LOGINAng mga dingding ng opisina ay gawa sa salamin—hindi lang literal, kundi pati damdamin. Sa bawat tingin, sulyap, at bulungan, hindi mo na kailangan ng mikropono para marinig ang panghuhusga— ang mga eksenang masakit sa mata.
At ako, araw-araw, humaharap sa salamin ng panghuhusga.
“Bart, here’s the marketing proposal you asked for.”
Boses iyon ni Kyline. Kapapasok niya lang sa opisina ni Bart. Masigla. Punong-puno ng extra effort.
Mula sa labas ng opisina, kitang-kita ko ang bawat kilos niya. Iniangat pa talaga ang mini pencil skirt habang inilalapag ang folder sa mesa ni Bart. Kumindat pa at ngumiting may malisya.
Walang imik si Bart. Saglit lang siyang tiningnan, saka kinuha ang folder—tahimik. Walang emosyon. Ewan ko lang sa ilalim ng pantalon niya.
Um-effort pa si Kyline. Gumapang ang kamay, akmang hahawakan ang kamay ni Bart, pero inilayo niya. Hindi ko alam kung ayaw talaga niya sa ginagawa ni Kyline o nagkukunwari lang siyang walang pakialam—walang nararamdaman dahil alam niyang may nanonood sa labas—ako.
Pero si Kyline? Walang pakialam. Para siyang spring sa gitna ng taglamig. She bloomed—with intention.
“Bart, kung may gusto kang ipabago, I can personally walk you through it. Over coffee, maybe?”
Bahagya siyang yumuko, hawak ang gilid ng mesa. Sinadyang ipakita ang cleavage niya. Sinabayan pa ng ngiting punong-puno ng pang-aakit.
Napasinghap ako. Tumayo ang balahibo ko sa batok sa lantaran at walang filter niyang pang-aakit ni Kyline. Ganito na nga siya kumilos kahit may ibang tao, paano kung sila lang dalawa?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang pinilit kontrolin ang sarili ko. Sa isip ko, ang dami ko nang naipong mura para sa babaing ‘yon. At para kay Bart na nakukunwaring malamig, pero sa iba nag-iinit.
Hindi ko na napigil ang mapakagat sa ibabang labi. Nakakagigil na. Biglang tumunog ang intercom. Napaigtad ako. Agad ko iyong sinagot, clearing my throat.
“Miss Lacosta, na-send ko na po sa email mo ang updated schedule sa next week's interviews. Please pa-remind po si Sir Bart,” sabi sa kabilang linya.
Pagkababa ng tawag, tumayo ako. Diretso sa opisina. Hindi ako kumatok. Sinadya ko talagang bulabugin sila.
Hindi dahil nagseselos ako—pero sobra na sila. Ang sakit nila sa mata. Walang delikadesa!
Sabay silang lumingon ni Bart at Kyline. Pero kahit nabigla, hindi umalis si Kyline sa tabi ng asawa ko. Halos idikit na nito ang dibdib niya sa balikat ni Bart.
Kung hindi pa siguro ako pumasok, baka tuluyan na silang naanod sa init na sila lang ang nakakaramdam.
“Excuse me, sir. HR sent the updated schedules for next week’s interviews.”
Umangat ang isang kilay ni Kyline. Tumayo nang maayos, hinarap ako, at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Isang sulyap na parang sinampal ako, o sinusumpa ang buong pagkatao ko.
“Istorbo,” kibot ng kanyang labi. Walang tunog ‘yon. Pero malinaw kong nababasa.
“I’ll check it later,” malamig na sagot ni Bart.
Tumango ako. Aalis na sana, pero sinadya ni Kyline na humarang.
Humalukipkip siya, tinaasan ako ng kilay. “Next time, kumatok ka. Hindi mo 'to bahay na pwede kang pumasok kung kailan mo gusto,” bulong niya. Punong-puno ng gigil.
Kinuyom ko ang kamao ko sa likod ko. Tumingin ako kay Bart, pero wala siyang reaksyon. Tahimik lang siya. Cold as ever. Parang pipi’t bulag.
Mas lalong kumulo ang dugo ko. Pero tiniim ko lang ang labi ko.
Hindi ako makikipagtalo. Hindi dahil sa duwag o takot ako. Alam ko lang na hindi ko kailangang makipagbangayan sa babaing walang alam sa totoo. At wala na rin akong balak ipaglaban ang lalaking hindi naman ako ipinaglalaban.
At saka, isa nga lang akong lihim na asawa. Wala akong karapatang dumada. Hindi ko nakakalimutan ‘yon.
Ako ang babaing piniling magmahal nang tahimik—at ngayon, tahimik ding nilalamon ng sakit. Nagpapanggap na matibay, pero nadudurog pa rin sa loob.
“Noted po, Ma’am…” magalang kong sagot at agad nang lumabas.
Saktong lunch time nang lumabas ako kaya diretso kami ni Jenny sa canteen. Tahimik kaming pumipili ng pagkain. Pero ramdam na ramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin.
Nagkatinginan kami ni Jenny. Parehong nagtatanong sa isipan kung anong usapan na naman ang pinagpipiyestahan. Kung anong issue na naman ang kumakalat.
“Eto na si Miss secretary na gusto palang maging babae ng boss...” tawa ng mga babaing nasa likuran namin.
Napalingon kami. Si Jenny, halatang gigil na. Namaywang agad.
“Mga buwisit ‘tong mga ‘to,” sabi niya, galit na galit.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Hayaan mo sila.”
“Anong hayaan?” Bulong niya. Pero gigil pa rin. “Hindi tama, Anessa. Hindi ka ganyan! Hindi ka nga nila kilala…”
“Jenny, huwag na mo lang patulan, please...”
“Paanong huwag? Hahayaan mo lang ang maling paratang nila sa’yon?” Muli siyang lumingin. Pero sinita ko agad siya.
“Anessa, ni halos ayaw mo ngang lumapit kay Sir Bart, pero ikaw pa ang iniintriga nila!”
“Kumalma ka na nga. Tumahimik na lang tayo. Please.”
“Anessa, naman ‘e...” seryoso ang tingin niya. “Sigurado ako, si Kyline ang nagpakalat ng tsismis.”
“Jenny, tama na nga sabi. Lalala lang ang sitwasyon...”
Nagtawan na naman ang nasa likuran. “Tsismis? Totoo naman!” sabi pa ng isa.
“Kung hindi pa sila tumigil. May puputok na nguso rito—”
Bumuga ako ng hangin. Tiningnan ko siya nang diretso.
Bumuga naman siya ng hangin. Nadidismaya. “Talagang hahayaan mo lang silang siraan ka?”
“Jen, ang isipin mo na lang, mas nakakaawa ang mga taong ‘di marunong tumahimik. At walang alam sa totoo, pero dada ng dada.”
“Hindi nga ako katulad mo, Anessa! Ipaglaban mo naman ang sarili mo.”
“Kung pumalag ako, lalo lang akong mapag-iinitan. At alam nating kay Kyline papanig si Bart. Silang lahat.” Saglit akong lumingon sa mga babae. “Ayoko ng gulo, Jen.”
Napairap siya. “Nakakainis! Siya naman ang tunay na malandi. Pormahan nga niya, daig pa mga stripper sa club. Pero ikaw na pormal manamit, ginagawan ng intriga.”
“Wala naman kasi sa damit ‘yon!” sagot naman ng isang babae.
Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko ang tray. Sumunod naman agad si Jenny. Umupo kami sa sulok ng canteen. Pero kahit sa sulok, hindi pa rin kami ligtas. Naririnig pa rin namin sila. Ramdam pa rin namin ang talim ng tingin nila.
"Suplada raw... malandi pala!" Tawang-tawa ang nagsasalita.
"Feeling close kay Boss. Pumasok ba naman sa opisina na walang katok-katok. Nando’n pa si Ma’am Kyline. Hindi na nahiya…"
Pinisil ko ang kutsarang hawak ko. Doon ko ibinuhos ang galit na hindi ko kayang isigaw.
"Ang bibig ginagamit sa pagkain, hindi sa panghuhusga, hindi sa tsismis," bulong ni Jenny.
"Jen, kain na lang tayo nang makaalis na tayo rito."
Mabilis akong kumain. Pero kahit naubos ko ang pagkain, parang hindi ako nabusog. Sa talim ba naman kasi ng tingin sa akin ng lahat, parang nabutas ang tiyan ko… lumusot lahat ng kinain ko.
Tahimik kaming bumalik sa building ni Jenny. Sumakay kami ng elevator. Mabuti na lang at kami pa lang.
Pasara na ang pinto, pero may humabol.
Si Bart.
“Sir,” bati ni Jenny, sabay atras.
Sulyap lang ang isinukli niya. Hindi rin sumulyap sa akin.
Gano’n din ang ginawa ko. Hindi ko siya pinansin. Hindi rin tiningnan. Ayaw kong maramdaman pa ang lamig niya.
Ipinikit ko na lang ang mata ko. Isinandal ang ulo sa elevator wall. Pero ramdam kong dumarami ang sumasakay sa kada hinto. Pero nanatili ang katahimikan. Hanggang may sumagi sa noo ko—napadilat ako. Napalunok.
Halos ilang inches na lang ang layo ni Bart sa akin. Amoy ko na ang pabango niya. Pati init ng katawan niya ramdam ko na. Init na matagal ko nang gustong maramdaman... pero sa ganitong pagkakataon pa.
Napalingon ako kay Jenny. Kinakalabit niya ako. Tinuturo si Bart. Tinampal ko ng mahina ang kamay niya. Sa palitan namin ng tampal, nasagi ko ang likod ni Bart. Lumingon siya.
Saglit kaming nagkatinginan. Pero hindi ako nagsalita. Hindi rin ako nag-sorry.
Gano’n rin siya. Ako ang unang umiwas ng tingin. Pero nakita ko pang niluwagan niya ang necktie.
Si Jenny, halos hindi na gumagalaw. Pati yata hininga napigil.
Unti-unti nang lumuwag ang elevator. Hanggang kami na lang ang natira.
Pagbukas ng pinto, lumingon sa amin si Bart. Hininga ko naman ang napigil ko.
“Miss Lacosta. See me in my office.”
“Noted, sir.”
Hinawakan ni Jenny ang kamay ko. Bakas ang kaba.
Ngumiti lang ako. Tipid, pero sapat para sabihing okay lang ako. Hindi ako kakainin no’n ng buhay. Allergic ‘yon sa pangalang Anessa ‘e.
Pagpasok ko sa opisina, naka-upo na siya.
“Send a memo to the Finance Department. Bonuses will be delayed until next quarter.”
“Yes, sir,” sagot ko. Naghihintay pa ng ibang utos. Pero ilang minuto na akong naghihintay, hindi na siya muling nagsalita.
“Anything else, sir?”
Tiningnan niya ako sandali.
“Wala na. Lumabas ka na.”
Tumango ako. ‘Yun lang din ang hinihintay ko.
Lumabas ako. Diretso ang lakad.
Pagbalik sa desk, agad kong ginawa ang utos niya. Parang wala rin akong pakialam sa paligid. Parang si Bart. Pero pinupulbos pala ako sa loob.
Hanggang sa makarinig ako ng katok. Napatingala ako.
“Miss Anessa?”
Isang binatang maputi, may salamin, at may hawak na folder ang nasa harap ko. Bata pa, pero may aura na matalino, at ngiting magalang.
“Here’s the file from Sales Marketing. Sir Roldan asked me to deliver it.”
Tinanggap ko. Nagpasalamat. Tumayo na rin ako, pero nagsalita siya ulit.
“By the way, I’m Gabriel. Gabriel Nuevo. Intern po.”
Itinuro niya ang ID niya. Medyo nahihiya pa. Pero may dating.
“At your service,” sabay abot ng kamay. Ngiting-ngiti.
Napangiti rin ako. Hindi ko napigilang makipagkamay.
“Nice to meet you, Gabriel.”
Nagkatinginan kami. Magaan. Hindi romantiko. Hindi rin awkward. Parang may preskong hangin na bumalot sa aming dalawa.
Pero agad ding naputol.
Dahil bumukas ang pinto ng opisina.
Napalunok ako. Nasa bungad nang pinto si Bart.
Nakatingin sa amin, pero hindi naman nagsasalita.
Agad kong binitiwan ang kamay ni Gabriel.
Tumikhim ako, at hinarap siya.
“Sir, do you need anything?”
Hindi siya sumagot. Tumitig lang.
At sa unang pagkakataon, may nakita akong emosyon sa mga mata niya.
Hindi ko alam kung selos ‘yon... o galit.
Ang alam ko lang... ngayon lang niya ako nakita—na may kausap na ibang lalaki.
JYRONENapangiti ako habang nakatingin kina Anessa at Bart na karga-karga ang kambal. Ang saya-saya nilang isinasayaw ang mga bata. ’Yong tawa nila, abot hanggang mata. Kita mo agad na totoo ang kasiyahan nila.At masaya akong naging bahagi ng lahat… Naging saksi sa malungkot at masayang yugto ng buhay nila, at masaya rin akong naging ninong ng kambal.Binyag ng mga bata kanina, kaya heto, nandito kami sa mansyon nila Bart. Nagtipon-tipon ulit kami matapos ang anim na buwan.Ang laki na ng mga bata. Parang kailan lang, ang liit-liit pa nila. Ngayon, ang bibibo na. Mas malakas pa ang tawa nila kaysa tugtog mula sa speaker.“Jyrone…”Napalingon ako nang marinig ang boses na ’yon. Boses ni Ferly.Isa rin siya sa mga ninang. Dahil siya ang OB ni Anessa, naging close na rin sila sa isa’t isa.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya habang nakatanaw din kina Bart at Anessa.“Nagpapahangin lang… in-enjoy ang magandang tanawin.”Ngumiti siya at sumandal sa railing katabi ko. “Magandang tanawin…
BARTNanginginig ang mga kamay at tuhod ko habang nakatayo sa harap ng malaking pinto. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nabigkas ang salitang “Diyos ko, gabayan mo ang asawa ko. Sana ligtas sila…”Ito na kasi ‘yon, ang araw na pinakahihintay namin—ang araw ng panganganak niya.Kanina pa siya sa loob. Kanina pa ako naghihintay na makarinig ng iyak. Pero dalawang oras na ang lumipas, wala pa rin akong naririnig.“Bart… umupo ka nga muna…” sabi ni Mama Bettina. Katabi niya si Mama Anelita na katulad ko ay tahimik ding nagdadasal.Rinig na rinig ko ang sinabi niya, pero parang lutang ako na hindi ‘yon maintindihan. Puro si Anessa at ang kambal ang laman ng utak ko.“Relax ka lang, Bart,” sabi na naman ni Mama Bettina. “Paano po ako mag-relax, dalawang oras na…” Nahagod ko ang buhok ko. “Kakayanin ni Anessa… malakas at matapang ang anak ko,” sabi ni Mama Anelita.Tama… malakas at matapang si Anessa. Pero kahit na, hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. I did my research, alam kong m
ANESSA“Good morning, Mrs. Divinagracia…” Napangiti ako nang marinig ang boses ni Bart. Medyo paos, pero malambing. Ramdam ko ang braso niya sa dibdib ko, mabigat pero ang sarap sa pakiramdam. Ito kasi ang unang araw na magising ako bilang Mrs. Divinagracia, hindi lang sa pangalan, kundi sa puso niya.“Good morning, Mr. Divinagracia,” bulong ko pabalik at humarap sa kanya.Medyo antok pa ako kanina, pero ngayong nakita ko na ang gwapo niyang mukha—gising na gising na ako. Ngumiti siya, kumislap rin ang mga mata gaya ko.“Binuhat mo na naman ako kagabi?” tanong ko habang nililibot ang paningin sa buong silid.“Yeah… ang peaceful ng tulog mo, kaya hindi na kita ginising…” Dinampian niya ako ng mabilis na halik sa labi at saka umupo sa gilid ng kama, hinaplos ang tiyan ko. “Go back to sleep. Alam kong pagod ka… kasi ikaw ang nagmaneho kagabi…”“Bart!” Hinampas ko siya. Pero pilyong ngiti lang ang sagot niyang humihimas na sa hita.“Ang galing mong magmaneho… alam mo ba ’yon?”“Tumigil k
ANESSAKita ko sa gilid ng mga mata ko na lumapit na rin ang ibang mga bisita. Sumasayaw na rin sila, pero kami ni Bart, parang nalulunod pa rin sa sarili naming mundo.Ni saglit, hindi maalis ang tingin namin sa isa’t isa. Hindi rin maalis ang mga ngiti. ‘Yong para bang hindi kayang sukatin ang saya na pareho naming nararamdaman.Maya maya ay inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko.“You look unreal tonight,” bulong niya, sakto sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa pisngi ko.“Are you saying I don’t look real on normal days?” pilya kong tanong.Tumawa siya. “I’m saying, you don’t look like you belong to this world.”“Gano’n? Eh, saan ako belong?”“With me… in my world… in my heart, my love…”Napaangat ako ng ulo. Pakilig ‘tong asawa ko… Nakagat ko tuloy ang labi ko. “Masyado ka nang cheesy… baka maihi ako…”“Ayos lang, maihi ka lang… kasi mamaya, sa honeymoon natin, hindi mo na magagawa ‘yan…”“Hoy, Bart!” gigil kong sita, sabay kurot ng palihim. “Wala nang ibang laman ‘yang utak
ANESSAHindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig sa salamin. Pinagmamasdan ang magandang repleksyon ko. Oo, ang ganda-ganda ko ngayon, hindi dahil sa makeup o ayos ng buhok ko, kundi dahil sa ngiti.Ito na kasi ‘yon… ang araw na magiging Mrs. Divinagracia na ulit ako. Kinapa ko ang dibdib kong kanina pa nagtambol.“Anessa…” mahinang tawag ni Mama Anelita sabay bukas ng pinto.“‘Ma…” Napangiti ako. Ang ganda rin kasi ni Mama. Minsan ko lang siyang makitang mag-ayos. Pero kahit simple lang ang suot niyang saya at baro, tumingkad pa rin ang ganda niya. Mana nga ako sa kanya.“Handa ka na ba, Anak?” mahinahon niyang tanong.Tumango ako, ngumiti. “Opo, Mama.”Lumapit siya, inayos ang isang hibla ng buhok sa may tainga ko. Napakahina ng kilos, para bang takot niyang mabura ang makeup ko.“Ang ganda mo, Anak...” Ngumiti siya, sabay pahid ng luha sa gilid ng mata niya.Hinawakan ko ang kamay niya. “‘Ma, walang iyakan… masisira makeup natin…”Ngumiti siya at tumango-tango. “Pipi
BARTNapangiti ako habang nakatingin sa lahat. Kanina lang ay nasa courtroom pa kami, kabado sa kung ano ang magiging hatol sa pamilya Hordan. Pero ngayon, kasama ko na lahat ng taong mahalaga at nagpapasaya sa akin. Sila ang mga taong parte ng buhay namin, mga taong mas nagbigay kulay sa mundo namin ni Anessa. Ang sarap pakinggan ng halakhakan nila, parang tuluyang nabura ang mantsa ng nakaraan.Napalingon ako kay Anessa. Na katulad ko, tahimik lang siya, pero may ngiti sa labi at nangingislap ang mga mata. Klarong-klaro sa mukha niya ang saya. Parang lalo siyang gumanda. Hindi ko nga maawat ang sariling titigan siya. Pinisil ko ang kamay niya at agad naman siyang lumingon sa akin.“What?” tanong niya, umangat ang mga kilay.Umiling ako. “I’m just happy… because the person I love the most is right here with me.”Ngumiti siya at dinampi ang pisngi sa balikat ko.Sabay kaming napapangiti sa kakulitan ng mga kaibigan niyang nakapalibot sa mesa kung saan nakalagay ang mga alak at cake n







