Share

Chapter 18

Sumabay kami ni Lino kay Josefa papunta sa kanila kaya mas maaga kong nabisita si Lola Juana. Nakita ko ring nandun sa bahay nila iyong pamilyang pinalalayas noon ni Padre Roque. Buti naman at hindi niya na itinuloy.

"Kumakain po ba kayo sa tamang oras?" tanong ni Lino pagkatapos niyang tingnan ang kalagayan ni Lola Juana. Hindi ko in-expect na isasabay niya na ang pagcheck-up kay Lola Juana. Hindi ko naman maipagkakaila na mabait si Lino.

"Opo, Doktor Fuentes. Ngunit hindi rin marami ang aking kinakain sapagkat sumasakit ang aking tiyan," nakangiting sabi ni Lola Juana.

Grabe, may sakit na nga siya pero nagagawa niya pa ring ngumiti. Nandito kami sa labas ng bahay nila, nakaupo sa bangko na gawa sa kahoy. Inabutan namin si Lola Juana rito, nagpapahangin habang nagwawalis ng bakuran si Manang Hiyas. Ngayon ay nasa loob siya kasama si Josefa. Si Manong Pedro naman ay nasa sakahan daw.

"Antabayanan niyo po ang inyong pagkain upang hindi mauwi sa ulcer," ani

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status