Share

Sex Adventure (Boyslove)
Sex Adventure (Boyslove)
Author: InyegoJR

DISCLAIMER/OVERVIEW

SEX ADVENTURE

Copyright© 2021 by Inyego-Jr

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this book may be reproduced, stored in a retrieval system or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying and recording without the prior written permission of the author.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

R-18/SPG. This story may contain matured theme such as drugs, sex, violence and/or explicit scenario that may not be suitable for young readers.

UNGOL at hagikhik ng isang babae ang narinig ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ng apartment namin. Halos gabi-gabi na lang may inuuwing babae si Natan. At sa katahimikan ng gabi, ako ang madalas na nakakasaksi sa kalokohang ginagawa niya.

Parati kasing gabi na ako kung umuwi dahil tinatapos ko muna ang part time job pagkatapos ng klase. Wala naman sana akong dapat ipag-alala dahil sagot ng ate ko lahat ng gastusin sa room na inuupahan ko, pero mas pinili kong magtrabaho para na rin kalimutan ang mga bagay na dapat ibaon na sa limot. Mas mabilis makalimot kung palagi kang busy.

"GOSH, 'yon lang 'yon, Nate?"

Halatang bitin ang babae.

"Oo! Natikman mo na ako, ok na 'yon. Pwede ka nang umuwi sa inyo," kalmadong sagot ni Nathan.

"Ang boring mo!" bulyaw ng babae sabay sampal nito sa mukha ni Nathan. "Akala ko pa naman kung gaano ka katigas tingnan, gano'n ka rin katigas sa kama! Ang boring mo!"

Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Nathan noong nag-back out ang babae habang ibinababa nito ang laylayan ng suot na maikling kamiseta na kanina lang ay nakataas hanggang collar bone.

Nagpatuloy ako. Nakasalubong ko ang babae sa may pintuan. Saglit pa kaming nagkatinginan pagkatapos ay padabog itong naglakad palayo sa amin.

Pumasok naman ako at dire-diretsong naglakad patungo sa aming kuwarto.

Ipinatong ko ang dala kong bag sa ibabaw ng kama at lumabas ulit ng room para kumain sa kitchen. Binuksan ko ang ref para i-check kung may natitira pang pagkain doon. Nagugutom na kasi ako dahil hindi pa ako kumain at anong oras na akong nakalabas ng trabaho. Tiniis kong huwag lingunin si Nathan dahil alam kong nakahubad siya ngayon. Pareho naman kaming lalaki pero nakakailang pa rin iyon lalo na at katatapos niya lang makipagtalik.

Malas. Walang pagkain sa ref! May nakita akong isang case ng beer doon tapos tubig, may mga natitirang hilaw na kamatis t'saka gulay, maliban doon ay wala na. Wala na akong makakain for dinner.

"KUNG gusto mo, ako na lang gawin mong dinner?"

Napalingon ako sa biglang pagsasalita ni Nathan. Nakita ko siyang nakangisi. Namumuo ang pilyong ngiti sa kanyang labi.

Umiwas na lang ako ng tingin. Bigla kasi akong kinabahan sa pagngisi niya. Parang may iba sa ngiting iyon. Marahil ay nagsawa na siya sa pakikipagtalik sa mga babae kaya ako naman ang pagtitripan niya.

Maya-maya ay narinig ko siyang bumaba sa kanyang kama at naglakad papunta sa kinatatayuan ko.

Shit, ano bang iniisip mong gawin, tsong?

Naglakad ako patungo sa may lababo para maghilamos at iwasan siya. Maghuhugas na lang ako ng mukha at magmumumog pagkatapos ay matutulog. Bukas na lang ako sa breakfast babawi.

Nagulat ako nang biglang dumampi ang hinaharap niya sa may pwet ko dahilan para tumigil ako sa paghihilamos. Humarap ako sa kanya. Muntik pa kaming magkahalikan dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. At sa halip na ilayo niya ang kanyang mukha ay lalo lang siyang lumapit habang namumuo ang kapilyuhan sa kanyang ngiti. Itinaas niya pa ang kanyang kamay at dumiin siya sa may kabinet ng mga kubyertos habang tinutunaw ako ng tingin.

Shit naman tsong!!! Ano bang binabalak mo?

Halos manginig na ako sa kinatatayuan ko. Nakadiin na ako sa lababo at mabilis na hinahabol ang paghinga. Ramdam ko ang pwersa sa pwet kong nakalapat na sa lababo dulot ng pag-atras ko para lang umiwas na magkahalikan kami.

Hindi nagbabago ang expression ng mukha ni Nathan kaya napapikit na lang ako.

Alam kong nabitin siya sa babae niya kanina pero huwag naman sanang ako ang balingan niya ng kalibugan dahil pareho kaming lalaki.

"You are expecting a torrid kiss from your hot roommate, Lucas. Don't you?"

Iminulat ko ang mata ko at nakita ko siyang may hawak na tray na puno ng pagkain.

"Hi-hindi 'no! Saan ka kumuha niyan?" tanong ko.

Biglang kumalam ang sikmura ko.

"Diyan!" Itinuro niya ang kabinet ng mga kubyertos kung saan siya nakadiin kanina gamit ang kanyang nguso saka ngumisi ulit. "Hindi mo lang napansin. Iniisip mo kasing hahalikan kita kaya hindi mo nakita na kinuha ko ang tray. Tara kain tayo?"

Naglakad siya patungo sa table at ipinatong ang mga pagkain. Nilagay niya pa sa harapan ng upuan ko ang isang plato at nilagyan iyon ng mga pagkain pagkatapos ay umupo at iminuwestra ang mga pagkain.

Roommates kami ng five months pero hindi kami close. Madalas kasi siyang wala, or let's say sa gabi lang kami nagkikita sa room dahil kapag araw ay may kani-kaniya kaming pinagkakaabalahan. Ni hindi ko nga siya kilala. I know his name is Nathaniel de Guzman, but I don't know him behind the name. Basta ang alam ko lang, iba't ibang babae ang inuuwi niya rito sa gabi pagkatapos ay gigising ako sa umaga, nakaalis na siya.

Kaya nagtataka ako kung bakit bigla niya akong niyayang kumain. Bago 'yon ah! Sigurado ba siyang gusto niyang kumain kasama ako?

"Lucas!" mautoridad na itinuro niya ulit ang mga pagkain sa mesa. "Wala naman sigurong masama kung minsan mag-uusap tayo. Mag-jamming, lumabas at mag-inuman! Naisip ko lang, paano kung may mangyaring masama sa isa sa atin. Dapat may pakialam tayo sa isa't isa."

Umupo na lang ako sa table at sinimulan kong kainin ang mga pagkaing inihada niya. May point naman siya. Pero ayokong pag-usapan.

"Salamat! Nagugutom na rin ako, e."

Tiningnan niya lang ako at patango siyang nagsalita. "Pasensya na, naubos ko kanina ang pagkain mo sa ref. Walang magawa e, tuloy napagtripan ko ang mga pagkain mo. 'Wag kang mag-alala, mamamalengke ako bukas at ipagluluto kita para makabayad ako sa 'yo."

"Wala 'yon."

Iyon na lang ang naisagot ko. Naiiling kasi ako titig niya.

"May ipapakilala pala ako sa 'yo. Maganda 'yon, bro! Diskartehan mo tapos dalhin mo dito. Mas tipid pa kaysa magchecheck in kayo."

"Hindi ako interesado sa babae!"

Totoo, hindi na ako interesado sa babae. Mas priority ko kasi ang pag-aaral para makatulong ako sa ate ko na ipagtayo ng bahay sina nanay. Wala akong panahong makipagrelasyon ulit.

"Eh sa lalaki?"

Tiningnan ko siya at nakangiting-demonyo na naman siya.

"Interesado ka ba?"

Kinilabutan ako bigla sa tanong niya lalo pa noong naramdaman ko ang mapanlaro niyang paa, na mula sa ilalim ng mesa ay naglalakbay sa aking binti pataas sa aking pinakamaselang bahagi.

"Ako kasi minsan, gusto ko ring subukan. Malay natin, mas masaya palang karelasyon ang kapwa lalaki."

Lumapit siya sa akin. Tumayo siya sa may likuran ko at sinimulang himasin ang aking dibdib. "Lucas, pumapayag ka na bang sububukan natin ang sex adventure?"

Nahulog ang kutsarang hawak ko. Sinubukan kong kumawala sa kamay niyang palarong nilalakbay ang halos buo kong katawan. He even tried to unbelt my pants as he sensually kissed my neck down to my shoulders. Hindi ko siya maawat dahil malakas at mahigpit siyang nakayakap sa akin mula sa likuran ko.

"Nat!"

"Wag kang matakot sumubok, Lucas. Malay mo, mas maging masaya ka kaysa kay Karla. Subukan lang natin."

Ramdam ko ang mainit niyang hiningang tumatama sa aking leeg at tainga, bagay na nagtutulak sa akin para pumayag sa gusto niya.

Humarap ako sa kanya. The moment our eyes met, Nathan claimed my lips and kissed me hungrily like there's no tomorrow. Hindi ko namamalayang nahubad niya na pala ang aking damit at nakabukas na ang zipper ng pantalon ko. Namalayan ko lang iyon nang bigla niya akong itinulak sa aking kama.

Hindi ko alam kung gaano kabilis nangyari iyon!

The next thing I knew, nakapatong siya sa akin at magkadikit ang nag-iinit naming mga katawan.

I didn't stop him. Instead, I climbed on top of him and aggressively kissed him. I lifted and pinned him against the wall beside my bed, kissing him fiercely once again.

"Nakakasawang maging laruan ng babae," hinihingal na sabi ko.

"Nakakapagod magmahal. Kaya Nathan... pumapayag na ako sa sex adventure!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status