MasukPagkarating nila Pilar sa hacienda kung saan magtatrabaho sila ay hindi muna sila pinapasok sa pinakaloob dahil kailangan pa mainterveiw ang dalawa at iniwan muna nila si Sofia sa may guard pati na rin ang kanilang mga gamit .
''ineng magulang mo ba talaga ang mga iyon ?" hindi muna tumingin si Sofia sa isang guwardya na nagtanong sa kanya . Kailangan pa niyang mag isip ng isasagot at baka makahalata ang mga ito .Pumikit siya at bumalik ang ala ala niya sa kubo kung saan nakatira ang mag asawa .Inisip niyang maayos ang kanyang mga narinig na usapan ng mga ito tungkol sa kanilang anak na namatay na mukha daw itong pinaglihi sa santo niño. '' oo naman po anak nila ako .Naiba lang ang itsura ko na gaya ng sinasabi ng karamihan dahil pinaglihi ako ni nanay sa isang artista '' agad naman naniwala ang gwardya dahil may ganung tao ang pinaglihi sa mga atista o di kaya sa mga santo kaya naiiba ang mga itsura sa kanilang magulang o kapatid . '' gusto mo ba mag meryenda ?" tinignan ni Sofia ang isang pagkain na may dahon ng saging na nakabalot . '' masarap po ba iyan ?" bigla siyang natakam dahil sa amoy . Nagtaka ulit ang mga guwardya dahil alam naman nila na pagkain ng mga taga probinsya ang kakanin na may balot ng saging . ''bakit ineng hindi mo pa natitikman ang ganitong pagkain ?" ini abot sa kanya ng lalaki ang isang balot ng kakanin sa kanya .Tinitigan niya lang ito pagkakuha at inamoy .Ngayon lang siya makakatikim ng ganitong pagkain dahil nung nasa poder siya ng totoo niyang magulang ,cake o di kaya mga prutas ang bukod tanging meryenda nila .Masasabi niyang isa sila sa may kaya sa kanilang lugar dahil may position ang kanyang ama sa kompanya at malaki ang bahay nila iyon nga lang wala silang pera sa banko at hindi niya maintindihan kung bakit at saan dinala ng kanyang ama ang kanilang pera na ayon sa kanyang ina madami silang ipon para sa kanila dahil lima na silang magkakapatid at silang tatlo ay nag aaral sa private at sa sahod ng ama niya sila umaasa .Hindi niya maituturing na mayaman iyon dahil parang below A parin sila in short nasa huli parin sila sa buhay .Bigla niyang namiss ang mga kapatid niya at naawa siya sa mga nasawi dahil tulad niya biktima lang sila sa masalimoot na nagawa ng kanilang ama. ''masarap naman po nito ?" nauunawaan nalang ng mga guwardya at baka pati kakanin ay hindi makagawa ang mag asawa dahil sa hirap kaya nagiging ignorante ang dalagita na nasa harapan nila ngayon .Binigyan pa siya ng juice at kinuha naman niya ito .Parang gutom na gutom ang dalagita habang kumakain dahil hindi man lang ito ngumuya kinain lahat at sabay inom . Pagkatapos nagmeryenda ni Sofia nagpasalamat naman siya sa mga guwardya na nagbigay sa kanya ng pagkain . Tinuro ng kanyang ina na lagi siyang magsalamat kahit sa maliit na bagay . Nakatitig lang sa kanya ang isang guwardya na babae dahil sa pagtataka .Parang anak mayaman ang anak ni Pilar .Alam naman niyang nagkaroon ng anak na babae ang mag asawa at hindi niya inaasahan na ganun kaganda .Nakapakagandang dalagita at maputing kutis parang anak mayaman . Nasa isip niya baka alagang maayos ang dalagita dahil nag iisa lang ito at mahal na mahal siguro ng mag asawa kaya ni peklat wala ito at parang puting kulob ang meron sa kutis ni Sofia . Napansin naman ni Sofia na parang may nakatingin sa kanya habang nakatalikod ,pero hindi nalang siya lumingon pa at umupo nalang siya sa may bag kung saan naroon ang kanilang gamit .Dumami ang kanilang dala dahil dumaan sila kanina sa palengke para bumili ng mga damit na ukay na para sa kanya . Magaganda naman ang mga napili ng mag asawang kumupkop sa kanya dahil excited ang mga ito bumili .Lalabhan lang muna daw nila at ibabad sa mainit na tubig para mawala ang mga bakterya .Natuwa siya dahil maraming alam ang mga ito samantala siya umaasa lang noon sa mga magulang niya . Puro branded ang kanilang suot na magkakapatid dahil mahilig bumili ang kanilang ina tuwing pumupunta ito sa mall laging may pasalubong silang damit .Hindi niya masasabing sila ay mayaman sa mayaman dahil hindi naman sila kasing hirap ng daga .Malaki ang sahod ng kanyang ama sa kompanya kaya lahat ng gusto nila ay naibibigay ng kanyang magulang .Alam niya lahat ito dahil kinikwento sa kanya ng kanyang ina .Pero nagbago ang lahat ng biglang nailipat ng lugar ang kanyang ama .Biglang nagbago lahat dahil parang naging matumal ang kota ng kanyang ama at parang doon nagsimula ang kanilang paghihirap .Pero kahit ganun kung ano ang kinasanayan nila binibigay parin sa kanila dahil ayaw nilang mabigla sila sa kahirapan . Pagkarating ng mag asawa sa guard house kung saan iniwan nila si Sofia ay nakita nilang nakaupo sa bag na malaki malalim ang innisp . '' salamat sa pagtingin sa anak ko '' ''walang anuman iyon nay Pilar .Ingatan ang anak niyo lalo't dalagita na ito , sa ganda ng anak niyo baka ligawan ito ng mga anak ng mga kapwa niyo tenant '' tumingin si Pilar kay Sofia .Napailing siya dahil alam niyang hindi maniniwala ang mga tao na anak nila ang dalagita dahil sa ganda ng kutis nito at mukha na malayo sa kanilang mag asawa . Walang nakakaalam na namatayan sila ng anak noon kaya ang mga nakakakita na nakakakilala sa kanila ay malaki na pala ang kanyang pinabubuntis noong bumaba sila sa bayan at buntis pa siya noon. Nagpaalam na sila para pumunta sa libreng tirahan nila para sa kanilang trabahador ng haceinda .Ito ang dahilan kung bakit mas gusto nalang nila tumira at magtrabaho sa hacienda dahil libre lahat at hindi sila magrereklamo sa kanilang sahod na tatlong daan dahil libre naman lahat . Kasali siya sa magtatrabaho sa mansion ng mga Morgan ang kanyang asawa naman ay magtatrabaho sa manggahan .Papaaralin nila si Sofia at may alok naman ang mga Morgan na may libreng sakay papunta sa skwelahan para sa mga anak ng mga trabahante ng hacienda .Pero hanggang highschool lang ang mga ito at kung tutungtong na sila ng kolehiyo ay kailangan ng umalis ang anak nila sa loob ng hacienda dahil hindi na sila kasali sa budget at naiintindihan naman nila iyon . Pagdating nila sa maliit na konkretong bahay na nakalaan sa kanila ay tuwang tuwa si Pilar dahil ngayon lang siya magkakaroon ng bahay na konkreto . Lumapit siya kay Sofia na tahimik at nakatingin lang sa bintana .Tumabi siya at hinawakan ang balikat nito . '' Sofia kung may magtatanong kung bakit naiiba itsura mo sa amin dapat ang isagot mo '' '' pinaglihi ako sa artista .Salamat nay Pilar dahil kinupkop niyo ako '' hindi na niya pinatapos pa magsalita si Pilar dahil naunahan na niya ito .Sinabi din niya sa na nagtanong ang mga guard kanina sa kanya tungkol sa itsura niya at sila . '' wala iyon .Basta yung bilin ko huwag mo nalang patulan ang sino man magsabi na ampon ka a'' tumango siya at yumakap sa matanda .Alam na nila ang totoong nangyari sa kanya kaya sila na mismo ang nag alok na lalayo sila sa lugar kung saan nangyari ang masalimoot na aksidente ng pamilya ni Sofia .Sinabi din ni Sofia na nanganganib ang kanyang buhay kaya gusto niyang lumayo at sumama sa kanina kaya walang nagawa ang dalawa kundi sinama siya at tulungan makahaon para makapag higanti ito .Hindi sa tinuturuan nilang maging masama si Sofia kundi gusto lang nilang makatulong sa hangarin ng bata . '' oo nay huwag kayong mag aalala '' tumugon na din si Pilar at nang matapos silang magyakapan ay masaya nilang inayos ang kanilang gamit sa kabinet na nasa bawat kwarto .Wala pa siyang mailalagay na damit dahil lalabhan pa ni Pilar . Nakarating din ulit si Asyong na bumalik sa guward house para kunin ang iba nilang gamit na hindi nila mahawakan kanina dahil may binigay sa kanilang mga gamit galing sa management ng mga Morgan kaya iniwan muna nila ang ibang nilang bag doon at siya nalang ang bumalik .Nadatnan niya ang dalawa na nag aayos ng mga gamit .Masaya siya dahil pumayag din si Pilar na magtrabaho sila sa hacienda na matagal na niyang plano dahil dito galing ang mga magulang niya noon . - Samantala dumalaw na rin ang mga Morgan sa mga tirahan ng kanilang mga tauhan .Hindi nila nagustuhang ang ibang kadugyotan ng mga ito dahil kung anong sampay ang nasa bintana ng mga bahay na binigay nila sa mga ito . ''pakitanggal nga yan ang pangit tignan '' agad naman tumalima ang isang babae .Kalalgay niya lang naman kanina doon ang supot kung saan may lamang pagkain para baunin sana mamaya sa farm .Hindi nila inaasahan ang pagbisita ng mag asawang Morgan na allergic sa mga mahihirap . '' grabe naman mga iyan yayaman ba sila kung hindi dahil sa atin '' sinuway naman ng babae ang kanyang asawa at baka marinig ng mag asawang Morgan ang mga sinabi nito at mapalayas sila ng wala sa oras .Marami pang sinita ng mag asawa at hindi lang sila . Para sa kanila ang mag asawang ito ang may ugaling kanal ,maitim ang dugo nila kaya mukhang nagmana ang anak nilang lalaki sa sama ng ugali dahil tuwing pumapasyal sa kamalig ang anak nila ay ni hindi man lang pumapansin .Bukog tanging ang Don lang ang mabait sa kanila at ang asawa nitong namayapa na .Pero nung nag ibang bansa ang Don at naiwan sa pamamahala ng anak nitong si Ben Morgan ay nag iba ang takbo ng hacienda.Takot ang mga tao sa mag asawa dahil nagtatanggal ang mga ito pag hindi nila magustuhan ang trabaho ng mg farmers. Mabuti nalang at hindi nila napansin ang bagong dating na sina Asyong malapit sa napagalitang kapitbahay nila . Nagtago naman sina Asyong at hindi muna nagpakita sa mag asawa dahil iyon ang bilin ng ibang tao na kung mapansin nila ang mga matapobreng Morgan magtago sila dahil hindi nakakain ng aso ang mga lumalabas sa bunganga ng mga ito.Nagulat si Stephen ng biglang hilain siya ni Saphire sa madilim na bahagi ng hallway .Para sa kanya bilang lalaki nakakagulat ang ginawa ng dalaga pero may nagsasabi sa kanyang isipan na gusto niya ang ginagawa nito . ''hmmm anong ginagawa mo ?" kahit anong iwas ni Stephen sa paghalik sa kanya ni Saphire ay lalo siyang nag iinit dahil patuloy parin itong humahalik sa kanya . '' gusto kong matikman ang sinasabi nilang langit '' nakapikit na sagot ng dalaga .Nahirapan si Stephen magpigil dahil sa ginagawa sa kanya ni Saphire. Kailangan niyang magpigil dahil lasing ang dalaga . Kaya agad niyang hinubad ang suot nitong tuxedo at pinasuot kay Saphire. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay ang dalaga kaya agad niya itong binuhat upang dalhin sa parking lot . Pagkarating nila sa parking lot ay agad niyang tinawagan si Sophia . '' what ???bakit nasayo si Saphire?" tila nagulat si Sophia sa tinawag ni Stephen.Kanina pa sila naghihintay bumalik si Saphire ngunit wala na silang mahint
Nagpasya munang lumabas si Sophia dahil nababagot siya sa loob . Habang nagpapahangin siya ay doon naman lumabas si Zimon dahil nakita niya kaninang lumabas si Sophia.''bakit mag isa ka ngayon dito ?" tila nagulat si Sophia sa biglaang pagsulpot ng taong kinakainisan niya mula sa kanyang likuran .Tumingin siya na parang wala lang sa kanya ang presensya ng dati niyang asawa . '' Zimon ?" hindi niya pinahalata ang pagkagulat nito sa dati niyang asawa . Nagtaka lang siya dahil iniwan nito ang fiance niyang peke . Medyo nasaktan si Zimon sa pinakitang reaksyon ni Sophia para sa kanya ang lamig ng tingin ni Sophia na parang wala lang ito na nilapitan niya . Pero kahit ganun sobra niyang namiss ang dati niyang asawa . '' ako nga my ex wife ..kamusta ka at kamusta si Zilux ?" may hawak na wine glass si Zimon at puno ito mukhang nabored sa loob kaya lumabas tulad niya na gusto niyang magpahangin .Nainis si Sophia sa kanyang loob loob dahil may gana pang mangamusta ang ex husband niya
Pagdating nila Sophia sa venue ay nauna munang pumasok sina Saphire at Alona dahil biglang tumawag ang kanyang anak . Kinausap niya ito saglit sa video call at natuwa naman si Zilux dahil sa sobrang ganda ng kanyang ina . Natuwa naman si Sophia sa papuri ni Zilux sa kanya at binola pa niya ito na maghahanap siya ng ibang daddy . '' mom only daddy '' nadulas na sinabi ni Zilux ngunit binawi niya ito na hindi niya gusto ng bagong daddy . Natawa nalang din si Sophia dahil kitang kita niya sa mukha ni Zilux ang pagkabigla sa sinabi nito . Nagpaalam na siya sa kanyang anak matapos ang kanilang usapan . Pagpasok niya sa loob lahat ng mata ay nakatingin sa kanya na para bang siya ang pinakahuling dumating na bisita sa venue .Nang makapasok siya ay sakto naman nagsara na rin ang malaking pintuan at nasa gitna na siya ngayon .Lahat ng kalalakihan ay nakatingin lang sa kanya na para bang napahanga sila sa kanyang kagandahan . '' ohhh look hot '' saad ng isang lalaki na nasa tabi ni Zimon .
Dahil may event na kailangan puntahan sila Sophia at Saphire maaga silang nag ayos para maagang maakalis dahil inaalala nila ang trafic .Ang pupuntahan nilang event ay isang organization kung saan isa sa kompanya nila ang sponsor kaya inanyayahan si Saphire at Martin .Dahil abala si Martin si Sophia ang dinala ni Saphire para maging kasama nito papunta doon sa event na dadaluhan . Dahil tapos na si Saphire ayusan ng make up artist na kanilang kinuha nagpasya siyang pumunta sa kwarto ni Sophia kung tapos naba ito . Hindi naman sa nagmamadali siya kundi iniisip niya lang ang traffic sa daan lalo't ang venue na kanilang pupuntahan ay madadaanan ang daan kung saan matraffic . Pagkapasok niya sa kwarto ay laking gulat niya ng makita si Sophia sa ayos nito .'' ang ganda mo ate para kang barbie dyan sa pagkakaayos sayo '' '' see I told you ma'am maganda kang ayusan '' saad naman ng baklang make up artist.Napahawak siya sa kanyang mukha .Pulido at simple pero may dating nga ang kany
''Sophia ikaw nga bakit ngayon ka lang '' masayang sinalubong ng matandang naninirahan sa bahay nila Sophia.Ngumiti lang siya at umupo sa sofa na kahoy .May takip parin itong puting kurtina pero ang pagkakaiba lang ay maayos na ang kanilang bahay, Pumunta siya sa may kabinet at kinuha ang larawan ng buo niyang pamilya . Niyakap niya ito ng mahigpit . '' manong ,,alam mo ba kung bakit nandito ako ngayon '' nanginginig niyang boses habang nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luhang kusang kumalas Hindi naman umimik ang matanda at mukhang handa itong makinig . '' ito ang araw na namatay ang tiyahin at mga kapatid ..durog na durog ang puso ko nung nalaman kong wala na sila .Inaasahan ko pa naman na makakasama ko sila pero kasamaang palad wala pala ako madadatnan dito ,wala na pala sila tulad nila mama at papa at ganun din ang dalawa kong kapatid na kasama kong nalunod noon'' wala siyang pakialam kung puno na ng luha ang kanyang mukha .Ang importante mailabas niya ang sakit na n
Isang linggo ang nakalipas naging maayos naman na ang lagay ng bata . Bumalik si Antoinette sa hospital para kunin ang resulta ng lab test ng kanyang anak . Kailangan siya ang unang makaalam tungkol sa kalagayan ng kanyang anak bago ang iba . '' dok ano ibig sabihin nito bakit ganito ang rate ng tibok ng puso ng anak ko ?" nawindang siya sa resulta dahil bukod sa mababa ng hemoglobin ng kanyang anak mababa din ang tibok ng puso ng kanyang anak . '' yan ang gusto naming ipaliwanag sa inyo misis.May sakit sa puso ang anak mo '' halos manghina siya sa narinig .Kung ganun namana ng anak niya ang sakit ng kanyang ina .Ito ang sakit ng mama niya at isa niyang kapatid.Bigla siyang nanlumo sa nalaman , '' no !!! hindi pwede ito .anong sakit sa puso ?" hindi siya naniniwala baka nagkamali lang ang doktor . '' mababa ang tibok nito dahil may nakabarang ugat at kailangan ng agarang operation habang maaga pa .'' tuluyan na siyang nanghina at napaupo sa sofa . Ang bata pa ng kanyang ana







