Pang-ilang ulit nang sinusuri ni Maliah ang nakalatag na damit sa ibabaw ng kaniyang higaan, pero hindi pa rin siya nakakapili ng maisusuot. Panay chat na si Missy, pero hindi niya pinapansin. "Shesshh... bakit hindi ako makapili ng maisusuot? Pants na lang kaya. Wala naman sigurong masama, 'di ba?" sabi niya sa sarili. Nalaglag ang kaniyang balikat at tila ba'y iiyak na. Pupunta lang naman sila sa bar pero hirap na hirap siyang pumili ng maisusuot. "Kainis!" "E, kung hindi na lang kaya ako pumunta? Kinakabahan kasi ako e. Parang may mangyayaring hindi maganda." "E bakit ba kasi pupunta ka?" Natampal niya ang noo. Para na talaga siyang may sayad sa utak, malimit na niyang kausapin ang sarili. Ganito ba ang epekto ng niloko ng best friend at boyfriend?Sa huli, napili niyang suotin ang black skirt na nabili niya sa online, hanggang tuhod at may slit sa likuran. Tinernuhan niya ng pink na long sleeve, tinupi niya hanggang siko ang manggas at black shoes para sa paa. Ipinusod niya
Nakahinga ng maluwag si Maliah. Wañta siyang narinig sa bibig ni Ma'am Patty na balita tungkol sa naganap nang nagdaang gabi. Siguro'y nakalimutan na ng CEO o kaya'y hindi talaga pinag-usapan. Nabanggit ng ginang ang tungkol sa new regulations and policy. Kailangang on time silang papasok at nasa tama ang uniform. "Anong bago roon?" Siniko niya si Yna para patahimikin. "Makinig ka na lamang," aniya na hindi inaalis ang titig sa ginang na nagsasalita. "By the way, gusto ko lang din kayong i-congratulate sa magandang performance na ipinapakita nito. Napuri tayo ng CEO at dahil diyan— makakauwi na kayo." "Aba'y alangan! Kanina pa naghihintay sa akin si bulinggit. Ang tagal ng meeting niyo, tapos 'yan lang pala ang sasabihin mo!" himutok ni Yna. "Tumahimik ka nga," saway naman niya rito. "Kapag narinig ka niyan, tiyak na hindi ka pauuwiin niyan." "Subukan lang niya." Kaagad nitong isinukbit ang bag at mabilis na tinungo ang pinto. Napailing na lamang siya. Nagpaalam na siya sa
"I think, she's inggit sa 'yo." Sinulyapan ni Maliah ang nagsalitang si Missy. Slang kung magsalita at may kaya sa buhay, kaya may kaartehang taglay. Bago lang ito sa company. Maganda, mas mataas sa kaniya at slim ang katawan. Madalas niya itong titigan dahil na-a-amaze siya sa katawan nito. "Oo nga, Maliah," sang-ayon ni Donna, may hawak na namang chichirya. "Feel ko rin 'yon." "Pero, bakit?" "We don't know e. But I feel it, Maliah. Ganyan din kasi ang nangyari sa friend ko." "Pero best friend ko siya." Hindi niya matanggap na nang dahil sa inggit ay nagawa siyang traydorin. "Mas marami nga ang ahas sa magkakaibigan, Maliah," kumento ni Yna. Naghihimutok pa rin ang kaniyang kalooban, ayaw tanggapin ng sistema niya. Since pagkabata ay magkaibigan na sila ni Pamela, ito ang tagapaligtas nito sa nambu-bully sa kaniya nang sila ay nasa elementary pa lamang. Lampa siya noon, mahina, kaya malimit ay inaalipusta ng mga kaklase. Hindi niya matanggap na ang dating tagapagligta
Marami ang nakisimpatya kay Maliah matapos mailabas ang nangyari, kabaliktaran naman si Ma'am Patty. Sa halip na humingi ng paumanhin dahil sa masasakit na sinabi nito'y sinisi pa siya. Hindi raw siya marunong mag-handle ng relasyon kaya siya ipinagpalit sa iba. "Sarap ibitin ng patiwarik ni Ma'am. Bakit ba galit na galit sa iyo si Ma'am Patty? Ikaw na nga ang biktima, ikaw pa ang lumabas na masama. Ayst!" Inis na inis si Yna. Naghihimutok pa rin ang kalooban nito. Bahagya siyang natigilan at napaisip. Bakit nga ba? Pero, wala siyang natatandaang nagawang pagkakamali rito. Ni hindi nga niya ito kilala nang lubusan. Tanging si Yna lamang ang close niya sa mga ka-office mate at ngayon ay si Donna. Nagpakawala na lang siya ng hangin sa dibdib. "Hayaan na natin siya, kumain na lang tayo." Kasalukuyang nasa canteen sila at sabay na nananghalian. Sumabay na rin sa kanila si Donna. "Hindi yata marunong tumingin ng tama si Ma'am. Pero grabe ang ginawa sa iyo ng best friend mo, M
Nakayuko habang naglalakad si Maliah. Magpahanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin siya sa nangyari. Hindi halos dalawin ng tulog sa nagdaang gabi, ayaw patahimikin ang isipan niya. Nagdalawang-isip din siya kung papasok ba ngayong araw. Pero kung hindi, tiyak na masesermunan siya ni Ma'am Patty. "Hayst! Bakit ba hindi ko man lang tiningnan ang pinasukan kong restroom?" Napahinto siya sa paglalakad. Ang mukha ay parang iiyak na sa labis na pagkayamot. "What if tanggalin ako ng bagong CEO? Mukha pa naman siyang masungit. Huwag naman sana. Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon. Bakit? Hindi ba puwedeng magkamali? Pero, hindi rin pala ako nag-lock ng pinto. Hayst! Kainis!" Nagpapadyak siya, animo'y batang musmos na iiwan ng ina.Tiningala niya ang asul na kalangitan. Umaga pa lang ay mainit na ang panahon. Iwinaglit niya ang anumang nasa isipan at ipinagpatuloy ang paglalakad. Bago sumapit ang opisina ng administrator ay may naraanan siyang mga kababaihan. Titig na titig ang mga
Matalim ang ipinupukol na titig ni Maliah sa kaharap na lalaki, walang iba kundi ang ex-boyfriend niya. Kundi nga lang ba importante ang dalang mga paper at naibato na niya sa mukha ng lalaking nakaharang sa daraanan niya. Nasa gitna ito ng pinto, siya nama'y papalabas ng filing room. Inutusan siyang kunin ang ilang files doon, kailangan daw nilang i-review ang mga naunang report. Ngayon ay nasa harapan niya si Jacob, ayaw siyang palampasin at gusto muna silang makausap. Para saan pa? "Hindi mo ba ako talaga pararaanin?" Halos umusok na ang ilong niya sa galit, idagdag pa ang mabigat niyang dala. "Sabihin mo kung sino 'yong lalaking kasama mo sa canteen kanina." Tumirik ang kaniyang mata. Kahit may dala ay hindi niya naiwasang magtaray. "So, nagsumbong pala ang ahas kong best friend sa iyo!" "Sagutin mo ang tanong ko!" "Tss. Ano bang pakialam mo? Boyfriend ba kita?" Tumalim ang titig nito. Gumalaw ang panga at pansin din niya ang pagrolyo ng kamao. "Teka nga, ano