“Aquinah!”
Lumingon ako sa aking likuran nang marinig ang pagtawag ni Cham sa pangalan ng kaibigan namin. Iilang hakbang na lamang at mararating na namin ang pinto ng classroom. Bumitaw siya sa pagkakakapit niya sa braso ko at tumakbo para salubungin si Quin. Nakangiti akong sumunod sa kaniya.
“Bakit ka lumipat ng section?” nanlabi si Cham na siyang nagtanong. Bumaling sa akin si Quin kaya tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Cham.
“May in-advance akong subject sa second year. Conflict sa schedule natin kaya lumipat na lang ako ng section,” paliwanag naman nito.
“Ba’t ka ba kasi nag-advance? Pwede naman nating kunin nang sabay-sabay next year!” may pagtatampo sa boses ni Cham. Lumingon siya sa akin kaya tumango na naman ako para suportahan siya.
“Girls, I’m two years older than you both. Nahuhuli na ako masyado sa mga kaedaran ko. We can still hangout naman even though we’re not classmates.”
“So, anong ‘yung in-advance mong subject?” tanong ko. Bumaling silang dalawa sa akin.
“Basic Finance.” Lumawak ang mga ngiti ni Aquinah. Among us three, Aquinah was the tallest. Madalas niyang sinusuklay pataas gamit ang mga darili ang mahaba at ash gray niyang buhok na tumatakip sa maganda at maliit niyang mukha. Naalala ko bigla ‘yung schedule ni Vhan na tiningnan ko kahapon. Basic Finance was his subject after break time.
“Blockmates kami ni Vhan.” Natigilan ako sa narinig at nang makabawi ay ngumiti nang pilit.
“Paparating na si Ma’am!” naulinigan kong saad ng isa naming kaklase na dumaan sa gilid namin ni Cham. Nagpaalam na nga kami kay Quin na nagmadali na ring umalis para pumunta sa room niya.
If Aquinah and Vhan were blockmates, there’s a possibility that they’ll be seatmates. Umaandar na naman ang pagiging mapaghinala ko. Natural lang namang pipiliin ni Aquinah na maupo sa tabi ng taong komportable siya at kilala niya. Mas mainam na rin iyon para may mapagtanungan ako kung ano bang ginagawa ni Vhan kapag hindi kami magkasama.
“Tumabi ka nga! Haharang-harang sa daraanan.”
Napakapit ako sa braso ni Cham nang kamuntikan na akong mawalan ng balanse. Kapapasok lamang namin sa room nang may bumangga sa akin. Nakasuot siya ng kulay itim na hoodie na nakasuklob sa ulo niya. Hindi ko man nakita ang mukha niya, nakilala ko naman siya sa pamamagitan ng boses. Napatunayan ko ang konklusyong iyon nang maupo siya sa tabi ng upuan ko.
Nakaupo na ako sa upuan nang pumasok ang instructor. Dala na ring ng kuryosidad at pagkairita sa ginawa niyang pagbangga sa akin kanina ay sinilip ko ang mukha niya. Walang dudang si Thunder nga siya. Naupo ako nang maayos at hinanap ng tingin si Vhan subalit nanlumo na lamang ako nang maalalang Wednesday nga pala ngayon at wala siyang subject sa amin.
“Mr. Monhador, could you please take that hood off on your head?” Halos buong klase ay lumingon sa gawi ng aking katabi.
Nakasiksik sa bulsa ng kaniyang hoodie ang kaniyang mga kamay habang nakayuko. Ayoko sana siyang lingunin pero dahil katabi niya ako, pakiramdam ko, nakatingin din sila sa akin.
“Hoy! ‘Yong hood mo raw,” pag-uulit ko sa sinabi ni ma’am para kunwari, may rason ako kung bakit ko siya nilingon.
Inilabas niya mula sa bulsa ng hoodie ang kaniyang mga kamay at saka tinanggal ang pagkakasuklob ng hood sa kaniyang ulo. Hindi lang ako, maging ang buong klase ay nagulat sa nakita. May pasa siya sa kanang pisngi at may sugat sa gilid ng kaniyang labi sa bandang kanan. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang nakapatong sa desk. May gasgas ang kamao niya. Umiling si Ma’am bago muling hiningi ang atensyon ng lahat na naagaw na ni Thunder.
The class continued and ended after an hour and a half.
“Wala raw tayong teacher for the next subject. Cafeteria na tayo? Ayain natin si Quin!” hyper na saad ni Cham na mabilis namang sinang-ayunan ni Liane. Kalalabas lang ni Ma’am sa room pero narito na kaagad silang dalawa sa gilid ko. Magmula nang ipakilala sa amin si Liane sa cafeteria kahapon ay madalas na siyang nakakasama ni Cham.
“Nga pala, orientation seminar bukas. Umattend kayo!” may pagbabanta sa boses ni Cham pero tinawanan lang siya ni Liane ako naman ay tinaasan siya ng kilay. Ang awkward kasi nasa tabi ko pa rin si Thunder. Nakasuklob na ulit sa ulo niya ang hood ng hoodie niya.
“Thun, cafeteria tayo,” paanyaya ni Cham rito subalit sa halip na sumagot ay tahimik itong tumayo at naglakas paalis, palabas ng room.
“Hay!” malalim na buntong-hinga ni Liane. “’Yong friend niyo na lang ‘yong ayain natin. Masakit pa rin siguro ang katawan ni Kuya kaya mainit ang ulo.” Hinabol pa nga niya ng tingin si Thunder na tuluyan ng nakalabas sa room.
“Ano ba kasi ang nangyari?” Itong si Cham, na-curious naman.
“Alam niyo ba ‘yung motocross?” Tumango si Cham. Ako naman ay naghihintay lang ng mga susunod niyang sasabihin. I’m familiar with motocross pero hindi pa ako nakakapanood ng live. Nabanggit rin ni Vhan kagabi na sumasali si Thunder sa ganoong sports.
Hindi kaya tumilapon siya’t gumulong-gulong? Why do I sound like I’m interested about what happened to him?
“Sumasali si Kuya roon. Every after class, sa motocross camp siya gumagawi. Mukhang may nakaaway siya roon kagabi,” paliwanag niya.
“Wait! Kuya?” Napataas ng boses si Cham. Naintriga naman ako bigla. Ngumiti nang pilit si Liane bago nagpatuloy. Naupo siya sa desk ko na para bang mahaba ang iku-kwento niya.
“Wala naman sigurong masama kung tawagin kong kuya ‘yung taong mas matanda sa akin ‘di ba?” Iwinasiwas ni Cham ang kamay niya.
“Whatever. So, what’s with motocross?”
“’Yon nga! May nakaaway siya. End of the story. Tara na sa cafeteria.”
“Lili, naman!” himig hindi satisfied sa kwento si Cham. Inayos ko na lamang ang sarili ko; isinukbit ang bag sa balikat at saka tumayo. Napapadyak dala ng pagkadismaya si Cham na siyang ikinatawa ni Liane.
“Huwag mo ng isipin ‘yon. Ang mahalaga, gwapo pa rin siya. ‘Di ba, Jey?” Napanganga ako sa biglaan niyang pagtawag sa nickname ko.
Remembering his bruised face, wala naman talagang nagbago sa mukha niya maliban sa nagkaroon lang siya ng pasa at sugat. Sinubukan naming yayain si Aquinah sa cafeteria pero may klase pa raw ito.
Naalala ko ‘yung makailang beses na pagtawag sa akin ni Thunder kagabi. Kung pinuntahan ko ba siya sa address na sinasabi niya, hindi kaya siya magkakaroon ng kaaway? Pero hindi ko dinampot ang papel na iniaabot niya kahapon. Malamang naitapon na iyon ng janitor kung saka-sakali.
Nauna akong nagpaalam kina Cham at Liane na babalik sa room. May bagong menu kasi sa cafeteria na gusto nilang i-try kaso hindi naman na ako nagugutom. Nakokonsenya ako sa ginawa kong pagpatay ng tawag sa kaniya kagabi.
“Boo!”
Napasapo ako sa dibdib ng magulat sa lintek na bigla na lamang sumulpot sa harapan ko habang ukupado ang aking utak. Sesermunan ko sana ang kung sino mang nilalang na iyon nang mas lalong ginapang ng takot at kaba ang aking dibdib nang makilala ang taong may gawa n’on. Si Thunder.
Nasa gilid kami ng hagdanan paakyat sa second floor. Mas kapansin-pansin sa malapitan ang kaniyang pasa at sugat. I tried my best not to show any emotion of sympathy. Sa halip ay umatras ako nang mapagtanto ang makitid na espasyong pumapagitna sa amin. Inabot niya ang kamay ko, akala siguro ay nawalan ako ng balanse. Tinaasan ko siya ng kilay rason para bitiwan niya ako.
Malawak ang ngiti niya habang nakatitig sa akin. Tila ba tinatandaan niya ang bawat features ng mukha ko. “B-bakit ba nanggugulat ka?!”
Umatras pa ako ng isang beses palayo sa kaniya. Baka kasi may mga kakilala si Vhan na makakita sa amin at ma-misinterpret niya ang sitwasyon.
“Saging ka ba?” Kumunot ang noo ko. Maliban sa pasa at sugat, naalog din ba ang utak niya?
Nakangiti siyang yumuko. Hindi ba naiinat ‘yung sugat niya sa labi kangingiti sa ‘kin?
“I found you a peeling kasi.”
Oh, gee! It’s a pick-up line. Umiling na lamang ako at saka yumuko para kunin ang cellphone ko sa bulsa. Nag-scroll ako at nang makita ang hinahanap ay ipinakita ko iyon sa kaniya.
“Contact number mo ba ito?”
Tumango siya. “I called you four times. Partida ‘yung huli, pinatayan mo ako.”
“Bakit ka ba kasi tumawag?”
“Ipapagamot ko sana ito—” itinaas niya ang suot niyang hoodie at ipinakita ang bandage na nakapaikot sa kaniyang baywang. Nanlaki ang mga mata ko’t mabilis na ibinaba ang kamay niyang may hawak sa laylayan ng kaniyang damit.
“W-what happened?” pilit kong nilalabanan na mag-alala. “Did you get it check? Halika, sasamahan kita sa infirmary—”
“I’m fine. Doon na ako galing,” pigil niya sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag. “Nasabit lang iyan sa alambre.”
Nagkatitigan kaming dalawa. Binitiwan ko ang kamay niyang nakahawak sa laylayan ng kaniyang damit at saka tumikhim upang basagin ang katahimikang bumabalot sa amin. May mga klase na siguro sa ibang rooms kaya ang tahimik ng paligid. Muli siyang ngumiti na parang timang.
“Hoy! Anong ginagawa niyo rito?” boses iyon ni Cham. Hindi naman ako nagkamali dahil sila ni Liane ang nalingunan ko sa aking likuran. Sinuklay ko pataas ang shoulder-level at bagsak kong buhok tsaka sila tuluyang nilingon.
“Ah? Pabalik na ako sa room. Nadaanan ko rito si Thun—” lumingon ako sa gawi ni Thunder pero nakita ko siyang naglalakad na palayo. “Tulala kasi siya kanina nang abutan ko rito. Niyaya kong bumalik na sa room. Tingnan niyo, iniwan lang ako,” pagsisinungaling ko.
“Gosh, busog na busog ako.” Nasapo pa nga ni Cham ang kaniyang tiyan. Ngumiti ako nang pilit sa kanila at nagsimula na ngang humakbang paalis, pabalik sa room. Habang nasa daan ay wala silang ibang alam na pag-usapan kung ‘di si Thunder.
“Siya nga pala, Jey, nabanggit ni Thunder sa akin na nagkita na kayo last month? Paano?” tanong ni Charmaine. Naintriga naman si Liane.
“Last month? Sa pagkakaalam ko si Aquinah ‘yung na-meet ni Thunder sa bar. Nasa bahay nga niya ‘yung kulay pulang stilettos niya.”
“Kulay pulang stilettos?” Napalunok ako nang maalala ang stilettos na iyon. Wala akong panyapak noong umuwi ako mula sa hindi pamilyar na bahay pagkatapos kong malasing sa bar.
“Uhm! Sabi ko nga sa kaniya, kung wala siyang balak na isoli, akin na lang.” Tumawa pa nga si Liane matapos sabihin ang mga iyon. Nabibingi ako ng malakas na tibok ng aking puso.
Sasabihin ko ba sa kanila na ako ang may-ari ng stilettos at ako rin ang na-meet ni Thunder nang gabing iyon gamit ang pangalan ni Aquinah?
Class ended at 12:15P.M.. Nagyaya si Cham na tumambay muna sa apartment niya. Naunang pumayag si Liane kaya sumama na rin ako. Naalala ko kasi ‘yung naging alibi ko sa kaniya kahapon na ayoko siyang tulungan sa paglilinis ng apartment niya.
“Ikaw ‘yung nakilala ni Thunder sa bar?” bulalas ni Cham. Nakadapa ako sa kama niya habang nag-e-scroll sa hawak kong cellphone. Si Liane naman ay nakaupo sa upuang nasa harap ng vanity mirror. Kanina pa, magmula sa school hanggang matapos na lamang ang klase at makapunta kami rito ay si Thunder pa rin ang pinag-uusapan nila.
“W-wait, wait! What do you mean? Ang sabi niya sa akin si Aquinah!”
“Anong ako?”
Lumingon kaming tatlo sa gawi ng pinto nang marinig ang boses ni Aquinah. Tinawagan siya ni Cham kanina na rito gumawi pagkatapos ng klase niya. Kinuha niya mula sa pagkakasukbit sa balikat ang kaniyang bag. Naglakad siya papunta sa kama at naupo sa gilid. Nagtama ang mga mata namin at kaagad din namang umiwas.
“Ewan ko rito kay Jehan!” hindi pa rin kumbinsidong saad ni Charmaine. Lumapit siya kay Liane at tinulungan itong tanggalin ang mga curlers na sila rin ang naglagay kanina.
“Naalala niyo n’ong birthday ko?” Obviously, I’m talking to Cham and Quin. “’Di ba umalis ako sa night party? Sa bar nina Corbi ako pumunta.”
“Ah, sa Secret Paradise. Bakit anong meron?” Walang kaalam-alam na tanong ni Quin. Nilingon niya ako.
“I met Thunder there. When he asked for my name, I told him that its Aquinah.”
“What?!” Nanlaki ang mga mata ni Quin. “W-wait. Who’s this Thunder, by the way?”
Nagpalipat-lipat sa aming tatlo ang mga tingin ni Aquinah. Maya-maya pa ay nalipat sa akin ang atensyon ng lahat. I don’t know much about Thunder. I just know him by name and that he’s my seatmate. Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magsalita nang unahan na ako ni Liane.
“Alam mo ba ‘yung motocross?” tanong niya. “Si Thunder ‘yung rider number 091.”
“Oh, gosh! For real? That hottie? Schoolmate pala natin siya?”
“Classmate namin siya. Seatmate ni Jehan,” sagot ni Cham rason para lumingon sa akin si Aquinah. Nagniningning ang mga mata niyang hinawakan ang mga kamay kong nakahawak sa cellphone ko.
“Jey, ipakilala mo ako sa kaniya! Hindi pwedeng hindi niya makita ang kagandahan ng totoong Aquinah!”
Wala naman siyang sinabing masama, pero bakit tila ba bigla akong nairita?
Thunder’s POV“You can’t. Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko naman sa iyo na wala kang mapapala kahit pa makita mo siya!”“Why can’t I?!” sigaw ko.Nagtama ang mga mata namin ni Jheane na nagulat sa biglang pagtaas ng boses ko. Nakaupo siya sa itim na couch, salungat sa direksyon na kinauupuan ko. Nakipagtitigan siya sa akin. Ako na ang kusang umiwas ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Claud.They are my friends whom I met on the first day that I got here in the US to live with Tito Marco’s family. They happened to be dating each other.May bitbit na plastic bag ng canned soda sa kaliwang kamay si Claud at isang box ng pizza naman sa kabila. Maingat niyang isinara ang maingay na pinto at lumapit sa amin. Ibinaba ko ang mga paa ko na nakapatong sa mesa nang ilapag doon ni Claud ang mga dala niya. Nagkatinginan sila ni Jheane.Palagi na lang akong nagmumukhang third wheel
Charmaine’s POVAs much as possible, gusto kong sarilinin na lang ang kung ano mang nararamdaman ko para kay Xawarian.Desisyon kong pakawalan siya kaya wala akong karapatan na kunin siya sa taong nagmamahal sa kaniya. Besides, tita ko si Jayzel. Bunso siyang kapatid ni Papa na halos twenty years din ang agwat ng edad sa kaniya. I’ve known her since I was just a kid. I know, she’ll take good care of Xaw as much as she did to me during our childhood days.Nakilala ko si Xaw noong high school dahil kay tita Jayzel. Ipinakilala siya sa akin ni tita as a friend na taga-kabilang school na kinumpirma naman sa akin ni Xaw. Magkaedad sila at parehong ahead sa akin ng dalawang school year. Mula nang araw na ‘yun ay napadalas na ang pagkikita namin ni Xaw nang patago kay tita Jayzel.Bago ko pa man naging kaibigan sina Quin at Jey ay si tita ang una kong naging best friend. Ganun pa man, may kung ano sa akin na natatakot sabihin sa kaniya ang
Charmaine’s POVIf I deserve someone better, why can’t you be that someone who’s better?Ito ang mga katanungang lumilipad sa utak ko habang nakatitig kay Xaw. Nasa harap kami ng isang jewelry shop sa mall na siyang naging scape place naming dalawa nitong mga nakalipas na araw. Malagkit na nakatingin ang babaeng staff kay Xaw, na abala naman sa pagpili ng singsing. Nagtama ang mga mata namin ng staff na nahihiyang umiwas ng tingin.Bumuntong-hininga ako saka luminga upang muling maghanap ng pamilyar na mukha sa paligid. Baka kasi may kakilala kami na makakita sa amin na magkasama ngayon.Actually, it’s not a big deal. Alam ng lahat na ako ang paboritong asarin ni Xaw magmula pa noong unang araw ng pasukan. Ang ikinatatakot ko sa ngayon ay ang katotohanang hawak ni Xaw ang kamay ko.“This. Can I see this one?” Binalik ko ang aking atensyon kay Xaw nang magsalita siya. Ngumiti ang babae sa kaniya at kinuha ang singsing na i
Thunder’s POVKanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad yakap ang unan na nadampot ko sa kama bago ako nagpasyang lumabas ng kwarto. Ilang oras na ang lumipas mula nang dumating kami rito sa bahay galing sa maghapong driving lesson.Jehan is a fast learner. Maliban pa roon ay may kaunti na siyang kaalaman sa pagda-drive kaya hindi ako nahirapan. Huminto ako sa paglalakad nang marinig ang tunog ng pagpihit ng knob. Bumukas ang pinto at bahagyang napatalon sa gulat si Jehan nang makita ako. Katulad ko ay naka-pajamas na rin siya.“Gising ka pa?” tanong niya nang makabawi. Humakbang siya palabas ng kwarto. Lumapit ako sa kaniya at itinapon ang bitbit kong unan sa direksyon ng kama niya. Mabuti na lang at hindi iyon gumulong at nahulog sa sahig.“Hindi pa ako inaantok.” Nginitian ko siya. Ngumiti rin siya pabalik at tuluyan na ngang sinara ang pinto.“Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo rin ba ng gatas?”“Hm?” Tinaas
Jehan’s POVI opened my eyes in a slow motion. Bumungad sa akin si Thunder na nakatayo pa rin sa harapan ko at hawak ako sa magkabilang pisngi. We are both catching our breathes while Toki stares at us innocently. Bakas sa mga mata ni Thunder ang pag-aalala pero hindi ko alam kung bakit ako natawa. Ang rupok ko talaga pagdating sa kaniya.“Hey! Don’t scare me like that. Okay ka lang?”Paano ko bibitiwan ang lalaking ito nang hindi ko pagsisisihan sa huli?Sa halip na sagutin ang tanong niya ay umatras ako palayo at inilapag si Toki sa sahig. Tumakbo naman ang aso paalis na akala mo ay hahabulin siya ng isa sa amin. I looked back at Thunder, teary-eyed. I smiled at him which made him confused for I don’t know how many times already. I cupped his face and tip toed to reach for his lips.I hate the smell of cigarettes but its taste from his lips makes me addicted. A simple peck suddenly went deeper and deeper until his tounge make its way to search for mine. Nanghihi
Jehan’s POVHalos marinig ko na ang paghinga ng bawat isa sa sobrang tahimik. May pare-parehong reaksyon sa mga mukha nila—nagtatanong kung bakit nasa labas si Thunder. Kahit ako, hindi ko rin naman alam. Nanay Dolor broke the silence by shutting off the main door. Aquinah then coughed and Mommy wet her lips. Hindi pa rin nila inaalis ang mga tingin nila sa akin.“H-hinatid lang ho ako ni Thunder.” Maging ako ay nag-cringe sa kasinungalingan ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako sa mismong gate ng bahay bumaba kanina pagkahatid sa akin ni Vhan. Hindi siya nakita ni nanay nang pagbuksan niya ako ng pinto ng gate.“Oh, bakit hindi mo pinatuloy?” sumbat ni mama. Akala ko ako ang pinapagalitan niya pero nang lingunin ko siya, nakita kong kay tito siya nakatingin.“Inalok ko siyang pumasok kaso tumanggi. Uuwian daw muna niya si Toki sa bahay nila.” Sa sinabi ni tito, bumalik tuloy ang atensyon ng lahat sa akin.“Hindi mo muna pinakain ‘yung aso bago ka pumunta rito?”
Jehan’s POVBakit sila magkasama? Magkakilala ba sila?I feel like a masochist while looking at them who are happily staring at each other’s eyes. Mabigat sa pakiramdam na makita siyang nakangiti nang gano’n sa iba. Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay hindi ko magawang alisin ang mga tingin ko sa kaniya. Natatakot na baka sa isang kisap-mata ay mawala siya sa paningin ko.Akala ko okay kami… akala ko lang siguro.Ito ba ang pinagkakaabalahan niya nitong mga nakaraang araw kaya napapadalas ang pag-alis niya? At isinasama niya pa si Yves? Na-curious tuloy ako sa kung anong ikinukwento ng babae. Sinabi kaya nito na pumunta ako sa bar ni Corbi kanina kasama si Liane at hinahanap siya?Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti nang ganoon kalawak si Thunder magmula nang magsama kami sa iisang bahay. Now that I mentioned it, marami ng nagbago mula nang sumama ako sa kaniya.Humakbang ako nang tatlong beses paatras at pagkatapos ay tuyuan na nga silang tinalikuran. Wala
Jehan’s POV “Anong gagawin natin dito?” Walang kibo na iginarahe ni Liane ang kinasasakyan naming kotse sa parking lot ng isang bar na pamilyar sa akin. This bar holds a huge significance to Thunder and my story. Ang Secret Paradise bar na pag-aari ni Corbi. Inabot ni Liane ang cellphone niya at dahil hindi niya sinagot ang nauna kong tanong ay napilitan akong silipin ang kung ano mang tinitipa niya roon. Kanina pa magmula nang umalis kami ng bahay ko siya inuulan ng tanong pero wala ni alin man doon ang sinagot niya. She tapped her phone’s default messenger icon. Pagkatapos ay pinindot niya ang palitan nila ng messages ni Yves, na hindi ko na tiningnan basta ang alam ko ay nag-compose siya ng message para rito. Bumuntong-hininga siya at isinandal ang kaniyang ulo sa headboard ng upuan. Mariin siyang pumikit. Saktong pagmulat niya ay nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. “Tirik na tirik ang araw. Anong ginagawa natin dito?” Inunahan ko na siyang magsalita. M
Jehan’s POVMariin akong napapikit nang makita ang motorbike ni Thunder na nakaparada sa garahe. He’s here. Naunahan niya akong umuwi. Alam kong hindi magandang ideya na umuwi nang madaling araw ngayon lalo na at medyo ilag kami sa isa’t isa magmula noong nagpagupit ako ng buhok, two days ago. Ganoon pa man, nagawa ko pa ring buksan ang pinto para pumasok sa bahay; hindi alintana ang malakas na tambol ng puso ko.“Late ka na yata.” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses niya. At dahil nahuli na niya ako, wala ng rason para magmadali ako sa paghubad ng suot kong black high-heeled boots.Nakangiti akong umangat ng tingin para harapin siya. Expected ko ng hindi siya matutuwa. Nakasandal siya sa wall sa bukas na pintuan papunta sa kusina at nakahalukipkip. Suot pa rin ang parehong damit na suot niya kanina nang magpaalam siyang aalis para pumunta sa motocross camp. Nang maitabi ko ang boots ay tumuloy ako papunta sa salas at naupo sa couch.Bumuntong-hin