ANMELDENNapansin ni Jeriko na ayaw talagang makipag-ugnayan ni Mauren sa kanya, mula paman noon, ramdam na niya ang malinaw na hangganang inilalayo nito sa kanya.At alam niyang may dahilan.Kaya imbes na pilitin pa, pinili na lamang niyang manahimik.Sa pagbalik ni Jeriko, gabi na. Sa daan pa lang ay ilang tawag na ang natanggap niya.Samantala, si Mauren ay tahimik na naggugol ng oras sa paggawa ng mga paruparo gamit ang tuyong damo. Naka-ilan na siya at tuwang-tuwa si Althea sa mga ito. Isa-isa niyang inilagay sa kanyang bulsa, parang mga kayamanang ayaw niyang mawala.Habang pinagmamasdan ni Mauren ang inosenteng mukha ni Althea, unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang labi.Minsan na ring ganoon ang anak niyang si Aleya, masigla, masunurin, at palaging kumakampi sa kanya sa lahat ng bagay.Ngunit matagal na iyong bahagi ng nakaraan.Pagsapit ng gabi, nagpilit si Althea na matulog kasama si Mauren. Napatingin si Jeriko sa kanya wari'y humihingi ng pahintulot kung papayag siya.Tumango na
Abala ang mga tauhan ni Jeriko sa pagtatayo ng mga tent at paghahanda ng ihawan para sa barbecue.Kamakailan ay sunod-sunod ang pag-ulan ng niyebe, kaya’t binalot ng makapal at puting-puting yelo ang kabundukan.Pagdating ni Mauren, agad siyang sinalubong ni Althea. Masigla nitong hinila ang kanyang kamay at sabik na nagsabing gusto nitong gumawa sila ng snowman nang magkasama.Noon paman, ay sanay nang gumawa ng snowman si Mauren kasama si Aleya.Hindi mahirap para sa kanya ang paggawa nito, kaya’t makalipas lamang ang kaunting sandali, nakabuo na sila ni. Althea ng isang maliit na snowman.Dinalhan pa ng batang babae ng espesyal na iskarf ang snowman. Matapos itong mabuo, agad siyang tumakbo para utusan ang mga kasambahay na hanapan siya ng carrots.Lumapit naman si Jeriko kay Mauren.Tahimik lamang si Mauren nang makita niya ito. Wala siyang sinabi.Marahang lumuhod si Jeriko sa tabi niya at nagsabing, "Nagtrabaho ka na pala INTELIX?" aniya.Patuloy pa rin si Mauren sa paggawa ng s
Pagkaalis nila sa Nueva at pagpasok palang sa sasakyan, halatang galit pa rin si Diego.Naalala niya ang isang bagay kaya agad niyang tinanong si Mauren, "Uy, sino nga pala yung babaeng nakasuot ng business suit na nasa likod ni Monica kanina? Parang ang sama ng tingin niya sa’yo. Kilala mo ba siya?" anito."Ah, siya ba? Pinsan iyon ni Monica." malamig na sagot ni Mauren.Si Diego ay napailing na may halong inis: "Si Samuel, hindi lang si Monica ang pinapasok sa Nueva, pati pamilya nito kinukupkop pa? Sa ganyang asal niya, hindi na ako magugulat kung balang araw Nueva na mismo ang magpalit ng apelyido, maging Santiago." matigas niyang usal.Tahimik lang na nakinig si Mauren, pero sa isip niya, pareho lamang sila ng iniisip.Sumagot si Mauren, "Oo, mukhang ganon na nga." Sa tindi ba naman ng pagmamahal ni Samuel kay Monica, hindi na siya magugulat kahit ibigay pa nito ang buong Nueva sa babae.Ano pa nga ba ang malaking bagay kung pinapasok rin niya ang pamilya Flores sa Nueva? Ramdam
Hindi lamang si Samuel ang mag-isang pumunta, kundi kasama niya sina Jeriko at Ralp.Nang makarating sila doon, kapwa nagulat ang dalawa nang makita nila si Mauren,, hindi nila inakalang naroon rin siya.Napatingin sila sa kanya nang may pagtataka.Si Mauren naman, walang gaanong ipinakitang emosyon. Sandali lang siyang tumingin sa kanila, pagkatapos ay inilingon na ang paningin.Lumapit si Samuel sa kanila at magalang na bumati, "Salamat sa inyong pagsisikap." aniya.Sabi naman ni Frank,, "Heneral Samuel, maaari na po ba tayong magsimula…" “Sandali lang,” sagot ni Samuel habang inaangat ang kamay upang tingnan ang relo. "May hinihintay pa tayong isa. Aakyat muna ako para silipin. Pakiusap, maghintay muna kayo sandali."Pagkakatapos niyang magsalita, agad din siyang umalis.Wala namang balak si Mauren na mag-isip pa tungkol dito.Pero alam niyang ang sinabing hinihintay nang lalaki ay walang iba kundi ang pinakamamahal niyang si Monica.Ibig sabihin, hindi pa sila puwedeng magsimula
Kinabukasan, pagsapit ng tanghali.Agad na nagmaneho si Mauren para puntahan ang villa ni Ismael upang sunduin ito.Pagkasakay ni Ismael sa sasakyan, maayos na nagtanong si Mauren, "Guro, saan po tayo pupunta?"Ibinigay lamang ni Ismael. ang isang address bilang sagot.Makalipas ang kalahating oras, nang makarating sila sa isang restawran ay agad silang inihatid ni Ismael sa isang pribadong silid-kainan.Pagbukas nila ng pinto, dalawang lalaki na nasa gitnang edad na ang naroon na, kapwa may matitinding presensya at karismang kapansin-pansin.Pagkakita palang sa kanilang pagpasok, agad tumayo ang dalawang lalaki. "Andito na sila." bulalas nito.Ipinakilala sila ni Ismael nang may malamig na tono, "Mr. Fredo Agudo, Mr. Richard Gamez Ang estudyante ko si Mauren Piñeda.." Ngunit kahit batid ni Mauren na ang isa ay may mataas na posisyon sa militar at ang isa naman ay kilalang personalidad sa mundo ng pulitika, nanatili pa rin ang magaan nilang pakikitungo sa kanya.Ngunit nang makita ni
Pagkababa ng telepono, bumalik si Mauren sa trabaho.Bandang alas-nwebe ng gabi, matapos mapuno ng kaalaman ang kanyang isipan, ay mas gumaan na rin ang kanyang pakiramdam.Sa mga oras na iyon, si Diego naman ang tumawag sa kanya."Nais mo bang lumabas at maglibang?" anyaya nito.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Mauren sa isang bar.Sinalubong siya ni Diego sa pintuan at magiliw na nagtanong, "Iinom ka ba?"Saglit pang tumigil si Mauren, saka mahinahong tumugon, "Sige, inom tayo, pero kaunti lang." aniya.Yumuko nang bahagya si Diego at tiningnan siya: "Mukhang masama ang loob mo?""Mas maayos na ngayon," sagot ni Mauren.Hindi na siya tinanong pa ni Diego. Sa halip, nag-order ito para sa kanya ng isang asul na cocktail na may katamtaman at di-kalakasang alcohol content.Tahimik na nakaupo si Mauren, hawak ang kanyang baso habang marahang humihigop ng alak. Sa paligid niya, masaya ang kuwentuhan nina Diego at ng mga kaibigan nito, ngunit nanatili siyang tahimik, nakikinig la
Dahil sa anggulo at taas ng kamera, ang mga kasama ni Mauren sa video conference ay nakita lamang na ang taong pumasok sa pinto ay may magandang pangangatawan at elegante, kalmado ang kilos.Sa tindig pa lang nito, agad nilang nalamang hindi ordinaryong tao ang dumating.Ngunit hindi nila nakita an
Pagkababa ni Samuel, abala na sina Ralp at ang iba pa sa pagkain.Nagulat sila nang makita na si Samuel lamang ang mag-isang bumalik.Katulad ni Aleya, inakala rin nila na kung si Samuel mismo ang tatawag kay Mauren, ay hindi ito tatanggi. Kaya’t ang pagbabalik niya mag-isa ay medyo nakakabigla par
Ngayong gabi, isang masaganang salu-salo sa tabi ng siga ang inihanda, may hotpot, Bobo chicken, at barbecue.Luto na ang sabaw na base na gawa sa crab roe at fish maw para sa hotpot, habang ang Bobo chicken ay handa na ring ihain. Sa mahabang mesang katabi ng bonfire, nakaayos nang maayos ang iba’
Hindi pa tuluyang dumidilim noon nang tumawag si Mauren ng dalawang staff para samahan siya paakyat ng bundok.Medyo malamig ang simoy ng hangin sa oras na iyon, pero dahil nakabihis siya nang maayos at mainit ang tela, hindi niya ito gaanong naramdaman.Umakyat siya sa bundok upang namnamin ang si







