Mag-log inSimula nailibing ang ama ni Sofia naging tahimik ang kanilang tahanan .Isang linggo na ang nakaraan nang matapos ang lahat .Wala na rin ang mga taong nagpupuyat para sa kanila .Dahil sa kanilang lugar kahit wala na ang bangkay kailangan may mga tao parin sa bahay ng namatayan hanggang sa mag siyam na araw ito.
Malalim na ang gabi ng biglang may pumasok sa bahay nila Janeth nakatakip ang mga mukha ng mga ito at may dalang baril . Sa takot niya tumakbo siya kaagad sa kwarto ng mga anak niyang tulog na rin . Nagising lang ang mga ito dahil sa kalabog ng mga bagay na siyang sinisira ng mga taong pumasok sa kanilang bahay . Ilang sandali may ngbukas ngkwarto at nang hindi mabuksan ay binaril ang lock ng pintuan kaya nabuksan.. ''anong kailangan niyo sa amin ?" yakap niya ang dalawa niyang maliliit na anak dahil takot na takot ang mga ito sa mga armadong mga lalaki .Nagising din ang mga ito kanina dahil balak niyang patakbuhin pero hindi sila kumalas sa kanya at niyakap siya kaya wala siyang nagawa kundi yakapin din ang mga ito .Ang inaalala niya si Sofia na natutulog sa kabilang kwarto. '' ilabas niyo ang pera '' napailing siya habang umiiyak .Anong pera naman ang hinahanap ng mga ito gayong ni piso hindi nag iwan sa kanila si Sony . '' anong pera naman ang pinagsasabi niyo ?" matapang niyang tanong sa mga ito . '' halughugin niyo ang bauong loob ng bahay at baka nandyan lang iyan at tinatago nila '' hinayaan lang ni Janeth ang mga lalaking nagkakalat dahil lahat ng laman ng kabinet ng mga anak niya ay tinapon sa sahig .Kapante siya na walang pera sa bahay dahil hindi nila alam kung saan nga ba nilagay ni Sony ang sinasabi nilang ninakaw nito .Nagcheck din siya sa banko ngunit ni piso walang laman ang account nilang dalawa. '' kahit maghanap kayo walang pera dito '' buong tapang niyang sigaw .Umiiyak na rin ang mga anak niya dahil sa takot ,hindi naman sila makahingi ng tulong dahil medyo nagkakalayo ang mga bahay sa kanilang lugar at kung may makarinig man siguradong matatakot ang mga ito lumapit dahil mga armado ang mga pumasok sa kanilang bahay . Pinagmasdan niya ang dalawa niyang anak at lalong hinigpitan niyang niyakap ang mga ito para hindi sila matakot dahil nandyan lang siya para sa kanila .Ang inaalala niya si Sofia baka gawan ng masama ang kanyang anak lalo't natutulog na iyon . '' bitawan niyo ako .Mga demonyo kayo ano bang kasalanan namin sa inyo '' hila hila nila si Sofia papasok sa kwarto kung saan sila ngayon .Pagkalapit ni Sofia agad na hinila ni Janeth ang kanyang anak para hindi na ito magsalita pa . '' ano ba hinahanap niyo .Kung pera wala kaming pera !!'' sinagad na ni Fia ang lakas ng kanyang boses para marinig ng mga kapitbahay at makahingi sila ng tulong pero mali ata ang kanyang hakbang dahil nakatutok na sa ulo ng isa niyang kapatid ang baril ng lalaki. ''manahimik ka kung ayaw mong basag ang bungo ng batang ito '' napalunok nalang siya at hinila ang kapatid niyang natutukan ng baril .Bigla siyang natakot at baka totohanin ng lalaki ang banta nito . '' tama na Fia huwag ka ng magsalita pa hayaan mo silang mag hanap '' tumango nalang siya sa kanyang ina at natahimik na rin .Pinanood niya ang paulit ulit na pagbuklat at pagtapon ng gamit ang mga lalaki .Napapiling nalang siya kung may pera man na inuwi ng kanyang ama ibabalik niya ito .Pero bakit wala at hindi pa nakauwing buhay ang kanyang ama dahil sa bintang ng kompanya. '' boss wala naman '' kahit anong halughog nila sa mga gamit wala silang nakitang pera . Nakatanggap naman ng mensahe ang pinaka bigboss nila kaya tahimik lang ito nakatingin nagkukumpulang mga bata at ang ina ng mga ito .Naawa man siya ay wala siyang magagawa dahil utos ng boss nila . '' tara na dalhin ang asawa '' nataranta bigla si Janeth .Ayos lang naman na siya nalang ang papahirapan ng mga ito kung wala silang anak ni Sony . '' huwag ang mama ko !'' umiiyak na pagmamakaawa ni Sofia sa kanila .Kaagad naman lumapit ang dalawang lalaki ang tinutuok ulit ang mg baril ng mga ito kila Sofia ang dalawa niyang kapatid . Maririnig ang iyak at pagmamakaawa nilang huwag silang saktan lalong lalo na si Janeth na natatakot para sa kanyang mga anak . Dahil walang pinapakinggan ang mga lalaki .Hinila nila si Janeth at kinuha ito palabas ng kwato . '' bitawan niyo ako ,sige dalhin niyo nalang ako huwag niyong idamay ang mga anak ko '' nakiusap siya na hahayaan nalang mabuhay ang mga itong ligtas .Ayos na sa kanya ang lumayo kung siya lang naman ang kailangan. '' dalhin silang lahat '' hindi pwedeng may maiwan dahil magiging saksi ang mga ito pag nagsumbong sila sa pulis .Kahit hawak ng boss nila ang batas hindi sa lahat ng pagkakataon ay walang matatakot sa kanila . Kung magtanong man ang boss nila kung bakit pati mga bata ay dinala niya ay doon na lamang magiisip ng irarason . '' ano ba kailangan niyo sa amin?" naiiyak na tanong ni Janeth alam niyang may awa ang mga ito pero sana hindi nalang nila dinala ang mga anak nya .Ayos na sa kanya ang pahirapan siya huwag lang ang mga bata . '' malalaman niyo pag nakarating na kayo sa pagdadalhan namin sa inyo '' '' mama !!'' bulong ni Sofia sa ina niyang tahimik na umiiyak .Nasa loob na sila ng van at madilim dahil gabi parin .Ni hindi man lang nila iilaw ang loob ng van .Hindi niya rin nakikita ang daan dahil may mga itim na kurtina ang mga bintanan ng van . ''sshh huwag na kayong umiyak ayos lang tayo '' nasabi niya lang iyon para matahimik na ang kanyang anak . '' hindi niyo naman siguro kami sasaktan ?" tanong ulit ni Janeth sa mga lalaki ngunit ni isang sagot wala siyang narinig . '' mama !! natatakot ako '' saad ng isang bata na nakayakap sa kanya .Mabuti nalang at wala doon ang sanggol niyang anak at ang sumunod kay Sofia na babae.Hiniram muna ng kanyang hipag ang mga ito at binigay naman niya dahil masyado na siyang abala sa burol ng kanyang asawa . .Bawal sa kanya ang magpakagatas gamit ang dalawa niyang dede dahil may cancer siya sa dibdib .Kaya hiniram muna ng kanyang hipag ang dalawa para medyo gumaan ang kanyang gawaing bahay .Kung may ibibigay man na pera ang kanyang hipag sapat lang iyon sa pang isang buwan nila at sa pag aaral ni Sofia. '' kawawa si Matmat at Loraine madadamay pa mama ?" hindi lang naman ang dalawa niyang anak ang inaalala .Pati na rin si Sofia dalaga na ito at baka maging demonyo ang isip ng mga lalaking dumukot sa kanila ay madadamay ang anak niyang dalaga . Humihingi siya ng tulong sa taas para iligtas sila kahit ang mga anak niya lang ayos na kanya . Pero mukhang walang tugon kaya nawalan na siya ng pag asa .Tahimik parin ang paligid at mukhang malayo ang kanilang pupuntahan dahil kanina pa sila na nasa byahe . '' shit boss sira ata ang preno ng van ?" napatingin sa harapan si Janeth ng marinig ang sinabi ng driver ,dito na siya nakaramdam ng pag asa kung sakaling mawalan ng preno ang van at maaksidente sila may pag asang makatakas ang mga anak niya .Pero natatakot din siya dahil kung mangyari ang nasa isipan niya baka pati silang mag iina ay madamay at mamatay dahil sa aksidente. '' anong sira walang hiya Ricky bakit ngayon mo lang napansin .'' nagtatalo ang dalawa habang pababa na ang daan dahil hindi na maiayos ng lalaki ang preno ng van .Hindi niya rin naitigil kanina dahil huli na lalo't ang daan ay pababa . '' mamatay na tayo dito '' sigaw ng isang lalaki .Natatakot din itong mamatay sa aksidente kaya akma niya sanang bubuksan ang pintuan ng van ngunit hindi mabuksan dahil nakalock kahit anong sigaw niya na pindutin ang lock ay hindi na naririnig ng driver dahil sa takot . '' iliko mo '' sinunod naman niya ang utos ng boss nila pero mali ang dereksyon na kanyang nilikuan kaya patuloy ang pag pagtakbo ng van dahil malawak ang natungo niyang parte at talagang walang pagkakalsuhan na bato man lang . Dahil sa kaba at takot niyakap nalang ni Janeth ang mga anak niya at siniksik niya ang mga ito sa ilalim para kung mabangga ang van ay hindi gaano masasaktan ang mga bata .Ngunit dahil sa takot ng dalawang bata hindi sila sumunod sa gusto niyang mangyari at bumalik sila saka yumakap .Tanging si Sofia lang ang nakasuksok sa mag upuan at inipit niya gamit ang hita .Nagulat si Stephen ng biglang hilain siya ni Saphire sa madilim na bahagi ng hallway .Para sa kanya bilang lalaki nakakagulat ang ginawa ng dalaga pero may nagsasabi sa kanyang isipan na gusto niya ang ginagawa nito . ''hmmm anong ginagawa mo ?" kahit anong iwas ni Stephen sa paghalik sa kanya ni Saphire ay lalo siyang nag iinit dahil patuloy parin itong humahalik sa kanya . '' gusto kong matikman ang sinasabi nilang langit '' nakapikit na sagot ng dalaga .Nahirapan si Stephen magpigil dahil sa ginagawa sa kanya ni Saphire. Kailangan niyang magpigil dahil lasing ang dalaga . Kaya agad niyang hinubad ang suot nitong tuxedo at pinasuot kay Saphire. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay ang dalaga kaya agad niya itong binuhat upang dalhin sa parking lot . Pagkarating nila sa parking lot ay agad niyang tinawagan si Sophia . '' what ???bakit nasayo si Saphire?" tila nagulat si Sophia sa tinawag ni Stephen.Kanina pa sila naghihintay bumalik si Saphire ngunit wala na silang mahint
Nagpasya munang lumabas si Sophia dahil nababagot siya sa loob . Habang nagpapahangin siya ay doon naman lumabas si Zimon dahil nakita niya kaninang lumabas si Sophia.''bakit mag isa ka ngayon dito ?" tila nagulat si Sophia sa biglaang pagsulpot ng taong kinakainisan niya mula sa kanyang likuran .Tumingin siya na parang wala lang sa kanya ang presensya ng dati niyang asawa . '' Zimon ?" hindi niya pinahalata ang pagkagulat nito sa dati niyang asawa . Nagtaka lang siya dahil iniwan nito ang fiance niyang peke . Medyo nasaktan si Zimon sa pinakitang reaksyon ni Sophia para sa kanya ang lamig ng tingin ni Sophia na parang wala lang ito na nilapitan niya . Pero kahit ganun sobra niyang namiss ang dati niyang asawa . '' ako nga my ex wife ..kamusta ka at kamusta si Zilux ?" may hawak na wine glass si Zimon at puno ito mukhang nabored sa loob kaya lumabas tulad niya na gusto niyang magpahangin .Nainis si Sophia sa kanyang loob loob dahil may gana pang mangamusta ang ex husband niya
Pagdating nila Sophia sa venue ay nauna munang pumasok sina Saphire at Alona dahil biglang tumawag ang kanyang anak . Kinausap niya ito saglit sa video call at natuwa naman si Zilux dahil sa sobrang ganda ng kanyang ina . Natuwa naman si Sophia sa papuri ni Zilux sa kanya at binola pa niya ito na maghahanap siya ng ibang daddy . '' mom only daddy '' nadulas na sinabi ni Zilux ngunit binawi niya ito na hindi niya gusto ng bagong daddy . Natawa nalang din si Sophia dahil kitang kita niya sa mukha ni Zilux ang pagkabigla sa sinabi nito . Nagpaalam na siya sa kanyang anak matapos ang kanilang usapan . Pagpasok niya sa loob lahat ng mata ay nakatingin sa kanya na para bang siya ang pinakahuling dumating na bisita sa venue .Nang makapasok siya ay sakto naman nagsara na rin ang malaking pintuan at nasa gitna na siya ngayon .Lahat ng kalalakihan ay nakatingin lang sa kanya na para bang napahanga sila sa kanyang kagandahan . '' ohhh look hot '' saad ng isang lalaki na nasa tabi ni Zimon .
Dahil may event na kailangan puntahan sila Sophia at Saphire maaga silang nag ayos para maagang maakalis dahil inaalala nila ang trafic .Ang pupuntahan nilang event ay isang organization kung saan isa sa kompanya nila ang sponsor kaya inanyayahan si Saphire at Martin .Dahil abala si Martin si Sophia ang dinala ni Saphire para maging kasama nito papunta doon sa event na dadaluhan . Dahil tapos na si Saphire ayusan ng make up artist na kanilang kinuha nagpasya siyang pumunta sa kwarto ni Sophia kung tapos naba ito . Hindi naman sa nagmamadali siya kundi iniisip niya lang ang traffic sa daan lalo't ang venue na kanilang pupuntahan ay madadaanan ang daan kung saan matraffic . Pagkapasok niya sa kwarto ay laking gulat niya ng makita si Sophia sa ayos nito .'' ang ganda mo ate para kang barbie dyan sa pagkakaayos sayo '' '' see I told you ma'am maganda kang ayusan '' saad naman ng baklang make up artist.Napahawak siya sa kanyang mukha .Pulido at simple pero may dating nga ang kany
''Sophia ikaw nga bakit ngayon ka lang '' masayang sinalubong ng matandang naninirahan sa bahay nila Sophia.Ngumiti lang siya at umupo sa sofa na kahoy .May takip parin itong puting kurtina pero ang pagkakaiba lang ay maayos na ang kanilang bahay, Pumunta siya sa may kabinet at kinuha ang larawan ng buo niyang pamilya . Niyakap niya ito ng mahigpit . '' manong ,,alam mo ba kung bakit nandito ako ngayon '' nanginginig niyang boses habang nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luhang kusang kumalas Hindi naman umimik ang matanda at mukhang handa itong makinig . '' ito ang araw na namatay ang tiyahin at mga kapatid ..durog na durog ang puso ko nung nalaman kong wala na sila .Inaasahan ko pa naman na makakasama ko sila pero kasamaang palad wala pala ako madadatnan dito ,wala na pala sila tulad nila mama at papa at ganun din ang dalawa kong kapatid na kasama kong nalunod noon'' wala siyang pakialam kung puno na ng luha ang kanyang mukha .Ang importante mailabas niya ang sakit na n
Isang linggo ang nakalipas naging maayos naman na ang lagay ng bata . Bumalik si Antoinette sa hospital para kunin ang resulta ng lab test ng kanyang anak . Kailangan siya ang unang makaalam tungkol sa kalagayan ng kanyang anak bago ang iba . '' dok ano ibig sabihin nito bakit ganito ang rate ng tibok ng puso ng anak ko ?" nawindang siya sa resulta dahil bukod sa mababa ng hemoglobin ng kanyang anak mababa din ang tibok ng puso ng kanyang anak . '' yan ang gusto naming ipaliwanag sa inyo misis.May sakit sa puso ang anak mo '' halos manghina siya sa narinig .Kung ganun namana ng anak niya ang sakit ng kanyang ina .Ito ang sakit ng mama niya at isa niyang kapatid.Bigla siyang nanlumo sa nalaman , '' no !!! hindi pwede ito .anong sakit sa puso ?" hindi siya naniniwala baka nagkamali lang ang doktor . '' mababa ang tibok nito dahil may nakabarang ugat at kailangan ng agarang operation habang maaga pa .'' tuluyan na siyang nanghina at napaupo sa sofa . Ang bata pa ng kanyang ana







