Mag-log in
'' papa !'' hagulgol ng isang anak ang maririnig sa buong loob ng morgue . Maririnig kung gaano ito nasasaktan at nalulungkot sa pagkawala ng kanyang ama .Gumuho ang mundo ni Sofia ng makita na ang ama nga niya ang nakahiga sa isang square na parang lababo .Tangin kumot na puti lamang ang nakatakip sa bangkay ng kanyang ama dahil tapos na itong na imbalsamo .
''wala na ang papa mo Fia iniwan na niya tayo '' napayakap siya sa kanyang ina na sobrang payat dahil sa problema .Bagong panganak lang ito sa bunso nilang kapatid. Kung gaano siya nasasaktan kitang kita ang sakit sa mata ng kanyang ina . Siguradong mamomoblema na ito sa kanilang gastusin sa pang araw araw lalo't wala na ang papa nila na naghahanap buhay.Hindi pa naman siya pwedeng magtrabaho dahil wala pa siya sa wastong gulang at nasa edad kinse palang siya. ''paano siya namatay mama ?" hikbi nitong tanong habang nanatili parin siyang nakayakap .Unti unting kumalas sa pagyayakapan at lumapit si Janeth sa bangkay ng kanyang asawa. Madaming tahi ang katawan nito na animo bugbog sarado bago nabangga ng malaking truck . '' ayon sa mga pulis nabangga ang papa mo ng isang truck at tumilapon sa may malaking puno .Hindi daw napansin ng driver na may nabunggo siya kaya hindi nadala agad sa hospital ang papa mo at nung makita na matigas na itong bangkay '' para siyang pinagsakluban ng langit dahil sa mga narinig ang saklap ng nangyari sa ama niya .Alam naman niyang mawawala ang mga ito pero hindi sana sa ganung paraan parang hindi katanggap tanggap ang nangyari sa papa niya . Hindi naman sa ganito ang gusto niya sana pag namatay ang kanyang ama dahil pangarap niya kung kunin na ito sa kanila, kahit sa katandaan na sana at sa maayos na paraan pero bakit napakasaklap naman ang paraan ng pagnapanaw ng kanyang ama. ''papa ko ,bakit hindi ka man lang nag ingat .Paano na kami '' bakit nga ba niya kinakausap ang kanyang ama wala na itong buhay . Siguro kung buhay ito baka sabihin na naman niya huwag siyang iyakin dahil lalo lang siyang pumapangit .Sa mata ng kanyang ama pangit siya dahil ang rason nito baka mausog pag sinabing maganda ang kanyang mukha na gaya ng sinasabi ng iba . Sa kanilang paaralan maituturing siyang isa siya sa pinakamaganda dahil sa wavy hair niyang mahaba at makapal ,samahan pa ng matangos niyang ilong at mahahabang pilik mata at kisable lips ,maganda din ang kanyang mga ngipin at dahil pantay pantay at puting puti dahil noong bata pa siya talagang todo alaga sa kanya ang kanyang ina dahil siya palang noon ang anak ng mga ito. '' grabe ka naman Sony sana naman nag ingat ka paano ko itataguyod ang lima nating anak .Bata pa si Fia para maging katuwang ko sa pag aalaga kakapanganak ko palang iniwan muna kami" mula sa isip ni Janeth nag aalala na siya sa kanilang hinaharap na walang katuwang sa buhay . Hindi naman siya pwedeng bumalik sa pamilya dahil matagal na siyang tinakwil ng mga magulang niya dahil sa pakikipag asawa niya ng maaga at hindi nila gusto si Sony para sa kanya. Ilang sandali pa ay lumapit na ang mga tauhan ng morgue para ayusin ang bangkay ni Sony .Muli na naman umiyak si Sofia dahil totoo ngang patay na ang kanyang ama.Hindi pala panaginip na gaya ng iniisip niya kanina. '' pwede na natin ilipat sa kabaong ang asawa mo misis .Ito palang pera galing sa nakabanggang truck '' napatingin si Fia sa isang kumpol ng pera na nasa sobre lalo siyang naguluhan dahil tinanggap ng kanyang ina ang pera at nilagay ito sa bulsa . '' bakit niyo tatanggapin iyan mama ?" suway agad ni Sofia sa ina nito. May pera naman sila pero bakit kailangan pa nito tumanggap ng pera parang binili na nila ang buhay na meron ang kanyang ama. '' kailangan anak kung ikakaso naman natin ang may ari ng truck siguradong matatalo tayo .Wala akong alam kung saan ako kukuha ng pera para sa libing ng papa mo kaya nga napagpasyahan kong isang gabi lang ang lamay para hindi na magastos '' kahit labag sa kanyang loob na kunin ang pera wala na siyang pagpipilian . Kailangan na niyang mag isip ng maayos para sa kanilang naiwan ni Sony. Wala na din silang pera at hindi alam bi Janeth kung saan ba nilagay ni Sony ang naipon nilang pera. '' bakit ba kasi ang hirap ng buhay natin ngayon tignan niyo bukod sa hustisya na gusto natin para kay papa hindi na natin magawang ibigay dahil sa wala man lang tayong kapera pera ,mama bakit ganun parang may halaga lang ang buhay ni papa .Kung buhay si papa ang perang iyan mas higit pa sa kikitain niya sana eh!!" pinagsusuntok niya ang pader kahit babae siya alam niyang sumuntok dahil tinuruan siya ng kanyang ama ng self defense nakaraang taon .Pagkalapat ng likod niya sa pader habang napapadusdos sa upo pa sahig parang kasing lamig ng bangkay ng papa niya ang pader pero wala siyang pakialam . Gusto niyang magwala dahil sa hirap ng buhay na meron sila ngayon ,maayos naman ang buhay nila noon bakit biglang bagsak ,Ano ang dahilan??? ang dami niyang tanong sa kanyang isipan.Kung may kaya lang sana siya hindi niya kukunin ang pera lalaban siya para sa hustisya para sa ama niya pero paano??? Nasa kinse anyos palang siya. '' tama na Fia huwag ng madaming daldal at baka may makarinig sayo .Ang kailangan nating gawin ilagay sa maayos na libingan ang papa mo '' lalo siyang napahagulgol nang marinig ang tungkol sa libing ng kanyang ama .Wala na talaga ang ama niya bukod tanging nakakaintindi sa kanya ang kakampi niya sa lahat .Ang bata pa ng kanyang ama pero bakit ganun nalang ito nawala .Hindi deserve ng papa niya ang ganun pero bakit ito ang nakatadhana. '' tama ang mama mo Sofia kung paiiralin mo ang pride kayo ang mawawalan at baka ni singkong duling walang ibibigay ang kompanya ng truck'' nagtaka siya sa pinagsasabi ng kanyang tiyahin na kararating lang .Mukhang kararating lang din ito sa paaralan dahil nakaunoporme pa ng pang guro. May kaya naman talaga ang pamilya nila ,sa lahat ng magkakapatid ang papa niya ang may kaya sa kanila. ''paano niyo nasabi iyan tita Selda ?" tanong nito .Napatayo na rin siya at saka nagpunas ng luha .Hindi niya kayang ipakita sa ibang tao ang pagiging mahina niya dahil iyon ang gusto ng kanyang ama huwag siyang mahina dahil gagamitin ng mga tao ang pagiging mahina niyang tao. '' ayon sa imbestigasyon ang papa mo mismo ang naglagay ng katawan nito sa gitna ng daan para iharang sa malaking truck '' napatakip ng labi si Sofia sa narinig .Ano ang problema ng kanyang ama bakit nagawa niya ang bagay na iyon.Hindi man lang ba ito nagisip na may maiiwan siyang pamilya . '' papa !! naman bakit ganun '' bulong ng kanyang isip habang nakatingin siya sa loob ng morgue.Pinalabas muna sila dahil aayusan nila ang bangkay .Umalis muna siya at nagtungo sa ibang kwarto kung saan walang tao .Gusto niyang magkulong at magisip ng maayos baka sakali magpakita pa ang kanyang ama sa kanya. ''sana Selda hindi mo nalang sinabi kay Fia ang bagay na iyan '' alam niyang masasaktan si Sofia sa katotohanan kaya inilihim niya ang bagay na ito sa kanya .Ito ang rason kung bakit kinuha ang pera dahil wala naman silang hahabulin na hustisya dahil mismong asawa na niya ang naglagay sa sarili nito kay kamatayan. '' kailangan Janeth dahil sa isip ng bata kasalanan ng truck at baka magtatanim ng galit sa kompanya" naluha na rin siyang tumingin sa kwarto kung saan pumunta si Sofia.May punto naman ang kanyang hipag kaya naiintindihan niya . '' matalinong bata si Sofia kaya huwag mong subukan hindi sabihin ang totoo dahil gagawa iyan ng paraan para makita ang katotohanan '' alam niyang matalino ito dahil nagmana si Sofia sa kuya Sony niya . '' hindi ko na alam Selda .Bakit bakit naisip ni Sony ang magpakamatay paano nalang kami '' niyakap ni Selda ang naulila ng kanyang kapatid kahit sila ay hindi makapaniwala sa nangyari pero wala na silang magagawa . '' Siguro dahil sa pagkakatanggal nito sa trabaho '' magkatrabaho ang asawa niya at ni Sony kaya nalaman niya lahat ng nangyari bago nagpakamatay ang kapatid niya sa daan . '' natanggal ?" gulat na tanong ni Janeth. Ang babaw na dahilan para gawin iyon ng kanyang asawa .May pinag aralan ito kaya kahit matanggal sa trabaho kaya niyang maghanap may alok pa ngang trabaho sa ibang bansa pero tinanggihan niya muna dahil ayaw niyang mapalayo sa kanila .Natanggal lang sa trabaho magpapakamatay na ang babaw na dahilan . '' oo ! ayon sa asawa ko natanggal si Sony sa trabaho at higit sa lahat nagkaroon ng kasalanan ang asawa mo ;'' lalo siyang naguluhan. '' anong kasalanan ?" tanong nito. '' ayon sa asawa ko pinagbibintangang nagnakaw ng pera ang asawa mo sa kompanya .Nawawala ang isang daan milyong peso at ang tinuturo ng mga nasa finance department ay ang asawa mo dahil ito lang ang bukod tanging nakahawak ng budget para sa department na hawak ni Sony" bigla siyang nanghina sa kinakaharap ng kanyang asawa na crisis .Bakit hindi niya muna hinayaan mag imbestiga ang kaukulan ng kompanya bago ito nagpakamatay. '' ano naman sakali gagawin niya sa ninakaw nitong pera ?" alam niyang may laman ang bank account ni Sony pero wala itong million at bank account iyon ni Sofia para pag nasa edad bente na pwede na niya itong buksan para sa pag aaral niya sa kolehiyo lalo't gusto nilang mag asawa na kumuha political science ang kanilang anak sa ibang bansa . Kung sa joint account naman nila ni piso walang laman kaya hindi niya alam kung saan ba siya kukuha ng pera lalo't hindi pa naman nila mapakinabangan ang account ni Sofia. '' iyan ang hindi ko alam Janeth kaya magpakatatag kayo dahil walang makukuhang incentive o death insurance ang asawa mo sa pinagtatrabuhan niyang kompamya dahil sa perang nawawala '' malaking bagay na sana ang maiiwan na pera dahil sa insurance nito pero bakit pati iyon ipinaagkakait nila . '' paano na kami ngayon nag aaral pa naman si Fia '' nasa senior high palang naman ang kanyang anak at wala pang dese otso kaya hindi pa pwedeng magtrabaho at ayaw naman niyang tumigil ito sa pag aaral .Paano nalang ang buhay nila may baby pa siya na nangaingailangan ng gatas . '' hindi ko na din alam ang gagawin ko ang tanging masasabi ko lang tutulong kami sa gastusin at magibigay ng kunting halaga para sa inyo .Iyon lang ang alam ko huwag mong isipin si Fia dahil matalino yan kaya niyang makakuha ng scholar ang isipin mo ang tatlo mo pang anak na mga bata " wala naman naiitulong ang kanyang awa kaya hindi niya alam kung ano ba dapat gawin para mabawasan ang iniisip ng kanyang hipag .Ang kinatatakutan niya baka mabinat ito at lalong maging komplikado .Pasensya na kung tinapos ko ang kwento na ito . Umaasa kayo na gawan ko ulit ng book 2 ang story ko . Pero sa ngayon kailangan ko na muna magpahinga at magbawas ng story dahil nasa third trimester na ako at bawal na ako mastress . Salamat sa mga nagbigay ng gift at mga gumastos ng points at sa mga matyagang nanood ng mga ads masubaybayan lang ang bawat Chapter na upload ko . Pasensya na kung nainis kayo dahil hindi ako madalas mag update noon . Muli maraming salamat everyone. Naway samahan niyo ako sa ibang story ko . '' MISSING SEED OF LIFE '' ''MR.CEO SILENT MISTRESS '' ''WHEN I FOUND YOU '' '' KARMA'S REVENGE A BILLIONAIRE REGRET '' ''THE PRICE OF PLEASURE '' ''PAST SHADOW '' Hopefully guys makita ko muli kayo doon . MARAMING SAMALAT ULIT SA INYO .
Habang nasa ilalim sila ng mga puno ng mangga noon ay lima lang pero ngayon ay may sampo na at madaming sanga kaya masarap tumambay sa ilalim nito dahil malamig ang simoy ng hangin . Samahan pa ng mga duyan na naroon . Naging maingay ang hacienda dahil sa tawanan nilang lahat . Nag aasaran sina Kokoy , Brix ,Harison at Zimon habang naglalaro ng dama . Parang masarap pakinggan ang mga tawa ni Zimon habang nanalo ito sa laro nilang apat . Napatingin si Zimon mula sa kinaroroonan ni Sophia nakita niya itong nakatitig sa kanya kaya ningitian niya ito ngunit mali ata ang kanyang ginawa dahil umiwas ito agad . ''bro simulan muna kasi nandito kami to support you '' '' tama siya boss .Dala mo ba ang singsing '' agad siyang tumango nasa bulsa niya lang ang singsing na kanyang nabili .Humahanap lang siya ng pagkakataon kung paano magpoprose . Madilim na pero naroon parin ang mga bisita nila Zimon . Sinadya nila magpagabi doon dahil doon sila matulog .May naipatayo na siya sa hacie
'' papa '' hindi alam ni Martin kung tama ba ang kanyang narinig . '' tinawag mo akong papa ?" tumango si Sophia at niyakap ito agad . '' ngayon ikaw na ang papa namin . Salamat dahil naging ama ka sa mga kapatid ko papa . Salamat dahil hindi niyo ako pinabayaan '' naluhang yumakap ng mahigpit si Martin sa anak nito . Hindi niya inaasahan na matatanggap siya ni Sophia, Tapos na ang ilibing si Sonny at nasa lumang bahay sila ngayon dahil dito binurol si Sonny . '' salamat din anak . Akala ko hindi mo ako kayang tanggapin bilang ama '' '' hinding hindi yan mangyayari papa . Sayo ako galing at hindi naman kayo masama sa amin para hindi ko kayo tanggapin. kaya siguro panatag ang kinaginan kong ama na iwan kami ulit dahil meron ka na handang tumayo para maging ama namin '' Sumangayon naman si Saphire na nakikinig lang mula sa kanilang likuran . ''tama si Sophia angkle '' '' pwede ba papa na rin ang itawag niyo sa akin '' tumawa silang tatlo sa gustong mangyari ni Martin .S
Sa ginawa ni Sophia lalong nataranta si mister Chu kaya agad niyang tinutok ang baril nito sa patakbong Sophia mula sa kanya . Isang putok ang umalingawngaw sa buong loob ng venue . Lahat ng tao na naroon ay napahiyaw at natakot . Akala ni Sophia patay na siya habang nakahiga sa sahig .Pagmulat niya sa kanyang mata ay nakita niya ang ama nitong si Sonny na may tama ng baril . '' papa '' sigaw nito . Kaya pala tumilapon siya dahil ang ama niya ang nagprotekta sa kanya . Agad naman hinuli si mister Chu sa mga pulis na nasa likuran nito . Ngayon hawak na nila si mister Chu nagmadaling nagtungo si Zimon para bigyan ito ng suntok sa mukha . ''papa '' ito ang unang pagkakataon na tinawag ni Harison ng ganun ang kanyang tunay na ama . '' patawarin niyo ako '' '' bakit ka humihingi ng tawad papa .. masakit man ang mga nalaman namin pero papa mahal na mahal kayo namin . Hindi naramdaman na hindi ako galing sa inyo . Nagtampo lang po ako kaya ito galit ako sa inyo dahil hindi niy
Dahil sa sama ng loob nagpasyang umalis nalang si Sophia ngunit ng palapit na siya sa may pintuan biglang tinutukan siya ng baril ni Mister Chu . Nataranta naman agad sina Zimon dahil hawak ni mister Chu si Sophia natatakot siya na mapahamak ang mag ina niya . Hindi niya agad nasundan si Sophia dahil tumakbo ito ngunit meron pala doon si mister Chu nagaabang . ''parang awa muna huwag niyo akong saktan '' natatakot na pakiusap ni Sophia hindi pa niya gustong mamatay dahil may sanggol sa kanyang sinapupunan . Tumawa lang si Mister Chu at agad hinila si Sophia papunta sa kanya . Gawin niyang hostage si Sophia para palayin si Angela . Hindi niya kayang makita na pati ang anak niya ay magpakahirap sa kulungan dahil sa mga ito . ''hindi ko siya sasaktan basta palayain niyo ang anak kong si Angela'' sigaw nito kila Zimon . Gusto niyang gamitin ang pagkakataon na ito para sa kanyang anak . ''hindi mo siya pwedeng palayain dahil hindi inosente ang anak mo .'' galit na saad ni Sop
'' ako ang totoo mong ama Sophia '' Natawa naman si Sophia dahil hindi siya makapaniwala na parang pinaglalaruan lang nila ang kanyang damdamin . '' angkle Martin pati ba naman kayo nakikisali sa ganito . ?" '' noong hindi nagkakaunawaan ang ama at ina mo sa akin lumapit ang mama mo . Pero isang gabi hindi namin napigilan ang aming sarili lalo't lasing kami noon . Ikaw ang bunga ng pagkakamali ng ina mo . Pero para sa akin hindi iyon pagkakamali dahil sobra kong mahal noon pa si Janeth. Hindi ko alam na buntis siya noon bago pinakasalan ni Sonny pero habang tumatagal nakikita ko na anak kita dahil kahawig mo ang ina ko noon . I'm sorry kung nilihim ko ito sayo Sophia dahil ayos lang sa akin na hindi mo ako kilalanin na ama '' Parang hindi matanggap ng kanyang isip ang mga narinig . Galit na galit siya sa papa nila tapos ganun din pala ang kanilang mama . Hindi siya makapaniwala na bakit ganon parang naglalaro lang ang sitwasyon sa pagitan nila .Si Harison totoong ama niya an







