Share

Naguguluhan

Xenon bought us some water. Tinulungan niya pa kami magwalis. Gusto niya na magpahinga ako kanina pero hindi ko ginawa. Nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kung magpapahinga ako tapos sila ay hindi. Mas lalong nakakahiya sa kaniya!

 

Amethyst and Jade left after we finished cleaning. While Xenon and I are here on the abandoned chairs at the back of the bleachers. Nakaupo kami rito at nagpapahinga.

 

"Report your teacher." he said coldly.

 

"No, Xenon," pagtanggi ko.

 

I saw that he smiled a little. Ang dahilan ng pagngiti niya ay hindi ko alam.

 

"Why did you smile?" I asked with curiosity.

 

"Nothing," tipid niyang sagot.

 

Still not satisfied with my rest, I choose to stay here. Wala na akong pake kung may makakita sa akin dito. Ipapaliwanag ko na lang ang nangyari.

 

Sumandal ako sa upuan at kinuha ang cellphone sa bulsa. Hindi naman ako kinakausap ni Xenon, edi magcecellphone na lang ako!

 

Hindi ko pala naexit ang messenger. Pagkalagay ko ng password ko ay bumungad ang chat ni Xenon. Ngayon ko lang naalala na may kasalanan si Jade sa akin!

 

"Gou didn't reply earlier." Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. He's also on his phone now. Hid lips were pouted.

 

"A teacher came."

 

Bumalik na ulit ako sa pagcecellphone. Jade and Amethyst are now teasing me on our group chat.

 

Amethyst Villareal

Enjoy, Sapphire.

 

Hindi ko sila pinansin sa gc. Sineen ko na lang sila. Wala ako sa mood para makipagbiruan o asaran.

 

I opened the F******k app. Hindi ko alam kung bakit nakakaadik magfacebook kahit walang kachat.

 

"Answer now my question," si Xenon.

 

Binuksan ko ang notification dahil sobrang dami.

 

"What question?"

 

I scrolled on my notifications. Napakunot ang noo dahil niflood reacts ako ni Xenon.

 

"Aren't you going to see me today?"

 

Ramdam ko na tumingin siya sa akin pero ang mata ko ay nasa cellphone ko lang. Scroll lang ako nang scroll habang tinitignan ang mga nireactan niya. Nakarating siya sa dati kong pictures!

 

"Answer me, Sapphire," siya ulit.

 

"We just see each other now. Ano pa bang gusto mo?" kunot-noo kong tanong, tila nakukulitan.

 

"If ever na hindi tayo nagkita rito, hindi pala kita makikita?" 

 

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Why did I find him softie? Hindi naman siya ganito sa paningin ko dati, ah.

 

Bumalik na ulit ako sa pagcecellphone. "Ano naman kung hindi?"

 

"I'm just asking."

 

That day, I questioned myself. Bakit ganoon ang mga ipinapakita ni Xenon? Is that already an act of showing his feelings for me? Is he hitting on me?

 

Hindi ako nakaconcentrate sa klase ng panghapon dahil iniisip ko iyon. I don't want to assume. But based on what he acts, the rumor of him having feelings for me is slowly getting clear.

 

Hindi siya ganito dati, sa totoo lang. Bakit biglang nagbago?

 

I remember the time that the rumor is still fresh on the whole campus. Dahil sikat si Xenon dito, lahat ng taong naiinvolve sa buhay niya ay nakikilaka rin. Kaya naman ang init ng mga mata sa akin ng tao noong kauumpisa pa lang ng issue.

 

Inutusan kami ni Ms. Mercado na bumili ng pagkain niya rito sa Canteen ng College Department. Alam niyang bawal kami rito pero pilit niya pa rin kaming inuutusan sa lugar na ito.

 

"Sumingit na tayo." bulong ni Jade.

 

"Makiusap na lang tayo," suhestiyon ni Amethyst.

 

Hindi ko alam kung bakit kailangan panv sumingit at makiusap. Samantalang pwede namang maghintay!

 

Kinalabit ni Jade ang lalaki sa harap namin. Bago pa makalingon ang lalaki ay nagtago na si Jade at Amethyst sa likod ko! Alam ko ang gusto nilang mangyari!

 

Ngayon ko lang napansin kung sino ang lalaking ito. Hindi ako makatingin sa kaniya.

 

"What is it?" malamig nitang tanong.

 

Inilibot ko ang mata ko sa canteen. Nakatingin ang mga estudyante sa amin kaya naman alam kong mapapahiya ako.

 

I gulped before answering. "Can we go first over the counter? Utos kasi ito ng teacher." I tried so hard to act cool. Kahit alam kong mapapahiya ako.

 

Hindi na ako nagulat sa sagot niya. "No. Learn how to wait. Isa pa, wala kayo dapat dito. Bawal kayo rito. May sarili kayong canteen." Pwede niya namang sabihing ayaw niya magpasingit, bakit ang dami pa niyang sinabi?

 

Sabi ko na nga bang mapapahiya ako. Naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante rito.

 

"Hindi naman yata siya gusto."

 

"Baka nag-assume lang."

 

Naging hati ang paniniwala ng mga estudyante rito nang kumalat ang pangyayaring iyon. Merong nagsasabing gusto niya ako, meron ding hindi. Kaya ang issue sa amin ay medyo humupa.

 

Simula noong araw na iyon, inisip ko na hindi niya talaga ako gusto. It's just rumor that has no proof. Kaya naman todo ang tanggi ko nang sabihin ni Pres na kumbinsihin ako ni Xenon. Bukod sa ayoko na mainvolve sa kaniya, alam kong hindi ko magagawa. Hindi naman totoong gusto niya ako.

 

Pero noong nag-umpisa na ang pangungumbinsi ko, parang nagbago ang mga bagay. Bukod sa mas nakikilala ko siya, ang mga opinyon ko sa kaniya ay nababaligtad. Ang mga paniniwala ko ay nagbabago.

 

He has a crush on me. Or should I say infatuated? May nagsabi sa amin noon na aming guro na kapag daw ang pagkacrush sa isang tao ay lumagpas sa tatlong buwan, hindi na iyon simpleng pagkacrush lamang. That's infatuation. Still, infatuation is not a feeling for a person forever. It fades. Like a color. Like love.

 

Xenon's rumored feelings for me is already over a year. But again, I will say that I don't want to assume.

 

Kung totoo man na may gusto nga siya sa akin at totoo ang hinala ko that he's hitting on me, ngayon pa lang sinasabi ko na wala siyang pag-asa. Dahil ang mga relasyon ay natatapos lang din. Ang pag-ibig ay hindi totoo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status