Share

CHAPTER 9

Nilakihan ko ang awang ng pinto at tumuloy na nga papasok. Binati ako ng malamig na temperaturang nagmumula sa aircon—‘sing lamig ng mga tingin sa akin ni Corbi. Anong problema ng isang ito?

Kahit pa hindi siya direktang nakatingin sa akin, ramdam ko ang nanlalamig niyang mga tingin. Ang awkward lang. Mauupo na sana ako sa kulay brown na sofa sa gilid malapit sa wall nang mapansin kong may nakabaluktot ang pagkakahiga roon at tila ba natutulog.

Si Craig!

Katulad ng nabanggit ko na, magkaibigan ang pamilya namin ni Corbi. Ninong sa kasal ng mga magulang niya si Lolo Martin. Mula pagkabata ay madalas nang nagku-krus ang landas naming dalawa—sa bahay man o sa kung saang family events. But we’re not close. Madalas nga akong naiilang sa tuwing nakikita ko siya.

Isa rin siya sa iilang mga taong nakasalamuha ko na mahirap basahin ang ugali. Minsan bigla-bigla na lamang mangangalabit at ngingitian ka nang walang sapat na rason. Madalas naman dadaan-daanan ka lang niya na para bang hindi ka niya kilala. Naupo ako sa bakanteng silya na nasa harapan ng table niya.

“I hope I didn’t disturb you or something. I forgot to mention this you, the last time we met.” Tumango ako nang huminto siya sa pagsasalita, senyales na nakikinig ako.

May hawak siyang kumpol ng bond paper na paulit-ulit niyang ibinabagsak sa table—magmula nang pumasok ako—para siguro pagpantayin. Itinuon ko roon ang aking atensiyon upang kahit papaano ay maibsan ang kabang nararamdaman ko. Naalala ko ‘yung pagtambay ko sa may hagdanan last week.

Bigla ba niya iyong naalala at balak na parusahan ngayon?

“Gusto mong maging SC Freshmen Representative?” tanong niya upang basagin ang katahimikan. “Wala pa kasi kaming napipiling SC Rep. para sa Freshmen year sa Department niyo.”

Mula sa tumigil na pagbagsak ng bond paper ay umangat ako ng tingin sa kaniya. Ibinaba niya sa mesa ang hawak na mga papel bago isinandal ang likod sa backboard ng kaniyang swivel chair. Itinuro niya gamit ang palad ang papel na nasa harapan ko. Kinuha ko ang isa na siyang nasa pinakaibabaw at saka iyon tahimik na binasa.

May mga nakalista roong mga pangalan, probably candidates ng bawat section sa bawat Freshmen year. Ang iba sa mga roon ay may mga ekis. Nang makita ko ang pangalan ko roon na isa sa mga pinagpipilian ay agad kong binalik ang papel sa mesa. Narinig kong umungol sa kinahihigaan niya si Craig kaya hindi ko maiwasang hindi mapalingon doon.

Kung si Corbi ang President, itong si Craig naman ang Vice President.

“A-ano,” nauutal kong saad. “W-wala akong alam sa mga ganiyang bagay. Iba na lang siguro ang kunin niyo.”

Narinig ko siyang bumuntong-hinga. “As expected!”

Inaasahan na rin pala niyang tatanggi ako pero pinatawag pa rin niya?

Ipinatong niya sa ibabaw ng mesa ang magkabila niyang siko at saka mataman akong tinitigan. Sinalubong ko ang kaniyang mga tingin at himala naman siyang umiwas.

“That’s it! You may go.”

Seryoso ba talaga siya? Ilang minuto ang ginugol ko sa paghahanap ng room na ito. Hindi pa nga umiinit ang pang-upo ko sa kinauupuan ko pero pinapalayas na niya ako? Pwede ba akong magmura kahit isang beses lang?

Gusto ko man siyang murahin pero syempre, hindi ko ginawa. Sa halip ay inilahad ko ang kamay sa harapan niya. Magkasalubong ang mga kilay niyang umupo nang maayos at saka may kinapa sa bulsa. Ginamit ko ang pagkakataong iyon upang igala nang tingin ang paligid.

Nang maramdaman kong may ipinatong siya sa nakalahad kong kamay ay saka ako lumingon. Hindi iyon ang bagay na inaasahan ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

“What am I gonna do with this?”

“Kulang ba? Ihahatid na lang kita pauwi.”

“Okay ka lang?” tanong ko. Maputi si Corbi kaya naman pansin ko ang unti-unting pamumula ng mukha niya. Masama ba ang pakiramdam niya o ano?

“I thought, hihiram ka ng pamasahe.” Natawa ako. Mukha ba akong kinakapos sa buhay?

“For real? Amin na ang phone mo. I’ll give you my contact. Para hindi na ako magpapagod sa susunod sa mga bagay na pwede namang pag-usapan through texts or calls.”

Humugis-bilog ang kaniyang mga labi. Naikuyom ko naman ang kamay kong may hawak sa twenty peso coin na bigay niya. Matapos mai-save ang contact ko sa phone niya ay nagpaalam na ako na aalis.

Hindi man kumurba ang maninipis niyang mga labi, pero base sa kakaibang kinang ng kaniyang mga mata halatang pinipigilan lang niya ang kaniyang sarili na ngumiti.

Such a weirdo.

“Could you please stop preceding with whatever decisions I have in life? I get that you’re concerned, pero sana noon mo pa pinaramdam. Hindi kasi nakakatuwa!”

Naisara ko nang malakas ang pinto ng SC office gawa ng pagkagulat. Nagmula ang boses sa CBAM-SO office na katabi lang ng kinatatayuan ko. Hindi naman pasigaw ang pagkakasabi niya ng mga iyon pero naroon kasi ‘yong diin sa bawat salitang binitiwan niya.

Akmang hahakbang na ako upang magpatuloy nang muli akong matigilan. Bumukas ang pinto ng katabing opisina at iniluwa noon si Thunder na padabog na isinara ang pinto. Nagtama ang aming mga mata at tila ba sa akin yata naipasa ang lahat ng galit niya sa sinumang kausap niya kanina.

Kung gaano kabilis na sumulpot si Thunder sa harap ko ay ganoon rin siya kabilis na nawala. Muling bumukas ang pinto ng CBAM-SO office. This time, it’s Ma’am Elissa who went out of the door. Siya ba ang kausap ni Thunder kanina? Ngumiti ang guro sa akin nang magtama ang aming mga mata.

“Tapos na ang klase niyo?” Nanatili siyang nakatayo sa pinto, hindi alintana ang sumisingaw na lamig mula sa aircon.

Nakangiti naman akong tumango. “Yes po.”

“Siya nga pala. May naisip ka na bang organization na sasalihan? Baka gusto mong maging officer ng CBAM-SO?”

“Po? A-actually, inalok din po ako ng position sa kabila,” ani ko at itinuro gamit ang hinlalaki ang aking likuran. “Unfortunately, I’m not really into that kind of stuff po.” Tumango-tango naman siya.

“Mauuna na po ako, Ma’am,” paalam ko na sinang-ayunan naman niya sa pamamagitan ng pagtango.

Para akong tanga na ngingiti-ngiti habang pababa sa hagdanan. Ito kasi ang unang pagkakataon na nagkausap kami ni Corbi na masasabi kong ‘matinong usapan’. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami ay madalas kaming ipares ni Mommy sa isa’t isa. Kahit tuwing prom, si Corbi ang escort ko. Hindi ako papayagang umattend hangga’t hindi sasama si Corbi.

Isa marahil iyon sa rason kung bakit naiilang ako sa kaniya. We’re not close but we’re pretending to be one when any of our family members are around.

“Jehan…”

Siomai rice! Muntik ko ng makaligtaan ang huling baitang na dapat kong hakbangan. Susungitan ko sana ang kung sino mang gumulat sa akin nang kusang umatras ang dila ko nang makilala siya. It’s Thunder. Nakasandal siya sa wall sa unahan habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ng maong niyang pantalon ang kaniyang mga kamay.

Humigpit ang paghawak ko sa railings nang maalala ang tangka niya sanang paghalik sa akin sa rooftop ng bar, last Friday.

“N-nagulat ba kita? S-sorry.” Tila ba nase-sense niya ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Tumayo siya nang maayos habang nanatiling nakasuksok sa magkabilang bulsa ang kaniyang mga kamay. Napalunok ako ng sariling laway.

“O-okay ka lang?”

Nag-aalinlangan akong ngumiti sa kaniya bago pumagilid. “O-oo naman,”

Nanatili siya sa kaniyang kinatatayuan at ganoon rin ako—nagpapakiramdaman sa kung sino ang mauunang umalis. Lakbayin ko na lang kaya ang espasyo sa pagitan naming dalawa para makaalis na?

“Matatanggal rin ‘to ng kusa.” Hindi ko alam kung may defect na ba sa pandinig ko o talagang boses ni Vhan ang narinig ko sa ibaba.

“H’wag mong kusutin! Amin na tatanggalin ko,” boses naman iyon ng babae. Palakas nang palakas ang boses at mga hakbang nila.

I grabbed that opportunity para takasan si Thunder. Well, akala ko lang pala na matatakasan ko siya. Sumunod siya sa akin nang maglakad ako para umikot sa isa pang hagdanan pababa. Natigilan ako nang makita ko sina Vhan at Aquinah.

Bahagyang naka-squat si Vhan habang maingat na hinihihipan ng nakatihing si Quin ang kaniyang kaliwang mata. Maya-maya pa’y may kinuha ang huli sa gilid ng mata ni Vhan.

“Mag-wish ka, dali!” Kulang na lang ay tumalon pa ito sa tuwa.

Tumayo naman nang maayos si Vhan at saka kinusot ang mata. May nalagas yata siyang pilikmata at napunta sa mata niya. Pumikit si Vhan na malamang ay sinakyan ang trip ni Quin. Pareho silang nadismaya nang ipakita nito na sa hinlalaki niya dumikit ang nasabing pilikmata.

Nahagip ng paningin ko sa aking gilid si Thunder na huminto rin sa paglalakad. Here we go again to this kind of feeling. Iyon bang nagseselos ka pero kinukumbinsi mo ang sarili mo na normal lang ang pagiging sweet sa kaibigan? Nagpalipat-lipat kina Vhan ang mga tingin ko. Mukhang hindi pa nila nararamdaman ang presensiya namin.

Nakangiting ipinatong ni Vhan ang kaniyang braso sa balikat ni Aquinah saka sila bumaling sa unahan. Pansin ko ang gulat at pagkailang sa mga mata ni Aquinah nang magtama ang mga mata namin.

“Babe?” Wala akong maramdamang kaba sa boses ni Vhan.

Nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdanan ang dalawa habang naka-akbay pa rin si Vhan kay Aquinah. Noong tatatlong baitang na lamang ang nakapagitan sa ‘min ay nagpatiuna ng lumapit sa akin si Aquinah. Kung hindi niya iyon ginawa, malamang sa alamang ay magkaakbay silang lumapit sa akin.

“P’re,” tumango si Thunder sa pagbati sa kaniya ni Vhan.

“Akala ko uuwi na kayo?” Nilingon ko si Quin na siyang nagtanong.

Nagpalipat-lipat sa amin ni Thun ang kaniyang mga tingin. Kumaway pa nga siya sa huli at tulad ng ginawa nito kay Vhan ay tumango lang rin bilang tugon si Thunder.

“Pinatawag ako ni Corbi,” sagot ko sa tanong niya. Lumipat kay Thunder ang kaniyang atensyon.

“I’m from the CBAM-SO office,” himig defensive na sagot ni Thunder. Wala naman kasing nagtatanong sa kaniya para sumagot siya.

“Ikaw?” pagbabalik ko ng tanong kay Aquinah. “Akala ko may klase ka na?” Nilingon ni Quin si Vhan saka sila nagkangitian.

“Pinatawag kami pareho ni Corbi,” si Vhan ang sumagot. “In-excuse ko siya sa instructor niya kaya sabay na kaming umalis.” Tumango na lamang ako kahit pa hindi ako kumbinsido. Yumuko si Vhan nang mag-vibrate ang cellphone niya sa kamay.

“Babe, we have to go. Pupunta ako sa inyo mamaya after ng klase.”

“See you around, guys!”

Kulang na lang ay magkahawak-kamay silang tumakbo paakyat sa hagdanan. Naintriga ako sa kung ano ba talagang meron sa kanila. Kung ganoon sila ka-sweet kanina, paano pa kaya sa tuwing magkasama sila nang hindi ko nakikita?

Natauhan ako nang maalala kasama ko nga pala si Thunder. Tulad ko ay nakahabol din siya ng tingin sa dalawa kahit pa hindi na namin ito tanaw. Tila ba nawala ang lahat ng takot ko sa kaniya at napalitan ng seguridad. Paano kung hindi ko siya kasama nang mga oras na maabutan ko sina Vhan at Quin?

Maaaring hindi ako nakapagsalita kanina o baka nga nagbreak down na ako. Ang bigat lang sa pakiramdam.

“Okay ka lang?” rinig kong tanong niya nang muli kaming magpatuloy sa paglalakad.

Sa lalim ng iniisip ko ay nakaligtaan ko ang huling baitang na dapat kong hakbangan. Mabuti na lamang at mabilis akong nahawakan ni Thunder sa braso. Napatitig ako sa kaniya na bakas sa mga mata ang pag-aalala. Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin tsaka muling humakbang. Doon ko na naramdaman ang pananakit ng paa ko resulat ng pagkatipalo.

“Hoy! Okay ka lang?” pag-uulit niya ng tanong at hinabol ako na paika-ika ang lakad.

Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako na palagi ko na lamang nararamdaman ito sa tuwing magkasama sina Vhan at Aquinah. Ayokong limitahan siya sa kung sino ang gusto niyang maging kaibigan. He can be friends with whoever he wants. Maaring close friends lang naman talaga sila, ‘di ba?

Pero bakit? Bakit kapag si Quin ang kasama niya, pakiramdam ko maagaw siya nito sa akin nang wala sa oras?

“Jehan Monhador!”

Tuluyan na ngang bumigay ang mga luha ko nang pagtaasan ako ni Thunder ng boses. Nakababa na kami sa first floor ng building at may iilang mga estudyante ang pagala-gala sa corridor. Napaupo ako sa sahig.

“H-hoy! Marumi ang sahig!” saway niya na umi-squat na rin para daluhan ako.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka marahang niyugyog. Sa halip na tumahan ay mas lalong lumabo ang aking paningin. Niyakap ko ang aking mga binti at itinago ang aking mukha habang patuloy sa tahimik na pag-iyak. Patuloy din sa pagyugyog sa aking mga balikat si Thunder na kalaunan ay nagsawa rin. Maya-maya pa’y naramdaman ko ang pag-angat ng aking katawan mula sa sahig.

Binuhat niya ako!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status