.
“Susubukan ko kung makakahabol,” sagot naman nito.
Umupo ako nang maayos nang marinig ang pagtawag sa next speaker. Napansin kong uminat ng mga braso si Thunder na siya ring ginawa ko. Ipinatong ko ang kanan kong kamay sa maliit na espasyo sa pagitan ng mga binti namin. Nanlaki na lamang ang mga mata ko at agad na inalis ang kamay ko nang pumatong doon ang kamay niya.
Ako lang ba o ang creepy niya talaga minsan?
“Hay! Finally, it’s over! Cafeteria tayo?” tanong ni Liane nang tuluyan ng matapos ang orientation seminar. Tumayo na kami sa kani-kaniya naming kinauupuan, ganoon din si Thunder. Paunti na nang paunti ang mga tao sa gym kaya bumaba na rin kami para lumabas.
“Thunder!” tawag ni Quin. Nabangga niya pa ako habang nagmamadali siyang habulin ito. Kaagad siyang kumapit sa braso ni Thunder nang makalapit siya rito.
“Do you wanna get some ice cream?” tanong niya rito. Though matangkad si Quin, nanliit siya sa tabi ni Thunder na mas matangkad sa kaniya. Lumingon sa gawi namin si Thunder rason para magtama ang aming mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Napansin ko naman ang makailang-ulit na pagkisap ng kaniyang mga mata.
“Susunod na lang ako sa cafeteria. Dadaan lang ako sa ladies room sandali,” paalam ko sa kanila.
“Ipag-rereserve kita ng mauupuan, Jey!” pasigaw namang saad ni Liane bago hinila si Cham palayo.
Tinalikuran ko sina Aquinah at Thunder na hindi na nakakilos sa kinatatayuan nila. Nagpatuloy ako papaunta sa department building namin na siyang pinakamalapit sa gym. Nasa dulo ng pasilyo ang ladies room kaya ilang minuto rin ang gugugulin ko upang marating iyon. Nang makarating sa restroom ay agad kong ginawa ang sadya ko at nag-ayos na rin ng sarili.
Bago pumunta rito sa school ay dumaan ako sa apartment ni Cham para iwan doon ang mga bihisan ko mamayang gabi. Kaming apat ay doon magbibihis at maaaring doon na matulog pagkatapos ng party. Ito ang unang beses na aattend ako ng party ng taong hindi ko kilala.
“Ano ‘to? Another episode of your let’s make him jealous challenge? Aquinah, hindi ka na nakakatuwa. Alam mo ba ‘yon?”
Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ang pangalan ni Aquinah. Her name’s kinda unique, though. Kung meron man siyang kapangalan sa mundo, siguro nasa ten to twenty percent lang.
“So, kapag ikaw ‘yung gumawa okay lang? Ang unfair naman! Bakit hindi na lang tayo maghiwalay?”
“Watch your words, Aquinah.” I overheard the woman chuckled, sarcastically. “Kung gusto mo akong paselosin, h’wag ka namang kumapit sa kapatid ko sa kaibigan ko. Masyadong obvious na gusto mo lang ng atensyon!”
Sa kadahilanang wala ng klase at halos karamihan ay umuwi na, tahimik ang mga corridors at lobby. Umeecho sa paligid ang bawat palitan nila ng mga salita at kahit maging ako na daraan lang sana ay napatigil. Muli sana akong magpapatuloy sa paghakbang nang may humila sa kamay ko at isinandal ako sa wall. Nakatakip sa bibig ko ang kaniyang kamay.
“Fine. I’m an attention seeker. Ayoko na, Craig. Maghiwalay na lang tayo.” Nanlaki ang aking mga mata hindi lamang dahil sa makitid na espasyong pumapagitan sa aming dalawa, kung di pati na rin sa pangalang binanggit ng babae.
Craig? As in Craiger Llorico? ‘Yung kuya ni Vhan at si Aquinah? Sila?
“Aquinah!” tawag niya sa pangalan nito at ang sumunod na pangyayari ay halos ikahinto ng tibok ng puso ko.
Inilapit ng lalaking may hawak sa braso ko ang mukha niya sa akin. Nakalapat ang kaniyang mga labi sa likod ng palad ng kamay niyang ipinatakip niya sa bibig ko. Hindi ako makakilos dala ng pagkagulat. Nang makalayo na sina Aquinah at Craig ay tsaka lang lumayo ang lalaki sa akin at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko. Umatras siya para lumayo sa akin.
Ang lalaking nasa harapan ko ay walang iba kung ‘di si Thunder.
“Hoy, Jehan, ayaw mo ba ng ice cream? Kakainin ko na lang!” Bumalik sa reyalidad ang aking wisyo nang magsalita si Aquinah. Namumula ang mga mata niya na noong tanungin siya nina Liane at Cham sa rason ay natusok daw niya ng eyebrow pencil.
“Ha? Ah—oh, s-sige.” Inusog ko palapit kay Quin ang ice cream na nabawasan ko na rin ng kaunti.
“Something’s weird,” pagpuna ni Liane. Umangat ako ng tingin para harapin siya subalit napako naman kay Thunder na katabi niya ang aking atensyon. Napilit daw siya ni Aquinah na sumama sa aming kumain ng ice cream dito sa cafeteria.
Matapos kong marinig ang mga iyon kanina ay nilimitahan ko na ang sarili ko sa mga binibitiwan kong salita. Mahirap na at baka hindi pa handa si Quin na pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Craig. Hihintayin ko na lang na ipaalam niya sa amin ang status nila ni Craig. Sinasabi ko na nga ba’t hindi ko siya dapat pinaghihinalaan na may something sa kanila ni Vhan dahil si Craig ang boyfriend niya. Ex-boyfriend na ba?
“Pansin ko rin. Pumunta lang kayo ng ladies room, natameme na kayong pareho,” segunda naman ni Cham.
“Ah, I think, I’ll go ahead,” basag ni Thunder sa biglang sumeryosong atmosphere. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at inusod pabalik sa ilalim ng mesa ang upuan.
“Awh! Pumunta ka mamaya, Thun. Hihintayin ka namin.” Kumakaway na saad ni Cham. Kumaway din si Liane at ako naman ay ngumiti lang. Nakasunod ako ng tingin kay Thunder na naglalakad paalis habang tila ba may tinitipa sa cellphone niya. Nang maisilid niya iyon pabalik sa kaniyang bulsa ay v-um-ibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.
“Huwag mong isipin masyado ‘yung kiss. Indirect lang naman ‘yun,” basa ko sa mensahe kapapasok lamang.
Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel
Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang
Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i
Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas
Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin