"P-pasensya na, h-hindi kita makita, e," kinakabahang sagot ko. "Tsaka bakit ka ba naglalasing? Bitawan mo na kaya ako?"
"Mon..." mahinang sabi niya at sa palagay ko, nakasimangot siya ngayon. Ano bang nangyayari sa kanya? "Wala akong maunawaan." bumuntong-hininga siya at mas humigpit pa lalo ang pagkakahawak niya sa wirst ko kaya napangiwi ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa'kin. "Ang payat mo," natatawang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
Gosh! Baka mahalata niyang babae ako. Lalaki siya at doktor pa. Madali niyang mahahalata kung babae o lalaki ang kaharap niya base sa hubog ng katawan nito kaya minabuti ko na magsoot ng maluluwag na long-sleeved shirts and pants gaya ni Torn para hindi niya mahalata ang katawan ko.
"Babae ka ba?" mahinang tanong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
Gosh ulit! Bahagya siyang natawa at bigla na siyang napahiga at tuluyan na akong nabitawan kaya umatras ako palayo sa kanya sabay hawak sa wrist ko na masakit na.
Sumabay kami ni Lino kay Josefa papunta sa kanila kaya mas maaga kong nabisita si Lola Juana. Nakita ko ring nandun sa bahay nila iyong pamilyang pinalalayas noon ni Padre Roque. Buti naman at hindi niya na itinuloy."Kumakain po ba kayo sa tamang oras?" tanong ni Lino pagkatapos niyang tingnan ang kalagayan ni Lola Juana. Hindi ko in-expect na isasabay niya na ang pagcheck-up kay Lola Juana. Hindi ko naman maipagkakaila na mabait si Lino."Opo, Doktor Fuentes. Ngunit hindi rin marami ang aking kinakain sapagkat sumasakit ang aking tiyan," nakangiting sabi ni Lola Juana.Grabe, may sakit na nga siya pero nagagawa niya pa ring ngumiti. Nandito kami sa labas ng bahay nila, nakaupo sa bangko na gawa sa kahoy. Inabutan namin si Lola Juana rito, nagpapahangin habang nagwawalis ng bakuran si Manang Hiyas. Ngayon ay nasa loob siya kasama si Josefa. Si Manong Pedro naman ay nasa sakahan daw."Antabayanan niyo po ang inyong pagkain upang hindi mauwi sa ulcer," ani
Iba ang ipinaglalaban nila ni Miranda sa ipinaglalaban ng kapamilya niya. Ang hirap siguro sa pamilya nila kapag napag-uusapan ang tungkol sa political issues. Palaging may debate pero walang nakikinig.Ang hirap kasi sa tao, gobyerno ang pinagsisilbihan--hindi ang bayan at mamamayan nito. Ganito ang nangyayari kapag mas mahal ng nasa posisyon ang kanyang upuan kaysa sa bayang kanyang pinagsisilbihan. Kahit umaaray na ang kanyang nasasakupan, patuloy silang magbibingi-bingihan, masunod lamang ang mga nasa mas matataas na posisyon para ang kanilang posisyon ay maprotektahan."Kuya Agustino," rinig kong sambit ni Miranda kaya napaharap kami sa kanya and I saw Lino behind her. Napangiti ako nang makita silang dalawa. Naalala ko tuloy sina Fourth at Ysa. Dati, napakabitter ko pa sa kanila pero habang tumatagal, napapansin kong bagay naman pala sila. "Anong ginagawa mo rito?" tanong pa ni Miranda."Pinasusundo ka ng ating Ama sapagkat mapanganib pa sa ating lugar," a
Tahimik akong nagpunta sa kusina para tulungan si Berto na magluto ng makakain. May mga gulay pa naman dito. Mamaya na lang daw siya bibili ng karpa at ang tahimik niya rin. Baka kasi nagtatampo siya."Pasensya na talaga, hindi kami nakabili," sabi ko at nakaupo na lang ako sa isang upuang nandito sa kusina habang pinapanood si Berto maghalo ng niluluto niyang gulay na hindi ko alam kung ano pero masarap ang amoy.Ngumiti siya nang bahagya at inalis na sa pugon iyong kawali at tinakpan ito. "Mamaya na lamang ako bibili," aniya kaya bahagya akong tumango at ngumiti.Nagpapanggap pa rin akong lalaki sa harapan ni Berto kasi sinabi ni Lino na walang ibang makakaalam ng sekreto ko, kahit pa si Berto. Kung kakaunti ang nakakaalam, kaunti rin ang chance na may iba pang makaalam nitong tinatago ko kaya mas mabuti nang si Lino na lang ang may alam. Sa kaunting panahong nakilala ko siya, hindi naman siya tsismoso."Sama ako," sabi ko kaya bahagya siyang natawa. Ka
Nang hindi na sila kumibo, saka ko lang siya tinulungan. Mukhang malala ang pagkakasprain niya kasi kada-galaw ko ng paa niya, umaaray siya. Pati tuloy ako, kinakabahan. But I know how to do this."Masakit pa?" I asked when I'm done fixing her foot. Hinihingal pa siya at pinagpapawisan. Akala mo, nakipagsex during daytime. Gosh!Umiling siya habang tinitingnan ang paa niya na namumula pa rin. Ginalaw-galaw ko ito kaya napangiti siya at saka tumingin sa ‘kin. Binitawan ko na ito at saka tumayo. Tinulungan siya ng kasama niya na isoot iyong sandal niya at saka sila tumayo habang nakangiti. Bagay naman pala sa kanya ang nakangiti, e."Magkano ba ang dapat kong ibayad sa iyo?" tanong nung babaeng masungit na Catalina ang name, based on what I've heard. P'wede namang thank you lang, mahirap ba 'yun sabihin?Umiwas ako ng tingin at umiling habang pinapagpagan ang mga kamay ko. "Hindi ako naniningil. Mag-iingat na lang kayo sa susunod," sabi ko at saka siy
Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko, mabuti na lang at nagawa ni Agustino."Bangkay? Saan po nakuha?" kabadong tanong naman ni Agustino."Diyan sa may gilid ng batis, bali-bali ang katawan, walang saplot, nangangamoy na rin at hindi na makilala sapagkat nabasag ang kanyang mukha," naiiyak na sabi niya kaya nagkatinginan kami ni Agustino.Oh no! That's not me! Ibang babae iyong nakuha nila. May krimeng naganap dito and no one even noticed that!"Bakit naman siya tatalon sa bangin nang walang saplot?" kunot-noong tanong sa ‘kin ni Agustino pero napatingin kami kay Lola nang magsalita siya."Ginahasa ang dalaga. Mabuti pa'y pagsabihan ninyo ang mga kakilala niyong dalaga na huwag lalabas sa gabi," aniya.Parang sinaksak naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Fuck him kung sino man siya, huhulihin ko siya and I'll kill him!"Nahuli po ba iyong nanggahasa?" tanong ko pero tiningnan muna ako ni Lola bago sinabing hindi at sak
Nang magising ako, nasa loob na ako ng k'warto ko at umaga na rin. Naririnig ko pa ang huni ng mga ibon sa labas pero nakasarado pa rin ang bintana. Napahawak ako sa ulo ko, hindi na ito masakit. Nang tumingin ako sa gawing kanan ko ay nakita ko si Lino na nakaubob sa kama ko at natutulog."Lino," sabi ko sabay kalabit sa balikat niya. Mukhang siya na rin ang nagdala sa ‘kin dito.Marahan niyang inangat ang tingin niya at medyo namumula ang mga mata niya. Ang gulo rin ng buhok niya. "Mon," he said in his low voice then he sat properly. Naupo na rin ako at medyo nawala na iyong pananakit ng katawan ko. Iyong binti at braso ko na lang. "Kamusta?" he asked."Hindi na masakit iyong ulo ko," sabi ko sabay hampas nang marahan sa ulo ko na agad niyang pinigilan dahilan para mahawakan niya ang kamay ko."Huwag mong gagalawin ang iyong ulo," seryosong sabi niya habang marahang ibinababa ang kamay ko. "Kung iyong pahihintulutan, maaari kitang dalhin sa Espany
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Lino pagkalabas ng isang nagpakonsulta at inabutan ko siya ng tubig.Kanina pa kasi siya malalim ang iniisip simula nang nagsidatingan ang ibang tao for consultation. Nag-aasikaso na nga ako ng tao sa labas, pati ba naman doktor dito, aasikasuhin ko pa. Buti sana kung alam ko iyong mga ginagamit niya here, then why not? Tapos mapagmata pa ang ilang tao sa labas."Iniisip ko lang iyong kumakalat na maling balita tungkol sa iyo, Liwanag," mahinang sabi niya. Wala namang makakarinig sa ‘min dito kasi nasa loob kami ng office niya na nasa loob ng office ko so ang daming pader ang nakapaligid sa ‘min."Mon," pagtatama ko. "Iyon ang itawag mo sa ‘kin."Napangiti siya at bahagyang tumango. "Mon..." sambit niya kaya napangiti na ako. I love it more–shit!"Bagay naman kasi sa ‘yo ang nakangiti. Huwag mo na lang akong sungitan lagi. Tsk!" natatawang sabi ko.Nag-unat siya at sumandal sa upuan
"Akala ko ba'y may alam ka sa panggagamot," ani Berto habang pinaghahampas ang mga dahon.Nandito kami sa parang, walang katao-tao, mahangin at matataas din ang ilang halaman dagdag pa na hindi namin makita ang aming nilalakaran. May pinapahanap kasing mga halaman si Lino na ingredient(s) sa gagawin niyang gamot. Si Berto lang dapat ang inutusan niya pero nagpumilit akong sumama kasi gusto kong matutunan ang iba't-ibang klase ng halaman na p'wedeng gamitin sa panggagamot."Ngunit hindi sa mga dahon. Turuan mo na lamang ako upang matuto ako," sabi ko kaya napailing na lang siya at patuloy pa ring pinaghahampas ang mga dahon.Parang hindi niya nahahanap. Maya-maya pa'y kakalakad namin, nakita namin si Miranda na nakaupo sa isang bato habang pinagmamasdan ang kalawakan ng palayan. May palayan pala sa bandang likod ng masukal na dinaanan namin."Galit ka ba?" tanong ko kay Miranda kasi parang may galit siya sa mga damong binubunot niya.Gulat siyang na