Share

CHAPTER 7

     “’Yung bilin ko. Umuwi before 10 P.M. Gusto mo, sunduin na lang kita?” ani Vhan via phone call.

     “Eh, kung sumama ka na lang kaya?”

     “Ten P.M. Final na. Kapag hindi ka pa umuwi sa oras na iyon, susunduin kita.”

     I rolled my eyes as if he’s right in front of me. He sounded possessive, too. Hindi naman sa ayoko siyang sundin pero minsan na nga lang ako makapupunta sa mga night party, may time limit pa? Habang abala sina Liane, Cham at Aquinah sa pag-aayos ay prente naman akong nakaupo sa kama.

     “I can handle myself, okay?”

     “No, you can’t, Jey! Remember that night when you got drunk? Saan ka nga natulog?” He might talking about that night of my birthday. I let out a deep breathe.

     “Babe!” Kapag hindi pa gumana itong pagpapa-cute ko, ewan na lang.

     Narinig ko naman siyang tumawa nang mahina. Lumingon naman ang tatlong babaita sa gawi ko. Sa hindi ko malamang rason ay himalang hindi siya nagpaparamdam sa akin sa maghapon. Kung hindi ko pa siguro siya tinawagan ay baka bumubulong pa ako ngayon sa hangin kung kumusta na nga ba siya.

     “Sasama ba si Quin?” Umangat ako ng tingin kay Aquinah na nakatagpo ko ng mga mata sa vanity mirror. Itinuro niya ang sarili na tila ba alam niyang pinag-uusapan namin siya ni Vhan. Tumango ako at saka tumayo para lumapit sa kanila. Ini-loudspeak ko na rin ang tawag bago itinapat sa kaniya ang cellphone ko.

     “Yes, boss? Kasama po ako ni Jehan. Akong bahala rito. Hindi ‘to makatitikim ng alak kahit isang patak lang.”

     “Siguraduhin niyo lang!” pagbabanta pa nga ni Vhan.

     “Sige na, mag-aayos na ako. I’ll call you after the party. Bye!”

     Pagkatapos naming tumambay sa cafeteria kanina ay dito kami dumeretso sa apartment ni Cham. Ako ang naunang mag-ayos sa aming apat kaya nauna na rin akong nagpalit. I wore a black dress paired with oversized gray fur jacket and black stilletos. Si Cham naman ay Lucana patterned spaghetti strap dress na asymmetrical ang laylayan ang suot. Liane’s wearing a light blue tie-waist sleeveless stripe dress habang si Quin naman ay black off-shoulder gothic style dress ang suot.

     And when everything is perfect, we decided to drove off on our destination.

     Seryoso ako noong sabihin kong wala akong balak na sumunod sa curfew na binigay ni Vhan. Kung susunduin niya ako, then go. But as long as hindi, uuwi ako sa kung anong oras ko gusto. Hindi gaanong crowded ang bar nang dumating kami. Siguro pili lang ang mga inimbitahan nila. Doon ko na lang din nalaman na kaibigan pala ng kapatid ni Corbi ang Rizel na tinutukoy nila na siyang may birthday.

     “Jey, pwede mo ba akong samahan sa ladies room?” tanong ni Cham. Kami na lamang dalawa ang naiwan sa mesa. Si Liane ay hindi ko mahagilap, habang iyong nagsabi kay Vhan na hindi ako makakatikim ng kahit isang patak ng alak ay nasa dance floor.

     Inubos ko muna ang natitirang laman ng baso na hawak ko saka ko iyon ipinatong sa mesa at tumayo. Light drinks lang naman ang ininom ko at natatakot din akong malasing. Kabaliktaran ng ininom kong alak ang ininom nina Cham at Quin kaya hindi na ako nagtaka kung bakit ganoon na lamang kahigpit ang pagkakapit ni Cham sa braso ko habang binabaybay namin ang daan papunta sa ladies room. Mukhang nahihilo na siya at bumabaliktad na ang sikmura niya.

     “Sasama ka ba sa loob?” tanong niya nang marating namin ang ladies room. Nagkahalo-halo na ang mga amoy doon at hindi na halos kayanin ng sikmura ko. Umiling na lamang ako.

     “Hihintayin na lang kita rito.”

    Inabot sa akin ni Cham ang purse niya saka siya pumasok sa loob. Nasa kalagitnaan ako ng paghihintay sa kaniya sa labas ng ladies room nang tumunog ang cellphone niya na nasa loob ng purse. Dala na rin ng kuryosidad ay binuksan ko iyon at kinuha ang cellphone. Pangalan ni Xaw ang nakaregister na pangalan ng caller. Nag-aalinlangan ko itong sinagot.

     “H-hello? Xaw!” bati ko. Emeecho sa linya ang maingay na musikang pumapailanlang sa paligid na para bang malapit lang sa kinaroroonan ko ang tumatawag. Napatalon ang dibdib ko sa pagkabigla nang maramdaman ang biglaang pagtapik sa balikat ko.

     “Jehan.” Si Thunder ang taong nakatayo sa harapan ko. May hawak siyang cellphone na malapit sa tainga niya. “It’s Thunder.”

     “Ah! I thought, I’m gonna die. Hinding-hindi na ako iinom ng alak, swear! Oh, Thunder?” Ngumiti si Thunder kay Cham na kalalabas lang sa ladies room. Ibinaba ko ang cellphone at pinatay ang tawag saka ito muling isinilid sa purse at ibinalik kay Cham.

     “Akala namin hindi ka na makakarating.”

     Napabaling ako sa likuran ni Thunder nang makita ko roon si Xaw. May hawak din siyang cellphone na ibinaba niya mula sa pagkakalapat nito sa bandang tainga niya. Mukhang napansin rin siya ni Cham kaya nagpatiuna itong humakbang para siguro lapitan siya. Hahakbang na rin sana ako nang hawakan ako ni Thunder sa braso.

     “Pwede ka bang makausap kahit sandali?”

     “Ako? Pwede naman. Tara sa table—”

     “In private sana.”

     Mula sa maluwag na pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko ay unti-unti iyong humigpit hanggang sa hindi ko na nagugustuhan ang paraan ng pagkakakapit niya roon. Hindi ako pumayag pero nagawa niya akong hilahin papunta sa rooftop. Ginapang ng takot ang dibdib ko at nang makarating kami sa rooftop ay kusa na rin niya akong binitiwan.

     Malamlam ang ilaw sa rooftop. Ganoon pa man, malinaw sa paningin ko ang nangungusap na mga mata ni Thunder habang nakatitig sa akin. Yumuko ako upang tingnan ang braso kong tila ba humapdi sa higpit ng pagkakahawak niya roon.

     “Jehan…”

     Umangat ako ng tingin sa kaniya. Humakbang siya palapit sa akin na siyang ikinaatras ko naman palayo sa kaniya. Bawat atras ko ay siya ring abante niya hanggang sa lumapat ang likod ko sa magaspang na wall.

     “T-thunder, tinatakot mo ako. Ano ba kasing sasabihin mo?”

     Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga nauubusan na rin ako ng hangin sa baga. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay saka ako hinawakan sa magkabilang pisngi at akmang hahalikan. Pwersahan ko siyang itinulak palayo sa akin. Nanginginig akong napasalampak ng upo sa malamig na sahig.

     “Jehan, I—”

     Umi-squat siya sa harapan ko at pinantayan ang aking taas. Tila ba nagdadalawang-isip siya kung aaluin ba ako o kung paano ako aluin. Nang lumapat ang kamay niya sa damit ko ay sinalubong ko siya ng isang malakas na sampal sa pisngi. Naitakip ko sa aking mukha ang aking mga kamay nang magsimula ng lumandas ang aking mga luha.

     Natatakot ako.

     Sinubukan kong tumayo para sana iwan siya roon nang matapilok ako at muling maupo sa sahig. Mas lalo akong naiyak. Wala akong mahuling salita na maaari kong ibato sa kaniya. Nanginginig ako sa takot.

     I lost track of the time I spent there sitting and crying my eyes out. Nang bahagya na akong tumahan ay umangat ako ng ulo para sana alamin kung narito pa ba si Thunder. Subalit si Vhan ang nakasalubong ko ng tingin. Tumayo ako at niyakap siya nang mahigpit.

     Napahawak ako sa ulo ko at iginala ng tingin ang paligid. The wall were painted in dark green and white lining. Hindi ako pamilyar sa silid na ito subalit hindi rin naman ito ‘yung silid na nakagisingan ko, pagkatapos ng birthday ko. Yumuko ako upang tingnan ang sarili. Nakahinga ako nang maluwag nang ma-recognize ang damit na suot ko.

     “You’re awake?” bumaling ako sa direksyon ng pinto kung saan ay nakatayo si Vhan.

     “B-bahay niyo ‘to?” Hindi ko mapigilang ma-curious. Tumango naman siya nang nakahalukipkip. “May extrang toothbrush sa banyo. Linisin mo muna ‘yung virus na nakuha mo kagabi bago mo ako kausapin.”

     Oo nga pala, kagabi. Gustuhin ko mang magsalita at ipaliwanag sa kaniya ang totoong nangyari pero mukhang wala siya sa mood. Nanatili siyang nakahalukipkip. Tinalikuran niya ako at naglakad siya paalis. Nakita ba niya ang balak sanang paghalik sa akin ni Thunder kagabi?

     Ngayong naalala ko ang tungkol doon, parang gusto ko na lang ulit maiyak.

     Katulad ng sinabi ni Vhan, pumunta ako sa banyo at naglinis ng sarili. Nakahanda na roon ang lahat ng kailangan ko, maging ang pamalit. Nasa kalagitnaan ako ng pagsisipilyo nang mapatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin.

     “Hoy!” natauhan ako nang marinig ang boses ni Vhan kasabay ng pagkalampag ng pinto na hinayaan kong nakabukas. Tinapos ko na nga ang pag-aayos ng sarili tsaka lumabas.

     Nakakapit ako sa laylayan ng damit ni Vhan habang nakabuntot sa kaniya sa pagbaba sa living room. Napakatahimik ng bahay nila na ultimo mga kasambahay ay hindi nagsasalita. Malaki ang bahay nina Vhan. Not so surprising for a family who has several branches of clothing line nationwide.

     Sa pagkakaalam ko, may-ari ang Dad ni Vhan ng ilang malls sa bansa pero nang mamatay ito sa isang car accident noong high school siya ay bumagsak ang nasabing business at nauwi sa liquidation. Mukhang wala rin dito ang dalawa niyang kuya.

     Ipinaghila ako ni Vhan ng upuan sa dining. Dinaig ko pa ang prinsesa sa paraan ng pag-aasikaso niya sa akin. Ultimo pagsandok ng ulam sa plato ko, siya na ang gumawa. Tirik na tirik na ang araw sa labas at base sa bilog na wall clock sa itaas ng wall ng pinto ng dining ay ten na ng umaga.

     “Nasaan ang mga kuya mo? Si Craig?”

     “Umalis,” matipid niyang sagot na siyang ikinatikom ng bibig ko at nagpatuloy sa pagkain.

     “Vhan—”

     “From now on, stop being friends with Liane.” Napatitig ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Sa kabagalan ko sa pagkain ay papaubos na ang i-s-in-erve niya sa sarili niya habang ako naman ay hindi pa nakakakalahati.

     What’s with Liane? Hindi ba nga sila pa itong halos close friends noong una silang magkita?

     “Bilisan mong kumain. Ihahanda ko na ‘yung sasakyan.”

     Natatakot akong banggitin ang tungkol sa nangyari kagabi. Halata namang wala siya sa mood at baka mas lalo lang ma-badtrip. Ayokong sabayan ang init ng ulo niya at baka kung saan mapunta ang usapan namin. Mas mainam na palamigin ko muna ang ulo niya saka magpaliwanag. Dala na rin siguro ng gutom ay mabilis kong tinapos ang pagkain at tumungo sa garahe bitbit ang damit ko at sandals.

     “Vhan—”

     “Put your seatbelt on.” Sa ikalawang pagkakataon ay hindi niya pinatapos ang sasabihin ko sana. Binuhay niya ang sasakyan tsaka ito minaniobra.

     Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit pinagbabawalan niya akong makipagkaibigan kay Liane pero hindi ko na magawang banggitin pa ang tungkol doon. Natameme na ako. Iginalawa ko na lang ng tingin ang paligid. Nahagip ng mga mata ko ang mga kamay niyang nakahawak sa manibela. May mga gasgas at pasa iyon.

     “Anong nangyari sa mga kamay mo?” naglakas ng loob na akong itanong. Hindi siya nag-abala pang yumuko upang tingnan iyon. Sa halip ay diretsa siyang sumagot ng, “wala ‘yan.”

     Habang palayo kami nang palayo sa bahay nila ay mas lalong kumakapal ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Natatakot na akong isaboses pa ang mga katanungang naglalaro sa isipan ko. Nataranta naman ako nang maalala ang sling bag kong dala sa bar kagabi. Naroon ang cellphone ko pati na ang wallet.

     “Nauna na sa bahay niyo ‘yong bag mo. Hinatid na raw ni Cham kaninang umaga,” aniya. Tumango-tango ako’t medyo nakahinga nang maluwag.

     Muli kaming binalot ng nakabibinging katahimikan habang binabaybay ang kahabaan ng daan. Nakabaling ako sa bintana na nasa gilid ko habang si Vhan naman ay abala sa pagmamaneho. Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi pero hanggang doon lang sa niyakap ko siya nang mahigpit ang tanging naaalala ko. Hanggang sa makarating na kami sa harapan ng bahay.

     Nag-away ba sila ni Thunder kaya may galos ang mga kamay niya?

     “Hindi ka pa ba bababa?” Natauhan ako nang marinig siyang nagsalita.

     “Ah! Sorry. Gusto mong pumasok muna sa loob?” alok ko sabay turo sa direksyon ng bahay namin.

     “No, thanks.”

     “Okay.” Ngumiti ako nang pilit saka tinanggal ang seatbelt. “Thanks for the ride.”

     Tumango lang siya sa akin at umiwas nang lumabas ako sa kotse. Ni hindi man lamang siya kumaway o ngumiti nang kumaway ako sa kaniya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging cold ang pakikitungo niya sa akin. Nakatanaw lang ako sa papaalis niyang kotse habang may namumuong pressure sa ilong ko. Ano mang oras ay tila iiyak na ako.

     Bakit parang kasalanan ko kung bakit ako naroon sa rooftop at kasama si Thunder? Tila ba bumabalik sa akin ang mga naging pagdududa ko sa kanila ni Aquinah noon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status