Share

Chapter 3 – Cold War

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-31 14:09:56

Ang mag-asawa, dapat may pagmamahalan. Kahit kaunti lang, sapat na sana para simulan ang araw.

Pero sa amin ni Bart, ni pormal na kasunduan nga sa setup ng lihim naming kasal, wala. Ang tanging malinaw lang ay ang katahimikan. Isang katahimikang unti-unting pumapatay sa natitira kong pag-asa.

Sa opisina, perpektong CEO si Bart—professional, sleek, commanding. Walang espasyo para sa drama. Lalo na para sa personal na emosyon. Lalo na kung tungkol sa akin. Ako, na sa paningin ng buong kumpanya ay isa lamang ordinaryong empleyado.

“Miss Lacosta, recheck the minutes from last week’s board meeting. I don’t want a single typo,” malamig niyang utos, ni hindi man lang ako tiningnan.

Wala rin siyang paliwanag kung anong late meeting ang inatenan niya kagabi, o kung bakit isang linggo na siyang hindi umuuwi. At wala rin naman akong karapatang magtanong.

“Yes, sir,” mahinang sagot ko. Kagat ko ang dila, pilit pinipigilan ang sarili. Kahit asawa niya ako, hindi ako pinahihintulutang makialam. Bawal manghimasok. Bawal... magpakita ng affection.

Habang papunta ako sa conference room para ihatid ang ipinagawang dokumento at pina-recheck niya, narinig ko ang boses ni Kyline Hordan mula sa loob.

Marketing executive. Kababata ni Bart. Flawless. Confident. Kung maganda ba siya… ewan. Basta makapal lagi ang make-up niya.

Nakalikot ko ang tainga ko. Ang lambing kasi ng boses, ang sakit na nga sa tainga, nakakarindi pa ang laging pagdikit-dikit niya kay Bart.

“Grabe ‘yong tawa niya,” bulong ni Jenny Trumata na halos ikinagulantang ko. Hindi ko napansing nasa tabi ko na pala siya. Isa siya sa mga marketing assistants, under ni Kyline.

“Ang landi,” dagdag pa niya, pabulong.

“‘Wag kang maingay,” sita ko. Pero hindi ko naiwasang mapangiti rin. Mahirap pigilang hindi matawa—o hindi sumang-ayon.

Sa mahigit isang linggo ko bilang sekretarya, si Jenny lang ang naging kaibigan ko. Siya lang ang nagpapaalala sa akin na tao pa rin ako. Hindi lang basta robot na sumusunod sa utos.

“Okay lang naman sanang lumandi,” bulong niya ulit. “Pero huwag dito sa opisina. Diyos ko. Sa harap pa ng board!”

Napatawa ako. Mahinang tawa, pero may kasamang kirot. Kung pwede ko lang sabihin sa kanya na hindi okay lumandi. Lalo na sa lalaking may asawa na. Lalo na kung nakikita ng asawa.

Pero hindi ko masabi. Kaya idinaan ko na lang sa mapaklang tawa ang sakit.

Pagpasok sa conference room, agad nagsimula ang presentasyon. Si Jenny, kahit nainis, ay propesyonal pa rin. Inilatag niya ang logistics, mga proposal, at metrics ng latest campaigns.

Si Kyline? Nandoon ang focus kay Bart. Nakangiti. Naka-cross legs. Pabebe ang tingin. Hinihimas pa minsan ang balikat ni Bart na parang sila lang ang naroon.

Ako? Ako na asawa, nasa gilid lang. Invisible sa mata nila. Ni sulyap, hindi ako nadapuan.

Mula umpisa hanggang matapos ang meeting, wala akong ginawa kundi magsulat. Secretary ako. At invisible wife ni Bart.

Natapos ang buong araw sa trabaho. Nakaupo lang naman ako sa opisina, pero parang nabuhat ko ang sako-sakong bigas. Ang sakit ng balikat ko.

Bago tumayo, napatingin ako sa opisina ni Bart. Wala na siya sa loob. Nauna na siyang umuwi. Naiwan ako kasi may tinatapos pa akong utos niya. At saka may usapan rin kami ni Jenny na gumala.

Hindi mawala ang ngiti ko habang bitbit ang mga pinamili namin ni Jenny kanina. Ito ang unang beses na gumastos ako. Namili ng mga bagay na gusto ko. Kahit paano, kahit ilang oras lang, nakalimot ako—naging masaya ako.

Pagdating ko sa condo, eksaktong palabas si Bart mula sa kwarto niya. Naka-casual siya, hawak ang cellphone. Mukhang may pupuntahan na naman.

Napatingin siya sa mga bitbit ko, pero hindi man lang tumulong.

“Yes, schedule it after lunch. I don’t want dinner meetings this week,” sabi niya sa telepono.

“May pagkain sa kitchen. Kumain ka,” sabi niya, matapos makipag-usap sa phone.

Napatingin ako sa kanya. Unang beses ‘to. Unang beses na inaya akong kumain.

“Kumain na ako,” mahina kong sagot. Malamig. Kasing lamig ng pagtrato niya sa akin.

Pero tumalikod siya. Hindi man lang tinablan. Wala na rin siyang ibang sinabi at pumasok ulit sa kwarto.

Umupo naman ako sa sofa. Sinilip ang mga pinamili ko.

Ilang sandali pa, bumalik siya. Tahimik pa rin. May bitbit na siyang folder.

“Don’t wait up,” malamig na wika niya.

“Okay po, sir,” sagot ko. Parang nasa opisina pa rin kami.

Saglit siyang napatingin sa akin. Parang may sasabihin pero saktong tumunog ang cellphone niya.

Sinagot niya agad, kasabay ng paglalakad papunta sa pinto.

Pero bago tuluyang maisara, lumingon siya. “Kainin mo ‘yong sinigang. Bigay ‘yon ni Mommy. Sayang naman kung masisira.”

Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung nakita niya. Tumayo na rin ako paglabas niya.

Inilagay ang sinigang sa fridge. Busog nga kasi ako.

Kinabukasan.

Wala na si Bart nang magising ako. Pero ang sinigang ay mainit na.

Napakamot na lang ako sa ulo. Siguro pinagalitan ni Mommy kaya bait-baitan na naman.

Dali-dali akong kumain. At agad nang umalis papunta sa opisina.

“Good morning, Anessa…” bati sa akin ni Jenny.

“Good morning,” sagot ko. Nakangiti. Parang masaya.

Walang saya sa pagiging secretary ni Bart. ‘Yon ang totoo. Lalo’t habang lumilipas ang mga araw, ramdam ko na lalong nanlalamig si Bart.

Mas kampante siya o mas sanay na bilang boss kaysa asawa.

“Ms. Lacosta.” Kauupo ko lang. Pero tinawag agad ako.

Tumayo ako, lumapit sa kanya.

“You’ll accompany us later to a meeting with the new investors. Prepare the contract drafts and drinks arrangement.”

“Noted, sir.”

“Kyline will handle the presentation. You take care of the background tasks.”

“Yes, sir.”

Wala na akong tanong. Sanay na rin akong sumunod.

Hinanda ko lahat ng kailangan sa meeting. Inalam ko kung sino ang mga dadalo, ano ang gusto nilang mga alak o food. Pati ang venue ay sinigurado kong maayos. Walang dapat maging aberya.

Four in the afternoon, nagsimula ang meeting. Full team present.

Naka-power dress si Kyline, as usual. Halos lamunin ng pabango niya ang buong private room.

Pero maayos naman ang presentation niya. Nasagot din nila ang mga tanong. May kaunting negotiation, hanggang sa pumirma ng kontrata. Joint partnership para sa isang bagong real estate development sa Tagaytay. High-stakes, high-return.

Nang matapos ang deal, nag-aya ng tagay ang mga investor. Tradisyon daw ‘yon.

Ako, first time pa sa ganito. Tahimik lang sa tabi.

“A toast to new beginnings,” sabi ng investor.

Nagtaas ng baso si Bart. Lahat sumunod. Ako, nag-aalangan pang iangat ang baso. Kung hindi dahil sa matalim niyang tingin, hindi ko hahawakan ang baso.

Kainis lang. Alam niyang mababa ang tolerance ko. Pinipilit niya ako.

So I drank.

Napangiwi ako. Malakas ang hagod ng wine sa lalamunan ko. Mainit. Sumisipa.

Pero nang akmang tutungga na si Kyline, biglang nagsalita si Bart.

“She’s allergic. I’ll take her glass…” 

Hinawakan ni Kyline ang kamay niya. Maarte. “Bart, I can handle—” 

“No, Kyline,” sabay inom sa baso.

Gentle. Protective. Sweet.

“Awww, you’re so caring,” bulong ni Kyline, sabay kapit sa braso ni Bart.

Tahimik lang ako. Hindi ako sa alak tinamaan, kundi sa dibdib. Sapol na sapol.

Maya-maya, napahawak ako sa sentido. Ramdam ko na ang hilo, pero hindi ‘yon napansin ni Bart.

Kay Kyline siya naka-alalay. Kay Kyline siya concern.

Bandang alas-diyes ng gabi, natapos ang inuman. Lasing na ang lahat na sinundo ng mga katrabaho o karilasyon nila.

At ako, nakasunod lang sa kanilang dalawa ni Kyline. Pilit pinapatag ang lakad ko.

Si Bart naman, todo alalay sa kaibigan niyang hindi naman nakainom. Ang sarap batukan ni Bart. Gusto ko siyang sigawan. Sabihin na, Hoy, ako ang lasing. Ako ang alalayan mo! Pero wala nga akong karapatang magreklamo.

“Mag-taxi ka na lang pauwi,” sabi ni Bart. “I’ll take Kyline home. Medyo gabi na, and malayo ang bahay niya.” 

 Tumango ako. Walang kontra. “Sige po, hatid mo na siya… ingat po kayo…”

Magalang pa akong nagpaalam. Pero ilong ko, umuusok.

“Ingat ka rin, Miss Lacosta!” sigaw pa ni Kyline, habang nakapulupot sa braso ni Bart.

Ngumiti ako. Kumaway din. Plastic siya… plastic rin ako. Lalo na’t may tama ako.

Naiwan ako sa sidewalk. Tahimik. Pinapanood silang dalawa papunta sa sasakyan.

Si Bart, matalinong tanga. Nakaalalay pa rin kay Kyline. Nakahawak sa baywang nito. Para bang binabakuran ito. Takot maagaw ng iba.

Si Kyline, todo-kapit. ‘Yan nga ang gusto niya ‘e. Maka-isa kay Bart. Mga walang pakundangan.

Mabuti na lang, agad rin akong nakasakay. Habang pauwi, ramdam ko na lalo ang hilo. Pinikit ko na lang ang mga mata.

“Pwede kaya? Kahit isang gabi lang… ako naman ang mapansin niya?” Mapait akong napangiti. Heto na naman ako. Tapang-tapangan, marupok pala.

Pagdating ko sa condo, agad akong humilata. Hinilot-hilot ang sintidong pumipintig-pintig ang ugat.

Then, tumunog ang phone ko. Matamlay akong bumangon. Inilabas ang phone mula sa bag.

Napaismid ako nang makita ang pangalan ni Bart sa screen. “Don’t wait up—Hindi ako uuwi.”

Napatitig ako sa screen. Saglit na tumigil ang mundo ko. Sa ayos ba naman nila Kyline kanina… syempre, hindi na siya noon pakakawalan.

“Ano ba ang bago?” reply ko, pero hindi ko magawang i-send. Binura ko na lang at piniling hindi mag-reply.

Pagod na akong mag-invest ng emosyon sa lalaking walang kahit konting puwang sa puso niya para sa akin.

Pinikit ko ang mga mata. Pilit pinapakalma ang damdamin.

Pero ang isip ko, puno na naman ng katanungan.

Darating pa ba ang hinihintay ko?

Matatanggap pa ba niya ako bilang asawa?

O hanggang sekretarya lang talaga ako sa mata niya—hindi niya kailanman mamahalin?

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 51 – Between Pain and Resolve

    Diretso ang takbo ng kotse, halos hindi ko na naririnig ang ugong ng makina. Tanging hikbi lang ni Anessa ang pumupuno sa loob. Hanggang tumunog bigla ang phone niya, pero hindi niya iyon pinansin. Hindi sinagot. Parang wala siyang naririnig—tuloy-tuloy lang sa pag-iyak, walang humpay ang pagpatak ng luha.Inabot ko ang kamay niya, pinisil ko iyon nang mahigpit. At wala lang sa kanya. Hinayaan niya ako. Para bang nasa ibang mundo siya.Sa loob ng anim na buwan na hindi ko siya kasama, hindi ko siya pinababayaan. Kapag may oras, sinusundan ko siya. Tinatanaw mula sa malayo. Tinuruan ko ang sarili kong kumain ng mga simpleng pagkain sa karinderya, sa mga kainan na lagi niyang pinupuntahan. At kung busy naman ako, walang time na sundan siya, sinisiguro kong may ibang tao na magbabantay sa kanya. Bukod do’n, ako rin ang nag-recommend kay Anessa sa kumpanya ni Dionne. Ako ang humiling na siya ang gawing personal assistant nito. Syempre para may paraan ako na makalapit muli sa kanya. At par

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 50 – The Confrontation

    Hahakbang na sana ako palapit—handa nang agawin si Anessa mula kay Jyrone—pero biglang napabulalas si Dionne.“Oh my God!” Napatakip pa siya sa bibig. Gulat na gulat na malamang si Jyrone ang date ni Anessa.Oo, alam niya ang tungkol sa amin ni Anessa, pero hindi niya alam na pumapasok si Jyrone sa eksena. Nilingon niya ako, sunod si Anessa, at huli si Jyrone. Tinitigan niya ito ng matagal. Parang ang tingin niya, humihingi ng paliwanag.Pero si Jyrone? Wala man lang pakialam. Ngumiti pa siya ng matamis kay Anessa, saka tinanong, “Do you want to transfer to another place?”Napailing si Dionne. Hindi hinayaang makasagot si Anessa. “Why would you leave? Nandito na tayo. Sama-sama na tayong kumain.”Aangal pa sana si Jyrone pero hinatak na niya si Anessa, ginabayan paupo.Nagkatinginan naman kami ni Jyrone—gigil, matalim. Parang tahimik na laban ang nagaganap sa pagitan namin. Si Dionne naman, walang pakialam sa amin. Kaya umupo na lang ako sa harap niya. Nauna na kasing umupo si Jyrone s

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 49– The Canopy Grill Encounter

    Pagkapreno ng kotse, agad akong bumaba. Pero napabuntong-hininga nang makita ang mataas na hagdan na gusto ko nang akyatin agad. Habang iniisip kong maaaring magkasama na sina Anessa at Jyrone, sumisikip ang dibdib ko, parang namanhid ang kamay ko na kanina pa nakakuyom.“Bart! Wait for me!” boses ni Dionne mula sa likod. Rinig ko ang tunog ng takong niyang dumadagundong sa sahig ng parking area.Napapikit ako at napabuntong-hininga ng malalim. Asar akong tumigil, humarap sa kaniya, at iniabot ang kamay ko.“This is why I told you not to wear those heels,” sermon ko habang inaakay siya. “Hindi ka na naman bago rito, alam mong mataas ang hagdan sa pupuntahan natin, pero nagsuot ka pa rin ng ganyan.”Inirapan lang niya ako. Walang sagot, pero ramdam ko ang higpit ng pagkakakapit niya sa braso ko, parang sinadyang ibaon ang mga kuko sa balat ko. Napailing na lang ako. Inip na sinabayan ang mabagal niyang hakbang. Hanggang sa makarating kami sa tuktok ng canopy grill.Pareho kaming kapos

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 48 — Racing Heartbeat

    BART Pagkapasok ko sa hotel room, dumiretso agad ako sa sofa. Hindi mawala-wala ang ngiti ko. Masaya akong muling makita si Anessa—sa malapitan. Ang gaan sa pakiramdam na makausap siya, kahit magaspang ang trato niya sa akin, okay lang. Napahawak ako sa dibdib ko, hinaplos-haplos ko ito, pinakikiramdaman ang kabog ng puso ko. Kaya lang… napabangon ako. ‘Yong masayang kabog ng dibdib ko kanina, napalitan ng inis. Bigla kong naalala ang tawag sa kanya kanina. Hindi man niya sinabi kung sino iyon, pero sigurado akong si Jyrone ‘yon. Napabuntong-hininga ako, saka pabagsak na humiga ulit sa sofa. Pumikit ako nang mariin. Paulit-ulit kong pinilig ang ulo. Magkikita sila ngayong gabi. Sila lang dalawa. Anessa… at si Jyrone. Ang isipin pa lang ‘yon ay parang may humahapit sa dibdib ko. Nakakagalit. Nakakapanghina. Paano ko sila mapipigilan? Muli akong bumangon, nagpalakad-lakad, at saka napaupo ulit. Tinampal-tampal ang noo ko. “Anessa…” Paulit-ulit kong sinambit ang pangalan niya. Sana m

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...    Chapter 47 — Between the Lines

    Tumunog ang phone ko sa gitna ng nakaka-ilang na titigan namin ni Bart. Para akong natauhan. Agad ko itong sinagot, hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.“Hello?”“Anessa, it’s me.” Si Jyrone. Nag-init ang tainga ko. Napatingin ulit sa name ng caller, saka muling nilapat sa tainga ko.“Napatawag ka?” Iniiwasan kong mapatingin kay Bart.“I’ll be flying back to Manila tomorrow. Can we meet tonight before I leave?”Tumango-tango ako na para bang nakikita niya ako. “Yes. Mamaya, let’s meet.”“Good. I’ll message you the time and place.” Malumanay ang tono niya, pero bakas ang tuwa. “Take care, Anessa.”Pagkababa ng tawag, hindi sadyang mapatingin ako kay Bart. Parang nakakaubos ng hangin sa baga tingin niya. Tahimik nga siya, kilay niya salubong naman. Mata nanliliit na parang nagseselos sa kausap ko. Nilagay ko ulit sa bag ko ang phone. Tinuro naman niya ang plate ko, “finish your meal.” Umawang ang labi ko. Sasabihin sanang busog na ako pero umasim ang ekspresyon niya. Paran

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 46 — Since You Left

    Inis akong kumilos. Papasok na sana ako sa backseat nang tumikhim si Bart. Napalingon ako.“Are you making me your driver?”Napapikit ako sandali, pigil ang hininga, saka dahan-dahang isinara ang pinto at lumipat sa harap. Naninigas ang panga ko sa inis. Pinigil ko ang sarili kong ‘wag sumabog sa galit. Pagpasok ko, agad niyang pinaandar ang makina.“Where to?” tanong niya na parang walang nangyari.Grabe. Parang sinusubok niya ang pasensya ko.“Ako na lang sana ang nag-drive, Sir Bart—hindi ka sana tanong ng tanong,” sagot ko, pilit pinapakalma ang tono ko.Tiningnan niya ako nang matalim. Para akong natusta sa tingin na ’yon, kaya wala akong nagawa kundi ituro ang daan.“Straight lang.”Ngumisi pa siya bago pinaandar ang sasakyan. Ako naman, mahigpit ang hawak sa seatbelt, pilit iniiwas ang tingin habang siya naman ay sumisipol-sipol lang. Nakuyom ko na naman ang kamay; naninigas na ang mga daliri ko. Parang mauubos na rin ang hangin sa baga ko dahil sa pagpipigil.“Saan na tayo pu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status