Share

Chapter 8 - Normal Day

Shitarika's POV

Third day ko na sa university na 'to pero ngayon ko lang naramdaman ang gana sa buong pakiramdam ko 'di tulad no'ng mga nakaraang araw. Stress na stress sa kakaisip at kung ano-anong bagay na pumapasok sa isipan ko. Pinapakalma ko nga muna 'tong utak ko at baka kung mag-isip na naman ako nang kung ano-ano.

Sabi ni Cali kaninang umaga, a-absent muna siya for the whole day dahil ipaghahanda niya kaming tatlo ng masusuot namin this coming Saturday. Sinukatan niya pa kaming tatlo. Hindi ko alam kung gagawa siya o bibili. Ewan ko sa kaniya. Mukha ngang balak pa niyang mag-perform.

Kasalukuyan akong nasa first class which is art pero nagdo-drawing lang ako sa sketch pad ko. Wala naman ang professor kaya nililibang ko na lang ang sarili ko.

"Ano 'yang dino-drawing mo?" tanong ni Loaf na nanonood pala sa ginagawa ko.

"Nagdo-drawing, syempre. Puro action poses lang lahat 'to," sagot ko habang siya ay tumatango-tango lang.

"Hindi na ba masakit 'yang sugat mo?" tanong ulit niya sa 'kin. Ngumiti ako sa kaniya at umiling bilang tugon.

Patuloy pa rin ako sa pagdo-drawing nang maalala ko kagabi. Ikalawang gabi ng night class ko. At ikalawang beses ko ring nakita ang taong naka-red hoodie jacket.

Naalala ko tuloy ang sinabi niya sa 'kin.

"Umarte ka bilang ikaw. Be normal. Be friend to anyone. Lalo na sa mga Octapetala," sabi niya habang naglalakad kami sa hallway na parang namamasyal lang. Dahil sa sinabi niya kaya't tumango na lang ako nang marahan.

"Excited na ako sa acquaintance party this coming Saturday night," biglang sabi ni Loaf kaya't ngumiti ako sa kaniya.

"Oo nga. Meet tayo, ah? Para magkakasama tayo nina Mendel, Souzi at Cali. Join ka sa 'min," pag-aaya ko sa kaniya. Ngumiti siya sa 'kin. "H'wag kang mawawala," habol ko pa kaya't tumango naman siya.

Ipinagpatuloy ko ang pagdo-drawing ko. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko, naisipan kong imbitahan si Loaf. "Mamaya, sabay ka na sa 'ming mag-lunch. Tutal, kahit papano e close na tayo."

"T-Talaga? Sige," bakas ang tuwa sa mukha ni Loaf.

"Okay, sige. Sabay na rin tayong pumunta roon mamaya kapag lunch break na."

Nakita ko ang tuwang-tuwa na reaksyon ni Loaf sa sinabi ko. Ganito siguro siya dahil noon, baka wala siyang nakakasamang ganito. Parang lonely-boy 'to noon? Siguro, ah?

Pero hindi ito ang dahilan kaya ko siya inimbitahan.

"I-entertain mo si Loaf Saldimonde. Tutal, magkakilala na rin naman na kayong dalawa. Mukha siyang ewan. But despite being a nerd, marami siyang nalalaman. Pwede natin siyang gamitin. Malaki ang maitutulong niya sa 'tin."

"Pero bakit? Anong dahilan? Bakit kailangan natin siyang idamay rito?" tanong ko pero isang ngiti lang ang ibinato niya sa 'kin.

NANG matapos ang klase, sabay kaming papalabas ni Loaf nang bumungad naman sa 'min si Jimerson. Kumaway pa ako nang marahan sa kaniya kaya't ngumiti siya. Pero pansin ko kay Loaf na seryoso ang tingin niya rito.

"Shitarika, baka pwede kang maimbitahan sa--"

"She has her English class, Mr. Vinda," singit naman ng isa pang boses ng lalaki ngunit may pagka-seryoso. Marahan na lang akong nagulat nang makita ko na lang si Ligen kasama si Dather na nakangiti kay Jimerson.

"Hey, kuya," sabi ni Loaf kay Dather pero tinanguan lang siya nito. Kuya?

Ay oo nga, 'no? Parehas pala silang Saldimonde.

Nang ilipat-lipat ko ang tingin ko kina Ligen at Jimerson, nakaramdam ako ng tensyon. Siguro ay dahil may mga estudyanteng nakatutok sa kanila at inaabangan ang susunod na mangyayari.

"Alam mo, Jimerson, tama si Ligen e," singit ko kaagad kaya't sabay nila akong tinignan. "May english class pa ako. After na lang no'n, sasamahan kita," sabi ko sa kaniya.

"Tss. Bakit pa? Kasa-kasama mo naman sina Deverlene, Kaire at Barkari, ah? Bakit hindi ka sa kanila magpasama?" sarkastikong tanong naman ni Dather sabay ngisi.

"It's none of your business, Dather," dinig kong seryosong sagot ni Jimerson. At muli, nakaramdam na naman ako ng tensyon.

Pakunot noo ko silang tinignan na dalawa at nagtanong. "Nag-aaway ba kayo? Mga Octapetala kayo, hindi ba? At tsaka isa pa, maayos na ang usapan. After class, okay?" sabi ko sa kanila at hinarap si Loaf. "Mauuna na ako, Loaf. Sige. Mr. Huber, tara na, may klase pa tayo," pag-aaya ko pa kay Ligen. Alam kong nagulat ang mga nakakakita sa 'kin ngayon. Kahit maski-ako. Pero ewan ko sa sarili ko, nakahithit yata ng happy pill.

Nauna na akong naglakad at iniwan sila. Alam ko na umalis na rin sina Ligen at Huber habang si Jimerson ang naiwan.

ABALA ako sa pakikinig sa english professor nang bigla, naramdaman ko ang dumikit sa katawan ko. Kaagad napukaw sa 'kin ang lukot-lukot na papel na nasa sahig. Kinuha ko 'yon at tinignan. Nilingon ko pa kung sino ang nambato pero lahat sila, nakatuon sa professor. Si Ligen, abala lang sa paninigarilyo.

Sino ang nambato sa 'kin ne 'to?

Binuksan ko ang lukot-lukot na papel pero isang petal ng rose lang ang nando'n. Teka? Hindi ba ito yung evidence ko for night class? Kanino naman nanggaling 'to?

Hindi kaya... Sa naka-red hoodie jacket?

"Miss Morven, what's wrong? Anong iniisip mo?"

Nabigla na lang ako sa pagtawag sa 'kin ng professor. At nang magising ang diwa ko, nakita ko na lahat pala ng estudyante, nakatingin sa direksyon ko.

"S-Sorry, sir. Ahmm... Medyo---"

"Nahihilo siya."

Kaagad akong napalingon kay Ligen nang sabihin niya 'yon sa professor.

"Excuse her. And besides, you don't have to stop lecturing just because of her. Nakakagambala ka ng klase. Sinasayang mo lang ang oras mo."

Matapos niyang sabihin 'yon, parang may dumaang anghel sa buong room dahil wala ni isa ang nagsalita. Ni pahinga, hindi ko naririnig.

"I-I'm sorry. Let's continue," tanging sabi ng professor bago niya ituloy ang pagtuturo. Hindi ko pa rin ibinabalik ang tingin ko at nakatutok pa rin ako kay Ligen. Nang sulyapan niya ako ng tingin, nakita ko na lang ang pag-iling niya sabay ngisi. Dahil dito, umayos na lang ako ng pagkakaupo.

Ano bang ginagawa o iniisip niya? Hindi ko siya maintindihan.

Tahimik ako hanggang sa matapos ang English class. Nakayuko ako nang bahagya habang naglalakad nang marahan palabas ng room.

"How's your wound?"

"A-Ahh.... Ayos lang naman. Ginagamot ko siya tuwing after whole class," tugon ko habang nakayuko pa rin.

"Bakit hindi mo ipatingin sa clinic?" tanong ulit niya pero hindi ko na siya sinagot. Bakit ba panay ang tanong niya?

"Mauuna na 'ko," tanging sabi ko saka ko siya inunahan sa paglalakad. Pababa pa lang ako nang mahinto akong bigla. Nakasalubong ko si Jimerson na mukhang kanina pang naghihintay.

"Hi, Shitarika," bati niya sa 'kin. Ngunit imbis na batiin ko siya pabalik o ngitian man lang, nakaramdam pa ako ng bigla, gulat at pagtataka dahil binati ako ng isang Octapetala. Ano bang kailangan sa 'kin ng mga Octapetala? Bakit halos karamihan sa kanila, nakakatagpo at nakakausap ko pa?

Marahan kong inilibot ang tingin ko at nakita ang mga tinginan ng bawat estudyante sa 'kin. Gano'n pa rin, bulungan at mga weirdo'ng tinginan.

Imbis na bumaba ako, idiniretso ko na lang ang paglalakad ko sa floor.

"Shitarika, wait!" tawag sa 'kin ni Jimerson pero hindi ko siya nilingunan. "Wala naman akong gagawing masama e. Kakausapin lang kita. Promise."

Hindi ko alam pero bigla na lang nahinto ang katawan ko kasabay ng pagkunot ng noo ko sa tanong sa isipan ko. P-Parang.... Parang narinig ko na yata 'tong linyang 'to?

"Hello, mister. Bakit niyo po pala ako tinawag? May nagawa po ba 'ko?"

He smiled at me first before he answers, "Ilang taon ka na, hija?"

"15 po. Bakit po?"

Pero hindi niya ako tinugunan sa tanong kong 'yon. Sa halip, hinawakan niyang bigla ang kamay ko kaya't nagulat ako sa takot.

"B-Bakit niyo po ako hinahawakan? B-Bitiwan niyo po ako."

"Kakausapin lang kita. Halika, sumama ka sa 'kin."

"H-Hindi po! H-Hahanapin po ako ni m-mama. Hindi po ako sasama sa inyo!"

At nagpipilit akong kumalas pero sadyang malakas siya.

"Wala naman akong gagawing masama e. Kakausapin lang kita. Promise."

Napahawak na lang ako sa ulo ko at nakaramdam ng hilo dahil sa pangyayaring biglang pumasok sa isipan ko.

"Shitarika? Are you alright?" tanong ni Jimerson kasabay ng pag-alalay niya sa 'kin. Hindi na ako nakasagot pa sa kaniya. Nahihilo ako.

Ramdam na ramdam ko ang pagkahilo nang maalala ko ang pangyayaring hindi ko naman alam kung ano. Bakit parang naririnig ko sa tainga ko ang boses ng lalaking 'yon? Bakit ako naroroon sa pangyayaring 'yon? Hindi ko naman siya kilala.

"A-Ayos lang ako," tanging sambit ko bago ako umayos ng tayo. "Ano 'yon?" mahinang tanong ko sa sarili ngunit hindi ko napansin na katabi ko pala si Jimerson at narinig ang sinabi ko.

"Huh? What are you talking about?"

Hindi ko na nagawa pang sagutin ang tanong niya dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Nabigla na lang ako nang buhatin ako ni Jimerson at nagsimula siyang maglakad. Balak ko pa lang sanang magtanong ngunit hindi ko na nagawa dahil kaagad siyang nagsalita.

"I'm taking you to your room. Saka na lang ulit tayo magkita. And besides, mukhang hindi ka pa okay galing sa first night class mo."

Tama siya. Siguro nga tama siya. Simula nang mangyari ang first night class ko, kakaiba na ang mga nangyayari sa 'kin. Panay ang pag-iisip ko sa mga bagay na hindi ko naman mabigyan ng kasagutan. Nakakahilo. Parang nanghihina ako.

Hindi ko napansin na sa hinaba-haba ng nilakad ni Jimerson ay nailapag niya na lang ako sa ibabaw ng kama. Ngayon ko lang napansin na nasa room na ako. Room naming mga babae.

"What happened to her?" dinig kong pag-aalala ni Souzi nang makita niya ako.

"Nahihilo. Medyo hindi pa nakaka-move on sa sugat niya from her first night class. Please take good care of her."

Hindi ko ka siya nagawang pasalamatan dahil unti-unting lumabo at dumilim ang paningin ko.

UNTI-UNTI na lang gumising ang diwa ko nang marinig ko na tila may nag-uusap sa gilid ko. Nang balingan ko 'yon ng tingin ay nakita ko si Mendel at Ligen na kinakausap si Jimerson.

Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Nanlalabo rin ang pandinig ko.

"Shitarika," Narinig ko na lang na may biglang tumawag sa 'kin mula sa kabilang gilid ko. Sina. Souzi at Cali. "Sobrang nag-aalala kami sa 'yo."

Hindi ko na sila nagawa pang sagutin dahil ang mas gumugulo sa isipan ko ay kung bakit nag-uusap sina Jimerson, Mendel at Ligen? Akala ko ba bawal makipagtitigan or something sa mga Octapetala? Bakit si Mend--Ang gulo.

"N-Nasa'n ako?" tanong ko sa kanila dahil hindi pamilyar 'tong kwartong kinaroroonan namin. Ang huli kong pagkakatanda ay hinatid ako ni Jimerson sa room namin.

"Nasa clinic ka. Dinala ka na namin dito para linisin at gamutin 'yang nasa mata mo. Hindi mo kasi pinapatingin since napuruhan ka sa first night class mo e," paliwanag ni Cali. Imbis na magpasalamat ay nanlaki ang mga mata ko. Agad akong tumayo at pumunta ng banyo para tignan sa salamin kung anong ginawa nila.

"Shitarika, bakit ka tumayo agad? Ano ka ba? Hindi ka pa masyadong okay oh," ani Souzi nang sundan niya ako. Hindi ko siya pinansin, sa halip ay tinanong ko ang sarili ko.

Akala ko ba, hindi magagamot sa clinic 'to? But now, I feel fine. It feels totally fine.

"Kung nagtataka ka, normal lang 'yan, Shitarika," sambit naman ni Mendel mula sa labas. Lumabas ako ng banyo at muli silang tinignan. Seryoso silang nakatingin sa 'kin at wala 'yong halong pagtataka dahil sa mga ikinikilos ko.

"Bakit ba kayo lahat nandito? Kanina pa ba kayo r'yan?" tanong ko sa kanila. Hindi ko na napapansin na nakatingin ako sa kanila ng mata sa mata.

"We're here to open up something for you," walang emosyong pagsaad ni Ligen bago siya pumirme sa kaniyang pagkakapwesto at ibinulsa ang mga kamay. "We want to protect you."

Kaagad akong nagtaka dahil sa ipinahayag ni Ligen sa 'kin. Ano? Protect?

"Protect? Para saan? Unti-unti ko namang natututuhan ang night class kahit na mukhang hindi ako komportable kasi--"

"This is not just about the night class, Shitarika. This is all about you," pagsingit naman ni Jimerson sa sinasabi ko.

"Pasasakitin niyo ba ulit ang ulo ko? Hindi ko kayo maintindihan. Kasalanan ko ba ang lahat ng nangyayari dito? Anong dapat kong gawin?" sunod-sunod kong tanong sa kanila sa magkahalong inis at pagtataka.

"Sinabi ko naman sa inyo na sana, hindi muna natin in-open sa kaniya e," singit naman ni Souzi na mukhang nag-aalala pa sa 'kin.

Akmang magsasalita pa lamang si Mendel nang bigla ay may kumatok at pumasok sa kwarto kung nasa saan ako. Sina Loaf at Dather.

"Good to know that you're okay, Shitarika," Nakangiting sabi ni Loaf sa 'kin.

"Pasensya na ah? Hindi kaagad ako nakarating kasi hinanap ko pa 'tong kapatid ko. Sinama ko na siya rito dahil gusto niyang makita si Shitarika," paliwanag naman ni Dather.

"Gusto ko ng bumalik sa kwarto. Kailangan ko ng magpahinga," sambit ni Shitarika ngunit hindi naman pumayag ang lahat.

"Mukhang hindi ka pa maayos. Night class ngayon at siguradong nagpapatayan na ang lahat sa labas. Nanatili muna kami rito para mabantayan ka," paliwanag ni Dather.

"Bakit niyo 'ko kailangang bantayan? Tsaka ang dami niyong nandito. Bakit hindi na lang maiwan sina Souzi, Cali at Mendel para sa 'kin? Bakit may mga Octapetala pa?" pagtatakang tanong ko sa kanila.

Imbis na sagutin ay tila winalang bahala lang nila ang sinabi kong 'yon. Ano bang problema ng mga 'to?

Dahil sa inis ay humiga na lang akong muli sa kama at pahigang tinalikuran sila. Pero kahit na ganito ang pwesto ko ay hindi ko maiwasang hindi makinig sa mga sinasabi nila.

"So? What's new?" Dinig kong tanong ni Ligen.

"They're seeking after her at mukhang approved ito ng Headmistress. Kunsabagay, night class ngayon. Sinasamantala nila ang gabing 'to para sa pagpatay sa kaniya. Palihim na lang kaming pumunta rito at baka may makaalam pa e. Alam mo na, mapapasubo kami ni Loaf at baka mahalata rin tayo't mapag-initan," pagpapaliwanag ni Dather.

"What about the other members? Where are they?" tanong muli ni Ligen.

"Same lang din gaya ng lahat ng estudyante. Pero si Margarret, bwiset lang 'yon sa kaniya kaya gusto siyang puntiryahin, unlike Barkari, Kaire and Deverlene. Mga alagad 'yang mga 'yan e," paliwanag naman ng kapatid ni Dather na si Loaf. "At oo nga pala, pumunta ako sa library to get a book sana kaso I have found something. Look."

At dahil hindi ko na rin mapigilan pa ang pagiging marites ko ay nilingunan ko ang gawi nila para tignan ang ipinapakita ni Loaf.

Nagtaka na lang ako dahil may mga scratch, punit at tila galing pa sa sunog ang aklat na hawak ni Loaf. Ang pagkakasunog at kulay ng aklat e parang matagal ng gano'n. Kumbaga hindi na siya fresh.

"Maglalagay ba ng gan'yang basura sa library?" takang tanong ni Cali sa kanila.

"Hindi ko alam. Pwedeng hindi librarian ang naglagay nito ro'n. I guess, somebody put this in the library para makuha ang atensyon nito," saad naman ni Mendel.

"E bakit naman? Attention seeker ba 'yang naglagay n'yan?" inis kong tanong sa kanila.

"Maybe, 'cause this book contains all about killing every each person who's inside it. And look who's the one," paliwanag naman ni Loaf bago niya ibinuklat ang aklat sa pahinang 'yon.

Halos manlaki ang mga mata naming lahat nang makita kung sino ang naroroon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status