Share

Chapter 3 - First Day Class

Shitarika's POV

Excited na excited ako sa araw na 'to dahil ito ang unang araw ko sa pagpasok ko sa University na 'to na walang specific name. Kasalukuyan akong naliligo sa may girls' shower room sa may dulo mismo nitong floor namin. Bawat floor kasi ay may shower at fitting room. Para kapag natapos maligo, diretso bihis kaagad. Mag-aayos na lang ako sa room.

After kong maligo, kaagad ko nang sinuot ang uniform na ibinigay sa 'kin ni sir. Martin kahapon. Namangha na lang ako sa sarili ko nang makita ko ang reflection ko sa salamin. Naka-black mini-skirt, white long-sleeves at may black coat kami. Bagay na bagay ito sa mahabang black na medyas at shoes ko. Parang mga Sailor Moon kami in black version.

Matapos kong gawin ang natitirang pag-aayos ko sa sarili ko, kumain kami nina Mendel, Souzi at Cali sa cafeteria ng breakfast bago kami maghiwa-hiwalay. Papasok na kami sa mga first subject class namin.

Hindi mawala ang ngiti sa labi ko hanggang sa matuntong ko ang fourth floor para sa first subject class ko. Ang Arts. Ang saya dahil ang pinakapaborito ko pang subject ang mauuna. Hay! Ano kayang pag-aaralan namin ngayon?

Maya-maya pa nang makarating na ako sa pintuan ng room. Medyo nawala pa ang mga ngiti ko sa labi ko dahil sa gulo at ingay ng mga makakasama ko. May mga nagbabatuhan ng papel, naglalandian, may mga grupo-grupong kwentuhan at kung ano-ano pa. Mga lagi namang gawain ng estudyante.

Huminga na lang ako nang malalim saka pumasok. Naghanap din ako ng pwede kong mauupuan at buti, may vacant doon sa dulo. Kaagad ko 'yong tinahak at naupo ro'n pagtapos. Habang naghihintay ng oras, pinagmamasdan ko na lang ang mga kaklase ko. Mas lalo silang umiingay dahil sa mga pinaggagawa nila. Hindi naman bago sa 'kin 'to e. Pero nakakainis lang kasi nga, maingay.

Bigla na lang napukaw sa pansin ko ang isang nerd na lalaki na nasa pintuan. Mukhang mas inosente pa sa 'kin. Makapal ang frame ng salamin niya pero alam kong may hitsura siya. Kulay brown ang buhok niyang medyo magulo pa at mukhang hindi siya marunong mag-ayos. May hindi pa pantay na butones e.

Pumasok siya sa room habang marahang sinusulyap-sulyapan ang mga kaklase namin. Nang magtama ang paningin namin, ngumiti siya sa 'kin kaya't ngumiti rin ako sa kaniya pabalik. Naupo siya sa seat na nasa harapan ko. Medyo mabagal siyang kumilos dahil siguro, nahihiya siya.

Naghintay ako nang naghintay ng oras hanggang sa matapos na ang unang subject. "Tss!" sambit ko na lang sa sarili ko at hinilamos ang mukha ko dahil sa inip sa kakahintay. Kung kailan ready na ako para sa favorite subject ko, walang professor na dumating.

Bakit walang professor? Sayang naman ang oras.

Nagsipagtayo na ang mga estudyante kaya't tumayo na rin ako. Balak ko pa lang sanang maglakad paalis nang malaglag naman ang mga dala ng nerd na lalaki. Kaagad niya 'yong pinulot kaya't tinulungan ko na rin siya. Ang bigat-bigat naman ng mga dala niyang aklat. Hindi na yata kasya sa bag niyang maliit.

Matapos nito ay saka na ako umayos ng tayo. Gayundin naman siya. "S-Salamat sa tulong. A-Ako pala si Loaf Saldimonde," pagpapakilala niya matapos magpasalamat. Halatang nahihiya siya sa 'kin.

"Shitarika Morven. Ahmm... Wala 'yon. Sige, mauuna na ako," paalam ko sa kaniya at saka naglakad. Pero nasa pintuan pa lang ako nang habulin niya ako at sabayan.

"Ahh! So ikaw pala yung transferee," sabi ni Loaf sa 'kin na tila may iniisip pa. Nakaturo pa ang index finger niya sa taas na akala mo, may bright idea.

"Paano mo naman nalaman?" takhang tanong ko sa kaniya.

"E kalat na kalat sa buong University e," tugon niya sa 'kin. 'Di ko alam na famous pala ako?

Tuloy pa rin ang sabay naming paglalakad pero hindi ko na siya inimikan. Hindi ko alan kung anong sasabihin ko. Pero sa ilang sandali lang ng itinagal, muli na naman siyang nagsalita.

"Ano pa lang nagawa mo?" tanong niya sa 'kin. Same question as Cali yesterday. Hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba ito. Pero... Sige na nga.

"Hindi ko alam. Pinalipat lang ako ni tita ko rito. Sabi niya sa 'kin, ni-recommend niya ako sa Headmistress para mag-aral dito," paliwanag ko sa kaniya. Tumango-tango na lang siya sa 'kin. Mukhang wala na siyang balak na sabihin pa.

"Ahmm... Sige, mauuna na ako. Sabay tayong mag-lunch, ah? Hehe. Babye!" paalam pa niya sa 'kin habang tumatakbo palayo. Hindi ko na siya nagawan pang tanggihan dahil sina Souzi, Cali at Mendel ang kasama ko sa lunch e.

Pero sige, ngayon lang naman 'to. At tsaka isa pa, mukhang wala siyang kasama. Nakakaawa naman.

Itinuloy ko na lang ang paglalakad ko para makapunta na sa next room para sa next subject. English time na.

Sa pagbungad ko pa lang sa pintuan, same pa rin ang nakikita kong gawain ng mga estudyante. Parang kanina lang sa Arts, puro daldalan, landian at kwentuhan. Pero sa mga ginagawa nilang 'yon, hindi ko feel na ordinary lang ang pinagkukwentuhan nila. Hindi ko alam. Weird ang mga estudyante rito.

Parang si Mendel kagabi. Siguro, ito yung pinupunto ni Souzi na weird kaya natapon lahat dito? Pero bakit ako? Ibig sabihin ba, weird ako kay tita Judie?

Ano na naman 'tong mga pinag-iisip ko?

Nagsimula akong maglakad papasok at naghanap ng pwedeng mauupuan. Pero habang ginagawa 'yon, pansin ko ang mga tinginan at bulungan ng mga ibang estudyanteng naririto. Ang iba naman, mga walang pakialam. Hanggang ngayon pa ba, hindi pa rin sila maka-move on sa paglipat ko rito?

May nahanap na naman akong pwesto sa may dulo sa may tabi ng bintana. Sakto't walang tao roon.

Kaagad kong tinahak ang pwestong 'yon at naupo. Hay! Gusto ko makalanghap ng hangin. Mahangin sa area na 'to at saktong-sakto para sa 'kin.

Habang naghihintay, nilinga-linga ko ang paningin ko hanggang sa halos masementuhan ang buong katawan ko dahil sa nakikita ko ngayon. Pamilyar na pamilyar siya sa 'kin. Teka? Oo nga pala! Kasama ko rito ang top one Octapetala na si Ligen Huber!

Kaagad kong iniwas ang tingin ko at itinuon 'yon sa mga kamay ko na nasa ibabaw ng desk. Panay ang himas ko sa magkabilang kamay ko dahil ramdam ko rin ang pamamawis nito. Nagsunod-sunod din ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba dahil hindi ko makalimutan na naka-eye to eye ko siya.

Pero imposible nga kasing ako 'yon. Maraming estudyanteng--

Hininto ko ang pag-iisip ko dahil halos bawian na ako ng hininga dahil sa paglakas ng kabog ng dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang lakas at kakaibang presensya na nasa gilid ko. Dahan-dahan ko pa 'yong sinulyap at nakita ang ma-pormang damit na pamilyar na pamilyar sa 'kin. Walang ibang magsusuot nito kundi si Ligen lang.

"What are you doing here in my seat?"

Nagsunod-sunod na rin pati paglunok ko ng laway dahil sa nakakatakot niyang boses. Dahil sa takot, kaagad na lang akong tumayo at nag-bow sa kaniya. "P-Pasensya na. A-Aalis na po ako," sabi ko at akmang aalis nang makaramdam ako ng isang mahigpit na pagkakahawak sa braso ko. Dahil dito kaya nanginginig ang buong katawan ko sa kaba sa kaniya.

"Who the hell are you?" tanong na naman niya sa 'kin. Ngunit sa pagkakataong 'to, mas malalim ang tono ng pananalita niya.

"S-Shitarika Morven p-po," magalang kong tugon kahit nauutal na ako sa sobrang takot sa kaniya. Narinig ko na lang ang pag-ngisi niya at bimitiw na rin siya sa pagkakahawak sa braso ko.

Kaagad akong umalis papalayo sa kaniya para lumipat sa iba pang bakanteng upuan. Pero bago pa man ako makaalis papalayo sa kaniya, narinig ko ang bulong niya.

"Nice try."

Hindi ko alam kung anong pinagsasasabi niya. Pero ang tangi kong alam sa sarili ko, natatakot ako sa presensya niya.

LUNCH BREAK na, pero hindi ko lang makalimutan ang nangyari kanina sa English class. Nakakatakot talaga ang mga presensya ng top one Octapetala. Kahit dalawang Octapetala pa lang ang nakakaharap ko, pakiramdam ko, palagi ko nang kasama ang takot. Paano pa kaya kung silang walo na?

Hayst!

Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway habang nakahawak sa strings ng bag ko. Para akong tulala pero pansin ko pa naman ang buong paligid.

"Hello," bigla ko na lang tinignan ang taong bumati na nasa gilid ko. Nakita ko si Loaf Saldimonde na nakatingin at nakangiti sa 'kin. "Ano? Tara na mag-lunch?" tanong niya. Hindi ko magawang tanggihan siya dahil sa hitsura niya. 'Di bale, ngayon lang naman.

Sabay kaming pumunta hanggang sa may cafeteria sa first floor. Pagkapasok na pagkapasok ko, kaagad kong nakita sina Souzi, Cali at Mendel na nakaupo na at kumaway pa nang bahagya sa 'kin. Imbis na puntahan ko sila, sumenyas ako na may kasama ako at tinuro si Loaf.

Kaagad naman kaming nakahanap ni Loaf ng vacant place at doon kami pumwesto. "Anong gusto mong kainin? Treat ko," tanong nito sa 'kin.

"Kahit ano. Ikaw na ang bahala," tipid kong tugon sa kaniya at binigyan din siya ng tipid na pagkakangiti.

"Ahh sige. O-order na muna ako, ha?" pagpapaalam ni Loaf at saka ako iniwan dito sa pwesto.

Tinignan ko sina Souzi, Cali at Mendel. Sumenyas ako ng reaction sa kanila ng "Sorry" dahil hindi kami magkakasabay sa lunch sa unang araw ko. Nag-thumbs up si Souzi sa 'kin habang si Cali ay ngumiti at kumindat. Nang tignan ko si Mendel, wala siyang react kundi ang seryoso niyang mukha. Pero kalaunan, nakita ko ang marahan niyang pagtango at pag-ngiti sa 'kin bago tumuon sa pagkain niya.

Ngumiti rin ako kahit hindi nila kita 'yon. Akala ko, nagtatampo na siya sa 'kin.

Habang patuloy ako sa paghihintay kay Loaf, bigla na lang bumungad sa gilid ko ang alam ko kung kaninong presensya 'yon. Tinignan ko siya ngunit kaagad ko ring iniwas dahil totoo nga ang nasa isip ko, nandito si Margarret Mallari. Nasa gilid ko kasama ang apat pa niyang kaibigang babae.

"Hey, miss transferee," bati niya sa 'kin pero alam kong nakakaloko lang 'yon. Ramdam ko na inilapit niua ang mukha niya sa may gilid ko. Kinabahan na ako dahil baka anuhin ako nito sa kung ano raw ang narinig ko sa kanila kahapon. Wala naman akong idinaldal kahit kanino, ah? Bakit? Anong sadya nila sa 'kin?

"How are you?" tanong na naman niya sa pabulong na paraan. Hindi ako sumagot, bagkus, hindi ko siya tinignan o ni magawang sagutin. Baka kung ano pa ang magawa sa 'kin nito.

"Mukhang weak naman this girl? Paano siya nakapasok dito?" dinig kong tanong ng isang babaeng kasamahan niya.

"Tsk! We can make fun naman with her mamaya, right? Wala naman tayong other job e."

Nagsimula nang magsunod-sunod ang pagtibok ng puso ko. Anong pinagsasasabi nila? May balak ba silang gawing masama sa 'kin? Never ko pang na-experience sa buong buhay ko ang mabugbog ng estudyante o kaklase. At ayokong maranasan 'yon.

Hindi ko pa rin sila iniimikan o tinitignan. Nagulat pa akong bigla nang may humawak sa kamay ko at iniharap sa kanila ang palad ko.

"A-Aray," d***g ko dahil parang hindi ang palad ko ang puntirya nila, kundi ang sa may pulsuhan ko.

Halos manlaki ang mga mata ko dahil naglabas si Margarret ng cutter. Kitang-kita ko ang talim nito. Nagsimula na ring magbulung-bulungan ang mga ibang estudyante rito sa cafeteria habang ang iba ay tila mga walang pakialam. Parang sanay na sanay na sila. Lalo na yung mga ibang crew na nasa counter.

"Tigilan mo siya, Margarret."

Kaagad akong tumingin sa direksyon kung saan, narinig ko naman ang isa pang boses ng babae. Hindi ako makapaniwala nang makita ko si Mendel. Seryoso ang mukha niya habang hawak-hawak ang kamay ni Margarret kung nasa saan ang may hawak na cutter.

At ang ipinagtatakha ko ay ang pagtitig niya nang seryoso mismo sa mga mata ng isang Octapetala. Hindi ba't bawal silang titigan ng diretso sa mga mata nila? Bakit si Mendel?

Oh no! Ano ang mangyayari sa kaniya ngayo't nakatitig siya nang diretso sa mga mata ni Margarret?

Ngumisi si Margarret dahil sa pagdating ni Mendel. "Bakit? Anong gagawin mo?" sarkastikong tanong nito kay Mendel. Hindi na siya nakaimik pa pero bakas pa rin ang pagiging seryoso nito.

"Shitarika," dinig kong tawag sa 'kin ni Loaf kaya't tinignan ko siya. Lumapit siya rito sa pwesto namin at inilapag sa mesa ang hawak niyang isang tray ng pagkain. Hindi rin ako makapaniwala sa sunod niyang ginawa, hinarap niya si Margarret at tinignan din ito mismo sa mga mata niya. "Don't you dare to hurt her," seryoso pa nitong sambit sa isa mismong Octapetala. Para siyang walang takot kay Margarret.

"L-Loaf, h-h'wag na," pagpipigil ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag. Hindi tumigil si Loaf.

"Hindi mo siya laruan gaya ng mga kaibigan mo. H'wag niyo siyang mamarkahan o paglalaruan. Kung hindi, ako ang makakalaban ninyo," sabi pa nito sa kanila.

A-Anong pinaggagawa niya?

Hindi ko alam kung ano ang balak gawin ni Loaf pero patuloy ako sa pagpigil sa kaniya. Halos hilahin ko na ang laylayan ng uniform niya para ilayo siya kay Margarret.

Narinig ko na lang ang nakakalokong pagtawa ni Margarret at ng mga kaibigan niya. "At ano naman kaya ang kayang gawin ng isang nerd na Saldimonde unlike his kuya?" sarkastikong tanong nito.

"Oh no! Nothing! Harhar!"

"Tss! Wala namang binatbat 'yan."

"Duh! What a nerd's courage?"

"What if we make fun na lang din with him, 'no? Together with this transferee?"

"One wrong move and all students here in cafe will be vanished like a bubble."

Halos sabay-sabay ang lahat sa paglingon kung saan nanggaling ang talim at seryosong boses ng pagbabantang 'yon.

Kaagad nagsipaglabasan mula sa cafeteria ang karamihan sa mga estudyante, habang ang iba ay nagsipagtago na lang sa mga ilalim ng mesa nang makita si Ligen Huber na may kasama pang lima na kasing-astig din niyang pomorma. Apat na lalaki at isang babae.

Nakita ko ang mga mukha nila. May nakangiti na parang ewan, may seryoso, may ngumunguya ng bubble gum, at may naiinip. Pansin ko ang pag-ibang direksyon ng tingin ni Mendel pero hindi pa rin maaalis ang pagiging seryoso ng mukha niya. Wala akong nakikitang bakas ng takot sa kaniya kahit nakatitigan niya ng mata sa mata ang Octapetala.

Nang muli kong balingan ng tingin si Ligen, kaagad na rin akong nag-iba ng direksyon dahil nakita kong nakatitig siya sa 'kin nang seryoso.

M-Mananagot ba ako? Si Mendel? O si Loaf?

"Ligen, this transferee should be--"

"Haven't you heard what I just said?"

Kaagad natahimik si Margarret dahil sa mala-awtoridad na boses ni Ligen. "You're an Octapetala, right? So you should know how to follow the rules intimately."

Narinig ko na lang ang isang nakakalokong pag-ngisi mula kay Margarret. Pansin ko na seryoso pa rin sina Mendel at Loaf habang nakatingin kay Margarret. Mga wala ba silang takot?

"Well, I'm a b-tch and I admit it. And the b-tch doesn't listen to anyone. I'm also an Octapetala kaya alam ko ang ginagawa ko," sabi niya habang nakatingin sa direksyon ni Ligen pati kina Mendel at Loaf. Kaagad na lang akong nayuko nang bigla niyang ipinunto ang hintuturo niya sa direksyon ko. "And you! Tignan na lang natin kung makakapasa ka pa mamaya. Prepare yourself for the night class, miss transferee," sabi niya sa 'kin at narinig ko na lang ang pag-alis niya maging ng mga kasamahan niya.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko at tinignan ang papalayo nilang direksyon. Hindi ko alam pero bigla na lang kusang tumulo ang mga luha ko. Sobra-sobra ang pagkatakot ko sa nangyari kanina. Lalong-lalo na sa balak gawin ni Margarret sa may pulsuhan ko.

"Shitarika, ayos ka lang ba?"

"Does anything hurt? Hey, Shitarika."

Tanong nina Loaf at Mendel sa 'kin pero hindi ko sila nagawang tugunan. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko dahil sa nangyari.

Bakit ganito sila sa 'kin?

Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanila?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status