เข้าสู่ระบบMula sa maliit na kubo pinagmamasdan ng mag asawang Pilar at Asyong ang napulot nilang dalagita sa may ilog kung saan palutang lutang .Ang akala nila patay na ito pero nang may nakapa silang pintig ng mahinang pulso ay ginawa nila lahat para iligtas ang bata .Mabuti nalang at marunong sila sa pagsagip sa nalunod dahil may medical meeting noon sa kanilang bayan at tinuro nila kung paano sumagip ng nalunod na tao .Nagamit nila ang mga napag aralan nila sa dalagitang palutang lutang at nang wala silang sawang mag bomba sa dibdib nito ay doon na rin sumuka ng tubig at nagpasalamat sila dahil ligtas ang dalagitang kanilang niligtas . Dahil hindi nila alam kung kaninong anak ang dalagita minabuti nilang iuwi muna sa kanilang munting tahanan para doon pagalingin ang iba nitong sugat na mukhang nakuha nito sa pagkakalunod .
''dalawang araw na siyang tulala ,hindi pa kumakain ang payat ng rin ng batang ito '' simula nagkaroon ng malay ang dalagita hindi pa nila ito nakausap ng maayos .Tulala at parang malalim ang iniisip . '' kamusta pala ang van na naaksidente sa kabilang bayan ?" medyo malayo ang bayan na tinutukoy niya pero dahil may mga kakilala silang mga chismosa ay narinig nila ang tungkol sa nangyari sa van . '' nakuha na ang labi ng dalawang bata at isang babae at may isang lalaki din na kasama ng mga ito .Siguro buong pamilya ang mga iyon '' ayon pa sa balita kanda lasog lasog ang katawan ng mga ito dahil mas naunang tumama ang likod ng van pagkahulog sa bangin.Walang makakaligtas sa bangin na iyon dahil pang 3rd floor na ng bahay kung susuriin ang taas . '' kawawa naman sila ,nga pala ano ang pangalang ng batang ito ?'' tanong ni Asyong sa asawa niyang nagliligpit ng mga gamit dahil papunta na sila sa syudad kung saan mamasukan sila sa pinakamalawak na hacienda doon . Mga tatlong minutos lang ang byahe nito papunta sa mga naglalakihang mga gusali at sa kanilang patutunguhan ay ilang hectarya kung saan malayo sa bayan ng syudad na pagmamay ari ng isang pamilya .Maituturung na mayaman ang mga ito dahil sila ang may pinakamalawak na lupain at taniman ng mga prutas na siyang nag poproduce sa factory na nasa pinaka syudad ng lugar. Doon maraming empleyado ang nagtatrabaho pero sa tulad nilang walang pinag aralan at matanda sa hacienda nalang sila mamasukan . ''Sofia ata kasi ito naman ang nasa kwintas niya '' binigay niya kay Asyong ang kwintas na nakuha nila sa leeg ng dalagita . Talagang naniniwala sila na ito ang pangalan dahil bakit magsusuot ng ganitong alahas ang dalagita kung hindi niya pangalan ang nakalagay at may nakaukit ng mga numero sa likod ng pangalan ng dalagita mula sa kwintas .Binalik niya ang kwintas kay Pilar dahil baka hanapin ng dalagita at baka mahalaga ito sa kanya . '' mukhang wala pang deset otso ang bata ''nasabi niyang wala dahil sa numero na nakaukit sa kwintas nito alam nyang baka kaarawan ng dalagita ang nakaukit doon dahil sais otso dalawang libo ang nakalagay .Tansya niya baka nasa kinse palang ang dalagita pero matangkad at maganda kaya hindi halata ang bata nitong edad . ''tulungan mo nalang ako magligpit dito '' iniwan niya muna ang kanyang nililigpit na damit para ilagay sa sako bag na binil niya kahapon sa bayan dahil magluluto pa siya ng pagkain para baunin nila sa byahe . '' ano gagawin mo ipagbigay alam mo ba sa mga pulis ang tungkol sa kanya ?" natigil sa pag paghiwa ng karne ng baboy si Pilar sa tanong ng kanyang asawa .Nagisip pa siya kung ano nga ba ang gagawin sa dalagita . '' hindi!!!! wala akong tiwala sa mga pulis na iyan gusto kong alagaan hanggang wala akong nakikitang missing na mukha ng batang ito hindi ko ibibigay doon '' hindi naman sa wala siyang tiwala pero dalagita ang taong napulot nila .Gusto niya muna tignan kung may missing report naba sa presinto mamaya pag nasa bayan na sila . Kung meron gusto niyang siya mismo ang magbibigay alam sa mga magulang ni Sofia . '' sabagay alagaan nalang natin para naman may anak na tayo '' isa pa itong dahilan kung bakit ayaw niyang ipagbigay alam .Mukhang walang maalala ang dalagita sa nangyari sa kanya dahil tulala parin ito at mukhang may pinagdaanan na masama . ''sakto papunta naman na tayo sa hacienda ng mga Morgan siguradong may pantustos na tayo sa pag aaral niya '' kung ano ano na ang pumapasok sa kanilang isipan kung ano ang plano nila sa dalagita .Itataya nila ang kanilang buhay maibigay lang ang pangangailangan nito sa pag pinaaral. Ito ang mapangarap nila sa kanilang yumaong anak . '' ano ang gagamitin mong pangalan sa bata ?" anong ni Asyong sa asawa nito . May anak sila pero namatay nung sanggol pa ito higit dalawang buwan lang sa kanila ang kanilang anak na babae ,sa isip niya siguro kasing laki na ng dalagitang napulot nila ang kanilang anak na maagang kinuha sa kanila dahil sa sakit nitong leukemia. Ang isang kinasaya ng kanyang damdamin parehas ang pangalan ng anak niya at ang dalagita na nasa poder nila ngayon. '' ano kaba hindi mo ba alam na kapangalan ng anak natin yun nga lang magkaibang spelling ,Pero kahit ganun ayos lang mukhang magkasinedad naman tignan mo ang birth certificate ng anak natin diba Sohpia din ang pangalan ng anak natin '' Binuklat ni Asyong ang isang envelope kung saan naroon ang mga mahalaga nilang dokumento. '' bakit wala dito ang death certificate ng anak natin Pilar hindi mo ba na parehistro ?" agad na umiling si Pilar at nalungkot . '' hindi ko tanggap na namatay ang anak natin kaya hindi ko inasikaso ang death certificate niya.Kaya Asyong para sa akin isang hulog ng langit ang batang ito '' tumingin siya sa kwarto nila kung saan natutulog ang dalagitang nakuha nila sa ilog .Para sa kanya parang binalik lang ng diyos ang anak nila sa katauhan ni Sofia na kapangalan ng kanilang anak . '' paano kung hanapin niya ang mga magulang ng bata ?" ayaw niyang masaktan si Pilar at baka mahulog na rin ang loob ng kanyang asawa kay Sofia at baka wala na itong balak ibalik pa . '' kung maalala niya e di ibalik natin '' hindi naman siya madamot basta maayos ang pamilyang pagbabalikan nila kay Sofia pero kung hindi ang bata mismo ang pagpipiliin nila kaya nga gusto niyang ibigay lahat para dito kung sakaling nasa magsisimula na silang magtrabaho sa hacienda ng mga Morgan . Lingid sa kanilang kaalaman nakikinig si Sofia habang nag uusap ang dalawang matanda .Naawa siya dahil nangungulila ang mga ito sa namayapa nilang anak . Kailangan niyang magkunwaring walang maalala para hindi siya ibibigay sa mga pulis .Kahit masakit para sa kanya na marinig na wala na ang kanyang dalawang kapatid at ina kailangan niyang magpakatatag dahil may dalawa pa siyang kapatid na kailangan niyang balikan balang araw. Ipapangako niya sa kanyang sarili na hahanapin niya ang taong may pakana sa kanilang kamatayan .Ituturing niyang patay na ang dati niyang katawan .Panibagong katauhan ang kailangan niyang mabuo at iyon sa tulong ng mag asawang nagligtas sa kanya.Ramdam naman niyang mabait ang mga ito dahil narinig niya kung ano ang gusto nilang gawin sa kanya .Mataas ang pangarap ng dalawang matanda para sa kanya at sasamantalahin niya ang pagkakataon na ito para sa kanyang haharaping laban . Ipaghiganti niya ang kanyang pamilya at iyon ang nakatatak sa kanyang puso't isipan. Kung hindi siya gagalaw sino ang magbibigay ng hustisya para sa kanila .Lalong lalo na may kapatid pa siyang dalawa na nasa poder ng kanyang tiyahin .Ito nalang ang bukod tanging inaasahan niyang pamilya .Nagulat si Stephen ng biglang hilain siya ni Saphire sa madilim na bahagi ng hallway .Para sa kanya bilang lalaki nakakagulat ang ginawa ng dalaga pero may nagsasabi sa kanyang isipan na gusto niya ang ginagawa nito . ''hmmm anong ginagawa mo ?" kahit anong iwas ni Stephen sa paghalik sa kanya ni Saphire ay lalo siyang nag iinit dahil patuloy parin itong humahalik sa kanya . '' gusto kong matikman ang sinasabi nilang langit '' nakapikit na sagot ng dalaga .Nahirapan si Stephen magpigil dahil sa ginagawa sa kanya ni Saphire. Kailangan niyang magpigil dahil lasing ang dalaga . Kaya agad niyang hinubad ang suot nitong tuxedo at pinasuot kay Saphire. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay ang dalaga kaya agad niya itong binuhat upang dalhin sa parking lot . Pagkarating nila sa parking lot ay agad niyang tinawagan si Sophia . '' what ???bakit nasayo si Saphire?" tila nagulat si Sophia sa tinawag ni Stephen.Kanina pa sila naghihintay bumalik si Saphire ngunit wala na silang mahint
Nagpasya munang lumabas si Sophia dahil nababagot siya sa loob . Habang nagpapahangin siya ay doon naman lumabas si Zimon dahil nakita niya kaninang lumabas si Sophia.''bakit mag isa ka ngayon dito ?" tila nagulat si Sophia sa biglaang pagsulpot ng taong kinakainisan niya mula sa kanyang likuran .Tumingin siya na parang wala lang sa kanya ang presensya ng dati niyang asawa . '' Zimon ?" hindi niya pinahalata ang pagkagulat nito sa dati niyang asawa . Nagtaka lang siya dahil iniwan nito ang fiance niyang peke . Medyo nasaktan si Zimon sa pinakitang reaksyon ni Sophia para sa kanya ang lamig ng tingin ni Sophia na parang wala lang ito na nilapitan niya . Pero kahit ganun sobra niyang namiss ang dati niyang asawa . '' ako nga my ex wife ..kamusta ka at kamusta si Zilux ?" may hawak na wine glass si Zimon at puno ito mukhang nabored sa loob kaya lumabas tulad niya na gusto niyang magpahangin .Nainis si Sophia sa kanyang loob loob dahil may gana pang mangamusta ang ex husband niya
Pagdating nila Sophia sa venue ay nauna munang pumasok sina Saphire at Alona dahil biglang tumawag ang kanyang anak . Kinausap niya ito saglit sa video call at natuwa naman si Zilux dahil sa sobrang ganda ng kanyang ina . Natuwa naman si Sophia sa papuri ni Zilux sa kanya at binola pa niya ito na maghahanap siya ng ibang daddy . '' mom only daddy '' nadulas na sinabi ni Zilux ngunit binawi niya ito na hindi niya gusto ng bagong daddy . Natawa nalang din si Sophia dahil kitang kita niya sa mukha ni Zilux ang pagkabigla sa sinabi nito . Nagpaalam na siya sa kanyang anak matapos ang kanilang usapan . Pagpasok niya sa loob lahat ng mata ay nakatingin sa kanya na para bang siya ang pinakahuling dumating na bisita sa venue .Nang makapasok siya ay sakto naman nagsara na rin ang malaking pintuan at nasa gitna na siya ngayon .Lahat ng kalalakihan ay nakatingin lang sa kanya na para bang napahanga sila sa kanyang kagandahan . '' ohhh look hot '' saad ng isang lalaki na nasa tabi ni Zimon .
Dahil may event na kailangan puntahan sila Sophia at Saphire maaga silang nag ayos para maagang maakalis dahil inaalala nila ang trafic .Ang pupuntahan nilang event ay isang organization kung saan isa sa kompanya nila ang sponsor kaya inanyayahan si Saphire at Martin .Dahil abala si Martin si Sophia ang dinala ni Saphire para maging kasama nito papunta doon sa event na dadaluhan . Dahil tapos na si Saphire ayusan ng make up artist na kanilang kinuha nagpasya siyang pumunta sa kwarto ni Sophia kung tapos naba ito . Hindi naman sa nagmamadali siya kundi iniisip niya lang ang traffic sa daan lalo't ang venue na kanilang pupuntahan ay madadaanan ang daan kung saan matraffic . Pagkapasok niya sa kwarto ay laking gulat niya ng makita si Sophia sa ayos nito .'' ang ganda mo ate para kang barbie dyan sa pagkakaayos sayo '' '' see I told you ma'am maganda kang ayusan '' saad naman ng baklang make up artist.Napahawak siya sa kanyang mukha .Pulido at simple pero may dating nga ang kany
''Sophia ikaw nga bakit ngayon ka lang '' masayang sinalubong ng matandang naninirahan sa bahay nila Sophia.Ngumiti lang siya at umupo sa sofa na kahoy .May takip parin itong puting kurtina pero ang pagkakaiba lang ay maayos na ang kanilang bahay, Pumunta siya sa may kabinet at kinuha ang larawan ng buo niyang pamilya . Niyakap niya ito ng mahigpit . '' manong ,,alam mo ba kung bakit nandito ako ngayon '' nanginginig niyang boses habang nanlalabo ang mga mata niya dahil sa luhang kusang kumalas Hindi naman umimik ang matanda at mukhang handa itong makinig . '' ito ang araw na namatay ang tiyahin at mga kapatid ..durog na durog ang puso ko nung nalaman kong wala na sila .Inaasahan ko pa naman na makakasama ko sila pero kasamaang palad wala pala ako madadatnan dito ,wala na pala sila tulad nila mama at papa at ganun din ang dalawa kong kapatid na kasama kong nalunod noon'' wala siyang pakialam kung puno na ng luha ang kanyang mukha .Ang importante mailabas niya ang sakit na n
Isang linggo ang nakalipas naging maayos naman na ang lagay ng bata . Bumalik si Antoinette sa hospital para kunin ang resulta ng lab test ng kanyang anak . Kailangan siya ang unang makaalam tungkol sa kalagayan ng kanyang anak bago ang iba . '' dok ano ibig sabihin nito bakit ganito ang rate ng tibok ng puso ng anak ko ?" nawindang siya sa resulta dahil bukod sa mababa ng hemoglobin ng kanyang anak mababa din ang tibok ng puso ng kanyang anak . '' yan ang gusto naming ipaliwanag sa inyo misis.May sakit sa puso ang anak mo '' halos manghina siya sa narinig .Kung ganun namana ng anak niya ang sakit ng kanyang ina .Ito ang sakit ng mama niya at isa niyang kapatid.Bigla siyang nanlumo sa nalaman , '' no !!! hindi pwede ito .anong sakit sa puso ?" hindi siya naniniwala baka nagkamali lang ang doktor . '' mababa ang tibok nito dahil may nakabarang ugat at kailangan ng agarang operation habang maaga pa .'' tuluyan na siyang nanghina at napaupo sa sofa . Ang bata pa ng kanyang ana







