Weekend was over but I’m not in the mood to attend my classes today. Matapos akong ihatid ni Vhan sa bahay noong tanghali ng Sabado ay hindi na ulit siya nagparamdam. Buong weekend akong walang balita sa kaniya. Hindi niya sinasagot ang mga messages ko, pati na mga tawag.
Gustuhin ko mang lumiban ngayong araw ay hindi pupwede. May mga instructors pa kaming hindi name-meet last week. Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba ako sa salas. Maaga pa naman pero sa cafeteria na lang siguro sa school ako kakain ng breakfast. Naabutan ko si Nanay Dolor sa salas na may kausap sa cellphone.
“Aalis na ho ako,” paalam ko nang hindi humihinto sa paglalakad.
“Hija, susunduin ka raw ni Vhan dito sa bahay. Hintayin mo na lamang at on the way na raw siya.”
Tila ba ako nabuhayan ng loob nang marinig ang sinabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi saka naglakad pabalik sa tapat ng couch at naupo roon. I didn’t agreed to stay to wait for him. Sadyang tinatamad lang akong kumilos to the point na kahit humakbang na lang, magsalita na lang ay hindi ko magawa.
Inabala ko ang sarili sa pagkalkal ng mga gamit sa bag ko. Doon ko lang naalalang na kay Thunder nga pala ang isang notebook ko. Ginapang ng dagliang kaba ang aking dibdib nang maalalang seatmate ko nga pala siya buong oras ng klase. Sana naman huwag siyang pumasok. Grabeng torture ‘pag nagkataon.
Kusa akong tumayo nang marinig ang malakas na busina ng sasakyan sa labas. Nasundan pa nga iyon ng sigaw ni Nanay na naroon na si Vhan. Walang kibo akong sumakay sa kotse. Tahimik din naman siyang nagmaneho pagkatapos magpaalam kay Nanay. Parehas kaming nagpapakiramdaman habang binabaybay ang kahabaan ng daaan.
This isn’t the first time Vhan offered a ride but this is the first time he did when we’re having some misundertanding.
“We’re here!” anunsiyo niya nang maigarahe ang kotse.
“Ang aga natin,” dugtong ko naman.
Nilingon ko siya para ngitian habang abala ang mga kamay ko sa pagtanggal ng seatbeat. Sumang-ayon naman siya sa pamamagitan ng mabilis na pagtaas at baba ng mga kilay niyang natatakpan ng kaniyang buhok. Nang matanggal ko ang seatbelt ay umiwas ako ng tingin para naman tingnan ang oras sa aking cellphone.
Twenty minutes left bago magsimula ang unang subject namin ngayong araw. Sadly, walang klase si Vhan sa section namin ngayong araw.
“Uhm, thank you sa—” hindi ko naipagpatuloy ang aking sasabihin nang paglingon ko sa kaniya ay halos magtagpo na ang tungki ng aming mga ilong. Napalunok ako ng sariling laway habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
“Let’s meet after ng klase ko?” Nakangiti akong tumango bilang pagsang-ayon. Iiwas sana ako para putulin na ang staring contest sa pagitan naming dalawa nang hawakan niya ako sa magkabilang pisngi at ginawaran ng magaang halik sa labi.
Nabalot ng katahimikan ang loob ng kotse. Bigla akong nailang sa ginawa niya. Sino ba namang hindi ‘di ba? He ghosted me for freaking two days! No calls nor messages!
“I’m sorry for being mean this passed few days,” himig pang-aalo niyang saad. Mula sa pagkakahawak niya sa magkabilang pisngi ko ay bumaba ang kaniyang mga kamay sa mga kamay kong may hawak sa cellphone.
“Hey, galit ka pa rin ba?” Ipinatong niya ang kanan niyang kamay niya sa tuktok ng ulo ko. Maya-maya pa’y dumaosdos ito papunta sa balikat ko. Inirapan ko siya pero agad din akong natawa na siya ring ikinatawa niya. Natigil ang tawanan namin nang muli na namang magtagpo ang aming mga mata.
Tila ba may magnet sa mga mata namin at pilit kaming inilalapit sa isa’t isa. Gamit ang kamay niyang nakaalalay sa batok ko ay inilapit niya ako sa kaniya. His eyes were pinned on my lips. Habang paliit nang paliit ang espasyo sa pagitan namin ay palakas naman nang palakas ang tibok ng puso ko. Napapikit na lamang ako nang tuluyang magtagpo ang aming mga labi.
For a second, I forgot that we are in our university. Well, even though I came to realized about it, I don’t really care anymore. The car’s windshield were tinted and my mind was blown away by his kisses. His lips moves in a slow motion as if my lips were the most fragile thing he could ever touch. I even put my arms around his nape and let him go deeper.
Nasa kalagitnaan ako ng isiping mauupo na lamang sa kandungan niya dala na rin ng nakangangalay naming posisyon; idagdag pa ang limitadong space na meron kami nang may paparating na sasakyang bumangga sa likod ng kotse ni Vhan. Kamuntikan ko ng makagat ang labi niya dala ng pagkagulat. I didn’t want us to stop but Vhan did. Sinipat muna niya sa rear mirror ang kaniyang sarili bago nagpasyang lumabas.
“Paktay, ‘tol!” rinig kong salubong ng lalaki sa labas. Inayos ko muna ang sarili bago ako bumaba.
Bumaba sa driver’s seat ang kuya ni Vhan na si Craig. Siya yata ang nagmamaneho ng sasakyang bumangga sa kotse ni Vhan. Sumunod na bumaba muna sa passenger seat si Corbi—sina Hanz at Thunder naman ay mula sa backseat. Agad akong umiwas nang magtama ang mga mata namin ni Thunder.
“Kuya naman! Alam mo namang kay Kuya Jin ‘tong kotse.” Natatawang lumapit si Craig sa kapatid saka ito tinapik sa balikat.
“Ako na ‘ng bahalang magpaliwanag kay tanda. At saka—” sinipat niya ang likuran ng kotseng nabangga, “wala namang nasira. Baka sa inyong dalawa meron?”
Nasundan ng mahihinang tawa ang tanong na iyon ni Craig sa kapatid. Yumuko naman ako dala ng hiya. Kung titingnan mo kasi si Vhan, parang galing siya sa matinding sisiran. Magulo ang buhok niya’t halatang badtrip. Mabuti na lang at hindi pa ako nakakapag-liptint.
“Oh! Huwag kayong tumawa,” saway niya kina Corbi at Hanz na halatang nagpipigil ng tawa. “Nahihiya ‘yong sister-in-law ko.”
Umangat ako ng tingin kay Craig nang marinig ang sinabi niya. Subalit sa halip na sa kaniya dumapo ang mga mata ko ay natuon iyon kay Thunder na nasa gilid niya. Nakatitig pa rin siya sa akin kahit pa harap-harapan ng isinasampal sa kaniya ni Craig na girlfriend ako ng kapatid niya.
“Thun, akala ko nagmamadali kang pumasok?” pag-iiba ni Corbi ng topiko. Bumaling naman ito sa kaniya.
“Uhm!” sang-ayon ni Hanz. “Pinamamadali mong magmaneho si Craig kanina.”
“Oo nga pala. Mauna na ako sa inyo,” paalam pa nga nito tsaka nagmadaling tumakbo paalis. Sinipat ko ang oras sa hawak kong cellphone at nang mapagtanto ang lumipas na oras ay nagpaalam na rin akong umalis.
Naabutan kong nakayuko sa desk niya si Thunder nang maupo ako sa upuan ko. Halos kalahati ng pupolasyon sa room ay nakatingin sa kaniya at pinagpapantasyahan siya. Inilibot ko ng tingin ang room at nang magtama ang mga mata namin ni Cham ay kumaway siya sa akin. Ngumiti naman ako’t kumaway sa kaniya pabalik. Ilang minuto pa ang dumaan bago dumating ang magiging instructor namin.
“Mr. Thunder Monhador, matutulog na lang ba tayo rito?”
Sa ilang araw na naming klase, si Thunder ang ilan sa mga kaklase kong madalas na nako-called out. Lalo na sa subject na ito. Nanatiling nakatayo sa tapat ng speaker’s stand si Ma’am Elissa habang ang kaniyang mga mata ay nakapako kay Thunder na nasa tabi ko. She looks young for a woman on her early 40’s.
Umangat ng ulo si Thunder na siyang ikinangiti ni Ma’am Elissa.
Nawala ang tensyong bumabalot sa room nang magsimulang magklase si Ma’am Elissa. Itinuon ko naman ang aking buong atensyon sa harapan—ganoon na rin ang iba. Paminsan-minsang naaagaw ni Thunder ang atensyon ko pero pinipigilan ko ang sariling huwag siyang lingunin. Maya-maya pa’y may ipinatong siya sa desk ko tsaka siya tumayo at nagpaalam na babanyo sandali.
Dinampot ko ang notebook na iniwan ni Thunder nang makilalang iyon ang notebook na kinuha niya noong nakaraang linggo. Sinuri ko ang bawat pahina niyon at baka may piniglas siya o sinulatan. Gladly, wala namang punit subalit may solving na nakasulat sa likurang pahina.
Solve for i,
9x – 7i < 3 (3x- 7u)
=9x – 7i < 9x – 21u
= - 7i < - 21u
Simplified: i<3u
Napakunot ako ng noo kasabay ng pagsara sa notebook upang magfocus sa instructor na nasa harapan. Maybe he was just trying to solve a problem based on our lesson last week. Hindi kasi siya nakikinig nang mga oras na iyon kaya malamang, hindi niya nakuha.
“Is he always like that? Like, beb, ‘yung vibe kanina noong tumayo siya, makapigil hininga!” pagbubukas ni Cham ng topic.
Dismissal na namin at nagkataong breaktime ni Quin bago ang susunod niyang subject. Nagkayayaan kaming kumain sa department cafeteria bago maghiwalay ng landas pauwi.
“M-may pinagdadaanan lang siguro ‘yung tao kaya gan’on,” pagtatanggol naman ni Liane.
Naubos ko na ang pagkain sa tray na nasa harapan ko habang ang tatlo ay tila hindi man lamang nagagalaw ang mga pagkain nila. Abala pa rin ang kanilang mga bibig sa pag-uusap tungkol kay Thunder. It’s a waste of time for me to talk about someone’s life, lalo na’t hindi ko naman ka-close. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagreply sa message ni Vhan.
Umangat ang ulo ko, sunod sa direksyon ng cellphone kong hinaplot mula sa aking kamay.
“H-hoy, Cham!” saway ko sa kaniya subalit hindi siya nagpapigil at sinipat pa rin ang cellphone kong hawak niya.
“Psh. Pasalamat ka’t 200th day niyo ngayon.” Inabot niya pabalik sa akin ang cellphone ko.
Napatitig ako sa date na naka-flash sa screen nang muli kong mahawakan ang cellphone. Nagpatuloy sa pagku-kwentuhan ang tatlo. Ngayon nga ang ika-200 days namin ni Vhan. Kaya naman pala ganoon na lamang siya sa sweet kanina. Dahil sa nangyari nitong mga nakaraang araw ay halos muntik ko ng malimutan.
“Oh, shit! I need to go na,” paalam ni Quin at nagmamadaling niligpit ang kaniyang pinagkainan. Sinipat ko ang oras sa cellphone kong nasa ibabaw ng mesa. Malapit na ang time para sa next subject ni Quin.
“Sabay-sabay na tayong umalis,” ani ni Cham na sinang-ayunan naman namin at nagligpit na rin ng pinagkainan.
“Miss Jehan Monhador?”
Nilingon ko ang may-ari ng boses na tumawag sa pangalan ko. It’s a guy with a soft aura. Tila ba maalaga siya sa sarili at wala ni kahit isang bakas ng tigyawat sa mukha niya. Nakasuot siya ng long sleeve white polo shirt na naka-tuck in sa itim niyang jeans. May suot rin siyang round eyeglasses at sa lace ng ID niyang nakasabit sa kaniyang leeg ay may badge ng Student Council na naka-pinned doon.
“You’re Miss Monhador, am I right?” tanong niya sa akin. Nag-aalangan naman akong tumango. I longer I stare at him, the more my brain remembers his face. I’ve seen him once at the Orientation seminar last Friday.
“I-I’m sorry, girls, but I think I’ll go ahead.” Sumenyas pa nga ng kamay niya sa likuran si Aquinah.
“Ah! S-sure. Susunod na lang ako sa inyo,” I assure the three of them. Nakangiti akong kumaway sa kanila habang naglalakad sila paalis.
“Mabuti na lang at naabutan kita rito. Miss Jang wants to talk to you. Nasa SC Office siya sa second floor ng CBAM building 2, katabi ng CBAM-SO office.”
Napaatras nang kaunti ang ulo ko habang ina-absorb ng utak ko ang location na sinabi niya. Sinipat ko nang palihim ang kaniyang ID at nakitang Xer Duane Valeroso ang pangalan niya.
“Sige.” Napakurap ako nang talikuran niya ako bigla. ‘Yun na? Hindi man lamang ba niya ako sasamahan papunta roon?
Nasa pinto na palabas sa cafeteria ang nasabing SC Officer nang saka lang magsink-in sa utak ko ang mga sinabi niya.
Second floor ng College of Business Administration and Management Building 2, katabi ng CBAM-Student Organization Office.
Sa laki ng CBAM building 2, saan banda sa second floor nito ko matatagpuan ang mga sinabi niyang building? Napabuga na lang ako ng hangin sa ere bago humakbang paalis. Naabutan ko pa sina Cham at Liane sa labas ng cafeteria na hinintay ako para lang iwan sila ulit.
Kinapalan ko na ang mukha kong magtanong sa mga nakasalubong kong estudyante. Mabuti na lamang at building iyon ng mga third year to fourth year, CBAM students na saulado na ang bawat sulok ng building. Kapag nakita ko talaga ang Officer Valeroso na ‘yun dito, naku!
Tatlong katok sa labas ng pinto ang ginawa ko bago pinihit ang seradura nito. Si Corbi ang naabutan kong naroon sa loob.
“Hi!” bati ko sa kaniya at nagpatuloy sa pagpasok. “Pinapatawag daw ako ni Miss Jang?” Napansin kong ngumisi siya.
“Nagkita kayo ni Valeroso?” Tinaasan ko siya ng kilay. “May klase pa si Miss Jang. Ako ang nagpatawag sa ‘yo.”
Nilakihan ko ang awang ng pinto at tumuloy na nga papasok. Binati ako ng malamig na temperaturang nagmumula sa aircon—‘sing lamig ng mga tingin sa akin ni Corbi. Anong problema ng isang ito? Kahit pa hindi siya direktang nakatingin sa akin, ramdam ko ang nanlalamig niyang mga tingin. Ang awkward lang. Mauupo na sana ako sa kulay brown na sofa sa gilid malapit sa wall nang mapansin kong may nakabaluktot ang pagkakahiga roon at tila ba natutulog. Si Craig! Katulad ng nabanggit ko na, magkaibigan ang pamilya namin ni Corbi. Ninong sa kasal ng mga magulang niya si Lolo Martin. Mula pagkabata ay madalas nang nagku-krus ang landas naming dalawa—sa bahay man o sa kung saang family events. But we’re not close. Madalas nga akong naiilang sa tuwing nakikita ko siya. Isa rin siya sa iilang mga taong nakasalamuha ko na mahirap basahin ang ugali. Minsan bigla-bigla na lamang mangangalabit at ngingitian ka nang walang sapat na rason. Madalas naman da
“B-bitiwan mo ako,” pagkontra ko sa pagitan ng pagsinghot. “Stay still! You’re heavy!” saway naman niya na siyang nagpatameme sa akin. May mga napapalingon sa gawi namin kaya upang takasan ang kahihiyan ay nanamihik na lamang ako at itinago ang aking mukha sa dibdib niya. Sa puntong ito ay sinubukan kong tumahan na at hayaan na lamang siyang itakas ako palayo. May kung ano sa presence niya na siyang nagtanggal ng takot na nararamdam ko. Ibinaba ako ni Thunder sa parking area ng university; sa harap ng itim na kotseng gamit niya noong ikatlong araw ng pasukan. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat at mahinang itinulak papasok. Kung tutuusin, dapat nagpapanic na ako sa mga oras na ito—remembering that night sa bar—pero sa mga sandaling ito ay wala man lamang akong maramdaman na takot. I found myself sitting on the passenger seat with him on the driver’s seat. “Iyan. Dito ka umiyak. Dito ka magwala. Dito mo ibuhos lahat ng kadramahan mo
Nanumbalik sa wisyo ang aking pag-iisip nang marinig ang tanong niya. Nakangiti akong yumuko para tingnan si Toki na kanina pa nagpupumilit na bumaba. Iginala ko ng tingin ang paligid at nang mapagtatantong nasa garden area na kami ay ibinaba ko na si Toki. “I got it from Th—” natigilan ako nang ma-realize kong mae-expose kong magkasama kami ni Thunder buong maghapon. “From a friend. Yeah, from a friend.” “Anyways, tara doon! May naiambag din naman kahit papaano ‘yong pag-uwi mo nang late.” Humakbang siya papunta sa likuran ko. Piniringan niya ako gamit ang panyo at saka inalalayan sa paglalakad. Napanganga na lamang ako nang makita ang nagliliwanag na light bulbs na nakasabit sa hindi kataasang arc nang tanggalin ni Vhan ang panyong nakatakip sa aking mga mata. Sa tagal kong umuwi, malamang ay nagkaroon siya ng oras para gawin ito. The arc served as the door papunta sa wooden table at bench. Mababa lang ang table at bench. Halos ilang inch lang ang t
Kanina pa ako tila baka na umaatungal sa loob ng kotse ni Thunder. Tumigil na rin siya sa pag-aalo sa akin, siguro ay na-sense niyang hindi ako titigil hangga’t hindi ko nailalabas ang lahat ng sama ng loob na meron ako. Nanatili siyang nakaupo sa driver’s seat habang nasa labas—sa malayo—ang mga tingin. Paminsan-minsan niyang ipinupukpok ang index finger ng kamay niyang nakahawak sa steering wheel. “Parang may something talaga sa kanila, ‘di ba?” Nilingon ako ni Thunder pero wala siyang binitawang salita. Pinunasan ko ang mga natuyo kong luha sa pisngi at sinalubong ang mga tingin niya. Kumunot ang noo niya’t siya ring naunang umiwas ng tingin. Marahil iniisip niya na over acting ako at masyadong mapaghinala. Mukha naman kasing walang matinong babae na papatol sa kaniya. Malamang hindi niya alam ‘yong pakiramdam na may ibang nagpapasaya sa taong mahal niya. Moreover, he’s a guy so he wouldn’t really know what female intuition is and how accurat
“Jehan!” Tumayo ako mula sa bleachers nang makita si Cham na kumakaway sa aking direksyon. She’s with Liane na palinga-linga—may hinahanap yata. Pumapailanlang ang upbeat music sa buong gym, tipong hindi naman nakabibingi pero nakatutulong upang huwag kang antokin. Inayos ko ang laylayan ng aking damit sa bandang likuran bago ako bumaba para lapitan sila. Today’s the university foundation day. Dalawang linggo na ang nakalilipas nang maghiwalay kami ni Vhan. “Anong club ang sasalihan natin?” tanong ni Liane nang makalapit ako sa kanila. Malawak ang ngiti ni Cham at kumapit sa braso ko. “May nakita na akong club. Kayo ba? Saan niyo gusto sumali?” pagbabalik ko ng tanong sa kanila. Nagkatinginan sina Cham at Liane. “Art club sana.” Si Liane ang sumagot. Natatawang bumaling sa akin si Cham. Pinanliitan ko siya ng mga mata. “Mahilig ka sa arts?” tanong ni Cham. “Not really pero balita ko kasi sa a
“So, what do you like?” “I like Cigarettes After Sex.” Kumunot ang noo ko nang mapansing nagpipigil siya ng tawa. Ano namang nakatatawa sa sinabi ko? Hindi pa kami gaanong nakalalayo ni Thunder sa motocross camp kung saan namin iniwan si Liane. Sa katunayan ay natatanaw ko pa rin ang malawak na lupaing iyon sa likuran. Moderate lang naman kasi ang usad ng kotse—sakto lang sa tulad naming hindi naman nagmamadali. Bago pa man kami makarating kanina ay may napagkasunduan na kaming lugar na pupuntahan but sadly, ayaw papilit ni Liane. Three is a crowd, sabi pa nga niya. “B-bakit?” pati ako nahawa na rin ng pagpipigil niya ng tawa. “You like cigarettes after sex?” “Hm! Why? Haven’t heard about that band?” Doon na nga siya tuluyang natawa. Itinakip niya ang bahagyang nakakuyom na kanang kamay sa kaniyang mga labi. Sinusubukan yatang sawayin ang sariling huwag tumawa nang malakas. Nanatili siyang naka-focus ng tingin sa unahan pero pa
“Mabuti naman at nandito ka na.”“Hi?” bati ko sa kaniya na tila ba masama ang gising. Humigpit ang hawak ko sa tangkay ng rose.“H’wag na tayong magplastikan, Jehan. I kept my distance from you and Vhan after your birthday. Tapos, ano ‘tong naririnig ko at pinagkakalat mo na ako ang rason ng break up niyo ni Vhan?”Natigilan ako at tila ba sinampal sa narinig. Her words pierced directly to my spine, sending chills to my whole system. Nanatili ako sa kinatatayuan sa harapan niya habang nilalabanan ang bawat matatalim niyang mga tingin.Wala akong mahuling salita na maaari kong ibato sa kaniya upang depensahan ang aking sarili. Bakas sa mukha ni Nanay Dolor na naguguluhan siya. Ganoon din naman si Lali na nakatayo sa gilid ko.Napalunok ako ng sariling laway.“Akala mo ba hindi ko alam? Obvious na pinagseselosan mo ako. Honestly, wala naman sa akin kung may pagdududa ka kay Vhan pero uso n
“Dumating ka!?” bungad sa akin ni Corbi. He opened the door for me with a grin.“Akala ko pinapapunta mo ako rito?” Tiningnan ko siya nang masama saka tumuloy papasok sa opisina ng Student Council. Binalot ng malamig na temperatura ang balat ko. Siya na rin ang nagsara ng pinto pagpasok ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataong igala ang aking paningin sa kabuoan ng silid.Maraming nagbago sa interior ng office kumpara noong huli kong pasok dito last month.“Wala ka naman sigurong ginagawa, ano?” Hindi ako sumagot.Kumpara noong unang pasok ko rito, wala pang reception table sa unahan tulad ng meron ngayon. Maliban pa roon ay may tig-isang divider sa magkabilang gilid na siyang naghahati sa room. Ang space sa gitna ang nagsilbing bukas na pinto papasok sa opisina ng President at Vice President ng SC. Doon pumunta si Corbi habang ako naman ay nagpaiwan sa reception area at naupo sa kulay itim na sofa.Malapit sa kinau