Share

Chapter 7 - Reasons

Shitarika's POV

English class na pero wala ako sa sarili ko. Nakatulala ako sa isang direksyon habang nagtuturo ang professor. Ramdam ko naman ang paligid pero sadyang ayoko lang sirain ang pagkatulala ko.

At isa pa, nararamdaman ko ang presensya ng isang Octapetala. Kasama ko rito si Ligen. Pero ang pinagkaibahan lang, kahit papaano ay humupa ang takot ko sa kaniya.

Sa kalagitnaan ng pagkaklase, bigla na lang natuon ang atensyon namin sa labas. Nakita kong may mga estudyanteng papunta sa isang direksyon na parang may pinagkakaguluhan. Nagbubulungan sila at kung ano-ano pero hindi ko maintindihan. Dahil na rin siguro sa curious ng professor namin, tinawag niya ang isang estudyante.

"What's happening?"

"Sir, may patay po na estudyante sa restroom ng girls."

Dahil sa sinabi niyang ito na dinig na dinig naming lahat, nagbulungan ang mga kaklase ko rito sa room.

"Sino kaya ang may gumawa no'n?"

"Tsk! Dapat parusahan ng Headmistress kung sino man 'yon. Wala pang night class, ah?"

"Baka may galit? But duh! Bawal 'yon."

"Someone entered para pumatay lang."

"Sino kaya ang namatay?"

Gusto kong makiusyoso. Gusto kong makita ang taong 'yon. Hindi ko alam kung bakit? Gustong gumalaw ng katawan ko.

Hindi ko pansin na nakatayo na na pala ako nang tawagin ng prof. ang name ko. "Ms. Morven, bakit ka nakatayo? Our class is not yet finish. Sit down there."

Napunta ang atensyon ng karamihan sa 'kin kaya't naupo na lang ako. Sinulyapan ko ang lahat ngunit napukaw na lang sa pansin ko si Ligen. Nag-iwas siya ng tingin sa 'kin nang magtama ang mga tingin namin. Kanina pa ba niya ako tinitignan?

NANG matapos ang klase, hindi ko na gusto pang pumunta sa cafeteria kung nasa saan sina Mendel, Cali at Souzi. Naglakad ako papunta sa dorm. Ramdam ko na naman ang pagkirot ng kaliwang mata ko. Naupo ako sa kama at gustong alisin ang tela pero hindi ko ginawa. Sa susunod na makikita ko yung naka-red hoodie jacket.

"H-H'wag mo p-po akong p-papatayin. Pakiusap..."

"I'm sorry, kid, but I need to do this. T-This is the only way..."

Hindi ko alam kung ano na lang itong pamgyayari na biglang pumasok sa isipan ko. Nasa may mga bato-bato raw ako at may babaeng may hawak na kutsilyo habang nakatutok sa 'kin.

Nananaginip ba ako ng gising?

Narinig ko na lang kalaunan ang pagbukas ng pinto kaya't tinignan ko 'yon. Nakita ko si Mendel na seryosong nakatingin sa 'kin. "What are you doing here? You suppose to be in the cafeteria with us," takhang tanong niya sa 'kin at saka naglakad papunta sa kinaroroonan ko. "I saw you kaya sinundan na kita. Something wrong?"

"Medyo nahihilo lang ako. Itong sugat ko, medyo kumikirot din. Kaya dumito na lang ako," sagot ko sa kaniya.

"Are you sure you don't want to go to the clinic? Baka lumala 'yang sa mata mo," tanong niya pero hindi na ako nakatugon pa.

"M-Mendel, bakit gano'n? Kani-kanina, may biglang pumasok sa isip ko. H-Hindi ko alam kung ano pero nakakakilabot. Basta nakakita na lang ako ng babaeng gusto akong saksakin. Tapos wala na," bigla kong sambit sa kaniya habang patuloy kong iniisip kung ano ba ang pumasok sa isipan ko kanina.

"What do you mean? That someone wants to kill you?" takhang tanong niya pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Papatayin ako?

Pero sino siya?

At ano ang nagawa ko sa kaniya?

"Mendel, paano ba nakapasok dito sina Cali at Souzi? Bakit parang katakha-takha sa kanila na gumawa ng masamang bagay at mapasok dito. May alam ka ba tungkol sa kanila?"

At sa itinanong kong 'yon, tila nagtakha rin naman si Mendel. "Why do you want to know?" seryosong tanong niya.

"Hindi ko alam. Pero gusto kong malaman. Pakiramdam ko kasi, parang ako lang ang taong hindi alam kung ano ang gagawin."

Naupo siya sa may tabi ko isang pagitan ang layo. Ipinatong niya ang paa niya sa ibabaw ng kabilang hita niya at nag-cross arms. "Their stories were not like their looks. They look like kind and good but the truth is, they killed the people they didn't meant to do."

Sa paninimula pa lang ng kwento niya, hindi ko alam pero parang kinikilabutan ako.

"Cali has a young brother. They were rich and abundant. Hindi mapapasok sa isipan ng lahat na magagawa niya ang bagay na maski siya ay hindi inaasahan. She's jealous to her brother. Tingin niya sa sarili niya, walang silbi at walang ambag. Na hindi siya mahal ng mga magulang niya 'di gaya ng kapatid niya. Until one day, she killed her brother and some of their relatives because of her deep anger and jealousy. And when this university found out what she did, Mr. Martin offered her to study here. And she agreed kaysa kung anong mangyari sa kaniya," pagkukwento ni Mendel habang nakatingin sa isang direksyon. Samantalang ako, napahawak na lang sa bibig ko sa pagkabigla. Hindi ko inaasahan na gano'n kabrutal si Cali lalo na sa kapatid niya.

"Hindi mo ma-imagine na gan'yan si Cali. Mukha siyang cute at mabait sa 'kin. Sa inyo. Pero sa kapatid niya, nagawa niya ang hindi dapat?" tanong ko sa sarili ko.

"That's why weird and merciless students are here. And she's included."

"But what about Souzi?" tanong ko pero hindi na siya tumugon pa. Nakatingin lang siya sa isang direksyon.

"We should go to the cafeteria before the next class started. Kailangan na nating kumain," seryosong sabi niya bago tumayo. Nauna na siyang naglakad pagtapos.

Bakit ayaw niyang ikwento ang kay Souzi? Teka, baka hindi niya siguro alam?

Tumayo na rin ako para sundan siya. Nawala na rin itong pagkahilo at pananakit ng kaliwang mata ko. Dahil bumuti na ang pakiramdam ko, sumunod na ako sa kaniya.

HINDI ako pumasok sa next class ko after kong kumain. Nakakadalawang araw pa lang ako rito pero hindi na ako pumapasok. Baka bumagsak ako nito at malagot kay tita Judie.

Pumunta ako sa may likod ng university dala-dala ang lapis at sketch pad ko at doon tumambay. Walang tao kaya tahimik.

May mga dahon-dahon at may fountain sa may bandang gitna. May statue pa ng 'di ko alam kung ano dahil sira-sira.

Naupo ako sa may bench at muling pumasok sa isipan ko ang biglang napasok sa utak ko. Yung sasaksakin ako ng isang babae. Hanggang ngayon ay tandang-tanda ko ang pagkakaporma ng tayo niya habang may hawak na kutsilyong nakatutok sa 'kin. Dahil dito, sinubukan ko pang i-sketch 'yon.

Panay ang paghinga ko nang malalim habang nasa isipan ko 'yon. Bakit gano'n? Nangyari na ba sa 'kin 'yon?

"Hey, miss," agad kong ibinaliktad ang sketch pad ko sabay lingon sa boses ng lalaking biglang nagsalita sa likuran ko. Pamilyar ang porma at presensya niya. Isa siyang Octapetala. "Don't be afraid, wala akong gagawing masama," sabi niya kaagad dahil naiilang ako sa kaniya.

Naupo pa siya sa bench at may isang dangkal ang pagitan. Nakatingin siya sa 'kin habang nakangiti. Ngiti na normal lang.

"Kumusta 'yang sugat mo sa mata? Alam kong galing 'yan sa night class," sabi pa niya pero hindi ako umimik. Hindi naman ako nakakaramdam ng matinding takot. Sadyang ayoko lang magsalita. "Anong dino-drawing mo?" tanong pa niya.

"Mmm... W-Wala lang 'to," mahinahon kong sagot.

"Hmm... Pero magaling kang mag-drawing. Maganda ang gawa mo," sabi naman niya.

Paano naman niya masasabing maganda e hindi ko naman pinakita sa kaniya 'to.

"Oo nga pala, I'm Jimerson Vinda. I'm the 7th Octapetala. Nice meeting you, Shitarika Morven. Kalat na kalat ang name mo sa buong school. Ano bang nagawa mo?"

Imbis na sagutin siya, isang sulyap lang ang ibinato ko. Napatango na lang siya nang dahan-dahan dahil sa hindi ko pagsagot.

Naiilang ako. Ewan ko kung bakit. "Ahmm... S-Sige, a-aalis na ako," sabi ko nang mabilis akong tumayo.

"Ihahatid na kita sa next class mo," pag-offer niya sa 'kin pero umiling na lang ako. Bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko at nagsimula na siyang maglakad. Gusto ko mang kumalas pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Kaya napasama na lang ako sa paglalakad.

Bago pa man ako makalayo, bigla na lang akong nagtakha at marahang nanlaki ang mga mata nang makita ko ang pamilyar na pamilyar na lalaki na nasa 'di kalayuan sa hallway. Si Ligen. Nakatingin siya sa 'kin nang seryoso at matalim. Ano na naman ba ang nagawa ko?

Ilang minuto ang nakalipas nang maihatid ako ni Jimerson sa room. Pansin ko ang tensyon dahil nakatingin lahat sa 'kin ang mga estudyante. Lahat ay nagbubulungan at nagtatakha dahil kasa-kasama ko ngayon ay isang Octapetala. At nakakatitigan ko pa.

"So? It's nice meeting you once again, Miss Morven. 'Di ako na-inform na shy ka pala. But I hope soon, we can have a conversation. Don't be afraid of me. I'm not like others," sabi niya saka ngumiti sa 'kin. "I have to go. Bye," pagpapaalam niya at nagsimulang maglakad habang marahang kumakaway sa 'kin.

Hindi ko alam na gano'n siya bilang isang Octapetala. Mabait. 'Di katulad nina Margarret at Ligen na seryoso at napakatalim nung bumungad sa 'kin.

NATAPOS ang buong klase at sa wakas ay nasa dorm na lang kami. Hinihintay na lang ang night class. Kasalukuyan kaming kumakaing apat dito sa room. Nagkukwentuhan kami nina Cali at Souzi habang si Mendel ay tahimik. Palagi naman siyang gan'yan.

"Souzi, pwede ba akong magtanong?" bungad kong bigla sa kaniya nang makatyempo ako.

"Ano 'yon?" tanong naman niya.

"Anong nagawa mo?"

Bigla na lang tumingin sa 'kin si Cali dahil sa itinanong ko. Samantalang si Mendel ay tuloy-tuloy lang sa pagkain.

"Bakit naman?" tanong ni Souzi.

"Gusto ko lang malaman. Mukha kasing mabait ka at tsaka hindi gumagawa ng masama. Magkwento ka naman," sabi ko sa kaniya.

"Okay, sige," sabi niya sa 'kin kahit medyo mukhang napipilitan lang siya. Umayos siya nang pagkakaupo at pansin ko ang pagkuyom ng kamao niya kahit na nakatago pa ito. Sa may likod ng hita niya.

"Before, there's a one person who wants to kill all of my family. I was four or five years old that time. An ambush happened and only me and my mother survived that night. Of course, I felt my mother's resentment and hostility for that person. And at the very young age, I made a plan to kill that man. And that's to kill also what's him. Hindi ko alam pero gustong-gusto kong kumilos kahit napakabata ko pa. Pero dahil may ina pa akong natitira, she did what my plan was. And my plan succeed. The man died along with his wife, but unfortunately, his child survived. And my mother? Of course, she died," pagkukwento niya sabay subo ng isang kutsarang pagkain. Yung subo na parang naroroon pa rin yung galit mula sa nangyari sa kanila. "At nang makatungtong ako sa edad na fifteen, ipinasok ako ni Mr. Martin dito. Halos sabay lang kami ni Cali. Medyo nauna ng dalawang taon si Mendel sa 'min."

Hindi ako nakaimik pa sa ikinuwento niya. Grabe pala ang mga sinapit nila. Sa tingin ko, hindi naman nila kagustuhan 'yon. Kahit kay Cali. Mabuti na lang sa 'kin na hindi ko nagawang maging mailang sa kanila dahil naniniwala ako na mababait pa rin sila. Lahat ng estudyante rito.

"And the worst thing what is always bothering me is... What if their child returns and might kill me? I've always waiting since I've been here. Preparing myself for the return of unknown," sabi pa niya.

"Paano kung nakilala mo siya tapos balak ka niyang patayin? Papatayin mo siya?" tanong ko pero natawa siya.

"Syempre, the best thing to survive is to kill," tugon niya. Ngumiti naman ako sa kaniya at ayaw kong ipakita na napipilitan lang ako.

"Alam mo, masakit ang naranasan mo. Parang kahit ako, nararamdaman ko ang nararamdaman mo. Sino ba naman kasing matutuwa kapag nawala ang mga mahal mo sa buhay, hindi ba?" sabi ko sa kaniya at saka hinawakan ang kamay niya. Para pa siyang nagulat sa ginawa ko. Tinignan niya ang kamay ko na nakalapat sa kamay niya at sa 'kin. "Naniniwala akong hindi ka masamang tao. Dala ng galit at paghihinagpis kaya mo nagawa ang bagay na 'yon," sabi ko sa kaniya at saka siya binigyan ng malapad na pagkakangiti. Hinaplos ko ang likod niya dahil kita ko na parang humihikbi na siya at nagpoporma na ang mga luha niya sa mga mata niya.

Nakita ko naman ang reaksyon ni Cali na nakatingin sa kaniya habang nakahinto sa kinauupuan niya, habang si Mendel naman ay nakayuko at naka-cross arms. Tila ba may iniisip siyang napakalalim.

Nag-iwas naman ng tingin sa 'kin si Souzi. Naiiyak na siya.

"Okay! Okay! Bago pa man mag-iyakan, may good news ako! Nakalimutan kong sabihin kanina," singit ni Cali habang ipinapalakpak niya ang mga kamay niya.

"Anong good news?" tanong ko naman sa kaniya.

"Dahil sa Sabado, magkakaroon tayo ng Acquaintance party! Magsusuot tayo ng dress na gusto natin! Magiging shining shimmering splendid tayo ng isang gabi!" Natutuwa niyang sabi at nae-excite.

"Wala tayong class no'n? Night class?" takhang tanong ko sa kaniya.

"Ano ka ba? Sabado 'yon, ano? Wala tayong night class. Bati-bati muna tayong lahat. And then sa linggo, ia-announce kung sino ang may maraming record na napatay sa buong week ng night class. Kada-Linggo nag-a-announce e. And then kapag end naman ng month, may special tayong ginagawa. Mas matindi sa night class. Basta! Saka na 'yon! Party-party muna!"

"Tss! Party-party e maghahanap ka lang naman ng cute guys doon. Alam kong si Jimerson lang ang type mo o si Dather e. Mahilig ka sa Octapetala," singit ni Souzi nang medyo um-okay na siya. Nakikisabay na rin siya kay Cali.

"H-Hindi, ah?! Ikaw, Souzi. Alam ko namang type mo si Barkari at Kaire e. Akala mo, ako lang, ah?" pagdepensa naman ni Cali. Pansin kong namula ang mukha ni Souzi.

"H-Hindi, ah! B-Bawiin mo 'yang sinabi mo!"

Kasunod na lang nangyari ay nagbatuhan at naghampasan sila ng unan habang nag-aasaran. Sabagay, mapoporma ang mga Octapetala. Pansin ko rin 'yon sa kanila. Hindi naman malabong magka-crush ang dalawang 'to ni isa sa kanila.

"Pero teka, bakit hindi niyo isama si Ligen? Kanino naman sa inyo 'yon?" pang-aasar ko nang sumingit ako sa bangayan nila.

"Kay Mendel," sabay nilang tugon na dalawa kasabay ng pagharap sa katabi ko na si Mendel. Nang tignan ko siya, pansin kong matalim ang tingin niya sa dalawa. Pero sa kabila no'n, pansin ko rin ang pamumula ng mukha niya.

Hala!

May crush si Mendel kay Ligen?!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status