LOGINMula sa mansion ng mga Morgan walang ibang maririnig kundi ang paulit ulit na sermon kay Zimon .Sinubukan niyang mag suot ng earphone pero tinanggal lang ng kanyang ama at tinapon sa basurahan .Ayaw naman na niyang pulutin dahil madumi na para sa kanya ang bagay na iyon .
'' Zimon ano ba nakikinig kaba sa mga sinasabi ko ?" naririnding tumango nalang si Zimon dahil paulit ulit nalang ang mga pinagsasabi ng kanyang mga magulang .Big deal sa kanila ang pagiging playboy niya gayong wala wala namang masama dahil hindi niya bubuntisin ang mga ito . '' hindi ako bingi para hindi ko napapakinggan yang mga hinaing niyo sa buhay dad '' isa sa dahilan kung bakit hindi na siya nakikinig dahil paulit ulit ang mga sinasabi ng mga ito at wala ng bago .Simula graduate siya sa kursong business ay ang gusto nila ilagay na siya sa position sa isang kompanya .Abala pa naman siya mag aral ng pagiging abogado kaya hindi niya maharap ang magtrabaho sa kanilang kompanya . '' walang hiya kang bata ka hinaing ba ang sermonan kita dahil puro nalang pagwaldas ng pera ang inaatupag mo '' wala namang mali ang lagi niyang pagpunta sa ibang bansa para manood lang ng basketball. '' aanhin ang pera kung hindi ko gagamitin diba ?" madami siyang pera at lahat ng binibigay nilang alawans sa kanya noon iniipon at may shares din siya sa kompanya kaya may pumapasok na pera kahit papaano .Kung ang pag aaral naman niya sa kursong Law ay hindi niya problema dahil sa kanila ang paaralan . Pero kahit ganun nag aaral parin siya ng maayos dahil ayaw niya makakuha ng diploma na hindi pinaghirapan . '' magtrabaho ka kung pwede .Palibhasa spoiled ka kay papa '' mabait lang naman sa kanya ang kanyang lolo kaya may alawans din siyang binibigay minsan ito pa nga ang kasama niyang pupunta sa ibang bansa para lang manood ng basketball dahil idol nito ang isa mga player na kahit mahal ang pustahan lagi silang naglalabas ng pera para sa player na iyon. '' alam niyo na pala ang sagot dad bakit ang dami niyo paring reklamo '' gustong kutusan ni Ben ang pala sagot niyang anak .Parang babae ito kung mangatwiran.Kulang nalang ipanalangin niyang maging babae nalang si Zimon para marunong itong sumunod sa gusto nila . '' hindi ka bumabata Zimon kaya kung pwede tulungan mo kami sa negosyo kahit man lang sa hacienda ,harvesting ngayon ng mga mangga at pinya kailangan mong tignan kung tama ang mga pinaggagawa ng mga tao doon '' isa sa ayaw niyang pumunta sa hacienda ay maraming insekto na maliliit .Hindi siya nakaaktagal doon dahil sa pangangati ng kanyang katawan .Kung hindi lang dahil sa pinakamamahal niyang kabayo hindi na siya aapak pa sa hacienda. '' oh see according to you dad hindi na ako bumabata meaning I enjoyed everything dahil may time na magsasawa din ako sa mga pinaggagawa ko.Palibhasa hindi na enjoy ang kabataan niyo '' pagbibiro niyang salita at wala siyang hilig sa farm ka never niyang gagawin ang gusto nila .Pumupunta naman siya sa hacienda pero sa kamalig lang siya lagi tuwing binibisita niya si Speed ang paborito niyang kabayo . ''aba at sumasagot ka pa walang hiya ka !!!'' mabuti nalang at unan lang ng sofa ang naibato sa kanya .Akala niya ang lampshade na nasa tabi nito . Kaya siyang saktan ng mga ito kung gustuhin nila pero dahil nagtitimpi sila at malalagot sila sa kanyang lolo walang magawa ang dalawa kundi manermon ng manermon . '' tama na kanina pa kayo nagtatalo nakakarindi na .'' sumasakit na ang ulo ni Mabelle sa ingay ng mag ama .Walang araw na hindi nagbangayan ang mga ito dahil sa katigasan ng ulo ni Zimon . ''si daddy kasi '' parang bata na inaapi nang magsumbong ito sa ina niya .Minsan kakampi niya ito pero minsan hindi . ''enough Zimon tama ang daddy mo nasa edad kwatro kana pero asal teenager ka parin dapat sa edad na iyan nasa kompanya na graduate ka naman na diba ?" minsan hindi niya din gusto ang pinaggagawa ng kanyang anak pero wala silang magawa dahil ang byenan niyang lalaki ang nagpalaki dito at parehas sila ng hilig .Kaya nga mas gusto nilang nasa ibang bansa ang byenan niyang lalaki dahil nasasabihan nila si Zimon pero hindi ito nakikinig sa kanila . Paano pa ito matututo sa business nila kung hindi seryoso .Kaya ang anak ng bayaw niya ang tumatayong COO ng kompanya dahil hindi pa pwede magbitiw ang kanyang asawa sa pagiging CEO dahil hindi pa pumapayag si Zimon kunin ang position at paano nila mapapayag ang mga board of director kung ganyan ang asal ng kanilang anak . '' ewan ko sa inyo '' kailangan na niyang umalis dahil dalawa na silang manenermon . Siguradong magkampihan na naman ang mga ito at sabihin na naman ang tungkol sa posisyon sa kompanya . ''Zimon !!'' malakas na boses ang tumawag sa pangalan nito pero kumaway lang siya patalikod bilang sagot na sawa na siyang makinig sa mga pinagsasabi nila . ''hayaan mo muna ang anak natin baka balang araw maiisip din niya magseryoso tungkol sa negosyo'' malaki ang factory at demand lahat ng product nila dahil sila ang nagpoproduce ng mga juice sa buong mundo .Nag iimport sila lagi ng mga juice in can gamit ang kanilang produktong mga prutas .Minsan may mga lupa silang nirerent para taniman ng mga pinya at may mga farmers ang nagpoproduce sa kanila at bilhin . '' sana nga Mabelle para naman kahit papaano matututo na ito '' kaya pa naman nila pero laging nagtatanong ang mga board na baka isalang nila si Zimon sa pagka CEO gayong wala pa itong alam tungkol sa business nila kaya gusto nila itong matuto muna para pag handa na ito ay pwede na nilang isalang sa pagiging CEO at ang asawa niya ang magiging chairman dahil magbibitiw na ang byenan niyang lalaki .Hindi naman pwede na ang kapatid ng kanyang asawa ang maging chairman dahil panigurado sila ang maghahari sa kompanya .Maliit palang ang kompanya nila, silang mag asawa ang katulong ng kanyang byenan na lalaki para palaguhin ito .Samantala ang kanyang bayaw walang ginawa kundi ang tumira sa ibang bansa at bumalik lang ito nung maayos at kilala ang kanilang produkto kaya hindi sila papayag na ito ang magiging CEO o kahit ang anak nila dahil sarap buhay ang mga ito noong nagsisimula palang ang kompanya . '' matalinong anak siya Ben nasa isip palang nito ang pumasyal ng pumasyal '' dahil sa byenan niyang lalaki .Kung bakit hindi nito hikayatin pumasok sa kompanya pero wala dahil kasama pa nitong mag ibang bansa para lang manood ng laro . '' so kamusta naman daw ang mga babae nito ?" inis na saad ni Ben .May mga dumating na balita sa kanila na maraming babae si Zimon . '' hayaan mo sila as long hindi niya mabuntis at hindi maghabol at saka anak ng mga mayayaman naman ang mga babaeng nalilink sa kanya '' pero kahit ganun hindi nila pwedeng hayaan na kahit anak mayaman ang mga ito dapat may delikadesa din sa katawan .Gusto nila ang babae para kay Zimon ay marunong din sa business hindi yung gaya ng anak nila na puro nalang walwal ang alam at karamihan ganun ang mga babaeng nalilink kay Zimon . '' ang kinatatakutan ko baka makahanap ito ng babaeng mukhang pera '' maraming ganung babae dahil isa rin siyang lalaki .Mabuti nalang at anak ng ex president ng bansa si Mabelle kaya tanggap agad ng kanyang ama dahil may nakilala siya noong babae akala niya mayaman iyon pala isang mahirap at mukhang pera kaya may trauma na siya sa isang babaeng dukha . ''ang hina mo naman Ben kung papayag kang maging ganun ang babaeng mabubuntis ng anak mo '' hindi siya papayag dahil alam niyang pera lang ang habol nito .Gusto nila yung katulad ng buhay nila ang magiging asawa ng kanilang anak kaya habang may nababalitaan nilang babae ni Zimon iniimbistigahan nila ito kung saan galing dahil ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya noon na niloko siya ng babaeng pera lang ang habol . ''Nagulat si Stephen ng biglang hilain siya ni Saphire sa madilim na bahagi ng hallway .Para sa kanya bilang lalaki nakakagulat ang ginawa ng dalaga pero may nagsasabi sa kanyang isipan na gusto niya ang ginagawa nito . ''hmmm anong ginagawa mo ?" kahit anong iwas ni Stephen sa paghalik sa kanya ni Saphire ay lalo siyang nag iinit dahil patuloy parin itong humahalik sa kanya . '' gusto kong matikman ang sinasabi nilang langit '' nakapikit na sagot ng dalaga .Nahirapan si Stephen magpigil dahil sa ginagawa sa kanya ni Saphire. Kailangan niyang magpigil dahil lasing ang dalaga . Kaya agad niyang hinubad ang suot nitong tuxedo at pinasuot kay Saphire. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay ang dalaga kaya agad niya itong binuhat upang dalhin sa parking lot . Pagkarating nila sa parking lot ay agad niyang tinawagan si Sophia . '' what ???bakit nasayo si Saphire?" tila nagulat si Sophia sa tinawag ni Stephen.Kanina pa sila naghihintay bumalik si Saphire ngunit wala na silang mahint
Nagpasya munang lumabas si Sophia dahil nababagot siya sa loob . Habang nagpapahangin siya ay doon naman lumabas si Zimon dahil nakita niya kaninang lumabas si Sophia.''bakit mag isa ka ngayon dito ?" tila nagulat si Sophia sa biglaang pagsulpot ng taong kinakainisan niya mula sa kanyang likuran .Tumingin siya na parang wala lang sa kanya ang presensya ng dati niyang asawa . '' Zimon ?" hindi niya pinahalata ang pagkagulat nito sa dati niyang asawa . Nagtaka lang siya dahil iniwan nito ang fiance niyang peke . Medyo nasaktan si Zimon sa pinakitang reaksyon ni Sophia para sa kanya ang lamig ng tingin ni Sophia na parang wala lang ito na nilapitan niya . Pero kahit ganun sobra niyang namiss ang dati niyang asawa . '' ako nga my ex wife ..kamusta ka at kamusta si Zilux ?" may hawak na wine glass si Zimon at puno ito mukhang nabored sa loob kaya lumabas tulad niya na gusto niyang magpahangin .Nainis si Sophia sa kanyang loob loob dahil may gana pang mangamusta ang ex husband niya
Pagdating nila Sophia sa venue ay nauna munang pumasok sina Saphire at Alona dahil biglang tumawag ang kanyang anak . Kinausap niya ito saglit sa video call at natuwa naman si Zilux dahil sa sobrang ganda ng kanyang ina . Natuwa naman si Sophia sa papuri ni Zilux sa kanya at binola pa niya ito na maghahanap siya ng ibang daddy . '' mom only daddy '' nadulas na sinabi ni Zilux ngunit binawi niya ito na hindi niya gusto ng bagong daddy . Natawa nalang din si Sophia dahil kitang kita niya sa mukha ni Zilux ang pagkabigla sa sinabi nito . Nagpaalam na siya sa kanyang anak matapos ang kanilang usapan . Pagpasok niya sa loob lahat ng mata ay nakatingin sa kanya na para bang siya ang pinakahuling dumating na bisita sa venue .Nang makapasok siya ay sakto naman nagsara na rin ang malaking pintuan at nasa gitna na siya ngayon .Lahat ng kalalakihan ay nakatingin lang sa kanya na para bang napahanga sila sa kanyang kagandahan . '' ohhh look hot '' saad ng isang lalaki na nasa tabi ni Zimon .
Dahil may event na kailangan puntahan sila Sophia at Saphire maaga silang nag ayos para maagang maakalis dahil inaalala nila ang trafic .Ang pupuntahan nilang event ay isang organization kung saan isa sa kompanya nila ang sponsor kaya inanyayahan si Saphire at Martin .Dahil abala si Martin si Sophia ang dinala ni Saphire para maging kasama nito papunta doon sa event na dadaluhan . Dahil tapos na si Saphire ayusan ng make up artist na kanilang kinuha nagpasya siyang pumunta sa kwarto ni Sophia kung tapos naba ito . Hindi naman sa nagmamadali siya kundi iniisip niya lang ang traffic sa daan lalo't ang venue na kanilang pupuntahan ay madadaanan ang daan kung saan matraffic . Pagkapasok niya sa kwarto ay laking gulat niya ng makita si Sophia sa ayos nito .'' ang ganda mo ate para kang barbie dyan sa pagkakaayos sayo '' '' see I told you ma'am maganda kang ayusan '' saad naman ng baklang make up artist.Napahawak siya sa kanyang mukha .Pulido at simple pero may dating nga ang kany
''Sophia ikaw nga bakit ngayon ka lang '' masayang sinalubong ng matandang naninirahan sa bahay nila Sophia.Ngumiti lang siya at umupo sa sofa na kahoy .May takip parin itong puting kurtina pero ang pagkakaiba lang ay maayos na ang kanilang bahay, Pumunta siya sa may kabinet at kinuha ang larawan ng buo niyang pamilya . Niyakap niya ito ng mahigpit . '' manong ,,alam mo ba kung bakit nandito ako ngayon '' nanginginig niyang boses habang nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luhang kusang kumalas Hindi naman umimik ang matanda at mukhang handa itong makinig . '' ito ang araw na namatay ang tiyahin at mga kapatid ..durog na durog ang puso ko nung nalaman kong wala na sila .Inaasahan ko pa naman na makakasama ko sila pero kasamaang palad wala pala ako madadatnan dito ,wala na pala sila tulad nila mama at papa at ganun din ang dalawa kong kapatid na kasama kong nalunod noon'' wala siyang pakialam kung puno na ng luha ang kanyang mukha .Ang importante mailabas niya ang sakit na n
Isang linggo ang nakalipas naging maayos naman na ang lagay ng bata . Bumalik si Antoinette sa hospital para kunin ang resulta ng lab test ng kanyang anak . Kailangan siya ang unang makaalam tungkol sa kalagayan ng kanyang anak bago ang iba . '' dok ano ibig sabihin nito bakit ganito ang rate ng tibok ng puso ng anak ko ?" nawindang siya sa resulta dahil bukod sa mababa ng hemoglobin ng kanyang anak mababa din ang tibok ng puso ng kanyang anak . '' yan ang gusto naming ipaliwanag sa inyo misis.May sakit sa puso ang anak mo '' halos manghina siya sa narinig .Kung ganun namana ng anak niya ang sakit ng kanyang ina .Ito ang sakit ng mama niya at isa niyang kapatid.Bigla siyang nanlumo sa nalaman , '' no !!! hindi pwede ito .anong sakit sa puso ?" hindi siya naniniwala baka nagkamali lang ang doktor . '' mababa ang tibok nito dahil may nakabarang ugat at kailangan ng agarang operation habang maaga pa .'' tuluyan na siyang nanghina at napaupo sa sofa . Ang bata pa ng kanyang ana







