FORTY-SIX (46)-Rhea’s POV –Pakiramdam ko ay umiikot ang buong bahay habang naglalakad ako papunta sa banyo para maligo. Ang tindi ng hangover ko pagkatapos naming mag-inuman nila Mj at Almira hanggang madaling araw. Syempre kasama sila Lorenz, Jc at Ceejay. Parang triple date, ganun. Ideya kasi ito ni Mj. Kaya ang ending absent ako ngayon. At ang malala pa, Bourbon ang ininom namin. Pare-pareho ng tama ng Scotch. Halos sa banyo na nga ako matulog sa kakasuka. At si Mj naman? Beteranong-beterano na sa inuman. Hindi man lang tinablan. At salamat sa taas ng alcohol tolerance niya, nakauwi pa kami. Dahil kung ako lang, malamang sa guest room na naman ako ng party house matutulog.Pinaandar ko ang sink saka naghugas ng kamay. Pagkatapos ay naghilamos na rin upang mawala kahit paano ang aking antok. Matapos kong basain ang mukha ko ay tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Grabe yung eyebags ko oh. Mukha na tuloy akong zombie nito.Napansin ko ang ilang parte ng aking buhok sa bandang
FORTY-SEVEN (47)-Jc’s POV –(flashback from 2 years ago)Pagkatapos ng bonding ay magkasabay kaming naglakad papunta sa abangan ng jeep. Nakatitig akong sa maamong mukha niya habang siya naman ay parang iniiwasan ang aking tingin. Mukha siyang naiilang na akong ang kasabay niyang umuwi. Si Boss Ganda kasi kadalasan niyang kasabay. Kaso nga lang, napasobra ang inom niya kaya lasing siya at hinatid na nila Lil_Ron sakay ng taxi. Pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na magkasabay kaming umuwi. Parang hindi siya nasanay.“Ang tahimik mo jan. Ano bang pinagluluksaan mo?” biro ko.Mukha siyang napilitan ngumiti, “Wala. May gusto sana akong sabihin eh,” sa sobrang hina ng boses niya, hindi ko siya halos marinig.Pero meron din naman akong gustong sabihin sayo. At dahil inunahan mo na ako, mauna ka na.Kinakabahan naman ako sa kung ano ang gusto niyang sabihin.Sinubukan niyang tumingin sa akin pero hindi niya magawang tumingin ng deretso, “Ano kasi, Four… pupunta kami ng Japan ni at
FORTY-EIGHT (48)-Rhea’s POV –Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.
Author's GratitudeMaraming salamat po sa lahat ng sumubaybay sa pangalawang buhay ni Rhea. Salamat sa lahat ng add sa kanilang libraries at sa lahat po ng nagbigay ng gems. sobrang na-appreciate ko po. sobra-sobra po akong nagpapasalamat. mas lubos ko pa pong mapapaganda at maiimprove ang second life ni Rhea kapag nag-share kayo ng thoughts tungkol sa buhay niya thru commenting at the comment section.and to know more about my stories, find and follow me in Facebook.https://www.facebook.com/profile.php?id=100068410103778thank you so much and I'm looking forward for your support on my next and upcoming stories. have a good time reading.
Prologue"Ate...." Napayakap siya ng mahigpit sa akin habang patuloy ang kaba na nararamdaman niya na tila sasabog na ang kanyang dibdib.Malungkot na tumingin ito sa kanya habang pinipigilan nitong tumulo ang kanyang luha, "Wag kang magalala di tayo pababayaan ng Diyos." Niyakap niya rin ito ng mahigpit saka pumikit, "Magdasal tayo."Inabot niya ang kamay nito at hinawakan ng mahigpit habang binaon niya ang mukha niya sa dibdib ng kanyang kayakap, "Wag muna ngayon. Hinihintay niya ang pagbabalik ko." Maluha nitong bulong sa kanyang sarili.Tahimik ang kasama nitong nagdasal. Kabado man ngunit pinaubaya niya na sa Panginoon ang magiging kapalaran ng kanilang buhay.================================================================"Jc.. Jc. Gumising ka na. Magsisimula na."Isang boses ang bumulong sa tenga ko para maging dahilan ng unti-unting pagdilat ng aking mga mata. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at napatingin sa kung saan galing ang boses."Magsisimula na.." Tugon ng isang ba
ONE (1) Naglalakad ako sa path walk ng biglang nakita ko si Sir Villaflor na lumabas mula sa classroom. Siya ang first subject Instructor namin sa umaga at malamang tapos na siyang magturo sa section namin. Napansin kong pareho kami ng path walk na dinadaan ni Sir. Madalas iniiwasan ko siya pero sa sitwasyong ito, alam kong nakikita niya rin ako kaya di na ako lumihis ng daan. Deretso lang ang lakad ko hanggang sa magkasalubong kami. “Good morning, Sir.” Bati ko ng magkalapit na kami. “Kung palaging ganitong oras ka nang pumapasok, Ms. Castino, magiging irregular ka talaga next sem.” Wika ni sir. “Aagahan ko na po sa susunod.” Tugon ko. Tumango lang si sir saka nagpatuloy sa paglalakad. Dumeretso na rin ako sa classroom. Pagpasok ko ng pinto, naabotan kong nagsasalita sa harap si sir Jeff. Instructor namin sa major. Pero nakapagtataka lang, mamayang hapon pa ang klase niya sa amin. “Castino.” Malakas na bangit niya sa apelyedo ko na na
TWO (2)Kinakaladkad ako ni Almira papasok sa isang park, ilang oras pagkatapos ng klase namin. EB kasi ng clan namin at walang akong planong pumunta pero eto ako ngayon, kinakaladkad niya."Wag ka na kasing KJ, crushmate. Sumama ka na." Pagpupumilit pa nito."May magagawa pa ba ako ei hinihila mo na nga ang kamay ko." Sagot kong napipilitan."Wag mo ngang dibdibin. Ngayong gabi ka lang naman absent sa dota." Nakangiting sagot naman niya.Makalipas ang ilang minutong paglalakad, huminto kami sa isang kubong gawa sa kawayan. Halos occupied na ng mga binata at dalaga ang kubong yun. Masaya silang nagkukwentohan sa bawat isa. Halos halakhak ng kahit sinong andon ang maririnig mo. Lahat sila ay panay ang usapan at iilan lang ang tahimik na nakaupo. Mukhang masayahin ang clan na napasokan ko at hindi mga isnaberra ang mga members. Bawat may darating ay kung sinu-sino lang ang lumalapit at nakikipagkamay. Di na rin ako magtataka kung bakit mara
THREE (3)- 3rd person POV -"Rhea, may bisita ka." Sigaw ni Cyrel mula sa sala habang binubuksan ng malaki ang pinto."Sandali lang." Pasigaw namang sagot ni Rhea mula sa kanyang kwarto."Tuloy ka muna. naglalaro pa ata si Rhea ng Dota." Wika naman ni Cyrel sa binatang nasa harapan nito."Salamat po pero dito ko nalang hihintayin si Rhea." Sagot naman nung binata.Maya-maya ay lumabas na si Rhea mula sa kanyang kwarto at naglalakad ito papunta sa main door, "Sino ba yan ate?""Ceejay Gonzaga daw ang pangalan niya." Sagot naman ni Cyrel ng makalapit ito sa kanya.Nagulat si Rhea nang marinig niya ang pangalan ng binatang nakatayo sa harap ng kanilang pinto, kaya mahinang tinulak niya si Cyrel papalayo sa pinto at nakita niyang nakatayong nakangiti si Ceejay sa harap ng pinto."At anong ginagawa mo dito?" Pagtataray na tanong ni Rhea."Kakagaling ko lang sa school at kanina pa nagsimula ang fina