Share

PROLOGO: BANGUNGOT NG NAKARAAN

"HINDI ako papayag." Mariin kong isinara ang aking kamao at malakas na sinuntok ang kotseng naka-park sa tabi ko.

"Hindi ako papayag na iwan mo ako nang gano''n lang, Sydney. Matapos mong angkinin ang katawan ko bigla mo akong iiwan dahil may iba ka na?"

"Lucas, hindi ko naman sinasadya, e! Basta nagising na lang ako isang araw na mahal ko na si Abel. Kasalanan ko ba 'yon?" naiiritang tugon niya sa akin. Umirap pa siya at halatang hindi na siya interesado pa sa akin.

Hindi ko matatanggap.

Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay. Nagngingitngit ang ngipin ko sa galit. "Hindi ba gano'n kalaki ' para ipagpalit mo ako sa iba, ha? Halika, sasampolan kita ulit baka sakaling magbago ang isip mo!"

PRIDE ang pinakamasakit sa part ng mga lalaki pagdating sa break up. Kung masakit para sa babae na sila ang maiwan sa isang relasyon, doble ang sakit para sa amin. Bukod sa nagmamahal kami nang sobra, naapakan pa ng aming ego.

Gusto kong sugurin at patayin ang lalaki niya.

"Ano?" dagdag na sigaw ko.

Tumingin si Sydney sa buong paligid at napansin ang mga taong napalingon sa amin dahil sa lakas ng sigaw ko. Nakalimutan kong nasa labas pala kami ng mall. Napakaraming tao. Tiningnan niya ako nang masama at naiinis na tumalikod saka naglakad palayo sa akin.

Hinabol ko naman siya at kinaladkad. Nagpara ako ng taxi. Mabuti na lang at agad naman itong huminto. Kinaladkad ko siya sa loob at doon tinabihan. Pero ni hindi ko man lang siya mahawakan dahil sa ilap niya.

Dinala ko siya sa Montalban kung saan kami unang nagkakilala. Pero buong biyahe, hindi kumibo si Sydey at ganoon din naman ako. Siyempre sino pa ba ang kikibo sa lagay namin ngayon. Nakikipaghiwalay siya at ako namang si tanga, gusto pa ring ayusin ang gusot naming dalawa.

Noong pumasok ako sa relationship, inihanda ko na ang sarili ko sa posibleng mangyari. Inihanda ko na ang sarili ko sa oras na makikipaghiwalay na siya sa akin.

Hindi naman ako iyong klase ng lalaki na mamahalin ng isang babae hanggang sa huli. Mahirap lang ako. In fact, I'll stop schooling this year. Hindi afford ng pamilya ko. Kaya kung isa kang babae na may mataas na standard sa buhay, makikipaghiwalay ka rin sa lalaking walang pera.

"ANO ba, Lucas! Saan mo ba ako dadalhin?" Pilit na tinatanggal ni Sydney ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kanya. Hinihila ko siya para mabilis kaming makarating sa may madamo at mapunong lugar.

"Ipapaalala ko sa 'yo kung paano tayo nagkakakilala. Sydney, mahal na mahal kita."

Dito kami nagkakilala sa Montalban. May trip kami ng tropa no'ng nakita ko si Sydney na nakatayo sa ilalalim ng puno at dinaramdam ang malamig na hangin. Inapproach ko siya no'n at tinanong ang pangalan niya. Hindi siya sumagot pero kumuha siya ng papel at nagsulat saka inilabas ang tucker mula sa bag at idinikit iyon sa puno. Gandang-ganda ako sa kanya noon at na-love at first sight ako kaya naman mabilis ko ring inilabas sa bag ang dala kong kutsilyo saka inukit sa puno ang pangalan ko.

Nagkabigayan kami ng f******k account kaya nagkaroon kami ng communication pag-uwi. Noong nagkita kami ulit dito, ipinagtapat ko ang nararamdaman ko sa kanya, tinaggapn niya ako. Naging kami. Inukit ko pa no'n ang petsa ng anniversary namin.

NAGULAT naman ako noong biglang may tumamang matigas na bagay sa batok ko. Naging sanhi iyon para mabitawan ko Sydney. Hindi ako nahimatay pero kasunod niyon ay pambubugbog ang natamo ko mula sa dalawang lalaki. Apat sila, and dalawa ay nakahawak ka Sydney.

"Bitawan niyo ako!" takot na pakiusap ni Sydney. "Lukas!"

Napakabilis ng pangyayari. Habang hawak si Sydney ng dalawang lalaki, binubogbog ako ng dalawa. Malalakas ang mga ito dahil nasa late 30 na ang mga gulang ayon sa itsura. Hindi sila tumigil hanggang dumugo na ang bibig ko. Hinubaran nila ako ng damit, pantalon at brief saka itinali. Wala akong nagawa kung hindi panuorin ang gagawin nila.

"Ano ba? Nasasaktan ako! Bitawan niyo ako." Pumapalag si Sydney. "Lukas tulong!"

Gustuhin ko mang iligtas ang babaeng mahal ko ay wala akong nagawa. Nanghihina na ako at nakatali patayo sa puno.

"Wag kang mag-alala Miss Beautiful! Dadalhin ka namin sa langit." The man with tatoo grin at her. "Sa amin mo malalasap ang tunay na sarap!" dagdag nito saka sila nagtawanan.

"Ano ba! Bitawan niyo ako sabi, nasasaktan ako!" Pumapalag pa rin si Sydney pero kitang-kita kong namumula na ang braso niya na hawak ng mga manyakis na lalaki.

Noong nakawala ang isa niyang kamay ay sinampal niya ang isa sa mga lalaki. Pero nagalit iyon at sinampal din siya. Humithit ng sigarilyo ang lalaking sumampal kay Sydney, sampal na hindi gamit ang palad kundi likod ng palad nito. Mas masakit iyon. Naglalandas ang luha niya sa mata at ganoon din ako. Pero inutil ako. Wala akong magawa para iligtas siya.

"A... anong gagawin niyo?" tanong ni Sydney nang makita niyang itinapon ng lalaki ang hithit na sigarilyo at hinila ang baging galing sa puno.

"Lucas, ayoko! Lukas, tulungan mo ako, please!"

Marahas na hinawakan ng lalaking may tatoo ang kanyang baba at pinisil nang mahigpit ang bagang niya. "Manahimik ka!"

Tinalian ng lalaking kanina ay humuhithit ng sigarilyo ang kanyang kamay. Isinandal sa puno at doon tuluyang itinali gaya ng ginawa nila sa akin. Nakadipa ang pagkakatali nila kay Sydney dahil nagkataong may nakataling kahoy sa puno na parang naka-cross. Hindi naging madali ang pagkakatali nila dahil pumapalag siya pero ano ang laban ng babae sa apat na lalaki? Wala. Kaya nagtagumpay sila.

Kinalas ng lalaking may tatoo ang sinturon at ibinaba ang zipper ng pantalon saka bahagyang ibinaba hanggang tuhod. Tiningnan nito ang dalawa pang lalaki na sunud-sunuran namang hinubaran ang babaeng mahal ko.

Sinimulang nitong halikan si Sydney. Pumapalag siya. Umiiyak. Nagmamakaawa na huwag ituloy ang gagawin nila, pero para sa lalaking wala sa katinuan, hindi man lang sila nakaramdam ng awa.

Itinali na rin ng dalawang alipores ang mga paa ni Sydney. Iyong medyo nakabukaka nang sa gano'n ay hindi siya makapanlaban. Hinalikan ng lalaking may tatoo ang kanyang mukha, pababa sa kanyang labi.

Dinuraan ni Sydney ang mukha ng lalaki na ikinatuwa lang nito. Inaabot pa ng dila nito ang laway ni Sydney na tumama sa mukha. He kissed her hungrily, leaving red marks at her soft skin. Down to her neck, he sucked her skin making her moaned. Nagmamakaawa si Sydney habang ako ay walang tigil sa kakamura sa kanila.

Naghubad na rin ng pantalon ang lalaking kanina ay naninigarilyo, ganoon din ang dalawang alipores nila.

"Mga hayop kayo!"

Iyon na lang ang nasasabi ko. Napakainutil ko! Kasalanan ko ang mga nangyayari ngayon. Sana pinabayaan ko na lang si Sydney. Mas matatanggap ko pa na sasama siya sa ibang lalaki kaysa makita ko siyang pinagsasamantalahan at wala akong magawa. Mas masakit.

Nagtagumpay ang apat na lalaki na pagsamantalahan si Sydney. Noong nakuha na nila ang pakay sa babaeng mahal ko ay isinuot na nila ang kani-kanyang damit at pinakawalan ako. Hinampas pa ako ng tsinelas sa mukha ng isa sa kanila.

Mabilis kong dinampot ang damit ko. Ininda ang sakit dulot ng pambubugbog ng mga lalaki at tumakbo papunta kay Sydney. Isinuot ko sa kanya ang damit ko at niyakap. Duguan siya at lumuluha.

Panay hingi na lang ako ng sorry sa pagdala ko sa kanya rito. Kung sana hindi ko pinairal ang ego, hindi nangyari 'to. "... I'm sorry, Sydney! Kinain ako ng galit! Hindi ko lang kayang mawala ka sa akin kaya please... Bumalik ka na sa akin. Ayusin na natin 'to! Tatanggapin kita sa kabila ng nangyari."

Nanlilisik ang luhaan niyang mga mata. Tumingin sa akin. "Wala nang maayos sa atin, Lucas! Tandaan mo, hinding-hindi ako magiging sa 'yo kasi Lukas..." Nag-ipon siya ng hininga at saka sumigaw nang malakas. "Kinamumuhian kita!"

KINAMUMUHIAN KITA!

KINAMUMUHIAN KITA!

KINAMUMUHIAN KITA!

~~~~~ *** ~~~~~

NAGISING ako dahil sa bangungot na iyon. Napabalikwas ako sa kama at napahawak nang mariin sa aking sintido. Ang boses ni Sydney ay umaalingawngaw pa rin sa isipan ko. Isang taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari. Wari isang bangungot na dumadalaw sa akin sa mahinbing kong pagtulog.

Nagbadya ang luha sa aking pisngi. Ramdam ko pa rin ang sakit, nakokonsensiya pa rin ako sa nangyari. Sarili ko pa rin ang sinisisi ko. Kung sana kaya kong ibalik ang oras, gagawin kong tama.

Biglang may tumama sa braso ko. Hinawakan ko iyon at nakapa ko ang bote ng mineral water. Sumindi ang ilaw at bumungad sa paningin ko si Nathaniel, ang ka-roommate kong manyak. Nakabrief lang siya at bukol na bukol ang kanyang pagkalalaki. Blangko ang expression ng kanyang mukha habang nakatingin sa akin.

Walang usapang naganap. Hindi naman kami close para mag-usap pero isang salita lang ang nabitawan ko bago ko binuksan ang tubig at uminom... "Thanks, bro!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status