Dalawang linggo rin siyang hindi ginambala ng binata. Dalawang linggo ring naging matiwasay ang araw ni Sharon. Walang Lloyd na gumagambala at panay buntot sa kaniya.
Sa mga araw na iyon ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. Okay na siya sa gano’n, ‘yong tipong walang sunod ng sunod at buntot ng buntot. Pakiramdam niya’y ang ganda ng araw niya. Matiwasay, payapa, at gumaganda pa ang aura niya. Ayos lang sa kaniya dahil marami rin naman kasi siyang ginagawa.
Ang dami niyang tinatapos. Ang daming lesson plan na dapat tapusin, may mga PowerPoint presentation na dapat gawin, mga activity ng mga bata na dapat bigyan ng pansin. Ang sakit sa ulo at mas sasakit pa ang ulo niya kung dadagdag pa si Lloyd.
Aside from that, she’s one of the instructors who assisted to their most awaited culmination ever, the Fashion Runway of the Garments, Fashion and Design. Their students are the highlight of the said culmination. She assisted her students for creating glamorous bridal gown. Enjoyable, yet exciting.
Iyan ang dahilan, kaya ayaw niya munang magambala, lalo na kung si Lloyd ang gagambala sa kaniya. Kung mangyari man iyon ay katapusan na niya talaga. Panigurado, tutubo ang sungay ng guwapo nilang Dean sa department nila.
Busy ang kagandahan niya. Nagtataka na nga rin siya kung bakit hindi siya kinukulit ni Lloyd. May parte rin sa utak niya na nagpapasalamat sa hindi nito pagkukulit sa kaniya.
Almost of her student’s design was amazing and truly done beautifully and creatively. The long wait for this event was really worth it. Lalong-lalo na ang mga puyat nila. The Fashion Runway helped their college student designers in developing their talent and potential in designing.
Dahil malapit nang matapos ang culmination ay makakatulog na rin siya ng mahimbing. Makakatulog ng walang iisipin.
Tuwing may culmination talaga ay ang mga instructors sa Garments ang kawawa. Dahil bukod sa may event sila na ginagawa ay minsan sila rin ang mag-aasikaso sa mga tela na gagamitin, na minsan pagkatapos gamitin ay hindi na mababalik sa kanila.
“At last, were almost done, my Princess.”
Halos hindi masukat ang kaba na kaniyang nararamdaman nang marinig ng dalawa niyang tainga ang baritonong boses ng binatang laman lagi ng sistema niya. No other than, Lloyd Gonzales.
Laman ng sistema? Minsan hindi rin nakikisabay ang katawan niya. Hindi talaga nakikinig sa sinasabi ng kaniyang utak.
Ayaw niyang isipin si Lloyd, ayaw niyang sumagi ito sa kaniyang isipan. Pero bakit tuwing may nakikita lang siya na katulad sa katawan ni Lloyd ay ngumingiti siya ng kusa?
May gayuma yata ang lalaking ito!
Umiling siya. Hindi dapat siya magpadala!
Lalaki lang ‘yan, Sharon. Lalaki lang yan, mahina niyang bulong sa sarili.
Hinawakan nito ang kanang kamay niya, holding-hands to be exact. Naramdaman niya ulit ang sobrang excitement na dulot ng pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. Gaya ng excitement na naramdaman niya ng unang makita ang binata.
Iyong tipong gaya ng nararamdaman ng kaniyang bidang babae sa nobelang kaniyang sinusulat. Mga kiliti sa tiyan tuwing hinahawakan ng lalaking bida ang kamay ng babae. Mga paruparo na nagliliparan sa tiyan tuwing kinikilig ang bida. Mga ngiting hindi maiwasan tuwing nagtatama ang kanilang mga mata.
Ganoon ang nararamdaman niya. Minsan talaga naiisip niya, bakit tila nagkakatotoo ang kaniyang sinusulat? O baka nababaliw na talaga siya kaya naiisip niya iyon?
Ano ba talaga?
Pero, teka. Tiningnan niya ang binata.
Nakasuot ito ng uniporme nila sa university. Sa lahat yata ng instructors na nandito ngayon ay ito lang ang hindi nagpalit ng damit. Halos lahat kasi ay nagpalit na upang may mai-post sa social media.
Kahit siya ay nadala.
Siyempre, magpapahuli ba naman ang nag-assist sa event na ito? Natural, hindi! Mahuli na ang mga instructors sa ibang department pero hindi ang isang Sharon Alvarez!
Nasa gym sila at pinapanuod ang Fashion Runway. Maingay na musika at nakakasilaw na liwanag ang tanging saksi sa kabang nararamdaman niya pero kahit sobrang ingay, dinig na dinig niya ang sinabi ni Lloyd kanina.
“Why are you here?” she managed to asked. Buti naman nahanap niya ang kaniyang dila. Jusko marimar!
Akala niya talaga naiwan niya ang kaniyang dila, natawa siya naisip. Paano ba maiiwan ang dila? Ito yata ang bunga ng pagiging manunulat niya, ang likot ng kaniyang isipan.
“Why, honey? Bawal ba?” tanong ni Lloyd habang nasa stage pa rin nakatuon ang paningin.
Ano ba naman iyan! Hindi man lang siya tiningnan samantalang hawak-hawak nito ang kamay niya at pinipisil-pisil pa.
Ang hirap talaga sa mga lalaki, minsan hindi showy. Wala sa sariling pinaikot niya ang mga mata.
Panty, kapit ka lang, okay? Bulong niya. Paano ba naman kasi, boses pa lang ni Lloyd, ulam na.
Binalik niya ang tingin sa stage. Hindi ito ang panahon upang magpadala siya sa kaniyang kalandian. Hindi pa nga niya napapatawad ang sarili sa ginawa niyang kagagahan no’ng nakaraan at heto na naman siya, nagpapadala sa bugso ng damdamin.
Hindi tama ito, ayaw niyang mahulog sa bitag ng lalaki.
Kung may bitag nga ba talaga o baka imagination lang niya ang lahat. Baka ganito lang talaga si Lloyd sa lahat ng babae na kilala nito.
Oo tama, baka nga.
I can’t take this anymore, bulong niya. Niyakap siya ng binata at inihilig ang ulo sa balikat niya.
Kalma Sha, dapat umalis ka na rito, sabi ng utak niya ngunit ayaw sundin ng kaniyang katawan ang sinasabi ng utak niya. Katangahan na naman, Sharon! Lumalapit ka talaga sa disgrasiya.
Tanga, grasiya ‘to, sagot ng kaliwang bahagi ng kaniyang utak.
“I miss you, Sharon.”
Pretend that you didn’t hear anything, she whispered.
Naramdaman niyang binaba ni Lloyd ang braso nito na nakayakap sa kaniya. She felt relief. Goodness! Muntik na siyang atakihin sa puso. Nag-focus siya sa competition at isinawalang-bahala ang binata kahit nilalaro nito ang mga daliri niya.
Huwag paapekto Sharon. Lloyd is a fuvking temptation!
Totoong temptation talaga ang lalaking ito at siya namang tanga, hindi umiiwas. Sa halip ay lumalapit pa. Hindi lang basta lumalapit, kusang lumalapit.
Ang sarap niyang bigyan ng award. Katangahan Award!
Pero kahit anong gawin niya, hindi siya makapag-focus sa event! Buwiset na buhay naman ito, oh!
Lord naman, baka ano na namang kagagahan ang magawa niya. Iba ang sinasabi ng utak niya, pero ang litseng katawan niya sinapian na yata ng isang kilong kalandian. Ito na kaya ang resulta ng mga binabasa niyang erotic stories? O ito na kaya ang resulta ng mga kabaliwang sinusulat niya?
Teka nga lang, kailan pa siya naging malandi?
Eh ang baklang Gian at itong nakababaliw na Lloyd nga lang ang lalaking naging parte sa magulong buhay niya. Tapos itong si Gian naman, fifty percent girl pa, mas malandi pa nga sa kaniya eh. Sa madaling salita, si Lloyd pa lang ang pure guy na nakakuha sa kalandian niya.
Nawala sa utak niya ang mga hinanakit niya sa buhay nang maramdaman niya ang kamay ni Lloyd sa bandang tiyan niya.
Anong ginagawa ng lalaki? Bakit bumaba ang kamay nito?
Nakasuot siya ng white tube at black blazer, black square pants naman sa ibabang parte niya. Malayang hinahawakan ni Lloyd ang tiyan niya, walang kahit anong sagabal. Pipigilan niya sana ito ngunit no’ng tiningnan niya ang lalaki, sa stage ito nakatingin.
Okay, deadma. Nilakbay ng kamay ni Lloyd ang tiyan niya pababa sa kaniyang puson. At bumaba pa, pababa sa kaniyang…
Her cherrypop! Malaya itong nakapasok sa square pants niya dahil garter size ito.
“What the hell Lloyd!” aniya nang hawakan nito ang ibabang parte niya.
Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin. Kung dapat ba niyang sampalin ang lalaki dahil sa ginawa nito o hayaan na lang. Kung dapat ba siyang sumigaw o hindi. Kung dapat ba siyang umalis o magpatianod na lang.
Go with the flow o hindi?
Pero bakit may bumubulong sa kaniya na hayaan na lang si Lloyd sa ginagawa nito? Bakit gano’n? Nakuha na kaya ni Lloyd ang utak niya at nais nang sumunod sa mga nais niyang gawin?
Kusang pumikit ang kaniyang mga mata. Mukhang nais niyang maramdaman ang ligayang hatid ng daliri ni Lloyd. Alam niyang mali ngunit gusto niya munang sumuway kahit ngayon lang.
Kahit ngayon lang sa mga oras na ito ay nais niyang maging masaya. Nais niyang maramdaman ang saya at sarap na kayang ibigay ni Lloyd.
Gaga, ang landi mo, bulong ng utak niya.
Ramdam niya ang masarap na init ng kamay ng binata. Ramdam niya at bumabalot ang kiliti sa kaniyang buong katawan. Ramdam niya ang sarap.
Ramdam niya ang init, sarap, at kiliti na minsan lang niyang maramdaman sa buong buhay niya.
Iginalaw ni Lloyd ang daliri at ramdam na ramdam naman niya habang nakapikit siya. Pakiramdam niya ay ngumiti si Lloyd dahil nakuha na naman siya nito.
Bakit ba kasi ang hirap hindian ng lalaking ito? Nasa tamang pag-iisip pa ba siya?
Oh God, bakit pa siya nagtatanong? Sobrang halata na kung ano ang sagot.
Wala na siya sa tamang pag-iisip. Kalandian na ang bumabalot sa utak niya. Kalandian na parang gusto niya munang sundin ngayon. Kahit ngayon lang.
Dinig na dinig niya ang paghinga ni Lloyd. Hindi na nga niya matukoy kung si Lloyd pa ba iyon o siya na talaga. Marahas na kasi ang paghinga niya dulot ng ginagawa ng binata.
Inilapit nito ang mukha sa leeg niya at bumulong, “You’ll like this, I promise.”
Bakit pati ang paraan ng pagbulong nito ay masarap sa pandinig niya? Sa paraan ng pagbulong nito ay mas ginaganahan siyang sundin ang gusto nito. Ginigising ni Lloyd ang natutulog niyang sistema.
Lahat ng ginagawa ng lalaki ay masarap para sa kaniya. Pati pagbuga nito ng hangin na dumadampi pa mismo sa kaniyang leeg ay maganda sa kaniyang pakiramdam.
Nababaliw na ba talaga siya o normal lang ang ganitong pakiramdam?
Mabuti na lang madilim sa lugar na inuukupa nila at sila lang dalawa ang nandoon.
Can I moan? Fuvk!
“Ma’am Sharon, kanina pa po kita hinahanap. Si Foina po, hindi na raw po magkasiya ang bridal gown niya. Medyo lumiit daw po ang kaliwang shoulder ng gown. Ano pong gagawin, Ma’am?”
Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang biglang lumitaw ang estudyante niya at habol ang hininga. Luminaw ang kaniyang pag-iisip at nahihiya siyang tingnan si Lloyd.
Nahihirapan na pala ang mga estudyante niya pero heto siya’t nagpapakasaya.
Mali, nagpapakasarap pala dapat.
Umiling siya at nilapitan ang estudyante. Sana hindi nito nakita ang ginawa niyang kamunduhan. Nakakahiya siya!
“Nasa’n si Fiona?” tanong niya habang pinapakalma ang sarili.
Ramdam pa rin niya ang kaba. Ramdam niya ang init na bumabalot sa kaniya kanina. Mukhang ibang Sharon na naman ang lumitaw.
Bakit kapag nasa tabi niya si Lloyd ay nagbabago ang ugali niya? Hindi naman siya ganito dati. Kahit nga nagsusulat siya ng mga matured content ay hindi naman siya nakakaramdam ng ganito. Parang wala lang, walang epekto sa kaniya. Walang epekto sa katawan niya.
Pero bakit gano’n? Anong ginawa ni Lloyd sa kaniya at naging ganito siya? Anong nangyari sa kaniya at bakit biglang nagbago?
Bakit hindi na niya kayang kontrolin ang katawan niya?
Matapos niyang tulungan ang estudyante na nagdilang-anghel sa kaniya upang maalis siya sa kabaliwan ang pinakalma niya ang sarili.
Nang makarampa na lahat ng mga estudyante niya ay doon pa siya nagpasiyang pumunta ng comfort room upang mag-ayos. Pakiramdam niya kasi ay wala na sa ayos ang buhok niya dahil sa nangyari kanina.
Kailangan niya rin yatang maligo ng alcohol para kahit papano ay mabawasan ang bacteria sa utak niya. Baka iyon ang dumami kaya hindi na siya makaisip ng matino.
Matino naman talaga siya noon. Sa totoo nga ay hindi talaga siya dumaan sa ganoong sistema.
Binuksan niya ang pinto ng comfort room ngunit hindi pa siya nakakapasok ay narinig niya ang boses ni Lloyd at tinatawag siya.
Huminto siya ngunit hindi siya lumingon.
“Bakit hindi ka na bumalik?” tanong nito sa kaniya.
“May kailangan bang balikan?”
“Bakit? Wala ba?” balik-tanong nito na nagpataas ng kilay niya.
“Ano sa tingin mo?”
“Walang dapat balikan ngunit may dapat tapusin,” matigas nitong sambit at inisang hakbang ang pagitan nila.
Sinakop nito ang labi niya at hindi na siya nakapalag pa.
“Happy anniversary,” nakangiting bati ni Lloyd sa kaniya sabay yakap. Hindi masukat ang ngiti na binibigay ni Lloyd sa kaniya katulad sa mga binibigay nitong saya.Gaya ng paulit-ulit na binubulong niya sa langit, wala na siyang mahihiling pa. Kasiyahan? Alam naman niyang sila ang may kontrol no’n. Ang tanging minimithi lang niya ay sana makayanan nila ni Lloyd ang lahat. Sana walang sumuko sa kanila.Sana pag-ibig ang tanging uumapaw. Sana kaya nilang harapin ang lahat. Hindi rin lingid sa kaniya na may panahong mahihirapan pero kakayanin niya. Basta nasa tabi lang niya si Lloyd at ang anak nila, kakayanin niya.“Happy fifth anniversary too, hon.” Pinugpugan siya nito ng halik sa mukha.Maraming taon ang lumipas, marami rin silang napagdaanan. May away man, may tampuhan pero walang iwanan. Lalaban anuman ang mangyari. Lalaban sila ng sabay, hindi lang para sa sarili kun’di para sa pamilya niya.Kung bibigyan siy
“Bust, thirty two and one-half. Waist, twenty five,” sabi niya habang kinukuhanan ng sukat ang estudyante niya. “Nailista mo ba?” dagdag pa niya.Ang sarap sabunutan nitong estudyante na kinukunan niya ng sukat. Kung sana kasi hindi ito malikot, kanina pa sana sila tapos. Kung hindi kasi ito naglilikot panay pag-iinarte naman ang inaatupag.“Yes, Ma’am.” Tumango naman ang estudyante na naka-assign sa paglista.May ginagawa kasi sila ng mga bata. Ang mga napili niyang estudyante ang magtatahi ng school uniforms sa mga bagong salta na estudyante sa university nila. Ang mga magiging freshmen nila ngayong taon. At ang sabi pa nitong kasama niyang estudyante, sa first day lang din daw naman magiging fresh.“Hip, thirty three,” patuloy pa rin siya sa pagkuha ng measurements ng makulit na estudyante.Ewan din ba, hindi siguro napansin ang pagtaas ng kilay niya dahil sa kakulitan nito.Almost two
“I’m so excited!” Umalingawngaw ang sigaw ng isa niyang kasama sa trabaho, si Liza Mae. Halos yanigin ang buong department nila sa tinig nito. Ito na yata ang tinig na sinasabi nilang kayang basagin ang baso. Kusang lumingon ang ulo niya upang tingnan ang papasok pa lang na si Liza Mae. May dala itong isang papel na kulay asul at kumikintab pa. Nilakihan nito ang bukas ng sliding door at pangiti-ngiting pumasok, tila isang beauty queen na nanalo sa contest. “Excited saan? Excited kang mabagsak sa evaluation ng mga bata?” Tumawa ang lahat nang biglang nagsalita ang isang instructor na katabi niya. Kilala ito bilang maldita, kung ang mga estudyante ang tatanungin. Terror daw kasi at binabagsak talaga ang estudyante na hindi sinusunod ang mga utos nito. “Hindi! Sanay na akong mabagsak.” Tumawa si Liza Mae at umupo sa tabi ng table ni Clara, ang instructor na sinabihan itong mababagsak sa evaluation. “Excited ako rito.
“Hon, kailan ang uwi mo?” tanong ni Sharon sa binata. Ngumiti pa siya habang tinitingnan ito sa cellphone. Umayos siya ng higa pagkatapos kunin ang isang unan niya at nilagay sa likod. Inayos niya rin ang kaniyang kumot dahil medyo malakas ang buga ng aircon.Kausap niya sa video call si Lloyd at panay ngiti ang binata mula pa kanina. Halos trenta minuto na raw ito naghihintay na tumawag siya, kaso lampas trenta minuto naman siyang naligo sa banyo. Walang nagawa ang kawawang Lloyd Gonzales.Video call na lang muna kaysa naman hindi niya ito makausap, mas nakakalungkot iyon. Hindi na nga siya halos makakalma tuwing naiisip niya na hindi niya kasama ang binata.Miss na niya ito. Miss na niya ang amoy nito. Miss na niya ang halik nito. Miss na niya ang mga kalokohan nito. Miss na niya ang lahat ng tungkol kay Lloyd.Kahit mabango nitong kilikili, miss na niya rin.Ewan ba at kung makaakto siya ay parang isang taon na niyang hindi nakikita
Lumipas ang isang araw pero hindi na niya nakita pa ang Lloyd Gonzales na nakausap niya kahapon. Hindi na nga rin niya ito nakita sa campus pagkatapos iwan niya ito sa high school department. Nang kumalma kasi siya ay muli siyang pumunta roon sa department ng high school pero wala na roon ang lalaki.Malaki ang porsiyento na naniniwala siyang hindi niya boyfriend iyon. Kahit ilang buwan pa lang silang nagkakilala ng binata pero kilala na niya talaga ang nobyo. Kung paano ito ngumiti, alam na alam niya. Kung paano ito kumindat, kabisadong-kabisado niya. Ang paraan nito ng pagtawa, addict na addict siya. Higit sa lahat, ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan, alam niya kung si Lloyd ba iyon o hindi.Kahit ang paglakad pa lang ng nobyo, alam na niya. Hindi talaga siya maaaring magkamali, hindi si Lloyd ang nakaharap niya kahapon. Kung sino man iyon, hindi niya alam.Ibang Lloyd talaga iyon, singit na naman ng utak niya.So weird. Hindi pa rin niya nakakausap
Mapusok, mapangahas, at mapaghanap ang bawat halik na ibinibigay ni Lloyd kay Sharon. Tila hinahalungkat ng binata ang buo niyang pagkatao. May hinahanap na hindi niya alam kung ano. May mga gustong malaman na hindi niya rin batid.Nanginginig ang labi ni Sharon sa bawat sagot niya sa mapupusok na halik ni Lloyd. Sinasagot niya iyon kung paano at kung gaano katindi ang binibigay na halik ng binata sa kaniya. Gusto niya rin na iparamdam kung ano ang pinaparamdam nito sa kaniya. Gusto niyang ibalik kung ano ang ibinigay nito.Tila ba nagkaroon sila ng sariling mundo at sa lalaki lang iyon umiikot. Kahit nakapikit siya ay tila ba nakikita niya pa rin ang mga kulay na pumapalibot sa kanila, nagbibigay ng napakagandang liwanag.Nang makapasok na sila sa kuwarto ng boarding house ni Lloyd ay agad siya nitong isinandal sa dingding ng kuwarto at doon ibiniyaya ang marubdob na halik na gustong-gusto niya. Halik na may pananabik, halik na mapusok, halik na mainit, at hali