Share

Forty-Eight (48)

FORTY-EIGHT (48)

- Rhea’s POV –

Agad kong sinundan si Jc nang tumagos siya sa ulap na kanyang kinatatayuan. At bago pa man siya muling tumagos sa isa pang ulap, agad kong inabot ang kanyang kamay habang ang aking mga pakpak ay pumapagaspas sa hangin. Konti nalang talaga at lalapag na ang kanyang mga paa sa ulap.

Ang lamig ng kanyang kamay at sobrang pamumutla niya na parang walang dugo sa kanyang mukha. Nagmistulang papel ang kanyang mga labi. Agad naman siyang tumingin sa akin nang mahawakan ko ang kanyang kamay.

“Kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at maniwala sa Panginoon upang maging possible ang impossible,” saad ko sa kanya.

Napatitig siya sa akin ng ilang minuto saka niya binalik ang kanyang tingin sa ulap na nasa kanyang ibaba. Dahan-dahan siyang bumatiw sa aking kamay hanggang sa lumapag ang kanyang paa sa ulap. Napabungisngis siya ng matagumpay niyang naitapak ang kanyang dalawang paa sa ulap. At ako naman ay lumapag sa kanyang tabi kasabay ng pagtiklop ng aking pakpak.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status