Share

Chapter 4 - First Night Class

Shitarika's POV

Hindi na ako pinatuloy ni Mendel sa mga natitira kong klase at ipinaalam sa office dahil sa nangyari. Kanina pa ako iyak nang iyak hanggang ngayong hapon. Hindi ko mapigilan.

"Sshhh... Shitarika, tahan na."

"May araw rin 'yong Margarret na 'yon. H'wag ka nang umiyak."

Pagpapatahan sa 'kin nina Souzi at Cali. Panay rin ang paghaplos nila sa likod ko at pagpunas sa mga luha ko.

"B-Bakit gano'n? Anong nagawa ko kay Margarret? Bakit siya gano'n magalit sa 'kin e wala namang akong sinabihan na kung sino. Hindi ko naman idinaldal ang narinig ko sa kaniya sa restroom e," Umiiyak kong sabi habang ipinupunas ang braso ko sa mga mata ko.

Pansin ko na lang ang pagtititigan nilang tatlo sabay tingin sa 'kin. Bakit? Anong problema ni--

Teka?

N-Nasabi ko ba ang hindi ko dapat sabihin?

Medyo nanlaki pa ang mga mata ko dahil nadulas ako sa sinabi ko. Mukha sila ngayong mga curious na curious. N-Nasabi ko ba?

"Anong narinig mo kay Margarret?" takhang tanong ni Mendel sa 'kin. Binalingan ko siya ng tingin at kita kong seryosong-seryoso siya.

Hala! Sasabihin ko ba?

Baka malagot ako kay Margarret. Bakit kasi dumulas pa ako e!

"E--E kasi... Yung kahapon. Ahmm... Umiihi ako tapos narinig ko na lang yung pagpasok ni Margarret pati nung mga kasamahan niya. E... Nasa cubicle ako kaya hindi nila ako napansin. N-Narinig ko lang naman yung reserved-reserved nila tapos y-yung status daw ni ano... Ni Margarret kay Ligen. 'Yon lang naman y-yung narinig ko. Tapos nakita nila ako nung mahulog yung lapis ko tapos nagbigay sa 'kin ng threat si Margarret. H'wag ko raw ipagkalat," mahaba kong paliwanag kahit kabadong-kabado ako. Panay rin ang paghimas ko ng magkabilang kamay dahil sa pag-aalangan na mag-kwento. "H-H'wag niyong i-ipagkakalat, ah? M-Malalagot ako e," dugtong ko pa sa kanila.

Hindi nakatugon silang tatlo. Nakita ko pa ang mga seryoso nilang mukha at tila nag-iisip. Lalo na si Mendel, mukhang nainis sa sinabi ko. B-Baka idaldal niya. Mukhang malalagot na ako nang tuluyan!

Huminga na lang ako nang malalim kahit na humihikbi ako. "Bakit ganito? Hindi ko maintindihan. Ano ba ang kahahantungan ng isang estudyante kung matignan niya sa mata ang isang Octapetala? Nang dahil sa rule na 'yon kung bakit sa simula pa lang ng pagkaklase ko, kinakabahan na ako. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kagulo ang unang araw ng klase ko," sabi ko pa sa kanila habang nakatingin sa sapin ng kama.

"Hmm... Kasi, Shi, hindi talaga maganda ang kahahantungan no'n lalo na kapag sumapit ang nigh class. Matitindi ang mga Octapetala kapag ikaw ang ta-target-in nila. Lalo na yung mga nakatinginan o nakatitigan nila," dinig kong paliwanag ni Cali kaya't binalingan ko siya ng tingin.

Ano raw?

"Night class? Anong night class? May klase pa tayo sa gabi? At tsaka, ano naman ang mga gagawin nila?" sunod-sunod kong tanong sa sobrang pagtatakha.

"Ahmm... Night class. Ano siya... May klase tayo sa gabi pero--"

"Hindi ordinaryo 'di katulad sa day class," dugtong ni Mendel nang putulin niya ang pagpapaliwanag ni Souzi kaya't sa kaniya naman nabaling ang tingin ko. "Ang night class ang pinakatinutuunan ng pansin ng lahat ng estudyante rito. We are all allowed to kill each other from 10:00 pm to 4:00 am. Sa mga may maraming mapapatay ay siguradong makakatungtong sa top 20, o mas maganda kung mapapabilang ka sa Octapetala," seryosong pa niyang pagpapaliwanag.

"Mendel, ano ba? Masyado mo namang binibigla si Shitarika." ~Cali.

"Hindi mo dapat masyadong dinetelyado lahat. Mahihirapan siya." ~Souzi.

"Tsk! Kung matatagalan pa siyang malaman ang bawat impormasyon, mas madali namang matatapos ang buhay niya. Ngayon na may banta siya from one of the Octapetala members? Siguradong hindi siya titigilan ni Margarret hangga't hindi niya nababawian si Shitarika," dinig kong seryosong pagpapaliwanag ni Mendel habang nakatingin sa kawalan.

"Kung gano'n, bakit ganito ang pamamalakad sa unibersidad na 'to? Normal lang sa kanila na magpatayan ang bawat estudyante sa isa't isa? Dapat natin 'tong sabihin sa mga pulis," suhestyon ko sa kanila. Nakita ko ang mga expression nila na tila hindi sila sumasang-ayon.

"Shitarika, hindi registered ang university na 'to sa pamahalaan. Hindi nila tayo saklaw kundi ang under tayo ng mafia society. 'Yon din ang dahilan bakit wala 'tong specific name. At isa pa, allowed dito ang lahat ng bawal, gaya ng pagpatay, mandaya, at kung ano-ano pa. May certain time nga lang para doon sa mga estudyante," paliwanag ni Souzi sa 'kin.

"Kaya gano'n na lang itapon ang mga estudyante rito. Dahil sa pagiging weird at merciless," dugtong naman ni Cali.

Napapaisip na lang ako sa mga sinabi nila. Sa mga ipinaliwanag nila na gusto kong intindihin pero mukhang mahihirapan ako.

"Ibig ba ninyong sabihin, under tayo ng--ng mafia?" paniniguradong tanong ko sa kanila. Halos sabay silang tumango upang tumugon sa 'kin.

Mafia. Ang tanging alam ko lang sa kanila ay mga gumagawa sila ng masasama, mga mamatay tao at mga sakim.

Pero bakit?

Bakit ako itinapon ng tita Judie ko rito?

Bakit dito pa sa mala-impyernong university na 'to?

Ibig bang sabihin, weird at merciless din ako gaya ng mga estudyante rito?

Pero paano?

"Kaya kung gusto mo pang mabuhay, matuto ka sa sarili mo. Marami ka pang hindi alam na dapat mong malaman. And take note na hindi kita tinatakot. Binabalaan at pinaaalalahanan lang kita. Dahil sa bawat araw na darating sa 'yo, may mga gabi ka ring bangungot. Hindi mo alam kung hanggang kailan magtatagal ang buhay mo rito. You're just like us, weird and merciless. Kaya ka nga ipinatapon ng tita mo rito, hindi ba? And if you want to prolong your life, be weird and merciless. That's the only way para mabuhay," pagpapaliwanag ni Mendel sa 'kin.

"H-Hindi ako tinapon ng tita Judie ko rito. At hindi weird and merciless ang tingin niya sa 'kin," pagtatama ko sa sinabi niya sa 'kin kanina.

"Kung hindi, e ano?" seryosong tanong niya na hindi ko na nasagot pa. Natameme ako. Bakit walang pumapasok na kasagutan sa isip ko?

Hindi kaya... May punto sila sa sinasabi nila?

Weird and merciless din ba ako?

Pero imposible! Sinabi niya sa 'kin na ni-recommend lang niya ako sa Headmistress. 'Yon!

Pero anong dahilan?

Psh! Ano bang mga pinag-iisip ko? Masyado kong ginagawang komplikado ang lahat. Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan.

"Prepare yourselves for the night class," kaagad na lang bumalik ang diwa ko nang magsalita si Mendel. Akmang maglalakad siya palayo nang may biglang pumasok na tanong sa isipan ko.

"K-Kung gano'n pala, h-hindi lang ako ang puntirya ni Margarret? Tumingin kayo ni Loaf sa mata niya kanina. Nakipagtitigan kayo. I-Ibig sabihin, may balak din siyang patayin kayong dalawa ni Loaf?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang marahan paglingon niya sa gawi ko.

"Kung kaya niya akong patayin. But who is she? Hinding-hindi ko siya hahayaan sa kung anong balak niya," seryosong tugon niya. Kasunod na lang nito ay nakita ko ang isang maliit na patpat at bigla itong humaba. Inikot niya pa 'yon at saka ipinatong sa kaniyang balikat. Yung parang monopad. Pero hindi siya monopad dahil may patalim sa pinakadulo nito. Sobrang talim. Parang balisong na itim ang hawak niya.

Naglakad na siya palabas pagtapos nito.

IBINIHIS ko sa sarili ko ang isang type ng uniform na binigay sa 'kin ni Mr. Martin kahapon. Ito pala ang pang-night class.

Nang tignan ko ang reflection ko sa salamin, nakita ko ang style ng uniform. Kulay black siya na parang pang-ninja pero walang pang-takip sa mukha. At sa may kanang dibdib ay may surname na nakaukit.

Bakit wala akong takip sa mukha?

Bakit si Mendel, meron?

Bakit si Cali, style ng ponytail ang pamatong niya? Si Souzi naman, naka-sumbrerong itim.

Wala bang kasama sa uniform ko?

Hindi ko na tinuunan pa ng pansin ang uniporme ko at bumalik sa dorm. Nakita ko silang tatlo na bihis na bihis na at kani-kaniyang upo. "Okay na," sabi ko sa kanila kaya't sabay-sabay silang tumingin sa direksyon ko.

"Anong armas mo, Shitarika?" takhang tanong ni Cali sa 'kin. Tinignan ko naman ang mga kamay ko at wala naman akong hawak. Iwinagayway ko pa ang mga kamay ko bilang tugon.

"E paano ka makakapatay n'yan kung wala kang armas?" takhang tanong naman ni Souzi.

Bigla na lang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi tinanong ni Souzi. "A-Ano? Anong paano makakapatay? Hindi ako pumapatay ng tao," sambit ko sa kanila.

Narinig ko ang pag-ngisi ni Mendel at saka siya nagsalita, "Imposible, lahat ng mga estudyanteng ipinapatapon dito ay mga nakapatay na. Mga mamamatay-tao ang lahat dito. This is the mostly negative reason ng lahat," paliwanag nito.

Imposible! Hindi ko pa nagawang pumatay ng tao. At hinding-hindi ko 'yon magagawa sa buong buhay ko.

At tsaka inosente ako at walang kaalam-alam sa ganito.

"Kapag sumapit na ang alas dies ng gabi, tutunog ang isang malakas na ugong mula sa labas. Ibig sabihin, simula na ng patayan. Lalabas ang lahat sa bawat room para maghanap ng mabibiktima o mapapatay. Pwede ka rin namang magpaiwan, pero abangan mo na lang kung sino ang makakarating dito at makakapatay sa 'yo. Kapag night class, allowed ang lahat na libutin at pasukin ang bawat dorm maging ang mga rooms sa university to find their prey," biglang paliwanag sa 'kin ni Mendel at inayos ang kaniyang salamin sa mata.

Napalunok na lang ako ng laway sa sinabi niya. Wala pa lang takas sa night class na 'to. Pakiramdam ko, mabibingit ako nito sa kamatayan.

"And one more, dahil hindi mo pa alam 'to, sasama ka kay Souzi para makahanap ng mapapatay at makapagtago. Siya na ang bahala sa 'yo," pahabol pa ni Mendel.

Jusko! Magigising pa ba ako nito bukas? Pakiramdam ko, dito na ako mamamatay sa university na 'to.

Nabigla na lang ako nang kunin ni Cali ang kamay ko at may inilapag siya sa palad ko. "Kailangan mo 'to for back up sakaling may balak pumatay sa 'yo," sabi niya sa 'kin nang ibigay niya sa 'kin ang isang kutsilyo na sobra ang talim.

"C-Cali, hindi. H-Hindi ako marunong pumatay. Hindi ko kaya," nauutal kong tugon sa kaniya sa kaba. Binigyan naman niya ako ng isang normal at nakakatahang pag-ngiti.

"Kailangan para mabuhay."

MATAPOS ang ilang oras, gabing-gabi na 9:55 pm na ng gabi. Five minutes na lang at magsisimula na ang night class. Ang patayan sa university na 'to.

Tapos na rin kami sa mga ginawa namin. Nakakain at nakapagpaginga kami para may makuha kaming lakas. Pero ako, imbis na lakas ang makuha ko, kaba at takot pa. Mas dumagdag. Hindi ko pa rin ma-imagine na malalagay ako sa ganitong sitwasyon.

Bigla pa akong napatingin sa tatlo nang marinig ko ang isang malakas na ugong mula sa labas. Parang trumpeta pero malalim na tunog ang lumalabas. Nakakatakot pakinggan.

Nakita ko na lang din ang paghahanda nila at pagiging seryoso. Naging alerto sila. Hawak-hawak ni Mendel ang parang itim na balisong niya na lumiliit at lumalaki. Si Cali, may hawak na pamaypay. Kakaibang pamaypay dahil mala-bakal ito at may patusok-tusok sa dulo. Habang si Souzi ay isang handgun.

Mukhang sanay silang makipagpatayan.

"Ngayon na," dinig kong mariing bulong ni Mendel kaya't hinila ako ni Souzi. Balak ko sanang kunin ang kumot para may pantakip sa sa mukha ko pero hindi ko na nahablot pa 'yon.

Para kaming mga pulis kong makapaglakad, nakayuko pa. Parang may iniiwasan. At pansin ko rin na nakakatakot pa lang tignan ang buong dorm at university kapag madilim na. Para talaga akong nasa haunted.

Bumaba kami hanggang first floor at nagtago sa may bandang sulok. Hindi ako makapaniwala na parang kami lang ang tao rito sa buong dorm. Nasaan ang ibang mga babaeng estudyante? Naghahanap na rin kaya sila ng mapapatay nila?

Nakakatakot naman 'to.

"Kami ni Cali, doon sa kanan. Souzi, ikaw na ang bahala kay Shitarika. Kailangan nating makapatay ng dalawampung estudyante kaagad. Bilis," pabulong ngunit mariing sabi ni Mendel sa 'min. Para siyang leader sa tindig at pananalita niya.

Hinila ako ni Souzi at nahiwalay na kami kina Cali at Mendel. Dumaan sila sa may harapan ng university samantalang sa may likuran naman kami ni Souzi.

Paano kung may nakaabang na pala sa 'min?

Sa 'kin?

Hindi ba't binantaan ako ni Margarret kanina?

"And you! Tignan na lang natin kung makakapasa ka pa mamaya. Prepare yourself for the night class, miss transferee."

Nakaramdam kaagad ako ng pagkakaba at takot. H-Hindi kaya nakaabang na si Margarret para sa 'kin? P-Papatayin ba niya ako?

Sa kalagitnaan ng maingat at tahimik naming paglalakad at pagmamasid ni Souzi, hindi ko alam pero nakaramdam na lang ako ng kakaibang presensya. Malakas. Pero ang alam ko, hindi 'yon presensya ng isang Octapetala.

Tinignan ko ang paligid. Saan kaya nagmumula 'yong presensya na 'yon? Wala akong makita dahil sa dilim ng paligid. Hindi sapat yung kakarampot na ilaw para matignan ko ang buong paligid.

"Kailangan nating umakyat para kaagad tayong makapatay. Kapag naka-sampu tayo, pwede na tayong magtago," bulong ni Souzi sa 'kin.

"A-Ano?" takhang tanong ko pero kaagad niyang tinakpan ang bibig ko at sumenyas na manahimik. Dahil dito kaya't tumango na lang ako. Pagtapos nito, hinila niya ako nang marahan para sumunod sa kaniya. Kailangan naming umakyat sa mismong building ng university. Ang taas nito at napakaluwang. 'Di kaya maunahan kami ng mga iba?

Pagka-akyat namin, dahan-dahan kaming pumunta sa may hallway. Walang katao-tao pero bukas ang mga ilaw. Pero hindi kasing-puti ng liwanag, yung tipong manilaw-nilaw. Nakakatakot tignan.

"Ano? May napapansin ka bang kakaiba? Sabihin mo para maunahan natin sila," bulong ulit ni Souzi sa 'kin habang nakatuon siya sa buong paligid.

"W-Wala pa naman."

Ilang sandali pa nang muli kong maramdaman ang kakaibang presensya na 'yon. Kaagad kong nilingon ang likuran ko at ang paligid. Wala namang tao pero nakakaramdam talaga ako nang kakaiba.

"Ano? May napapansin ka na ba?"

Dinig kong tanong ni Souzi pero hindi ko siya nagawang tugunan pa. Nakatuon lang ako sa may likuran namin.

Bigla na lang akong napalundag sa gulat nang makarinig ako ng dalawang putok ng baril. Hinarap ko ang daan na tinatahak namin nang manlaki ang mga mata ko. Nakabulagta sa daraanan namin ang dalawang estudyante. Isang babae at isang lalaki. Kaagad na lang akong napahawak sa bibig ko dahil sa nakikita ko.

Nakita ko na lang si Souzi na hawak ang handgun niya at umuusok pa ang sa may dulo nito. Hindi ako makapaniwala na gano'n kadali sa kaniya ang pumatay.

Biglang lumapit si Souzi sa dalawang patay na estudyanteng 'yon at may inilagay sa may bulsa sa dibdib ng uniporme nila, kung saan nakalagay ang nakaukit nilang pangalan.

"A-Anong ginagawa mo?" takhang tanong ko sa kaniya.

"I'm just putting my sign na ako ang nakapatay sa dalawang 'to. Meron ka ring pagkakakilanlan. Tignan mo sa bulsa sa dibdib ng uniform mo. Sa may nakaukit mong pangalan," sabi niya sa 'kin.

Tinignan ko ang sinasabing pagkakakilanlan ko raw pang-ebidensya. Nakita ko na lang sa bulsa ko na may bilang na petal ng pulang bulaklak. Ito rin ba ang ilalagay ko kapag nakapatay ako ng estudyante?

"Tara na, para makarami tayo," bulong nito sa 'kin. Akmang aalis pa lang kami nang bigla, nag-off ang lahat ng ilaw. Blackout ang buong university!

Kung madilim na nga kahit may ilaw na kanina, mas lalong dumilim ngayon dahil sa pagkawala ng kuryente. Part ba 'to ng night class? Paano ko malalaman kung nasa saan ang mga may balak pumatay sa 'min?

"H'wag mong intindihin 'yan. Tara na," dinig kong bulong ni Souzi. Kinuha pa niya ang kamay ko at idinikit sa uniporme niya. Nakakapit ako sa kaniya ngayon.

Sana, mabuhay pa kami sa gabing 'to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status