Share

KABANATA 6: NATHAN PROPOSES SEX ADVENTURE

KUMUHA ako ng accountancy sa university. Pumasa ako. Ang standard na sinet ko noong nag-take ako ng exam is to top, pero hindi ko nagawa, but atleast, I passed. Ganoon kasi ang itinuro sa akin ng ate ko. Kung magse-set ka lang naman ng standard, taasan mo na, at least kung hindi mo man maabot iyon, hindi ka babagsak sa wala.

Si Dan ang halimbawa ng may mababang standard. Para sa kanya kasi, sapat na ang pumasa kaya relax lang siya at hindi nag-review. Ang kinalabasan, bumagsak! Mangiyak-ngiyak siya dahil hindi na raw siya pag-aaralin ngayong taon bagkus ay pinatutulong na lang siyang mangasiwa muna sa kanilang grocery store.

"Good luck na lang sa inyo, mga tropa!" malungkot na kinamaya kami ni Dan. Hinawakan niya pa ang uniform ko at inggit na inggit na inayos ang aking kuwelyo. "Basta kapag may lakad kayo, 'wag niyo akong kalimutan a."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status