Share

Chapter 8.1 – Peanut Allergy

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2025-08-11 21:56:31
Paglabas ko ng conference room, agad akong nagkubli sa palikong bahagi ng hallway. Bumuga ng hangin—mahaba, malalim. Lahat ng emosyon na kinimkim ko kanina, inilabas ko. Ang hirap na kasing huminga. Parang may humahawak sa leeg ko.

Ipinikit ko sandali ang mata ko, kagat ang ibabang labi. Kung hindi lang dahil kay Mama Bettina, hindi yata ako magtatagal sa trabaho.

Mahigpit kong niyakap ang laptop at mga folder—doon ko ibinubuhos lahat ng galit na hindi ko puwedeng ilabas kay Bart.

Muli akong bumuga ng hangin, kinalma ang sarili. Pinilit kong itinuwid ang likod kong medyo masakit na. Basa nga ako ng pawis kanina, at ang lamig sa loob ng conference room.

Isang buga pa ng hangin ang ginawa ko, inayos ang pustura at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang minuto na ang lumipas matapos akong pagalitan ni Bart, pero parang naririnig ko pa rin ang boses niya.

Parang kaharap ko pa rin ang mga matang tumutok sa akin kanina—lalo na ang titig ni Kyline na layunin yata na ipahiya ako sa harap ng lahat. Ma
sweetjelly

Thank you sa mga komento at gem... sensya na, isang chapter pa lang ang kaya.

| 4
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
welcome (⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡
goodnovel comment avatar
Nan
Ayan kinarma kaagad sana matagal mawala para mag Tino sa kasungitan Iwan Muna Yan
goodnovel comment avatar
Aviana
Thankyou po sa Update Ms.A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 31 – The Contract and the Collision

    Tahimik akong nakatayo sa gitna ng restaurant. Ang daming tao, pero parang wala akong marinig kundi ang sariling tibok ng puso ko. Lahat sila, busy sa kanya-kanyang usapan, masayang kumakain kasabay ang malamlam na musika mula sa live pianist. Pero ako, parang napako ang mga paa sa kinatatayuan. Tingin ko, hindi maalis sa direksiyon nina Anessa at Jyrone.Magkaharap silang nakaupo sa pandalawahang mesa. Hindi na hawak ni Jyrone ang kamay ni Anessa—binawi kasi agad ng asawa ko. At sa ginawa niyang ‘yon, sa simpleng pagbitaw na iyon, may kaunting gaan akong naramdaman. Parang may bumulong sa tainga ko… Hindi pa sila. Hindi pa tuluyang nahulog si Anessa sa kanya. May pag-asa pa ako.Sa wakas, nagawa ko nang igalaw ang mga paa ko. Nagsimula na akong humakbang, layuning lapitan sila. Kausapin si Anessa, ilalayo kay Jyrone. Pero bago pa man ako makalapit, may sumulpot sa harap ko.“Sir Bart…” si Pilar, ang secretary ko. Nakangiti siya, pero halata ang kaba sa mata niya. Suminyas siya sa m

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 30 – Where Regret Begins

    Nakatitig lang ako sa loob ng condo unit namin. Ang tahimik. Wala ni isang galaw. Wala si Anessa. Wala ang presensya niya, wala ang magalang na boses niya sa tuwing tatawagin niya ako. Maging sa opisina, pareho ang pakiramdam ko. Buong araw akong matamlay. Ayaw ko man aminin, pero hinahanap ko siya. Napalingon ako sa dati niyang desk, at nang makita kong iba na ang nakaupo ro’n, napahawak ako sa noo. Hinagod ko ang buhok, saka madiing isinandal ang likod ko sa swivel chair.Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili… Kailan nawala ang pagmamahal niya? Kailan pa siya nagsimulang magdesisyon na hiwalayan ako?“Damn it,” napamura ako habang napahilamos sa mukha.Bumalik ang mga alaala—lahat ng pasakit na ibinigay ko sa kanya. Hindi ko naman talaga gustong gawin iyon… pero ginawa ko. Nagpakatarantado ako dahil kay Kyline. Dahil ayaw kong masaktan ang babaing akala ko’y nagligtas sa akin noon. Pero hindi pala siya.Si Anessa pala.Malakas kong nahampas ang mesa. Naalala ko ang sinabi ni Mama A

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 29 – Fractures at the Hacienda

    BART Para akong nahimasmasan nang maramdaman ang marahang haplos sa likod. Napasinghap ako. Sandaling natigilan, at sa isang iglap, sumilay ang ngiti sa labi ko. Naisip ko kasing si Anessa ang nasa likuran ko. Bumalik siya. Mahal nga niya ako, kahit ilang ulit ko siyang tinulak, kahit gaano kalamig pa ang pakikitungo ko at kahit itinuring ko lang siyang secretary, hindi niya ako kayang iwan. Hinanda ko ang ngiti ko. Lumingon, pero laking dismaya ko nang hindi siya ang nakita ko. Si Kyline. Para akong nanlata. Nanghina ang mga tuhod ko. Nawala rin ang matamis na ngiting hinanda ko. “Bart?” Bakas ang pagtataka sa mga mata ni Kyline. “What’s wrong? Who are you looking for?” Napalinga-linga siya. Umiling lang ako. Wala akong lakas sumagot. Lumakad ako palayo, mabagal. Wala akong panahon na sagutin ang tanong niya. Patakbo naman siyang sumunod. Humawak siya sa braso ko, diniin ang pisngi niya roon—isang gesture na pamilyar, matagal nang ginagawa niya. Na laging hinahayaan ko lang, ka

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 28– The Weight of Two Envelopes

    BART Mahigpit ang hawak ko sa dalawang sobre. Pero ang tingin ko ay nasa pinto kung saan lumabas si Anessa. Gusto ko siyang pigilan. Gusto ko siyang kausapin, pero wala akong lakas ng loob. Pakiramdam ko, wala akong karapatan. Napatingin ako sa dalawang sobreng hawak ko. Ang gaan lang nito, pero pakiramdam ko ang bigat. Parang sumikip ang dibdib ko sa bigat ng mga salitang nakasulat roon. Mas matagal akong napatitig sa puting sobre—’yong binuksan ko kanina, ’yong iniabot ng mailman sa condo. Hindi ko man lang binigyan ng pansin. Akala ko isa lang ’yon sa mga summon ng project na palpak na naman. Initsa ko lang sa corner table at agad umalis. Ngayon, halos makuyumos ko na ang sobre. Paulit-ulit kong nahagod ang buhok ko, parang gusto kong bunutin lahat para lang maibsan ang bigat na nararamdaman. Hindi ko alam kung anong mas mabigat—ang laman ng sobre o ang katotohanang iniwan na ako ni Anessa. Magtatapos na ang lahat sa amin. Napangiti ako nang mapait. Dapat masaya ako. Kasi tam

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 27 – Two Letters, One Freedom

    Palabas na sana ako ng kwarto nang may kumatok sa pinto. Pero napahinto na lang ako sa bungad nang makita ko si Bart na naglakad papunta roon. Bahagya pa siyang lumingon sa akin, mabilis lang, saka agad binuksan ang pinto.Kita ko na isang mailman ang nasa pinto, may iniabot na sobre. Natanaw ko pa sandali na may pinirmahan si Bart, pero bago pa matapos, bumalik na ako sa loob. Wala na akong balak makialam, o alamin kung ano ’yong sulat na natanggap niya.Nagbihis ako. Walang pagmamadali. Saglit akong humarap sa salamin at ngumiti. Buo na ang desisyon ko—ano mang mangyari, isusumite ko na ang resignation letter ko.Napalingon ako sa maliit na luggage sa gilid ng closet. Ang huling maleta ko na naglalaman ng natitira kong gamit.Paglabas ko ng kwarto, wala na si Bart. Gaya ng nakasanayan ko, katahimikan ang bumungad. Napangiti naman ako. Ito rin kasi ang gusto ko—ang umalis nang walang gulo, walang argumento, walang sagabal.Nilibot ko muna ang paningin sa buong silid na naging saksi s

  • She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...   Chapter 26 – I Waited Long Enough

    Sa lamesang ilang buwan ko ring kasama, nakapatong ang isang sulat na magbabago ng lahat. Nanginginig ang mga kamay ko habang dinadampot ang papel. Paulit-ulit kong binasa ang mga linyang isinulat ko.Sir,Please accept this letter as formal notice of my resignation, effective two days from the date of this letter.I have served this company with dedication and loyalty, just as I have served my position beside you.But I have waited long enough. Waited for acknowledgment. Waited for respect. Waited for love I thought would grow—if I just held on a little longer.I now understand that no title, no proximity, and no loyalty can ever earn something that was never freely given.Thank you for the opportunity to be part of Divenagracia Enterprises.Sincerely, Anessa LacosteBahagya akong natawa matapos basahin iyon. Hindi lang ito resignation letter para sa trabaho. Para na rin itong pagbibitiw ko bilang asawa ni Bart.Alam kong hindi tama na isama ang personal na isyu sa trabaho, pero b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status