Share

Chapter 7

"Can't sleep?" rinig kong tanong ni Third kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti siya at saka tumabi sa'kin. Nandito kami sa gilid ng pool, nakaupo sa damuhan at 2am na rin. Hindi ako makatulog kasi napapanaginipan ko na naman iyong babaeng sumisigaw ng katarungan. Parang false accusation. Kaya kinuha ko na lang ang gitara ko at tumambay dito sa labas. Nakakarelax ang kalangitan.

"Ikaw rin?" tanong ko.

"Yea..."

Silence. Gustong-gusto ko talaga kapag ganitong tahimik. Finally, peace of mind. Kahit katabi ko si Third, hindi naman nakakaramdam ng awkwardness. Maybe because he needs this silence too.

I started to pluck but I didn't sing. I just let the music enveloped us under this starry night.

"Finally..." sambit ni Third kaya natigil ako at napatingin sa kanya. He laughed a little. "Finally... got the chance to listen to your music," he said in a low voice.

Tumaas ang kilay ko. "You heard me already playing piano, Eleazar Dela Sierra de Third," pagtataray ko. Kung narinig niya ang usapan namin ni Fourth, ibig sabihin narinig niya rin akong nagpiano.

"But I ain't beside you,  Lemon Concepcion," pagtataray niya rin.

Napaiwas ako ng tingin. "Magkamukha lang naman kayo," I muttered.

"Oo nga. Bakit naiirita ka sa'kin? This is Fourth's face." turo niya sa mukha niya.

"I don't care about the looks."

"You do care about our safety, don't you?" ngisi niya.

"Assuming," sambit ko at saka na naman tumugtog. I need music to calm me down. Bakit ba kasi dito pa siya nakitambay sa tabi ko? P'wede namang matulog na lang siya dun sa guestroom. Pinahiram din siya ni Kuya Leo ng damit kasi may mantsa ng dugo iyong damit ni Third.

"Torn taught you that?" he asked so I nodded while plucking. Nakahiga na pala siya sa damuhan at nasa harapan ko ang mukha niya, nasa likuran ko ang paa niya. "I saw your performance. He's a nice guy," dagdag niya. So nandun siya sa foodpark?

Napatingin ako sa kanya. "Stop staring at me nga," inis na sabi ko kaya natawa siya at tumingin na lang sa langit.

"So he's leaving today?"

"Yea,"

"Any means of communication?"

"None."

"Maybe you have to make your own social media account."

"If I still want to have a communication with him, I'll give him my number."

Napatingin siya sa'kin at nagtaka. "So all this time, you two doesn't have any communication?"

"Yea," natatawang sabi ko. "Puro usap lang kami kaya whenever we have an agreement that we're meeting each other for tutorial, I have to be on that exact place, exact time. I don't want people to wait for me. Time is precious."

"You're my time."

"So cringey!" inis na sabi ko. "Hampasin kaya kita ng gitara?"

Natawa na lang siya at umiwas na ng tingin. "Ang brutal naman. Kiss na lang?" ngumisi siya kaya pinalo ko ang tiyan niya dahilan para mapaupo siya dahil sa sakit. "Aray naman, Lemon! Ano bang ginawa kong masama sa'yo?" nakangiwing tanong niya habang hawak ang tiyan niya.

"'Yang pagmamahal mo, nakakasama sa buhay ko!"

"Ha? Ano namang masama dun!?"

"Ikaw! Just leave! I don't want you in my life!"

"Hindi mo malalaman kung 'di mo susubukan!"

"Shut up!" tinakpan ko ang tainga ko kaya natawa na lang siya at mas inasar pa ako.

"You don't want to have a family?" tawa niya pa.

Sinamaan ko siya ng tingin at tinanggal na ang mga kamay sa tainga. "I wanna be like my mother." diin na sabi ko. "And I don't want my child to be like me! I don't want my child to be at risk! So yea, I don't want to have a family!"

Hindi kaagad siya nakapagsalita. Naghari na naman ang katahimikan. Ilang beses ko pa ba kailangang sabihin na hindi ako handa magcommit? Ayokong ilagay sa alanganin ang kahit na sino. Tapos heto si Third, gustong magpadamay!

"But I want you to be part of my life," he said in a low voice. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya.

"Ask me first if I want that too," seryosong sabi ko at iniwan na siya. After this, umaasa akong iiwasan niya na ako. Na magmomove on na siya kasi wala siyang future sa'kin. Magiging mesirable lang ang pamilya namin if ever.

  • ••

"What? My condo is already there! Just let me pass!" inis na sabi ko. Stress na nga sa school, stress pa sa gobyerno. Putang inang buhay 'to!

"Sensya na miss, sumusunod lang kami sa order sa'min! Nag-annouce ang Pangulo na simula ngayong gabi ang community quarantine kaya lockdown ang buong ciudad." paliwanag ng pulis at saka siya umalis para sawayin iyong ibang driver. Sarado na raw ang kalsada. Naiuntog ko ang ulo ko sa manibela dahil sa stress. Gusto ko na matulog! Mukha na akong zombie rito pero hindi ako makadaan dahil naglockdown na ang buong NCR. Tumingin ako ng mga article sa phone at totoo ngang starting tonight, the NCR is under community quarantine.

Ngayong gabi talaga, kung kailan maraming pauwi sa bahay. Aware ba ang gobyerno natin na ganitong oras ay may mga nagtatrabaho pa rin? Mukhang hindi e. Basta nakaisip lang na mag-lockdown, gora na! Pero noong January, 2020 we asked for early travel ban but he didn't listen.

Wala naman akong klase ngayon pero galing akong simbahan at oo, ginabi na talaga ako kasi gumawa pa akong digest sa isang coffee shop. Tinatamad ako sa condo e. May istorbo. Huminga ako nang malalim at nagpatugtog na lang ng classic music. Kalma, Lemon Concepcion!

So I'll tell you a thing or more!

Since 2020 started, a lot of happenings happened. Naloka nga ako e pero hindi ko muna masyadong inintindi kasi stress ako sa law school. Nakakapressure. Hindi ako ganun katalino kaya I need to study harder!

So ayun na nga, first week of January, muntik na magkagyera between US and Iran. Pumutok ang Taal volcano, bulkan sa Japan at Mexico. Bumaha sa Indonesia at nagkabushfure sa Australia. Nakakawindang! Hanggang last week of January, iniinda ng mga taga-Batangas at karatig lalawigan nila ang pagputok ng bulkang Taal dahil sa ashfall nito. Umabot na nga sa Maynila. Lumikas sila sa mas ligats na lugar at puno na rin ang evacuation center kaya ang ibang evacuees ay nakikituloy na lang sa ibang bahay. Thank you sa mga nagvolunteer na nagpatuloy sa kanilang mga bahay. People need facemask so a lot of Filipinos donated money, food, clothes and facemask. But the audacity of this government to donate facemask to China despite of the needs of the Filipino! Ibang klase!

Nagdonate ang bansa sa China ng facemask dahil may kumakalat na epidemic that time sa kanila. Ito ay ang 2019 novel coronavirus na naipapasa thru air na dadaan sa mata, ilong at bibig para makapasok sa katawan ng tao. Kapag ang tao'y kinapitan na nito, pahihinain nito ang immune system natin at doon na tayo magkakasakit at mamamatay. Kumbaga, sa loob natin siya aatake para patayin tayo. Maraming gumagaling mula rito dahil nalalabanan naman ang virus na ito ngunit may namamatay rin. Kadalasang inaatake ng virus na ito iyong mga taong may dati ng sakit gaya ng pneumonia, heart illness, sakit sa atay at baga at kung anu-ano pa. Iyon kasi ang madaling atakihin at sirain. 'Di ba? Mas madaling sirain ang dati ng sira.

Noong 2019 pa ito nagsimula sa Wuhan, China na kumalat sa iba't-ibang bansa gaya ng Russia kaya naging epidemic. Hiniling ng mga Pilipino sa ating Presidente na mag-travel ban nang mas maaga para masigurong walang makakapasok na taong may virus dito ngunit sinabi niyang hindi naman daw ito dapat katakutan. Kaya ayun, hindi siya nagtravel ban nang mas maaga kaya nagkaroon ng positive sa bansa. The first case of NCoV in Philippines is a 38 year-old female Chinese who arrived in the Philippines last January 21 for vacation. 'Yung sintomas niya ay ubo siya nang ubo kaya nagpacheck na siya sa isang ospital at nakompirmang NCoV nga iyon.

Ang sintomas ng NCoV ay iba-iba. Maaaring ubo, pananakit ng katawan, kawalan ng panlasa at pang-amoy, lagnat at pagkahilo. Ito ang madaling paraan para maidentify kung may virus ang isang tao. Ngunit may asymptomatic naman. Mga nahawaan ng virus ngunit walang pinakikitang sintomas. So hindi natin malalaman kung meron siya o wala kasi walang sign.

January 31, nagmeeting ang gobyerno natin kung ano na ang gagawin. Gusto lang naman natin na magtravel ban nang mas maaga pero hindi tayo napakinggan kaya may nakapasok na. Kinailangan nating higpitan ang contact tracing para malaman kung sinu-sino ang nilapitan at nakasalamuha ng nagpositive sa NCoV. That time, declared by World Health Organization (WHO) na Pandemic na ang NCoV dahil buong mundo na nito ang nararating. At patuloy pang dumarami ang cases ng virus na ito. Tinawag na itong CoViD-19 (Corona Virus Disease-2019)

Again, humingi tayo ng mass testing para mas mapadali ang contact tracing ngunit hindi na naman tayo napakinggan. Wala naman daw bansa ang nagtetest ng buong bansa. Tawagin daw natin itong 'targeted testing'.

Well anyway, kapag sinabi bang 'mass testing', ibig sabihin ay 'lahat'? Hindi naman, 'di ba? Sa dami ng naganap na mass wedding, hindi pa naman ako kasal. Lol. Mass means 'large number' and not 'all'.

Itong spokesperson natin, ang daming alam na terminologies pero hindi marunong mag-differentiate.

"Kastress!" inis na sambit ko sabay tingin sa labas ng bintana. Ngayon pa talaga sila naglockdown ha? Wrong timing. Gusto nila ng community quarantine para mapadali ang pagsugpo sa virus at contact tracing. Akala ko ba, walang dapat ikabahala? Tss!

"Miss, p'wede na raw dumaan."

"Thanks," sabi ko at saka in-start ang kotse. Dumiretso na ako sa basement para magpark. Makakapagpahinga na rin. Narealize yata nilang mali ang biglaang paglockdown nila. So ganito na ang mangyayari, hanggang April 14, walang labasan. Hindi ako nakapagstock ng maraming pagkain. Kailangan ko magtipid. Paano ang pag-aaral ko? Kung kailan patapos na ang 2nd year ko sa law, saka pa mapupurnada. Baka ipahabol lang sa'min ang natititrang requirements then exams. Ewan, ayoko na lang mag-isip.

Iniwan ko sa sala ang mga libro at readings ko na kaunti lang naman kasi karamihan ay dinownload ko na sa ipad. Dumiretso ako sa CR para umihi kasi ihing-ihi na ako kanina pa. Mamaya na ako magshoshower. I'm so tired pa. Pumunta akong kusina at uminom ng tubig at saka bumalik sa sala para buksan ang TV. Hindi ko pa nabubuksan ng TV nang may kumatok na sa pinto ko.

"Dinner?" he asked with his smiling face. May dala siyang tray na may mga pagkain for two. "I cooked this at 7pm but you came late so I just heated it." nilapag niya sa dining table iyong mga pagkain at inayos na ito agad.

"Thank you but you should have eat earlier. You don't need to wait for me," sabi ko sabay upo at naupo naman siya sa tabi ko. He used to do this. He kept on serving me even if he's busy as hell because he's a med student, for the love of God.

"Just eat, Mon. Don't stress yourself more." ngumiti siya at inabot na sa'kin ang pagkain ko. Bumuntong-hininga na lang ako at saka kumain. Magaling talaga siyang magluto kaya nagpapasalamat ako na magkapitbahay lang kami rito. I mean, hindi naman magkatabi ang unit namin pero nasa same floor pa rin kami.

After that talk under the starry night, hindi na kami nun nag-usap. Totally, nag-iwasan kami. Kahit sa school, hindi kami nagpapansinan at ganun din si Fourth. Kaya nakapagfocus ako sa school at sa review hanggang sa isang araw, tumitingin-tingin ako ng condo unit malapit sa university kasi regalo raw ni Mama dahil papasok na ako sa law school. Nabili na namin itong unit nang malaman kong nandito rin pala si Third. Hindi na ako makaatras. Thankful pa nga si Mama kasi may kapitbahay akong kilala ko. Nakilala niya si Third that day din sa bahay kasi madaling araw si Mama umuwi so inabutan niya pa si Third.

"So we don't have class for a month," ani Third kaya bahagya akong tumango. "Makakapagrelax ka."

"You too." I know how stressful med school is. Nakikita ko rin na nafufrustrate si Third pero hindi niya pinapahalata. Kapag nagpunta 'yan dito, for sure, burned out na 'yan. "But I still have cases to digest," habol ko mang makita kong nag-forward ng email si Fourth. Yea, classmates kami. Kaya dumoble ang stress ko nang malaman kong kapitbahay ko si Third at classmate ko si Fourth. Ang hirap kaya umiwas. Pero hindi nagtagal, naging magkaibigan na lang kami ni Fourth. Napagod na rin kami e. Tsaka ang tanda na namin para mag-iwasan. Matanda na ba ang 22 at 23? Ganun din kay Third. Naiintindihan niya naman na ang gusto ko sa buhay kaya hindi niya na ako kinukulit sa date date na 'yan. Nagpupunta na lang siya rito para raw makapagunwind. Unwind talaga, sa place ko? Well anyway, at least nadagdagan ang friends ko. Sina Jack, Misty at Trina, naging busy na rin sa buhay. Nagpaplano na nga ng kasal sina Misty dahil legal na sila sa magulang nila. Magbabati rin pala. Sus! Si Trina, ayun, aktibista na nga. Sana hindi niya iyon ikapahamak. Si Jack, may jowa raw siyang lalaki pero hindi ko pa nakikilala. Nakilala na ito nina Trina at Misty e.

"What's your plan this vacation?" Third asked habang nagliligpit kami ng pinagkainan namin.

"I dunno pa. Training, I guess," sagot ko. "Ako na nito. Just sit there," tugon ko habang inaagaw sa kanya iyong mga pinagkainan namin. Nakakahiya naman na siya na nga ang nagluto tapos siya pa paghuhugasin ko.

"I'll help, Mon," pilit niya.

"Bahala ka," bulong ko kaya pareho kami ngayong nakatayo rito sa tapat ng sink at naghuhugas habang nag-uusap. "You know what, dapat you're looking for a girl na lang na paglalaanan mo ng oras at luto mo. Hindi 'yung nandito ka, nambubulabog."

"Bulabog talaga? I like cooking, Mon. At ang lapit mo lang. Why not share my food?" he asked.

"Unfair to your other neighbors."

"I don't care about them," natatawang sabi niya.

"Sus," naiiling na sambit ko habang napapangiti. Masarap naman kasi talaga siyang magluto e. Ako nga lang ang pinapakain niya. I dunno kung meron pa bang iba kasi wala naman akong kilalang iba niyang kaibigan aside from Lui and Vico. May nakikita akong babaeng umaaligid sa kanya pero never ko pang nakitang dinala niya sa condo niya. Or nakipagdate sa kanya. O baka hindi ko lang talaga nakikita kasi busy rin ako.

"Is he serious with this?" tanong ni Third habang nakatingin kami sa balita sa TV at nandito na kami sa sala ko, magkatabi sa sofa.

"He should. In fact, we need this lockdown," sabi ko.

"Well for me, I'm okay with it," nakangiting sabi niya kaya kumunot ang noo ko at tiningnan siya. Nakatingin din pala siya sa'kin. "What? I don't want to be infected!" he defended. Akala ko tinatamad lang siya pumasok e. Bago siya maging masaya sa lockdown na 'to, isipin niya muna iyong mga frontliners namin na walang means of transportation kasi bati byahe, tigil din. Pati iyong mga taong walang stock na pagkain sa bahay at mga maaapektuhan kapag hindi nakapasok sa trabaho.

"Kailangan pala nating tipirin ang pagkain. Nagpanick buying sa grocery," sabi ko nang makita ko sa balita.

"Hmm... don't worry, I have a lot. 'Di kita gugutumin."

"Tigil, Third!" inis na sabi ko. Tinaas ko ang paa ko sa sofa habang seryosong nakatingin sa TV. Naghihintay ako ng update for school e. Hindi pa kasi tapos ang school year namin. "Hindi ka pa aalis?"

"Still waiting for school update." nakatitig din siya sa TV. Para kaming ewan dito na nanonood ng intense na palabas.

"May TV ka naman."

"Nagtitipid ng kuryente," aniya dahilan para hampasin ko ang braso niya. Bawal na sa ulo. Baka maapektuhan ang utak. He needs that. Natawa siya at hinimas ang braso niya. "Bigat talaga ng kamay," he whispered.

"Layuan mo kaya ako?"

"You're pushing me again?"

"Obvious ba?"

Napasimangot siya at tumayo na. "I'll be back tomorrow. Nagtitipid ako ng tubig so makikisabay ako sa'yo!"

Agad ko siyang binato ng unan pero mabilis siyang nakalabas ng pinto ng condo. Iniwan niya na namin sa'kin ang mga plato niya. Pamparelax niya talaga ako. Kapag naaasar na ako, kalmado na siya. Ito talaga ang meaning ng unwind for him. Hinahayaan ko na lang kasi siya rin naman ang reason kung bakit hindi ako nalolowblood kahit palagi akong puyat. Pinapahighblood niya ako! Nagiging active lahat ng cells ko sa katawan dahil sa kanya e.

Ganyan lang ang routine namin ni Third pero hindi araw-araw. May mga araw rin na hindi namin iniistorbo ang isa't-isa.

Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin ng beadle namin na extended ang pagpasa ng digests pati ibang requirements. Kung ilan maihahabol namin, iyon na lang ang kasali sa computation of grades. Kasali na rin doon ang recit namin. Oh no! Papasa ba ako?

Agad akong nagcompute ng possible grade ko at mukhang hahabol naman. But to make it sure kasi tentative lang 'yun, tatapusin ko na lang lahat ng digest na pinapagawa sa'min. Dito na lang ako hahabol.

Busy ako magdigest ng kaso nang tumawag si Jack sa GC namin nina Misty at Trina. Niloud speaker ko ito para makapagsulat ako habang nagchichika sila. I make time for them kapag kaya ko pero minsan, hindi talaga kaya. So I made an account na hindi sa'kin nakapangalan at sila lang ang nakakaalam para may communications pa rin kami at nang makapagvideocall na rin. May twitter at I* na rin ako pero hindi ko pangalan ang gamit ko. Lemonade ang username ko at never ako gumamit o nagpost ng picture ko. I tried to search turnright but I can't find him. Niloloko yata ako.

"Mars!" sigaw ni Jack kaya napangiwi ako. Ngumawa siya na parang bata! "Sure na ba 'to? Lockdown tayo for a month?"

"Yea, sure na. But I'm not sure if this will just last for a month. This can be extended, sabi ni Third. Why?" I asked.

"Kasi naman. Kung sana nag-travel ban kaagad, e 'di sana, makikita ko pa bebe ko."

"Jusko," natatawang sabi ko. 'Yun lang pala. Sumagot na rin si Misty at mukhang nasa bahay rin siya.

"Tawa-tawa ka diyan. Palibhasa nandiyan si Third." ani Jack.

"Dito na ako mamamatay sa highblood!" sabi ko at sumagot na rin si Trina kaya napangiti ako.

"Busy pa rin?" tanong ni Misty sa'kin. Nakita kasi nilang nagsusulat ako rito sa sala. Nakasandal lang ang phone ko sa phone holder na katabi ng book stand ko.

"Bawal bumagsak e," natatawang sabi ko.

"Kumalma ka naman, Lemon. Baka madepress ka na diyan. Mag-isa ka lang e," nag-aalalang sabi ni Trina kaya mas napangiti ako. Idol ko talaga ang babaeng 'to. Kung p'wede ko lang siya ibulsa, ginawa ko na.

"Hindi 'yan madedepress. Nandiyan si Third," sabi ni Jack kaya natawa si Misty.

"Konsumisyon! 'Yun ang papatay sa'yo!" ani Misty kaya napailing na lang ako habang nagsusulat.

"Pero Lemon, ayaw mo ba talaga kay Third?" tanong ni Trina.

"Bakit ako ang topic? Si Jack ang tumawag e!" I asked.

Ayokong magk'wento ng tungkol sa death threats ko kaya hindi ko rin sinasabi sa kanila kung bakit ayoko talaga kay Third. Ang alam lang nila, dati ko kasing crush si Fourth. But I already moved on so they're wondering what's holding me back.

So nalipat na sa rant ni Jack ang topic namin pero ilang sandali lang din, nalipat na naman sa'kin. "Tumawag kasi si Third sa'kin," ani Misty in her serious tone. "Nag-aalala lang siya sa'yo kasi hindi ka pala-k'wento. So we want to let you know na p'wede ka magrant sa'min about law school mo."

"Oo, pansin ko lang na hindi ka nagkik'wento," puna ni Jack.

"Don't worry about me. Worry about yourself." may kanya-kanya silang problema sa buhay at ayokong dumagdag. Kaya ko pa naman e. Tsaka ano naman ang irarant ko? Imbis na magrant ako, binubuhos ko na lang lahat sa schoolworks ang energy ko. Siguro noong first year, halos umatras na ako pero naisip ko, nasa adjustment period pa kasi ako. Baka masanay rin ako.

"Nakakatuwa si Third kasi hindi ka talaga niya pinababayaan ano?" ani Jack. "Since day one, palagi na siyang nandiyan sa tabi mo."

"Oo, para mang-asar," natatawang sabi ko habang naiiling.

"Luh, you're smiling with the idea of him!" malakas na sabi ni Misty.

"Am I not allowed to smile?" inis na tanong ko habang pilit pinipigilang ngumiti. Inaamin ko naman na malaking bagay na may nakakausap ako rito. Hindi na gaya ng dati na kapag nasa bahay ako, puro aral lang ako tapos music lang ang sandalan ko. Ngayon, dinidistract na rin ako ni Third para hindi ako maburned out. Minsan nga, tinutulungan niya pa ako sa ibang research ko kapag inaabutan niya akong nag-aaral kaya nakokonsensya ako. Busy rin siya e.

"Bakit kasi hindi na lang maging kayo? Parang kayo na rin naman na ngayon e. Wala lang label," kalmadong sabi ni Trina.

"Ayaw magcommit e," natatawang sabi ni Jack.

"So landian lang talaga?" dagdag naman ni Misty.

"Ang daming problema ng mundo, ako pa talaga iniisip niyo?" umiling ako at nagfocus na lang sa pagsusulat. Nang hindi pa sila natapos sa pag-uusap nila tungkol sa'kin, nagpaalam na ako at agad kong pinatay ang tawag. Hindi ako sanay na ako ang topic. Kasalanan to ni Third e. Ibilin ba naman ako sa lahat? Kaya ayan, pati sina Fourth at Lui, nakabantay sa'kin sa school. Sila pa talaga naging kaklase ko? Baka nag-aalala lang si Third na mangyari na naman ang nangyari sa'kin sa labas ng foodpark noon.

Kinabukasan ay nanood ako ng YouTube tutorial kung paano ba magluto ng pagkain. Hindi ko kasi alam 'yun. Kaya kong magluto pero hindi nakakain, e. Sunog o hilaw. Adobo talaga iyong pinakamadaling lutuin kaya iyon na lang ang niluto ko. Ayokong mag-experiment kasi sayang sa pagkain. Nagtitipid ako. Ang dami yatang nagtitipid ngayon kasi maraming nawalan ng trabaho. Pati nga ABS-XYZ p'wedeng mapasara dahil malapit na ang expiration ng franchise nila pero hindi pa naaasikaso sa congress dahil sa pandemic na ito. Sabi ng pangulo, ibenta na lang daw sa iba para hindi magsara. I conclude, he has a problem with the Lordes and this not because of the violations. He has a personal problem with them.

Kumatok ako sa pinto ni Third at nang buksan niya ito, napaiwas ako ng tingin kasi nakaboxer lang siya at bakit nakaumbok? Gosh, umiinit ang mukha ko bigla. "Magbihis ka nga," walang emosyong tanong ko.

Napakusot siya ng mga mata at pinaningkitan pa ako. "Am I dreaming?" he asked.

"No? Do you usually dream about me?" pagtataray ko kaya napangiti siya.

"Hmm." tumango siya habang nakangiti nang todo.

"Tsk! If you're not wearing any decent clothes, then I'm leaving now!" inis na sabi ko at tumalikod na dala iyong mga pagkain pero tumigil din ako nang hawakan niya ang mga braso ko mula sa likod at marahang hinila palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin niya ako mula sa likod. Napatingin ako sa braso niyang nasa tiyan ko. At nakadikit ang pisngi niya sa pisngi ko. What the? "Get off me nga, Third!" inis na sabi ko. Hindi ako makapalag kasi may hawak akong tray at baka mahulog pa 'to.

"Kiss muna?" ngumuso siya kaya lalong nanlaki ang mga mata ako.

"Hindi na talaga ako uulit!" naiinis na sabi ko. Dapat hindi na lang ako nagpauto kina Trina e. E 'di sana hindi ako nandito!

Agad na napabitaw sa'kin si Third at sumigaw ng "sandali lang" habang tumatakbo papasok sa condo niya. Muntik pa siyang madapa. Hindi pa isang minuto ay nakabalik agad siya sa harapan ko at nakashorts and shirts na. Ang gulo pa rin ng buhok niya. Halatang bagong gising.

"Jusko, totoo nga!" sambit niya habang nanlalaki ang mga mata. Naaadopt niya na ang jusko reaction ko. Pati iyong sus. Hays! "What are you doing here?" tumingin siya sa dala ko. "You cooked?"

"Bwisit ka." mahinang sabi ko kaya bahagya siyang natawa at pinapasok na ako sa unit niya. Hindi niya kinuha sa'kin ang tray kasi alam niya na ang mangyayari. Kaya nang mailapag ko sa table ang food, mabilis kong sinuntok ang braso niya.

"Good morning din," nakangiting sabi niya habang hinihimas ang braso niya. Pinigilan kong huwag matawa pero hindi ko yata kaya kaya mabilis akong tumalikod at kumuha na lang ng mga baso at kutsara. Ilang beses naman na ako nakapunta rito sa unit niya kasi kapag napapadaan ako galing school, hinihila niya na kaagad ako papasok para raw kumain muna. I mean, may food naman sa condo ko! Wala na akong energy pagkagaling sa school kaya madali niya akong nahihila rito. "Sarap naman nito!" ngiting-ngiting sabi niya kaya huminga na lang ako nang malalim at umiwas ng tingin. Bakit siya ganyan? Tuwang-tuwa siya sa luto ko e hindi naman kasing sarap ng luto niya. Tsaka basic lang 'to.

"Third..." sambit ko. Napatingin siya sa'kin. Mukhang puyat siya. Nakita ko rin kasi sa sala niya na nagkalat ang gamit niya. "Why are you doing this?" gusto kong manggaling mismo sa kanya. Hindi iyong iniisip ko lang na gusto niya pa ako. Sabi niya kasi noon, hindi niya na ako lalandiin. Ibig sabihin, moved on na siya. Pero sa pinapakita niya, parang hindi pa e.

"You mean this?" takang tanong niya.

"This... stop protecting me. Whatever you do, hindi sila mawawala," I said.

Bahagya siyang ngumiti. "Pero mapipigilan ko,"

"You can't stop them forever."

"Long as I'm here... and even if I die, I'll make sure that you're safe. I know you don't like this topic so let's just eat." ngumiti na naman siya at nagfocus na sa food niya. Pero kitang-kita naman sa mga mata niyang nalulungkot siya.

"Do you still like me?" kunot-noong tanong ko pero hindi siya kumibo. Parang wala siyang narinig. "I won't let you enter in my life, Third!" seryosong sabi ko pero hindi pa rin siya kumibo hanggang sa matapos kaming kumain.

"Lemme do the dishes," aniya at saka inayos iyong mga pinagkainan. Tumulong pa rin ako kahit ang pangit ng atmosphere sa pagitan namin. Kahit hanggang sa matapos kami maghugas, naghahari ang katahimikan.

"Third..." sambit ko pagkatapos naming maghugas. Basa pa ang kamay namin. Nginitian niya ako nang tingnan niya ako. Huminga ako nang malalim. "Sorry... but you can't---"

"Mon..." sambit niya. "Stop hurting me, please?" mahinahong tanong niya dahilan para manlambot ang puso ko. Para niya naman akong sinasaksak dun. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinagmasdan ang mukha. "Just let me love you. Masaya na ako dun," dagdag niya.

"Pero hindi ka makakahanap ng magiging pamilya mo," I said in a low voice.

Ngumiti siya nang bahagya. "If it's not you, then I don't want it."

Bahagya akong natawa. "So tayong dalawa lang hanggang mamatay?"

Hindi kaagad siya nakapagsalita. Medyo namula iyong tainga niya. "Basta tayong dalawa, why not?" natatawang sabi niya. Napailing na lang ako at kinabig na paalis ang mga kamay niyang nasa balikat ko.

"Aawayin mo lang ako e." naglakad na ako palabas ng condo at nakasunod naman siya sa'kin habang nakahawak ang mga kamay sa balikat ko na parang tinutulak na ako palabas.

"No, I'm not going to do that!"

"You've been doing that since day one."

"I'll change," wika niya at tumigil na kami sa paglalakad kasi nandito na kami sa pinto. Nasa labas ako at nasa loob siya. "So you'll let me stay in your life?"

"No kids someday?" I asked.

Ngumiti siya at tumango. "Nandiyan naman si Fourth so siya na lang magpatuloy ng pangalan namin," natatawang sabi niya kaya bahagya akong natawa. Si Fourth at Ysa pa rin until now pero madalas na silang mag-away e. Maybe because of lack of time. Busy kasi sa law school si Fourth. Karamihan yata sa mga kaklase ko, pumasok na may jowa, lalabas na wala nang jowa. So hassle talaga.

"Okay then," sambit ko. Mabilis akong tumingkayad at hinalikan siya sa pisngi dahilan para manlaki ang mga mata niya. Bago pa siya matauhan, nakalayo na ako sa kanya.

"Mon, what was that?" sigaw niya pero hindi na ako sumagot pa. Tumakbo agad ako papasok sa unit ko at nilock ang pinto habang natatawa. More like, nakangiti? Tinapik ko ang mga pisngi ko para hindi ako ngumiti pero hindi ko mapigilan e. Bakit masaya ako? Gosh!

Inabala ko na lang ang sarili ko sa digests ko para madagdagan pa ang grades ko. Ang dami-dami pa kasi nito. Ilang araw na ganun lang ang sistema namin. Nakakaloka pala kapag lockdown. Hindi makalabas sa bahay. Hindi man lang makalanghap ng sariwang hangin. Hindi makakita ng bagong environment. Bawat tingin ko sa TV, puro covid ang balita at pataas ito nang pataas.

Gobyerno na rin ang nagprovide ng pagkain ng lahat ng mamamayan. Dinadala ito diretso sa bahay nila kasi hindi kami makalabas ng bahay. Kaso hindi lahat, naaabutan ng ayuda. May ilang nalilihisan. Halos isang linggo bago makarating ang ayuda kaya dumadaing na sa gutom ang mga tao. May ilang lumabas pa sa bahay, mga taga-Quezon City kasi may nagtext daw sa kanila na may makukuha silang ayuda pero wala naman pala. Pinaghuhuli lang sila ng mga pulis. Nagkahabulan pa nga. Nadudurog ang puso ko sa mga nakikita ko. Wala akong ibang masisi kundi gobyerno kasi hindi sila marunong makinig. Hindi ko naman sinasabing palagi silang makinig. Ang akin lang, alamin nila kung kailan ba dapat makinig. Kasi hindi naman lahat ng suhestiyon ay tama. Kapag galing kasi sa oposisyon ang suhestiyon, hindi pinakikinggan. Pataasan pala ng pride? Tama nga si Trina, mga mahihirap ang lubos na naaapektuhan kapag gago ang nasa posisyon.

"Potang tanga," sambit ko habang nakatingin sa cellphone at nagi-scroll sa twitter. Sabi ko, magtitwitter break lang ako pero puro bad news ang nakikita ko. Nakakabaliw na ang lockdown na 'to. Araw-araw na lang, may nangyayaring masama. Ibang klase ang 2020 na 'to. Lakas makachallenge ng mental health.

"Akin na nga," ani Third sabay agaw ng phone ko pero mabilis kong kinuha iyon kasi may nakita akong something sa timeline. Magkasama kami ni Third dito sa unit ko. Gusto niya raw mag-aral kami magkasama. Nawiwindang ako sa mga medical terminologies na nakikita ko sa binabasa niya.

"Wait lang," sambit ko sabay tingin nang mabuti sa picture na nakita ko. Pati si Third, nakiusyuso na rin. "He looks familiar!" gulat na sabi ko.

Natawa si Third. "He's that guy almost 4 years ago? What's his name again?"

"Torn?" I asked at tumango naman siya. "Wait, this is an actor e!"

Tiningnan namin lahat ng tweet ng twitter user na nakita ko at mga picture nga ni Torn ang nakita ko. I saw his account on twitter and his username is tornrite. It is verified! "Oh my God!" tawa ako nang tawa kaya kinuha ni Third ang phone ko at in-stalk ang account ni Torn. Nananakit na ang tiyan ko kakatawa.

"Why? What's funny?" natatawang tanong ni Third.

"Kasi HAHAHA sabi niya turn right ang username niya. Akala ko liko sa kanan. That's why I can't find him before!"

"You're funny," tawa ni Third sabay gulo ng buhok ko.

"I know. I'm so stupid." kinuha ko na ang phone ko at chineck ulit kung tama ang nakikita ko. Gosh, artista nga siya sa Thailand. At may katatapos lang siyang series. So sikat pala talaga siya kasi pati mga Pilipino, nakilala na rin siya. "I don't think he can still remember me." nilapag ko na lang sa mesa ang phone at sumandal sa sofa sabay tingin kay Third na nakatingin din pala sa'kin.

"Why don't you try messaging him?" he asked. Nagkibit balikat ako.

"For what? Baka madamay pa siya sa gulo ng buhay ko."

"Hindi naman magulo." lumapit siya at sumandal sa'kin kaya napaawang ang bibig ko. "See? So relaxing." ngumiti siya at pumikit kaya pinitik ko ang noo niya. Napahawak siya rito kasi masakit.

"Bigat mo," puna ko.

"Mas mabigat ang kamay mo." tinaas niya na ang mga paa niya sa sofa at humiga na talaga sa'kin. What the!? "Let's sleep first." he said in a husky voice. Inaantok na talaga.

Tiningnan ko ang orasan at almost 11pm na pala. "Go to your unit na." bahagya ko siya tinulak paalis pero naglilikot lang siya na parang bata. Aist! Kinuha ko na lang iyong phone ko at nagpunta sa I*. Tiningnan ko ang account ni Torn and I tried to message him 'hi Torn' but he's not replying nor reading my message. Wait, the password! What's the password again? Ilang minuto pa akong nag-isip hanggang sa maalala ko na.

To: tornrite

Moon river

Ilang sandali pa, bigla siyang nakikipagvideocall kaya kinabahan ako at hindi ko alam kung sasagutin ko ba. Pero sinagot ko pa rin at tinapat ang camera kay Third na natutulog sa lap ko.

"Third?" sabi ni Torn at nakakunot ang noo niya ngayon. Siya nga. Haha natatawa talaga ako. Kaya pala ayaw niyang magpakilala sa'kin kasi baka mag-iba ang pakikitungo ko sa kanya once na malaman kong artista siya.

Dumilat si Third at nagulat siya nang makita si Torn sa screen. Bigla siyang napaupo dahilan para mauntog siya sa phone ko. Nabitawan ko ito at nahulog sa sofa. "Lemon! Ang pasaway mo talaga!" natatawang sabi ni Third. Pilit kong pinipigilan ang tawa ko at kinuha ang phone ko.

"Sorry about that. He was shocked!" natatawang sabi ko kay Torn pero nakatulala lang siya sa screen at pinagmamasdan ako. Mukhang nagulat din siya. "Oy. You okay?" I asked pa. Tumabi na sa'kin si Third at pareho na kaming nakatingin kay Torn.

"Lemon?" gulat na sambit ni Torn kaya tumango ako. "Why it took you so long to message me?" natatawang tanong niya.

"I thought it was turn right," sabi ko sabay turo sa kanan ko kaya natawa na lang din siya. "So now I know what you're hiding," nakataas kilay na sabi ko.

Napangiti siya at tumango. "So you and Third and living in together?" he asked. Nagkatinginan kami ni Third at umiling.

"No. But we're living in the same building. This is her condo unit," sagot ni Third at tumango naman ako. Kung anu-ano lang ang pinag-usapan namin at pinagtatawanan lang nila ang kashungahan ko sa turn right na 'yun. Sinabi rin ni Torn na nung magkakilala kami, hindi pa siya ganun kasikat sa Thailand kaya wala ring nakakakilala sa kanya sa Pilipinas. Nitong 2019 lang daw nagboom ang career niya. Kung hindi pa raw siya sumikat nang husto sa Thailand, hindi ko pa siya mahahanap. Natatawa na lang kami sa mga katangahan namin noon.

Kakabreak lang daw ni Torn sa jowa niya kaya pala ang lungkot ng mga mata niya. Sabi niya, related daw sa career ang reason but they are in good terms naman. None showbiz kasi si girl. Ayan na naman siya, naglelet go na naman for his Mom.

"So you two are in a relationship now?" tanong ni Torn nang makita niyang nakasandal sa balikat ko si Third. Ang clingy kasi nito. Pare-pareho na kaming tatlo inaantok pero ayaw pa rin matulog.

"Ask her," sagot ni Third. Hindi ako makasagot. Parang nahotseat naman ako rito. Nahalata ni Torn na hindi ako komportableng sagutin ang tanong niya.

"Oh wait, I'll call maybe tomorrow. I have to leave now. So nice to meet you again, Lemon and Third," nakangiting paalam niya at nagpaalam na rin kami ni Third. Torn knew that I don't want to commit because he knows my trauma. Ayokong mandamay ng mga tao. Kaya siguro nagtaka rin siya na magkasama kami ni Third samantalang I did everything before to push Third away from me. He helped me pa nga.

"Pahinga ka na rin, Mon." mahinahong sabi ni Third at inayos na ang mga gamit niya. Pinanood ko lang siyang ayusin ang mga gamit niya. Nakakaramdam ako ng takot pero hindi ko alam kung para saan. Takot na madamay siya sa mga natatanggap kong death threats hanggang ngayon? Takot na maging malungkot ang buhay niya kasi ayokong magkapamilya? Takot na magsawa siya sa'kin? Takot na baka mamanhid na siya sa sakit?

Ang alam ko lang, natatakot ako para sa kanya. Noon pa man, siya naman na ang inaalala ko at ang mga tao sa paligid ko.

"Good night, Mon." he kissed my forehead before he go out of my unit. Napasandal ako sa upuan sabay hinga nang malalim at hinilot ang noo ko. This will be easier if he will stop loving me.

Nagmessage sa'kin si Torn na tawagan ko siya kapag okay na ako kaya tinawagan ko ulit siya. "He's still bothering you?" tanong niya.

Ngumiti ako at umiling. "He was there during my ups and downs. It just that... it just that he should know when to stop. He's making this hard for me."

"Hard because of what? You don't want him in your life or you don't want him to be messirable with you?"

Hindi kaagad ako nakasagot. Parang walang nagbago sa pagkakaibigan namin ni Torn e. "I don't want to have a family because I don't want my child to be like me. Third said that it's okay with him but I know deep inside him that he wants to have a family. I want him to be happy, Torn. But I can't."

"You're just 22 yet you're now thinking about having a family."

"Because I have to. He needs to move on from me as early as he can."

"But he can't."

"I dunno what to do anymore," I muttered.

"Just let him stay beside you. He's making you happy, Lemon. You're just hurting yourself by pushing him away from you. Don't you realize that evertime you're thinking about pushing him away makes you hurt? Everything is difficult because you're making it more difficult. No one's life is easy. We just have to choose whom we want to suffer with."

Maybe Torn has a point. It was all me who's making everything messirable. And all these years, Third chose to suffer because of me JUST to be with me. This has to stop.

Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa unit ni Third. I knocked once, twice, thrice before he opened the door. His forehead creased when he saw me standing here. "Hindi ka nagyaya," wika ko nang maamoy kong amoy alak siya.

"Uhm let's drink?" he asked, confused. I didn't respond. Pumasok na lang ako sa unit niya at naupo sa sahig sabay kuha ng isang bote ng alak at ininom ito. Kailangan ko 'to. Malakas ang loob ko sa lahat, kahit profs namin, hindi ko inaatrasan. Bakit ako matatakot sa kanila e hindi naman nila ako papatayin literally. Pero pagdating sa totoo kong nararamdaman, naduduwag ako. Sumandal ako sa sofa at tumabi naman sa'kin si Third.

"You okay?" he asked. Hindi ulit ako sumagot. Sa halip, uminom na naman ako. Kulang pa ang naiinom ko para lumakas ang loob ko. "Stop it, Mon. Ano bang problema?" pinipigilan na ako ni Third kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ko maitago ang naluluha kong mga mata.

"Kulang pa," mahinang sambit ko at mukhang nagmamakaawa na bigyan niya pa ako. 12mn na pero hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. "Kulang pa 'yung lakas ng loob ko para panatilihin ka sa buhay ko, Third. I'm sorry." yumuko ako at napahikbi. "Baka saktan ka nila. Hindi ko 'yun kaya, e."

Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko at hinila palapit sa kanya para yakapin. "Shush! Don't worry about me, Mon," mahinahong tugon niya kaya lalo akong naiyak.

Bahagya ko siyang tinulak palayo sa'kin then I saw his worried face. "I've been worrying about you, do you know that? Ikaw kasi e, ang kulit mo!" naiinis na sabi ko. Minsan, nakakakuha na rin ako ng death threat note sa kotse ni Third pero hindi ko sinasabi sa kanya kasi pananakot lang naman iyon. Minsang nasa kotse niya kami, hindi niya napansin na may nakasunod sa'min kaya sinabi ko kay Third na magkape muna kami bago umuwi. Then while we were inside the coffee shop, I excused myself and went outside. Hinanap ko iyong sasakyang nakasunod sa'min pero wala akong nakita. Bigla na lang may bumato sa ulo ko kaya nagkasugat ako nun. Sabi ko kay Third, nauntog lang. I didn't tell him the truth because that stone has a note saying 'he's next'. Ayoko siyang mabuhay sa takot tulad ng nangyayari sa'kin ngayon. Hindi ko na alam kung sino sa paligid ko ang hindi masamang tao.

"But I didn't ask you to be worried," seryosong sabi niya. Ang manhid naman! Hanggang ngayon, wala pa rin siyang nahahalata!

"Fuck! You chose this, then start living with this mess!" inis na sabi ko so I put my lips on his. At first, he didn't responded but after a moment, I felt him moving. Hinawakan niya nang marahan ang leeg ko para mas idiin pa ang halik niya hanggang sa napahiga na ako sa carpet at nasa ibabaw ko na siya. Hindi siya bumibitaw sa halik kaya nahihirapan na akong huminga. I tried to push him away but he hold my hands and pinned it on the floor, above of my head. "Third," sambit ko kaya tumigil siya at pareho na kaming hinihingal ngayon habang nakatingin sa isa't-isa. Gosh, nasa ibabaw ko siya at pulang-pula na ang mukha niya! "Just... take it slowly," humahangos na sabi ko. He nodded and started kissing me again but this time, he's being gentle. Nalalasahan ko pa iyong alak na ininom namin kaya lalo akong nalalasing. I felt his tongue inside of my mouth, seems like exploring whatever inside of it. Then, I felt him poking between my legs. He started kissing my neck then I saw his. Fuck! He's hard and I'm getting wet! Nakashorts pa 'yan ha! Paano kung wala?

Ilang sandali pa ay tumigil na siya at tiningnan lang ako. Hawak niya pa rin ang mga kamay ko na nasa ulunan ko. "You're so quiet, Mon. Don't be shy. You can moan---" natigil siya sa pagsasalita nang iuntog ko ang noo ko sa baba niya dahilan para mapahiga siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang chin niya habang natatawa. Naupo ako at nakita ko ang ano niya down there na nakatayo. Parang nagha-hi siya sa'kin. What the?

"Fuck!" bulalas ni Third at mabilis na tumakbo papunta sa CR habang ako ay nakatulala pa rin. What happened? What did I do? "Water?" sambit ni Third after a minute. Kinuha ko ang isang basong tubig na inaabot niya sa'kin at ininom ito. Ang lakas ng kaba ko. "Well... I didn't ask for that." natatawang sambit niya kaya hinampas ko ang leg niya pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Tinitigan niya lang ito habang hinahaplos kaya medyo nakikiliti ako. "So tayo na ba?" tumingin siya sa'kin. Ang lakas na ng heartbeat ko. Ito na yata ang epekto ng pagkakape ko. Higit apat na kape sa isang araw, naiimmune na nga ako e. "You don't need to---"

Hindi ko na siya pinatapos pa. "Just promise me, you'll be safe and be honest with me."

Ngumiti siya at tumango. "I will, Mon."

Napangiti ako at mabilis siyang niyakap. Ramdam na ramdam ko iyong lakas ng heartbeat pero hindi ko masabi kung kanino iyon. "No kids in the future?" bulong ko kaya natawa siya at niyakap ako nang mahigpit.

"Whatever you want, I'll stay. But... we're not yet sure about that," aniya. Bumitaw ako at tiningnan siya habang ang mga kamay niya ay nasa bewang ko pa rin. "We almost had sex and we're not using any protection." dugtong niya dahilan para magtaasan lahat ng dugo ko sa mukha ko. Natawa na lang siya at kinurot ang pisngi ko. "You're so cute."

Handa na ba ako sa pang-aasar niya in the future? Nagsisimula pa nga lang kami, kung anu-ano na ang inaabot kong pang-aasar. Akala ko ba, magbabago na siya? Jusko! Hindi ko maimagine na nagsesex kami habang tumatawa.

"Then ipalaglag, kung meron." biro ko dahilan para magulat siya.

"Mon?" gulat na sambit niya kaya natawa ako. "Well, okay lang---"

Mabilis ko siyang hinampas sa braso niya. "Magiging doctor ka tapos okay lang sa'yo pumatay ng bata?"

"Kidding. Ikaw talaga, mapanakit ka!" nakanguso siya sabay himas ng tiyan niya.

"Sa braso ka tinamaan, hindi sa tiyan." nakapoker face na sabi ko.

"I know. Pero mas masakit sa puson kapag nabibit---" agad kong tinakpan ang bibig niya kaya natawa na lang siya.

Jusko! Hindi ko masasabayan ang taong 'to!

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status