Mag-log inNagmumula kay Arlene ang boses. Napabaling si Mauren sa pinanggalingan ng boses. Doon niya nakita sina Samuel at Arlene.Sandaling napahinto si Mauren.Nang mga sandaling iyon, si Samuel ay humihithit ng sigarilyo, ang usok ay sumasabay sa katahimikan, walang sagot na binitawan. Malayo ang distansya, at ang likod lamang ng lalaki ang nakikita ni Mauren, kaya naman hindi niya makita ang ekspresyon nito sa mukha. "Sa totoo lang, naiintindihan kita," wika ni Arlene. "Ilang beses ko nang nakasalamuha si Monica, bente-singko anyus pa lang siya, pero may dectorate na mula sa isang unibersidad na kinikilala sa buong mundo.""Mukhang kaya niyang panghawakan nang maayos ang negosyo ng pamilya. Maganda siya, at ang ugali ay ligaw at matapang. Ang galing at kinang niya, hindi taglay ng karamihan, at mayroon siyang karisma upang makuha ang atensyon mo. Pero ang pinagmulan niya ay hindi sapat na marangal. Samuel, pinag-isipan mo ba ito ng mabuti? Ikaw ba ay..." putol pa ni Arlene."Alam ko kung
Ngunit nang masaksihan ang walang kapantay na kaligayahan sa mga mata ng matanda, pinili nina Arlene at Linda na manahimik na lamang, at hindi na nila sinira ang kasiyahan ng ginang.Nang gabing iyon, sumunod sila sa kagustuhan ng matanda at nagpalipas ng gabi sa lumang bahay. Bandang alas-otso, nagtungo sina Samuel at ang ginang sa silid-aklatan upang pag-usapan ang tungkol sa negosyo.Maingat namang hinawakan ng batang babae si Mauren, ang mga mata ng bata'y nagsusumamo ng tulong. "Gusto ko na pong maligo at matulog." malumanay na wika nito. Walang pag-alinlangan, sinamahan ni Mauren ang kanyang anak sa pag-akyat, handang gampanan ang tungkuling inaasahan sa kanya.Habang nakahimlay sa maliit na batya, ang mga matang maliliit ni Aleya ay nag-angat, isang maingat na tanong ang kumawala sa kanyang mga labi, "Mom, mayroon po ba kayong gagawin bukas ng umaga?"Kahit kaya niyang magparaya at pumayag na ang kanyang ina ang sumama sa kanya sa paaralan kinabukasan, sa kanyang puso'y si Mon
Isang buntong-hininga ang kumawala sa labi ng matandang ginang, ang bigat sa kanyang damdamin ay tila isang mabigat na bato sa kanyang dibdib. Sa kanyang mga mata, nakikita niya ang kahinaan ni Mauren, ang pagiging sunod-sunuran at pagpapaubaya kay Samuel. Isang pagsuko na nagresulta sa kawalan ng pag-unlad sa kanilang relasyon sa loob ng mahabang panahon.Ngunit dahil iyon ang sinabi ni Mauren, hindi na lamang ito pinilit pa ng matandang ginang.Opisyal ng nagsimula ang hapunan, at habang kumakain ay nag-uusap silang lahat. Magandang ang naging takbo ng kanilang usapan.Bihira lamang magsalita si Mauren, tahimik lamang siyang nakayuko habang kumakain.Mula nang dumating si Samuel, mahigit sampung minuto na ang nakalilipas, ngunit ni isang salita man lang ay hindi pa nila nagagawa sa isat-isa.Ganoon na nga ang nakasanayan nilang katahimikan, isang katahimikan na mas malalim pa sa anumang salita. Parang normal nalang sa kanila ang lahat.Nasanay na rin ang lahat sa kanilang katahimika
Hindi na kinaya ng matandang ginang na marinig ang mga pang-iinsulto nila kay Mauren. Akmang magsasalita na siya nang maunahan siya ni Mauren. "Nakapag bigay na po ako ng liham na pagbibitaw sa trabaho. Kapag natapos ko na ang aking tungkulin, aalis na rin po ako sa kompanya." kalmadong wika niya.Nang masabi niya ang mga salitang iyon, parehong natigilan sina Linda at Arlene.Kumunot ang noo ng matandang ginang, "Mauren." Ngunit bago paman masundan ang sasabihin nito, isang bagong boses ang nagsalita. "Nandito ba ang mommy?" Si Aleya, na kararating lang sa ikalawang palapag gamit ang elevator, ay nagpakita na, ang kanyang pagdating ay nagdulot ng bagong tensyon sa tensyonadong sitwasyon.Isang pagkakataon. Pagbaba ng batang babae sa elevator, sinalubong siya ng pigura ng kanyang ina. Isang maliwanag na ngiti ang sumilay sa mga labi ng bata, isang ngiting puno ng kagalakan at pag-asa. Mahigit isang buwan na rin pala ang nakalipas simula nang huli nilang pag-uusap, at ang muling pagki
Napangiti si Mauren nang bahagya, halos mapatawa ng marinig niya ang sinabi.Hindi niya maiwasang isipin ang kakaibang pagkakataon kung paano sila nagkakilala ni Samuel. Sa katunayan, nagkakilala lamang sila matapos ang kasal nila ni Mauren.Alam ni Monica ang tungkol sa relasyon niya kay Samuel, ngunit hindi siya makapaniwala na hindi alam ng kanyang ama na si Samuel ang asawa ng isa pa niyang anak na babae! Napaka imposible, tiyak naman na alam niya.Ngunit walang hiya parin niyang ipinagkasundo si Monica kay Samuel. Mula rito'y maliwanag na lubos na napapabayaan ni Albert ang kanyang isa pang anak na babae, walang halaga sa kanya ang damdamin nito.Tumango si Samuel. Isang simpleng pagsang-ayon, ngunit naglalaman ng di-maipaliwanag na bigat.Matapos ang maiksing pag-uusap na puno ng maingat na mga salita, nanatili si Mauren sa kanyang kinatatayuan, pinagmamasdan si Samuel. Naghihintay ito hanggang sa tuluyang makasakay si Albert sa sasakyan, bago sumakay sa sarili nitong kotse at
Ngunit si Mauren ay mas gugustuhin niyang siya mismo ang gumagawa ng mga bagay para sa anak niyang babae. At nasisiyahan pa siya rito at hindi niya kailanman nararamdaman na nakakapagod o nakakaabala.Kaya naman medyo nagulat si Samuel nang marinig ang mga sinabi ni Mauren. Pero hindi na niya ito masyadong inisip, dahil para kanya maliit na bagay lang naman iyon, at walang dapat ikabahala."Sige." isang simpleng sagot ng lalaki, at pagkatapos ay agad ding ibinaba ang cellphone.Habang nakikinig, alam na alam na kaagad ng batang babae kung sino ang kausap ng kanyang ama, "Si mommy ba?" tanong niya.Maayos namang tumango si Samuel, at kalmadong sumagot, "Oo." "Kung ganon, uuwi si mommy mamaya at kasama natin siya papunta kina lola?" Sumunod na tanong ng batang babae, halata ang komplikadong saya sa mga mata nito."Oo, sasama ang iyong ina." ani Samuel.Pagkarinig niyon, napakunot agad ang noo ng batang babae bago paman ito makapagsalita. Hindi naman dahil sa ayaw niyang makita ang kan







