LOGINMuli kong kinuha ang cellphone at muling tinitigan ang larawan naming dalawa ni Bart.
Larawang hindi man lang kami nakaharap sa camera. Nakaw na kuha lang ni Mama Bettina, pero kahit kailan, hindi ko magawang i-delete. Wala mang ngiti sa labi ni Bart, wala ring kislap sa mata, mahalaga pa rin sa akin ang larawang ’to. Isa kasi ’to sa patunay na kasal kami. Na asawa niya ako. At habang tinititigan ko ito, lalo akong nadudurog. Wala ni isang palatandaan na masaya kami. Isa iyong kasal na walang selebrasyon. Parang pamamaalam kaysa pagsisimula.Napangiti ako—mapait. Sa likod ng larawang iyon, buhay pa rin sa isip ko ang bawat detalye ng araw na ’yon. Araw na buong buhay kong inasam. Pero nauwi sa araw ng tahimik na pagtanggap.
Sariwa pa rin sa akin ang pagpasok namin sa maliit na opisina. Walang red carpet, walang bulaklak, walang musika. Linoleum floor, lumang stand fan, isang lamesa, ilang plastik na upuan, at isang mayor na halatang minamadali lang ang seremonya.
Nakakatawa. Ang yaman ng mapapangasawa ko. Pero putchu-putchu lang ang aming kasal. Pero okay lang. Masaya pa rin ako.
“Do you, Barton Martino Divinagracia, take Anessa Lacosta to be your lawfully wedded wife?” tanong ng mayor.
Tumango si Bart. Diretso ang tingin. “Yes,” sagot niya. Wala man lang sulyap sa akin.Parang utos lang iyon na kailangan niyang sundin… walang pagmamahal.
“Do you, Anessa Lacosta, take Barton Martino Divinagracia to be your lawfully wedded husband?”
Huminga ako nang malalim. Tumingin sa lalaking katabi ko, kahit hindi niya ako pinapansin. “Yes.” Mahina, pero puso ko’y nag-uumapaw sa saya.“By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife.”
Gano’n lang natapos ang lahat. Walang halik. Walang yakap. Isang tango mula kay Bart. Isang pakikipagkamay sa mayor.Sa gilid ng silid, si Bettina ay tuwang-tuwa. Halos maiyak sa tuwa habang yakap-yakap si Bart.
“Sa wakas,” bulong niya. “Anak, maging mabuti kang asawa kay Anessa, ha? Mabait siya, magalang na anak. Alam ko, siya ang tamang babae para sa ’yo.” “‘Ma, please,” sagot ni Bart, halos pabulong habang kumakawala sa yakap ng ina.Hindi na kumibo si Bettina. Lumapit siya sa akin, niyakap ako nang mahigpit. “Welcome to the family, anak,” bulong niya. “You’re smart, kind, and patient. I know you’ll make Bart a better man someday.”
“Thank you po, Tita,” sagot ko, pilit pa rin ang ngiti habang nilulunok ang emosyon. “Tita?” Napangiti siya at hinawi ang buhok ko. “Anak, mama mo na rin ako ngayon.”Sa kabilang panig ng silid, nakita ko si Mama. Tahimik lang siyang nakaupo. Hindi inaalis ang tingin kay Bart. Kita ko sa mata niya ang tanong, ang kaba, ang takot. Alam niyang hindi ito ang kasal na pinangarap niya para sa akin. Oo, alam niyang mahal ko si Bart. At ngayon dala ko na ang apelyido niya.
Pero hindi pa rin sapat ang papel ko sa buhay ni Bart ngayon, para takpan ang lungkot na nararamdaman niya para sa akin. Hindi man lang kasi ako tinignan ng lalaking pinakasalan ko.
Sabay kaming napatingin kay Bart. Nasa gilid siya, nakaupo. Mas gusto niya pang kaharap ang cellphone kaysa sa akin.
Hinaplos ni Mama ang kamay ko. Mga mata niya’y nagtatanong. Matamis na ngiti ang sagot ko. Wala man kaming photo together. Walang wedding vow. Ayos lang. Maging asawa lang siya, sapat na.
Pero umaasa pa rin akong balang araw, magbabago rin ang lahat.
Sa loob ng sasakyan pauwi, tahimik lang kami. Mas maingay pa ang aircon kaysa sa aming dalawa.
Sumulyap ako sa kanya. Sinusubukan kong intindihin ang bawat buntong-hininga niya, bawat kilos, kahit hindi siya nagsasalita.
Nang huminto ang sasakyan sa stoplight, saka lang ako nagsalita. “Thank you… for showing up,” halos pabulong kong sabi.Hindi siya sumagot. Hindi rin tumingin sa akin. Parang wala siyang naririnig.
Napangiti ako, kahit gusto kong maiyak. “At least he showed up,” bulong ko sa sarili.Pagdating sa condo niya—ngayon ay bahay na rin naming dalawa—binuksan niya ang pinto at dumiretso sa loob. Walang tingin. Walang salita. Para lang akong anino na nasa likod niya, hila ang luggage ko.
“Room is yours,” malamig na sabi niya habang hinuhubad ang polo. “I have meetings tomorrow. I need silence. Try not to change anything in the kitchen.”
“Okay,” sagot ko. Mahina.Halata naman kasing ayaw niya akong kausap.
Dahan-dahan akong lumakad papunta sa kuwarto. Bawat hakbang, parang tinutusok ang dibdib ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa kuwarto niya. Hindi niya sinabi kung saan ako dapat matulog. Kaya pumasok ako sa kuwartong pinakamalapit.
Pagkasarado ng pinto niya, saka lang ako huminga nang malalim.
Ito na. Simula na ng buhay namin bilang mag-asawa. Mag-asawang magkasama sa iisang bubong, pero magkalayo ang mundo.
Gabi na. Tahimik ang buong unit. Tanging ugong ng aircon at tik-tak ng orasan ang kasama ko.
Naupo ako sa kama. Hinubad ko ang singsing at isinabit sa manipis na chain ng kwintas ko. Hindi ito galing kay Bart—regalo ito ni Bettina. Wedding ring daw nila ng kanyang asawa.
“Deserve mo ’yan. It may not be a grand wedding ring, but it carries the legacy of love.”
Pero hindi pag-ibig ang naramdaman ko habang suot ko ’to. Lamig.
Wala kaming palitan ng singsing. Hindi rin suot ni Bart ang singsing ng kanyang ama. Kaya ang sa akin, itatago ko na lang din. Sa ilalim ng damit. Sa ilalim ng katahimikan.
Alam kong ayaw ni Bart malaman ng mundo ang tungkol sa amin. Kaya walang engagement. Walang honeymoon. Walang announcement. Lihim ang lahat.
At kahit masakit, tinanggap ko. Kasi mahal ko siya. Noon pa man. Unang kita ko pa lang sa kanya sa hacienda ng mga Divinagracia, kung saan nagtrabaho ang mga magulang ko.
Doon ko rin nalaman ang kasunduan ng mga ama namin—na balang araw, ipapakasal kami. Sinabi mismo ng matandang Divinagracia na ako lang ang tatanggapin nilang daughter-in-law, wala nang iba.
At nang dumating ang araw na iyon, buong puso akong sumunod. Kahit walang pagmamahal kay Bart.
Kahit pa ang lamig ng kanyang mga mata, pinipili ko pa ring makasama siya. Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili… sa puso ko…“Tiis ka lang. Tumibok ka lang. Huwag kang bibitaw. Mahal mo siya. At darating ang araw, makikita ka rin niya. Matututunan ka rin niyang mahalin.”
Umupo ako sa gilid ng kama, nilibot ang paningin sa silid. At wala akong ibang maramdaman kundi lamig. Katahimikan. Dibdib ko, parang may mabigat na batong nakapatong.
Unang gabi namin bilang mag-asawa, pero magkaiba kami ng kuwarto. Magkaiba ng mundo.
Pero kahit gano’n, hindi ako susuko.Dahil sa puso ko, isang bagay ang totoo… kahit hindi niya ako mahal, asawa na niya ako.
At sa mundong ito, sapat na muna ang papel ko bilang asawa. Hanggang sa dumating ang araw na hindi na lang lihim ang lahat.Natapik ko ang noo ko. Parang ginigising ang sarili ko. Isang taon na kasi ang lumipas. Wala pa ring pagbabago. Tama ba ang desisyon ko? Worth it ba ang paghihintay ko? Hanggang kailan pa ako maghihintay na mapansin niya?
Napasinghap ako. Napabalik sa kasalukuyan. Halos mabitiwan ko ang cellphone nang bigla itong tumunog. Pangalan ni Bart ang lumitaw sa screen.
Mabibilang lang sa daliri kung ilang beses siyang mag-text. Kaya hindi ko maiwasang kabahan.
Pigil ang hininga ko habang binabasa ang mensahe.“Don’t wait up. May late meeting ako.”
Napangiwi ako. Hindi alam kung magre-reply ba o hindi. Alas-dyes na ng gabi. Ngayon pa siya nag-text?
Parang may sumundot sa sugat sa puso ko. Paulit-ulit na lang.Pinikit ko ang mga mata. Pilit kong kinalma ang sarili.
Hindi ako iiyak.
Hindi na ako iiyak. Pagod na akong umiyak.JYRONENapangiti ako habang nakatingin kina Anessa at Bart na karga-karga ang kambal. Ang saya-saya nilang isinasayaw ang mga bata. ’Yong tawa nila, abot hanggang mata. Kita mo agad na totoo ang kasiyahan nila.At masaya akong naging bahagi ng lahat… Naging saksi sa malungkot at masayang yugto ng buhay nila, at masaya rin akong naging ninong ng kambal.Binyag ng mga bata kanina, kaya heto, nandito kami sa mansyon nila Bart. Nagtipon-tipon ulit kami matapos ang anim na buwan.Ang laki na ng mga bata. Parang kailan lang, ang liit-liit pa nila. Ngayon, ang bibibo na. Mas malakas pa ang tawa nila kaysa tugtog mula sa speaker.“Jyrone…”Napalingon ako nang marinig ang boses na ’yon. Boses ni Ferly.Isa rin siya sa mga ninang. Dahil siya ang OB ni Anessa, naging close na rin sila sa isa’t isa.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya habang nakatanaw din kina Bart at Anessa.“Nagpapahangin lang… in-enjoy ang magandang tanawin.”Ngumiti siya at sumandal sa railing katabi ko. “Magandang tanawin…
BARTNanginginig ang mga kamay at tuhod ko habang nakatayo sa harap ng malaking pinto. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nabigkas ang salitang “Diyos ko, gabayan mo ang asawa ko. Sana ligtas sila…”Ito na kasi ‘yon, ang araw na pinakahihintay namin—ang araw ng panganganak niya.Kanina pa siya sa loob. Kanina pa ako naghihintay na makarinig ng iyak. Pero dalawang oras na ang lumipas, wala pa rin akong naririnig.“Bart… umupo ka nga muna…” sabi ni Mama Bettina. Katabi niya si Mama Anelita na katulad ko ay tahimik ding nagdadasal.Rinig na rinig ko ang sinabi niya, pero parang lutang ako na hindi ‘yon maintindihan. Puro si Anessa at ang kambal ang laman ng utak ko.“Relax ka lang, Bart,” sabi na naman ni Mama Bettina. “Paano po ako mag-relax, dalawang oras na…” Nahagod ko ang buhok ko. “Kakayanin ni Anessa… malakas at matapang ang anak ko,” sabi ni Mama Anelita.Tama… malakas at matapang si Anessa. Pero kahit na, hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala. I did my research, alam kong m
ANESSA“Good morning, Mrs. Divinagracia…” Napangiti ako nang marinig ang boses ni Bart. Medyo paos, pero malambing. Ramdam ko ang braso niya sa dibdib ko, mabigat pero ang sarap sa pakiramdam. Ito kasi ang unang araw na magising ako bilang Mrs. Divinagracia, hindi lang sa pangalan, kundi sa puso niya.“Good morning, Mr. Divinagracia,” bulong ko pabalik at humarap sa kanya.Medyo antok pa ako kanina, pero ngayong nakita ko na ang gwapo niyang mukha—gising na gising na ako. Ngumiti siya, kumislap rin ang mga mata gaya ko.“Binuhat mo na naman ako kagabi?” tanong ko habang nililibot ang paningin sa buong silid.“Yeah… ang peaceful ng tulog mo, kaya hindi na kita ginising…” Dinampian niya ako ng mabilis na halik sa labi at saka umupo sa gilid ng kama, hinaplos ang tiyan ko. “Go back to sleep. Alam kong pagod ka… kasi ikaw ang nagmaneho kagabi…”“Bart!” Hinampas ko siya. Pero pilyong ngiti lang ang sagot niyang humihimas na sa hita.“Ang galing mong magmaneho… alam mo ba ’yon?”“Tumigil k
ANESSAKita ko sa gilid ng mga mata ko na lumapit na rin ang ibang mga bisita. Sumasayaw na rin sila, pero kami ni Bart, parang nalulunod pa rin sa sarili naming mundo.Ni saglit, hindi maalis ang tingin namin sa isa’t isa. Hindi rin maalis ang mga ngiti. ‘Yong para bang hindi kayang sukatin ang saya na pareho naming nararamdaman.Maya maya ay inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko.“You look unreal tonight,” bulong niya, sakto sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa pisngi ko.“Are you saying I don’t look real on normal days?” pilya kong tanong.Tumawa siya. “I’m saying, you don’t look like you belong to this world.”“Gano’n? Eh, saan ako belong?”“With me… in my world… in my heart, my love…”Napaangat ako ng ulo. Pakilig ‘tong asawa ko… Nakagat ko tuloy ang labi ko. “Masyado ka nang cheesy… baka maihi ako…”“Ayos lang, maihi ka lang… kasi mamaya, sa honeymoon natin, hindi mo na magagawa ‘yan…”“Hoy, Bart!” gigil kong sita, sabay kurot ng palihim. “Wala nang ibang laman ‘yang utak
ANESSAHindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatitig sa salamin. Pinagmamasdan ang magandang repleksyon ko. Oo, ang ganda-ganda ko ngayon, hindi dahil sa makeup o ayos ng buhok ko, kundi dahil sa ngiti.Ito na kasi ‘yon… ang araw na magiging Mrs. Divinagracia na ulit ako. Kinapa ko ang dibdib kong kanina pa nagtambol.“Anessa…” mahinang tawag ni Mama Anelita sabay bukas ng pinto.“‘Ma…” Napangiti ako. Ang ganda rin kasi ni Mama. Minsan ko lang siyang makitang mag-ayos. Pero kahit simple lang ang suot niyang saya at baro, tumingkad pa rin ang ganda niya. Mana nga ako sa kanya.“Handa ka na ba, Anak?” mahinahon niyang tanong.Tumango ako, ngumiti. “Opo, Mama.”Lumapit siya, inayos ang isang hibla ng buhok sa may tainga ko. Napakahina ng kilos, para bang takot niyang mabura ang makeup ko.“Ang ganda mo, Anak...” Ngumiti siya, sabay pahid ng luha sa gilid ng mata niya.Hinawakan ko ang kamay niya. “‘Ma, walang iyakan… masisira makeup natin…”Ngumiti siya at tumango-tango. “Pipi
BARTNapangiti ako habang nakatingin sa lahat. Kanina lang ay nasa courtroom pa kami, kabado sa kung ano ang magiging hatol sa pamilya Hordan. Pero ngayon, kasama ko na lahat ng taong mahalaga at nagpapasaya sa akin. Sila ang mga taong parte ng buhay namin, mga taong mas nagbigay kulay sa mundo namin ni Anessa. Ang sarap pakinggan ng halakhakan nila, parang tuluyang nabura ang mantsa ng nakaraan.Napalingon ako kay Anessa. Na katulad ko, tahimik lang siya, pero may ngiti sa labi at nangingislap ang mga mata. Klarong-klaro sa mukha niya ang saya. Parang lalo siyang gumanda. Hindi ko nga maawat ang sariling titigan siya. Pinisil ko ang kamay niya at agad naman siyang lumingon sa akin.“What?” tanong niya, umangat ang mga kilay.Umiling ako. “I’m just happy… because the person I love the most is right here with me.”Ngumiti siya at dinampi ang pisngi sa balikat ko.Sabay kaming napapangiti sa kakulitan ng mga kaibigan niyang nakapalibot sa mesa kung saan nakalagay ang mga alak at cake n







